Chapter Twenty-Six

Chapter 26

“Theyn,”

“Hmm?”

“Ok na ‘tong passport mo.” Inabot sa akin ni Migo ang brown envelop. Nagdadalawang isip naman akong kunin ‘yon. “Kunin mo na.”

“Eh Migo… kasi, parang ayaw ko nang pumunta do’n. Nahihiya ako. Besides, ayaw kong isipin ni Kent na sinundan ko siya do’n kasi wala akong tiwala sakanya.” Paliwanag ko sakanya. I heard him sigh.

“Bakit mo kasi ipaparamdam sakanya na wala kang tiwala? Pupunta ka do’n kasi miss mo na siya at hindi para tignan kung ano na ang ginagawa nila ni Cassey.” Napakagat lang ako ng pang-ibabang labi.

“H-hihintayin ko na lang siyang umuwi.” Tapos ngumiti ako sakanya. Desidido na ako. Hindi ko siya susundan do’n. I trust him. And I love him that’s why I’ll wait for him to come back.

“Ok. Pero kapag nagbago isip mo. You know where to find me. Mamayang gabi ang flight ko papuntang Colorado.” Iniwan niya ang brown envelop sa desk ko saka umalis.

I was torned. Ilang araw ko na din siyang hindi nakakausap sa phone. Bakit kasi hindi na lang siya umuwi? Ang sarap niyang awayin.

Nakatitig lang ako sa monitor habang binabasa ang mga business emails na natatanggap ko. Ang dami nang nakabinbing trabaho dito para kay Kent. Ang daming hindi maaprubahan na papeles kasi walang pirma niya.

“Kent, miss na kita! Bwesit ka.” I murmured. If only he could hear me. if only I could drag him to come back.

Nagulat na lang ako nang biglang magring ang phone ko na nakacustomize ang ringtone para sakanya. Mabilis pa sa alas-kwatrong sinagot ko ang phone.

“Hello!”

[Theyn,] nanghina ako sa boses niya. Pakiramdam ko ang tagal kong hind narinig ang boses niya. Miss na miss ko na talaga siya.

Hindi ko namalayan na may namumuo nang luha sa mga mata ko.

“K-Kent, umuwi ka na.” pinipigilan kong hindi pumiyok. Ayaw kong malaman niyang umiiyak ako. Para akong bata dito. Baka mababawan siya sa akin eh.

[You don’t know how much I wanted you to say that.] gusto ko makita mukha niya. Galit ba siya? Masaya? Nakakunot o matalim na naman ang mga tingin.

Pinunasan ko ang konting luha sa mata ko. “Miss na miss na kita. Please, Kent. Umuwi ka na. I need you.” Hindi kaagad siya sumagot. That was my cue. Alam kong hindi siya makakauwi agad. It was work. Siguro nagtitimpi lang siya na sigawan ako o sabihin na mag grow up. Pero alam ko naman na hindi pa siya uuwi. I was just pushing my luck.

[Theyn,]

Tumawa ako nang pagak. “Ano ka ba. Joke lang. Alam ko naman na trabaho ang pinunta mo dyan. Maghihintay na lang ako sa pagbalik mo.” I tried my best na maging natural ang boses ko. Ayaw kong isipin niya na apektado ako kahit ang totoo ay halos ikamatay ko na ang pagka-miss sakanya.

[Ah Theyn…]

“Oh sige na, Kent. Busy kasi ako eh. Ang daming trabaho dito. Tsaka alam kong busy ka rin.”

[But—]

“Bye, Kent. I love you,” then I hang up. The more I talk to him longer, the more I’ll miss him.

Ngayon ko lang ‘to naramdaman eh. ‘Yung magselos na wala sa lugar. ‘Yung hindi mo alam kung tama pa ba ang nararamdaman mo. ‘Yung hindi mo alam kung tama bang malaman niyang namimiss mo siya. First time ko kasing pumasok sa isang relasyon kaya hindi ko alam kung ano ang tamang dapat gawin. Kasi kung papairalin ko ang selfish na ako, sasabihin ko sakanyang umuwi na siya kasi miss na miss ko na siya.

Ngayong araw, ilang beses akong kinulit ni Migo na sumama sakanya papuntang Colorado at sundan si Kent. Kahit gustong-gusto ko pinipigilan ko sarili ko.

Umuwi ako sa amin nang maaga at nasa pagdadalawang isip pa din ako kung sasama kay Migo o hindi. Kung sasama ako sakanya, sino naman magbabantay sa dalawa kong kapatid? Hindi ko naman sila pwedeng iwanan dito.

“Haay.” Napabuntong hininga ako habang nahiga sa kama.

Nagulat na lang ako nang pumasok si Haril at Mica sa kwarto ko. Hindi ko man lang namalayan na dumating na sila.

“Ate, pwede ba kaming sumama kay Tita Lorelei? Birthday niya daw kasi at gusto niya kaming i-treat sa labas.” Sabi ni Haril sa akin. Napatayo naman ako saka ko sila nilapitan.

“Nasa’n siya? Nasa labas ba?” tanong ko naman. Wala namang problema sa akin na isama ni Lorelei ang mga kapatid ko. Napalapit na din kasi itong dalawa sakanya at parang Tita na talaga ang turing nila.

“Dumaan po siya sa school kanina. Susunduin niya daw kami. Gusto mo ba sumama, ate?” ani ni Mica. Umiling naman ako. Mas gusto kong mapag-isa ngayon eh.

“Kung gano’n, magbihis na kayo. H’wag niyong papaghintayin ang Tita Lorelei niyo at nakakahiya.” Paalala ko sakanila.

“Opo ate.”

Nagmumuni-muni lang ako at hanggang ngayon nagdadalawang isip kung sasama kay Migo. My heart says go but my mind says stop.

“Hindi ako sasama. Final answer.” Sabi ko sa sarili ko saka lumabas ng kwarto.

Lumabas naman si Haril at Mica at nakagayak na sila. Mabuti pa ‘tong dalaw kong kapatid may lakad lagi. Samantalang ako, nabuburo sa kahihintay kay Kent!

Pumunta akong kusina at kinuha ang phone ko. Dinial ko number ni Migo para tawagan. Agad naman niya ‘tong sinagot at parang ine-expect niya na tawag ko.

[Nagbago na isip mo? Sasama ka na?]

“Hindi. Gusto ko lang na sabihin mo ‘to kay Kent ‘pag nagkita kayo sa Colorado.” Seryoso kong sabi.

[Anything.]

“Tell him to come back here as soon as possible! Kapag wala siya dito sa monthsary namin…” I trail off. Ayaw kong maging hard sakanya. Pero kung ito ang paraan para umuwi siya gagawin ko. Kahit ano pa isipin niya. “Break na kami at sasama ako kay Ivo!” I ended the call bago pa maka-react si Migo.

Wala naman akong balak sumama kay Ivo. Gusto ko lang inisin si Kent kasi napupuno na talaga ako sakanya. Kung ako ang gumawa nito sakanya panigurado galit siya.

***

Kinabukasan, sinadya kong magpa-late tutal wala namang mangbubulyaw sa akin na boss. Nasa loob na ako ng elevator nang kausapin ako ng finance manager namin. Hindi pa daw napipirmahan ang employees salary kaya baka hindi kami magsweldo bukas.

‘H’wag kang mag-alala, kasi hindi rin kami magcecelebrate ng monthsary namin bukas!’ gusto ko sanang sabihin kaso pinigilan ko sarili ko.

Same old boring day ang ginawa ko mag-hapon. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang hikab na ako eh.

Tanghali na nang makarecieve ako ng text kay Migo at sinabing nasa Denver, Colorado na daw siya. Wala naman siyang binanggit tungkol kay Kent pero umasa ako na magkekwento s’ya pero wala. Siguro may jetlag pa ang loko kaya nakalimutan akong iinform.

Gusto kong mag undertime pero naisip ko na wala naman akong gagawin sa bahay kung uuwi agad ako. Ayaw ko naman pumunta sa mall at maiinggit lang ako sa bilihin.

Eksaktong alas singko at nag out na ako. Susunduin ko na lang si Mica at Haril. Nag-jeep lang ako para makatipid. Wala pang 15 minutes nang makarating ako sa school ng dalawa.

Agad kong nakita si Haril na nakaupo sa may Narra na sinemento ang gilid para may maupuan. Kumakain siya ng ice cream.

Lalapitan ko sana siya nang makita kong tumatakbo si Mica na palapit kay Haril. Napakunot noo lang ako nang makita ko kung sino ang kasama ni Mica na nakahawak sa kamay niya at pareho din silang may dalang ice cream.

“T-tatay?” kinakabahan kong sabi. Takot at pangamba ang naramdaman ko kaya agad akong lumapit sa dalawa. Halata naman sa mukha ni Haril na nagulat na makita ako kaya napatayo siya at napatingin sa magaling naming ama.

“A-Ate…” para siyang nakakita ng multo na makita ako.

Napatingin naman sa akin ang aking ama at gulat niya akong tinignan.

“T-theyn? Ikaw na ba ‘yan?” nagagalak niyang sabi. I smirked.

“Anong ginagawa mo dito?! Bakit mo kasama ang mga kapatid ko?!” pinilit kong hinaan ang boses ko dahil may mga bata pa sa paligid na naglalaro.

“A-anak, alam kong galit ka sa akin. Pero nagbago na ako. Maniwala ka sa akin. Patawarin mo sana ako sa mga ginawa ko.” Nagmamakaawa niyang sabi. Napangisi lang ako ng mapait.

“Kahit nagbago ka na, hindi mo na maibabalik ang nangyari. Dahil sa iyo namatay ang Nanay! Napaka iresponsable mo!” hindi siya nakaimik. Do’n ko kinuha ang chance para ilayo sakanya si Mica. Hawak ko sa dalawang kamay ko ang dalawa kong kapatid.

“Umuwi na tayo! Sa bahay tayo mag-uusap!” naglakad na kami pero natigilan ako nang huminto si Mica.

“Ate, nagbago na si Tatay. Hindi mo ba siya kayang patawarin?” sabi ni Mica. Bumalik lahat sa alaala ko ang mga ginawa ng Tatay sa akin at sa Nanay. Hindi ko siya kayang patawarin. Sobra pang sariwa ang sakit na nararamdaman ko sa nangyari. At kapag naiisip ko ang mga paghihirap na dinanas namin mabuhay lang dito sa syudad, mas lalo akong namumuhi.

“Hayaan mo akong ihatid kayo. May sasakyan ako. Kahit ‘yon lang, Theyn. Nakikiusap ako.” Sabi pa niya.

“Ate sige na, please?” pakiusap ni Mica.

“Mica, h’wag mo ng galitin ang ate.” Sabi ni Haril. Alam kong naiintindihan ako ni Haril. Alam ko rin na pinagbibigyan niya lang si Mica na makasama ang Tatay.

“S-sige.” Mahina ko lang na sabi.

“Salamat anak.” Masayang pahayag ng Tatay.

Akala ko simpleng sasakyan lang ang tinutukoy niya. Pero isa itong black Cheverlet SUV at ang mas nakakagulat ay may driver pa ‘to.

Sinamaan ko ng tingin ang Tatay ko at pinauna kong makasakay ang dalawa sa loob para makausap ko siya.

“Myembro ka ba sa sindikato?! Paano ka nagkaro’n ng ganitong sasakyan?” mapanghusga kong tanong sakanya. Kita kong napakislot siya at parang nasaktan sa pambibintang ko. Pero ngumiti din naman.

“Alam kong ‘yon ang iisipin mo, anak. Napaka-imposible nga naman na yumaman ako pagkatapos ng limang taon. Naging TNT ako sa Hongkong 4 years ago. Tinulungan ako ng isang Chinese na babae sa Hongkong. Nahuli ako at na-deport pauwi. Tatlong buwan akong nakakulong. Pumunta siya dito sa Pilipinas at tinulungan akong makalabas. Nagpakasal kami at mayro’n kaming isang anak sa Palawan. May resort kami do’n. Kaya ko nakita ang mga kapatid mo kasi hindi sinasadyang do’n sila nag check in ng kasama nila. Tinulungan ako ni Shaila na hanapin kayo pero bigo ako. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nangyari, Theyn. Alam kong hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon. Pero gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako.”

“Pinabayaan mo kami ng Nanay. Mas inuna mo ang bisyo kesa sakanya. Ang dapat na pambili niya ng gamot ay sapilitan mong kinukuha pambili ng alak mo! Anong klase kang asawa at tatay? Magsisi ka man ay huli na! Wala na ang nanay!” pinipigilan kong hindi maiyak sa harap niya. Malakas ako at nakaya kong buhayin ang dalawa kong kapatid na hindi umaasa sa iba.

“A-alam ko. At kung alam mo lang kung gaano ako pinapatay ng konsensya ko kapag naalala ko ang masasamang bagay na ginawa ko sa inyo. Kaya hayaan mo sana akong patunayan na nagbago na ako. Hayaan mo akong bumawi sa inyong tatlo.” Napabuntong hininga ako.

“Hindi ko sa’yo ipagkakait si Haril at Mica. Pero hindi ibig sabihin na mayaman ka na, ay pwede mo na silang kunin sa akin!”

“Hindi ko sila kukunin sa’yo. Pangako.”

Tinalikuran ko siya saka ako sumakay sa sasakyan.

Kent. Kailangan kita. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko.

----

Sorry kung ang tagal ng update :) Pinag-isipan ko kasi 'to ng bongga! (Oo, pinag-isipan na 'yan sa lagay na 'yan! hahaha) anyway, kumusta na kayo? Me so okay. hahahah anu daw?

PS: Miss niyo na ba si Kent? Kasi ako hindi. hahahaha

.............................

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top