Chapter Twenty-Nine

                                Chapter 29

        Kinuha ko ‘yung pinag-dryer kong damit ko kahapon saka dali-daling naligo sa CR ng guest room ni Kent.

        Hindi ko kasi alam kung galit siya o nagtatampo. Ayaw ko naman siyang kausapin muna kasi sa palagay ko kailangan kong palipasin ang galit niya.

        Inayos ko lang sarili ko saka bumaba sa sala. Saan kaya siya? Gusto ko sana magpahatid sa bahay para makapagbihis ulit ako at pumasok sa opisina..

        Napabuntong-hininga na lang ako. Nasaan ba siya?

        Lumabas akong bahay niya at nilakad ang malawak niyang lawn palabas sa gate niya. Mukhang wala man lang naliligaw na taxi dito sa hillside. Paano pa ako makakauwi? Mag-lakad? Eh naka 2 inch stiletto ako. Kahit hindi kataasan masakit pa rin kung ilalakad.

        Isang long road ang nilalakad ko at pasalamat na lang ako at may puno sa gilid kaya malilim. Sana may dumaan na sasakyan para maki-hitch na lang ako.

        Masakit na agad ang paa ko kahit hindi pa ako nangangalahati sa nilalakad ko. Alam ko magagalit si Kent kasi hindi ako nagpaalam sakanya.

        BEEP! BEEP!

        Napahinto ako sa pag-lalakad at tiningnan ang sasakyan na humint sa gilid ko. Hindi siya kotse ni Kent. Bumukas ang tinted window ng kotse at hindi ko rin kilala ang driver.

        “You want a ride?” nakangising tanong nang lalaki. Nagdalawang isip ako. Mukhang kaedadan ko lang ang lalaki at sa palagay ko hindi naman siya holdaper o killer. Pero maaring rapist. Pero gwapo naman kaya hindi naman siguro niya 'yon gagawin.

        “Ok lang ba?” tanong ko rin. Tumango naman siya sa akin. Without hesitations ay lumulan ako sa kotse niya.

                  Hindi ako nagsasalita habang nakatingin lang sa labas. Medyo mahaba-haba pa ata ang biyahe kasi hindi pa kami nakakalabas dito sa hillside. Iilan lang kasi ang bahay dito at karamihan ay mayayaman ang nakatira. Bakit kasi dito naisip ni Kent tumira eh feeling ko mas delikado dito kasi kapag may masamang mangyari hindi ka agad makakahingi nang tulong.

        “Saan kita ihahatid?” tanong niya.

        “Kapag nakalabas na tayong hillside puwede mo na akong ibaba. Magtataxi na lang ako,” nakangiti kong sabi sakanya.

        “Are you sure—“

        “Ay!” napareno ang lalaki at napasigaw naman ako nang may mag-over take sa akin at biglang huminto sa gitna nang daan. Agad akong kinabahan nang makita ko kung sino ang bumaba sa familiar na kotse.

        “D'yan ka lang. kakausapin ko lang 'tong mamang 'to.” sabi niya pero agad kong pinigilan ang braso niya.

        “'Wag!”

        “Huh?”

        “B-bababa na lang ako,” sabi ko sakanya. Halos mapatalon pa ako sa kinauupuan ko nang kalampagin ni Kent ang hood ng sasakyan.

        “Teka nga!” galit ding sabi nang lalaki.

        “Huwag ka nang bumaba. Believe me ako ang sadya niya. Pasensya na sa abala,” agad kong binuksan ang pinto.

        Nakita ko si Kent na kahit nakasuot ng sunglass ay sobrang sama ng tingin sa akin. Dumungaw ako sa bintana at nagpasalamat sa lalaki saka ito umalis.

        “Sakay.” Malamig na sabi ni Kent.

        “K-Kent,” I timidly nod saka sumakay sa kotse niya. Agad naman siyang sumakay. Akala ko papaandarin niya agad ang sasakyan pero nakita ko siya nakatingin lang sa unahan at nagtatagis ang bagang.

        “What you did…makes me very very angry, Theyn!” nakatiim bagang siyang tumingin sa akin at parang may nakikita akong apoy sa gitna nang mata niya. “Are you out of your mind?! Bakit ka sumakay sa kotse nang hindi mo kakilala?! Paano na pala kung masamang tao ‘yon?! You’re being reckless again!”

        “Sorry,” was all I can afford to say. Mali ako kaya hindi ko kailangan makipag argumento sakanya.

        “Ihahatid kita sa inyo kasi ‘yon naman talaga ang gusto mo. Puwede kang pumasok sa opisina.” Sabi niya.

        “Kent, sorry na. Huwag ka ng magalit sa akin, please?” nalulungkot ako kapag nag-away kami eh. Lalo na kung alam kong masama ang loob niya pero hindi niya nilalabas. Alam kong nagbago na siya. Pero ayaw kong controlin niya ang nararamdaman niya.

        “Ihahatid na lang kita,” sabi niya pa. Napatango na lang ako sakanya.

        Tahimik lang ako habang sa byahe. Ayaw kong salubungin ang galit ni Kent at baka mas magalit siya sa akin. After all, alam ko kung paano siya magalit at kung paano mawawala ang galit niya.

        Walang imik na umibis ako sa kotse niya. Hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto. He didn’t even say anything. Galit talaga siya sa akin. Hindi ko mapigilang hindi malungkot. Ayaw kong nag-aaway kami. Kung puwede ngang lagi na lang kaming masaya eh.

        Binuksan ko ang pinto ng bahay saka ako pumasok. Hindi na ako nag-abalang lumingon habang sinara ko ‘to.

        Dumeretso ako sa kusina at nakita ko ang note na ginawa ni Haril.

                ‘Ate, gumawa po kami ni Mica ng breakfast mo. :) Kain ka po nang madami.’

                -Haril & Mica

        Napangiti lang ako sa note na ginawa ni Haril. Lagi nila ‘tong ginagawa noon kapag hindi ako umuuwi at nag-o-overtime sa work at umaga na umuuwi.

        Kumain lang ako saka pumuntang kwarto. Kinuha ko ang aking corporate attire at nagbihis. Naglagay din ako ng konting make up. Tiningnan ko ang orasan sa pader at halos 8:45 A.M na. It’s better late than never, ika nga.

-=-

        Papasok na ako sa building nang hilain ako ni Jean papunta sa cafeteria. She was holding a tablet at pinakita niya ‘to sa akin.

        “What’s this?” tanong ko. Masyadong seryoso ang mukha ni Jean at parang hindi mapakali.

        “Panuorin mo ang video clip. 10 seconds lang ‘yan at ang bilis nang pangyayari. Kuha ‘yan sa CCTV,” she explains.

        I tap the screen at nakita kong nagplay ang video which is blurred. A girl was trown in the stero at biglang nawala ang dalawang lalaki sa video. It’s like they were vanished in the thin air.

        “Ano ‘yan?” tanong ko.

        “That place is where Cindy was found, dead. Pinapa-imbistigahan nila ang case ni Cindy.” Bulong niya.

        “So originally hindi siya pinatay d’yan pinatay. Saan sa palagay mo nangyari ang nurder?” I asked.

        “Look at the time and date. I still remember na 45 minutes bago ‘yan mangyari ay pababa kami sa opisina. Sinundan niya ata no’n si Sir Kent at isang lalaki eh. hindi lang ako sure.” Nagulat ako sa sinabi niya.

        “So may chance na sa building siya pinatay?” tumango naman si Jean.

        “Sa underground parking lot.” She concluded. Sobrang lumakas ang kabog sa dibdib ko. Only  the C-Suit is allowed to park their.

        “Sinabi mo na ba sa pamilya ni Cindy ang alam mo?” I asked.

        “Hindi pa. Since wala pa si Florence, ikaw muna ang pinagsabihan ko. Ayaw ko din kasing magconclude. Theyn, I need your help.” Hinawakan niya dalawa kong kamay.

        “A-anong maitutulong ko?”

        “Since parang kanang kamay ka na ng boss, disregard the fact na girlfriend ka niya. Ikaw lang ang puwedeng makakuha ng CCTV coverage 45 minuted ago bago nangyari ang pagtapon kay Cindy.” Kinabahan ako sa sinabi ni Jean. Sa totoo lang natatakot ako. Yes friend ko si Cindy at gusto kong managot ang may gawa nito sakanya pero ayaw kong ma-involve.

        “B-but…”

        “Please, Theyn?” she sincerely begged kaya wala na akong nagawa.

        “I’ll try my best.” Ngumiti lang ako nang tipid sakanya.

        “Thank you. You’re such a good friend.” Tapos niyakap niya ako nang mahigpit.

        Bumalik kami sa office at nakatulala pa din ako. Madaming puwedeng suspect do’n. First is Cindy’s boss, the security guard na nagbabantay sa underground, ang mga C-Suit at ang mas masaklap, ay ang boyfriend ko—si Kent.

        Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko dahilan para mapaigtad ako.

        “K-Kent?!” gulat kong bulalas.

        “Bakit parang gulat na gulat ka?” tanong niya.

        “P-pasensya na. I-itutuloy ko na trabaho ko.” Sabi ko tapos nag-open nang MS word.

        “Theyn, sorry sa inasal ko kanina. Ayaw kong nagkakatampuhan tayo. Sorry na, please?” he squat down para maging magka-level kami at amoy na amoy ko ang pabango niya.

        Parang sa isang iglap nawala ang alalahanin ko sa buhay. Isang sorry lang ni Kent parang nalusaw ang puso ko. Titig pa lang niya parang gusto ko na siyang yakapin.

        “I’m sorry, too, Kent. Oo na, bati na tayo.” Ngumiti siya sa akin tapos niyakap ako.

        “I love you, Theyn. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa akin.”

        Napangiti lang ako sakanya. Mahal na mahal din kita, Kent. At kung sakali man na may alam ka sa pagkamatay ni Cindy, handa akong pagtakpan ka. Gano’n kita kamahal, Kent.

-=-

A.N: Maikli ang update, sorry! ^^

Ate Thy <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top