Chapter Twenty-Seven

Chapter 27

Pumasok ako sa opisina na nakasuot ng shades dahil sa namumugtong mga mata. I feel so alone yesterday. Ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ay parang bumabalik sa akin at sa totoo lang hindi ko pa kayang magpatawad. Kung nandito lang si Kent eh ‘di sana siya ang nagbibigay sa akin ng advise kung ano ang pwedeng gawin. And sure enough he can comfort me. Pero wala siya kaya pakiramdam ko mag-isa lang ako ngayon.

Parang wala sa sarili na pumasok ako sa opisina ni Kent at kinuha ko ang ibang papeles sa mesa niya. Naiimagine ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at nakatingin lang sa akin. Naiimagine ko din na miss na miss na niya ako base sa mga titig niya. Hay! Panget na epekto ng shades na ‘to ay si Kent ang lagi kong nakikita.

Hinayaan ko ang imahinasyon ko at kinuha ko ang papeles sa mesa niya. Pero kahit imahinasyon lang ang nakikita ko, nagagwapuhan pa rin ako sakanya. Para lang akong naka 3D glass dahil pakiramdam ko totoo siyang nasa harapan ko.

Napabuntong hininga ako ng malalim at tinanggal ko ang shades ko saka ko sinabit sa collar ng damit ko.

“Miss na miss na kitang gago ka.” Naiiling kong sabi. Lumabas ako sa opisina niya at bumalik sa mesa ko. Tinignan ko ang papeles para lagyan ng stamp ng pirma n’ya. Hindi kasi pwedeng hindi magsahod ngayon ang empleyado.

Unang buklat ko pa lang sa first page ay nakita ko na may pirma na niya at gamit pa ang fountain pen at hindi stamp. Hindi ko alam kung namamalikmata ako kaya lahat ng pahina ay tinitigan ko. At tama nga ako, lahat may pirma na.

Sino naman pipirma nito eh wala naman siya at imahinasyon ko lang ‘yung kanina. Naku! Don’t tell me at pati ang pirma niya naiimagine ko na din. Iba na ito! Kabaliwan na ang tawag dito!

“Theyn…” at pati boses niya naririnig ko na din. Jusme! Ayaw ko pa pong mabaliw!

“Naku Kent, tantanan mo muna ako at nagco-concentrate ako sa trabaho!” I murmured to myself. “Nakakainis.” I mumbled habang inaayos ang papeles.

“Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Hangin ba ako dito?” sabi pa ng aking imahisyon kay Kent kaya mas lalo akong nainis sa sarili ko.

“Imahinasyon ka lang kaya umalis ka na. Nasa Colorado si Kent nakikipaglandian kay talanding Cassey!” sagot ko.

“But I’m here. I came back early for you.” Sabi pa ng imagination ko kay Kent. Tinignan ko naman siya at infairnes, malinaw na malinaw siya sa paningin ko.

“Early sa’yo! Nakakainis ka!”

“Theyn…”

“You’re just a pigment of my imagination so get lost.” Tumayo ako at pumasok sa elevator. Pupunta ako sa HR department para kunin ang DTR ng mga employees.

Nasa 5th floor na ako at pumunta ako sa head ng HR.

“Magse-sweldo na ba, Theyn?” masayang sabi ni Ma’am Gomez. Ang babae na nag-interview sa akin dati.

“Hindi pa po eh.” nasabi ko na lang.

“Eh nand’yan na si Mr. Manjon ah.” sabi niya kaya napakurap ako.

“Ho?”

“Maaga siyang pumasok. Akala nga namin wala pa siya. Mag-oorder sana kami ng pancit at siopao para dito sa office kumain kaso nga nandyan na pala siya.”

So ibig sabihin ‘yung akala kong imagination ko ay totoo pala? Halaaa! Kaya pala may pirma na ‘yung papers para sa release ng salary.

“Pakihatid na lang po ‘yung DTR sa 21st floor. Kailangan ko po kasing bumalik do’n agad.” Hindi ko na hinintay na sumagot si Ma’am Gomez at agad akong nag-abang ng elevator. Nasa 1st floor pa siya.

2nd floor

3rd floor

Bakit hindi man lang niya ako pinilit na siya talaga ang kausap ko at hindi imagination?

4th floor

5th floor

Sumakay na ako kahit siksikan sa loob.

6th floor

7th floor

8th floor

Bumukas nanaman ang elevator at may lumabas. Haay, hindi niya ba ako namiss? Dapat niyakap niya ako! Nakakainis talaga siya!

9th floor

10th floor

11th floor

12th floor

May ibang lumabas sa elevator at mayro’n ding ilang sumakay. Kinakausap nila ako pero ngiti lang sinasagot ko. Nanlalamig kasi kamay ko. Excited na akong makita—I mean awayin siya. Gusto ko siyang pagtatalakan at bulyawan din kagaya ng ginagawa niya sa akin no’n.

14th floor

15th floor

16th floor

17th floor

Kaunti na lang ang sakay sa elevator. Bakit ba pakiramdam ko ito na ata ang pinakamatagal na biyahe ko sa elevator. Kung pwede nga siyang i-full speed eh!

18th floor

19th floor

20th floor.

Ako na lang ang sakay. ‘Yung feeling ko na slow motion ang pag-akyat ng elevator pataas ng 21st floor?

21st floor… thiiiiing!

Nahigit ko paghinga ko nang umapak ako sa office. Nakita ko siyang nakatayo sa pintuan ng opisina at malamlam na nakatingin sa akin. Napakalungkot ng mga mata niya. Imbes na awayin ko siya, nakaramdam ako ng konsensya. Paano ko aawayin ang gano’n expression ng mukha niya? Para siyang puppy na nagpapaawa.

Aysus! ‘Wag kang magpadala sa awa effect niya! Alam niya kasing galit ka kaya ‘yan ganyan!

Eh ang importante nandito na siya. Sagot ko naman sa konsensya ko.

Nandito na nga siya. Pero ano naman ginawa niya no’ng nando’n siya?

Trabaho lang ‘yon. At naniniwala ako sakanya. I trust him.

But you don’t trust the people that surrounds him.

Bwesit! Tumigil ka konsensya at mapapatay kita!

“Theyn…” lumapit siya sa akin. Napalunok naman ako. God, I miss him! Gusto ko siyang sugurin ng yakap pero sobra kong pinipigilan sarili ko.

“Bakit ngayon ka lang?” mangiyak-ngiyak kong sambit. Lumapit siya sa akin at amoy ko na ang paborito niyang pabango. I closed our gap saka naman n’ya ako hinapit palapit sakanya.

“You’re still mine, right? Hindi ka naman sa akin nakikipag break, diba? You’re not going with Ivo?” napangiti lang ako sa kanya. So sinabi nga ni Migo ang banta ko. Malay ko bang sasabihin niya talaga.

“Sasama na sana ako eh. ‘Buti at umuwi ka pa!” kunwari inis kong sabi sakanya. Oo nagtatampo ako sakanya kasi hindi siya umuuwi. Pero ngayong nandito na siya, parang lahat ng inis na nararamdaman ko ay nawala at napalitan ng pagkamiss sakanya.

“Mananalakay talaga ang gagong ‘yon! Diba sabi ko sa’yo layuan mo siya?” hindi naman siya galit. Ang mapupungay niyang mata na sobra kong namiss at ang labi niya na parang laging nang-iimbita.

“E-eh, k-kasi…”

“Sshhhh, hindi ako galit. What’s important is that I’m here at umabot ako sa monthsary natin. Are you still mad at me?” hinaplos niya pisngi ko. Pinakiramdaman ko naman ang loob ko kung nagtatampo pa ako sakanya o galit pero wala akong nakapa kundi ang sobra lamang na pagka-miss sakanya.

“Hindi ako galit sa’yo. Namiss lang kita ng sobra.” Niyakap ko siya ng mahigpit saka ko sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ang bango-bango niya.

Lumayo ng kaunti sa akin si Kent saka niya tinitigan ang mukha ko. I saw him beamed at me.

“Tara sa loob. I have a surprise for you.” Inakay niya ako papasok sa opisina niya.

Lumakad siya papunta sa desk niya saka may kinuha. It was bouquet of roses.

“For you,” inabot niya ang bulaklak.

“Thank you,”

Nakita kong may kinuha pa s’yang kahita sa likod niya at nilabas ang pahabang pulang box at alam ko kung ano ‘yon kahit hindi niya sabihin.

“I personally made this in Colorado. May mining business sila Cassey at nagpaturo ako sa tauhan niya para gumawa ng magandang kwintas,” sabi niya. Hindi ako makatanggi. Ginawa niya ‘to kaya nando’n ang effort. How can I reject it?

It was a silver infinity necklace at may maliliit na diamante sa paligid ng infinity sign.

“My love is infinite, Theyn. Always wear this and it will remind you how much I love you,” isinuot niya sa akin ang kwintas kaya tumalikod ako.

Hinawakan ko ang pendant saka napangiti. Ang ganda niya.

I felt his arms snaked on my waist and rest his chin on my right shoulder.

“Hindi na ulit ako mawawala, pangako.”

***

A.N: Sorry po kung maiksi lang ang update :"< Sabi ko nga sa inyo may writer's block ako ngayon. Haaay.

HAPPY HOLLOWEEN! ^___^

-Ate Thy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top