Chapter Twenty-Four
Chapter 24
“Kailan ba uuwi si Kent?” tanong sa akin ni Migo nang pumunta siya dito sa 21st floor. Nadatnan niya akong gumagawa ng bagong report para pagdating ni Kent ay may mababasa siya.
“Bukas ang flight niya pabalik so nandito na siya sa next day. Bakit?” Migo insist on calling him by his nick name. Naasiwa daw siyang tinatawag ko siyang sir.
“Wala naman. May ipapabili sana kasi ako para sa secretarya ko.” Napaangat naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
“Si Florence?” takang tanong ko.
“H-ha? Ah wala. Sinabi ko ba ‘yon? Ikaw talaga.” Tapos napahawak siya sa batok niya.
“Bakit ka nga pala nandito?”
“Bawal na ba ako dito? Grabe ka ah. You’re hurting my feelings.” Humawak siya sa dibdib niya na parang nasaktan sa sinabi ko.
“Tsk. Ang arte mo ah!” pinipigilan ko din ang mapangiti sa inaakto niya.
“Ganyan ba ang epekto sa’yo ni Kekoy?”
“Anong epekto ka dyan? Umalis ka na nga po Mimoy at marami akong ginagawa.” Sabi ko sakanya. Nakita ko siyang namula. Nahihiya kasi siya kapag tinatawag kong Mimoy.
“Ok. Aalis na. Baka mamaya niyan i-suggest mo pa kay Kent na tanggalin ako sa trabaho. Anyway, you’re the future wife of the CEO so mas malakas ka sa akin.” Sabi niya tapos humalakhak.
Biglang nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niya. Naalala ko nanaman kasi ‘yung reaction ni Kent no’ng naging topic namin ang tungkol sa kasal. It seems like he doesn’t want to marry in church. Hindi ko alam kung ano ang relihiyon niya at hindi ‘yon issue sa akin. Pero bakit parang takot na takot siya?
Hapon na at bigla akong pinababa ni Florence at Jean at pinapunta sa cafeteria. May importante daw kasi silang sasabihin.
“Ano ba ‘yong sasabihin niyo?” nagtinginan muna silang dalawa bago huminga ng malalim.
“Bago namin sabihin sa’yo, promise us na hindi ka matatakot or anything.” Panimula ni Jean. Hindi pa man niya sinasabi natatakot na agad ako. Kung maka-warning naman kasi.
“A-ano ba ‘yon? Kinakabahan naman ako sa inyong dalawa eh.”
“It’s about Cindy.” Ani Florence.
“OMG! Nagpaparamdam siya sa inyo?” gulat kong sabi.
“Hindi ‘yon ano ka ba!” irap sa akin ni Jean.
“Eh ano nga?”
“Sabi sa akin ng kuya ni Cindy na si kuya Cleo, pina-autopsy daw ulit nila ang katawan ni Cindy tatlong araw bago ilibing.” I was shocked.
“Ano daw result?”
“Hindi sila naniniwala na ang dahilan ng pagkamatay ni Cindy ay dahil sa laslas sa leeg niyo.” Ani Florence.
“Sabi ni Kuya Cleo, may kagat daw sa leeg niya dahilan ng pagkamatay niya. At napag-alaman din nila na wala daw dugong lumabas when her body was embalmed.” Pinangilabutan ako dahil sa sinabi ni Jean.
“P-paano ‘yon nangyari?”
“Pinaniniwalaan na hindi daw ordinaryong tao ang pumatay sa kaibigan natin.” Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo sa braso ko.
“Aswang ba gano’n?” natatakot kong sabi.
“Hindi daw nila alam. Pero naniniwala sila na…” Jean trail off at nilibot ang tingin sa paligid.
“Na ano?”
“Vampira daw!”chorus nilang dalawa. Tiningnan ko ng maigi si Jean at Florence. Baka pinagtitripan nanaman ako nitong dalawa.
“Hindi naman sila totoo eh.” nakanguso ko lang na sabi.
“Oy totoo sila ah. Sa probinsya namin naniniwala kami sa gano’n.” ani Jean. Hindi lang ako nakaimik. Hindi ko kasi alam kung maniniwala ako.
“Sa totoo lang natatakot din ako. Kaya kailangan nating umuwi ng maaga. Mabuti ka Theyn at lagi mong kasama si boss mo.” Pang-aasar nanaman ni Florence.
“Nasa Colorado si Kent.” I told them dahilan para manlaki ang mga mata nila.
“Whoaaah! First name basis. Hindi pa rin ako sanay sa inyong dalawa. Hahaha” ani Jean.
“Hay naku friend! Masanay na tayo dahil kung hindi, the future wife of CEO won’t invite us to their wedding.” Pang-aasar na Florence.
“Pero alam mo bang maraming nagpapasalamat sa’yo simula no’ng naging kayo ni Sir?” ani Jean.
“Bakit naman daw?”
“Nahati na daw kasi an attensyon ni Sir Kent. Kaya bumaba ang number ng natatanggal sa trabaho.” Humahagikhik na sabi Florence.
Napailing na lang ako. Naisip pa talaga nila ‘yon eh ‘no?
After ng nakakapangilabot na revelation ng dalawa kong kaibigan ay bumalik na ako sa taas. May 2 hours pa bago ako pwedeng umuwi kaya tatapusin ko na ang aking report. Tuwing gabi lang siya sa akin tumatawag dahil ‘yon ang sabi ko sakanya. Ayaw ko kasi siyang ma-istorbo sa business trip niya. Kahit wala akong tiwala kay Ms. Aragon, alam ko naman na hindi siya papatulan ni Kent.
Nagcocompile ako no’ng mga newly printed documents nang may lumabas na dialogue box sa screen ng pc ko. It an email from our company e-mail.
Hindi ako nagdalawang isip na buksan ‘yon dahil alam kong tungkol ‘to sa business.
Subject: Manjon-Park Holdings
From: [email protected]
Message: Print the attach files. Thank you!
Attach file: Colorado_escapade.docx
Ah, si Sir pala. Agad kong dinownload ang files saka ko pinrint.
“Shiz!” napasimangot na lang ako na makitang ubos na ang ink sa printer na ginagamit ko. I send the document sa printer 2 kung saan naka-connect sa office ni Sir.
“Ayan! Mamaya ko na lang kukunin after kong ma-compile ‘tong report.” Sabi ko sa sarili ko.
Pumasok ako sa opisina ni Kent nang maalala kong sa printer niya ako nag-print no’ng documents na pinadala niya.
“Eh? Isang bondpaper lang?” tinignan ko ang short bond paper at doon ko napagtanto na hindi isang document ang laman ng papel kundi isang picture.
A photo of him smiling together with Ms. Aragon.
Hindi ako dapat mag-over react kasi picture lang ‘yon. It’s not like they were kissing or something. Pero nakakasikip sa dibdib na makakita ng ganitong picture. Siguro kasi we never have had a picture together.
I heavily sigh. Trying to convince myself that this is just a piece of paper with image on it. Pero habang kinukumbinsi ko ang sarili ko mas lalong humihigpit ang hawak ko sa papel at mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
Alam kong nagseselos ako. Hindi ako naïve sa feeling ng selos. Pero iba ‘to. Nakakainis. Simula nang tanggapin ko si Kent sa buhay ko, pinalala ko rin sa sarili ko na hindi isang simpleng lalaki ang boyfriend ko kundi isang ginoo na nakakataas sa lipunan kaya kailangan kong lawakan ang pang-uunawa ko sakanya. I should act as woman and not a girl because my boyfriend is a man not a boy.
There are lots of going on inside my head. Lots of question like why the hell he sends me his picture with Ms. Aragon. For souvenir? That is bullsh-t! Souvenir my ass!
I stormed out his office at agad kong kinuha ang phone ko. Mababaliw ata ako kung puro lang haka-haka ang iisipin ko. I should take action like a girlfriend should always do!
Matagal bago niya sinagot ang tawag. It took me 3 calls bago niya tuluyang sagutin ang tawag ko.
[Boss! You called!] kung hindi ako naiinis sakanya, baka inisip ko na masaya siyang tumawag ako.
“What are you doing as of now?” malamig kong tanong. If I’m going to act as a nagger girlfriend for sure magagalit siya. So kailangan ko pa ding magpakumbaba—because he’s still Kent Manjon whom I fell in love with.
[Pauwi na ako sa hotel. Kagagaling ko lang sa isang event with the Aragon’s. Tatawagan sana talaga kita pagkabalik ng hotel. I wanted to hear your voice. God, I miss you!] nawala bigla ang lahat ng inis at galit na nararamdaman ko. All I could feel is his love and how I miss him right now. I can’t just tell him about my raging jealousy.
“Ah—I miss you, too Kent.” Sagot ko na lang. napabuntonghininga ako dahil sa inakto ko. Pakiramdam ko kahit may right naman akong magtanong naiisip ko pa din na isa akong secretarya. Alam ko ang lugar ko sa buhay niya pero hindi pa rin nawawala ang takot na baka mamaya ipaalala niya sa akin na lahat ng bagay may boundaries.
[Teka—are you ok? Bakit ata matamlay ang boses mo?]
“Ok lang ako. Medyo pagod lang—“
[I told you not to stress yourself lalo na’t wala ako.]
“Tinatapos ko lang ‘yung report para pagdating mo ayos na.]
[Alright. Don’t worry at last na bukas ang tour sa plantation ng mga Aragon. Uuwi agad ako after that.] hindi ko maiwasan ang hindi mapairap. Bakit kailangan kasing ang tagal ng tour! Isang continente ba ang plantation nila?
“S-sige.”
[I’ll call you again later. Hintayin mo tawag ko, ha?]
“Ok. “
[I lo—Kent, darling! Tara na!] napamaang ako sa narinig. Alam kong boses ‘yon ni Cassey Aragon kasi matinis at parang laging nangse-seduce.
“S-sige na, Kent. May pupuntahan pa ata kayo ni Ms. Aragon.”
[Ha? Teka--] hindi ko na siya pinatapos at agad kong binaba ang phone.
Umuwi ako sa amin na masama ang loob. Marami na akong beses na nasaktan ang loob kahit secretarya niya pa lang ako. Pero ‘yung nararamdaman ko ngayon, nakakadurog puso. Ang OA lang kasi kung mag-isip ako as if he was cheating on me.
Hindi ko na nga pinansin si Haril at Mica na naggagawa ng assignment sa sala. Derederetso lang ako sa kwarto at sabay nahiga sa kama kahit hindi pa nagbibihis. Nanlalamig ang katawan ko. Ganito ba talaga ang feeling na nagseselos? Nakakabaliw!
Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras.
Walang tumawag na Kent sa akin. I wanted to cry. Parang sa pinakaunang beses hindi niya ginawa ang sinabi niya.
‘Kent, miss na kita.’
----
Kent and Cassey Aragon on the side ^___^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top