Chapter Twenty

Chapter 20

 

“Eh Ms. Theyn magagalit po ang bossing.”

“Bumaba na po kayo dyan.”

“Kapag nalaman niyang hinayaan namin kayong umakyat sa puno baka mapatay kami no’n.”

Napanguso lang ako habang sinasaway ako ng mga bodyguard ni Sir Kent kasi nakita nila akong nasa taas ng punong mangga at kumukuha ng prutas.

“Eh hindi nga ako mahuhulog kasi sanay ako sa ganito bata pa lang ako.” Pagdadahilan ko saka sumampa sa isa pang sanga para abutin ‘yung magga. Sayang naman kasi nahuhulog lang sila sa lupa na hindi napapakinabangan.

“Pero mapapagalitan po kami ni Sir eh!” sabi no’ng isa. Bale tatlong bodyguard ang nangungulit sa akin ngayon.

“Eh ako ang bahala.” Sabi ko tapos pitas ‘yung pinakamalaking mangga. “Oh catch!” inihulog ko ‘yung pang pitong mangga na nakuha ko.

“Baba na po kayo.”

“Oo na bababa na.” sabi ko. Medyo nangangati na din naman kasi ako. Nakakamiss din pala ang buhay probinsya.

Wala kasi si Sir kaya nakaakyat ako ng puno. May inaasikaso daw siya eh. hindi ko nga alam kung saan kami pupunta mamayang gabi eh.

“H’wag niyo na po ‘yung uulitin, Ms. Theyn. Kami talaga ang malalagot kay bossing eh.” napapakamot na sabi no’ng isa.

“Basta h’wag na kayong magsumbong para hindi tayong lahat malagot.” Nakangisi kong sabi. Binigay ko sakanila ‘yung ibang mangga pero tumanggi sila.

Kanina lang nakausap ko ‘yung mga kapatid ko at mukhang nag-eenjoy naman sila. Nagpasalamat naman ako kay Ma’am Lorelei kasi siya ang nag-aalaga sa mga kapatid ko.

Pakatapos kong magtalop ng mangga, nilagay ko siya sa bowl at saka naman ako gumawa ng sawsawan. Walang bagoong sa ref ni Sir kaya kumuha na lang ako ng toyo at nilagyan ng asukal. Sa kwarto ko nilamutak ang mangga habang nanunuod ng movie.

Henry DeTamble: I never wanted to have anything in my life that I couldn't stand losing. But it's too late for that. It's not because you're beautiful and smart. I don't feel alone anymore. Will you marry me?

Clare Abshire: No. I didn't mean that. I just wanted to try it, to say it, to assert my own sense of free will, but my free will wants you.

Henry DeTamble: So it's a yes?

Clare Abshire: Yes, of course.

Naiiyak nanaman ako habang pinapanuod for the nth time ‘yung The Time Traveler’s Wife. Lalo na no’ng nagpropose na si Henry kay Clare. Hindi siya gano’n ka-romantic pero nakakakilig kasi pag-gising niya may nakasuot ng singsing sakanya.

“WHY THE HELL ARE YOU CRYING?!”

“Por dyos por santo! Nakakagulat ka naman Sir eh!” sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Nag-eemote ako dito tapos manggugulat lang siya.

“Bakit ka umiiyak?” balewala niya sa sinabi ko.

“Po?” naku nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong na-touch ako sa pinanuod ko. Baka isipin ni Sir ang babaw kong tao.

“I said why are you—“

“Saan po kayo galing, Sir?” Pagda-divert ko sa usapan.

“Sa bayan.” Then he trail off at nakita niya ang hindi pa ubos na mangga sa bowl na nakalapag sa bedside table. “Sino nagpitas ng mangga?” he narrowed his eyes on me kaya napalunok ako.

“I-isa po sa mga bodyguards?”

“Liar! Umakyat ka sa puno ‘no?!” hindi naman sumisigaw si Sir pero halata sa boses niya ang pagkainis.

“Hindi naman po ako nahulog.” Pagdadahilan ko pa.

“Eh pa’no kung nahulog ka?!”

“Eh hindi naman nga po kaya wala kayong dapat ipag-alala.”

“Who told you I was worried?” Boom! Ayan kasi Theyn eh. Nag-aassume ka nanaman.

“A-ang ibig ko pong sabihin ay hindi niyo kailangan mag-alala at hindi niyo ako aabunahan kapag na-hospital.” Pinilit kong ngumiti. Bakit ang hilig ni Sir manira ng moment.

Nagulat na lang ako nang may ilapag na paperbag si Sir sa kama ko.

“Ano po ‘to?” takang tanong ko.

“Open it.” Sinunod ko naman siya. Tumambad sa akin ang isang simpleng sleeveless yellow dress. Sa sobrang simple niya ay gustong-gusto ko siya.

“Aanhin ko po ‘to?” masaya kong sabi.

“Ano ba’ng ginagawa sa damit?” naku, may PMS nanaman  ata ang boss ko eh.

“Bakit niyo po ako binilhan ng damit?”

“Isuot mo mamaya. May pupuntahan tayo.”

“Anong oras po?”

“8” pagkatapos no’n ay umalis na si Sir.

“Saan naman kaya kami pupunta?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa damit.

Tumayo ako at nilagay sa hanger ang damit. Binuksan ko din ang bag ko para makapaghanap ng pwedeng iterno sa damit.

Party kaya ang pupuntahan namin ni Sir? Simpleng pagtitipon ba ‘to o engrande? Pero imposible namang engrande kasi simple lang nga ‘tong damit.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko ‘yung bodyguard ni Sir na napadaan sa kusina.

“Psst.” Agad naman siyang napalingon. “Si sir?”

“Umalis nanaman po eh. Pero sabi ni Sir babalik siyang 7:00 PM at dapat daw handa ka na.” napatango lang ako. Bakit ba laging umaalis si Sir? May ginagawa kaya siyang business deal? Pero dapat kasama ako.

Wala naman akong gagawin kaya agad akong pumasok sa kwarto at kumuha ng damit na pwedeng panligo sa dagat. Sinuot ko lang ‘yung maong shorts ko at pink blouse. Asa pang magsuot ako ng two piece habang nagsi-swimming. Nakakahiya kayang maligong halos kakarampot lang ng tela ang tumatakip sa katawan mo.

Hindi ako nagpaalam sa mga bodyguards na aalis. Hello! Parepareho naman kaming binabayaran ni Sir kaya kung tutuusin, hindi ako oblige na sabihin sakanila ang gagawin ko.

Takbo-lakad ang gawa ko papunta sa pang-pang. May namumukod tanging kubo doon na walang ding-ding kaya do’n ko nilapag ‘yung dala kong tuwalya. Iniwan ko na din ang slipper ko.

“Brrrr.” Agad akong nanginig ng maramdaman kong malamig ang tubig. Wala namang alon. In fact, parang ang tahimik nga ng dagat. Pero ang paniniwala namin no’n sa akin, mas matakot ka daw kapag tahimik ang dagat. Kasi malamang na may paparating na bagyo.

Ang asul na kulay ng tubig at sinag ng araw ay parang perfect combination. Ang ganda. Nakakamiss din ‘yung ganito. Sana kasama ko ngayon mga kapatid ko. Mas mag-eenjoy siguro ko kung nandito sila.

Pero hindi ko naman hahayaan na masira ang bakasyon na ‘to na bihira lang mangyari.

Ilang oras din ata ang tinagal ko sa paglalangoy bago ko maisipang umahon. Gusto ko sanang pumunta sa kubo para magpatuyo pero nakita ko ang mga shell sa sea shore kaya namulot ako. Noong bata pa ako, pinapakinggan namin ang loob ng shell. Kapag malakas ang tunog ibig sabihin buhay siya.

Namumulot lang ako ng shells nang maramdaman kong may nakakatitig sa akin. Nilibot ko ang tingin ko pero wala naman. Kaya pinagpatuloy ko ang pamumulot ng shells.

Naglalakad na ako pabalik sa kubo nang mahulog ang mga hawak kong shells. Pag-yuko ko para pulutin ito at nakakita ako ng dalawang pares ng paa. Napakunot ako. Pag-angat ko ng tingin laking gulat ko na makita si Sir Ivo sa harap ko at malapad na nakangiti sa akin.

“Hi to you, too.” Nakangiti niyang sabi. Bigla ko tuloy binitawan ang dala kong shells para makipag shake hands kay Sir. Hindi naman sa natulala ako sakanya kasi crush ko siya. Sobra lang akong nagulat na makita siya dito.

“Kasama niyo po ba si Sir Kent?” tanong ko.

“Ah, eh actually I’m here to surprise him.” Sabi niya saka ako tumango. Bakit naman niya susurpresahin si Sir Kent? Hindi kaya… OM! Baka tama ‘yung hinala ko na bakla nga talaga silang dalawa. At ‘yung pag-aaway nila ay lover’s quarrel lang. nakakapanlumo. Ang gwapo nila para maging bakla lang. “Ok ka lang ba, Theyn?” nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti ako ng pilit sakanya. “Ok na ok po.” Kinuha ko ‘yung tuwalya sa kubo at sinuot ‘yung slippers.

“Gusto mo bang maglakad-lakad sa dalampasigan?” pagyaya niya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Nakakahiya namang tumanggi. Tsaka mamaya pa naman ang lakad namin ni Sir. Hapon pa lang naman.

“Sige po.” Nilagay ko ang towel sa balikat ko at sumabay kay Sir sa paglalakad. Sa gilid lang kami ng dalampasigan naglalakad habang siya panay ang kwento.

“Wala na akong parents. Pero iniwan nila sa akin ang business na gawaan ng appliances kaya ako na lang ang mag-isang tumataguyod no’n. Well together with the stock-holders.” Sabi niya pa. hindi ko mapigilang hindi humanga kay Sir Ivo. Parang bawat bigkas niya ng salita ay may kasamang charm? Nakakaakit at…nakaka-inlove. Parang gusto ko siya lang lagi ang magsasalita.

Nakarating kami sa dulo ng sea shore kung saan may mga cottage at marami-rami na din ang tao. So resort na pala ‘to. may mga kainan din sa gilid ng cottage at abot ko ang amoy nito. Ugh. Nakakagutom.

“Gusto mo bang kumain?” tanong niya. Napatango naman agad ako. Walang hiya-hiya sa taong gutom.

Dadalhin sana ako ni Sir sa may maliit na restaurant pero sabi ko sa barbeque stall lang. pumili ako ng isaw, betamax at barbeque.

“Gusto mo, Sir?” napansin ko kasing ako lang naman ang kumakain.

“Busog kasi ako eh.” nakangiti niya pang sabi.

Tapos na ako sa pagkain. Kinapa ko ang bulsa ko para sana magbayad nang maalala ko na wala pala akong dalang pera.

“Shiz!” bulalas ko.

“May problema ba”

“Naiwan ko pera ko sa bahay! Naligo kasi ako—“

“Ako ang magbabayad. ‘Yon naman talaga ang plano ko.” Haaaay. Bakit ba hindi naging kasing bait ni Sir Kent si Sir Ivo? Loooord! No’ng nagpaulan ka ata ng kabaitan ay tulog si Sir Kent eh. ang daya!

“Nuod tayo ng sunset?” yaya ni Sir na agad ko namang tinanguan. Maraming beses na akong nakasaksi ng sunset pero kahit kailan hindi ko ‘yon na-appreciate kasi bata pa ako noon. Kaya ngayon, sisiguraduhin kong maa-appreciate ko na siya.

“Do you love sunset?” tanong bigla ni Sir.

“Everybody loves sunset, Sir Ivo.” Sabi ko sakanya habang hinihintay na pababa ang araw.

“But why?” tanong niya.

“Po?”

“Why is everybody loving the sunset or even sunrise?”

“Hindi ko rin po alam. Dati noong bata pa ako, I always dream na isang araw, mapapanuod ko ang maglubog ng araw kasama ang mahal ko. At hahalikan niya ako sa noo at sasahin na matulog muna ako at wala akong dapat ikatakot kasi poprotektahan niya ako. At gigisingin niya ako kasi papataas na ang araw at sasabihin niya ang seet nothings. Haaay.” Dreamy kong sabi pero agad naman akong natauhan kasi sa imagination ko, si Sir Kent ang nakikita ko. Weird naman no’n!

“Ang swerte naman ng mahal mo.” Sabi sa akin ni Sir Ivo. Ngumiti lang ako sakanya. Napatingin ako sa wrist watch ni Sir at nakita ko ang oras. Ala sais y media na. Agad akong napatayo saka ko pinagpag ang sarili ko.

“What’s the rush?” nakakunot niyang tanong.

“M-may inuutos po pala sa akin si Sir eh. nakalimutan ko.” Pagdadahilan ko na lang. ang lagkit pa ng feeling ko kasi nga hinayaan kong matuyo ang damit ko na ipinanligo ko sa dagat. Maliligo pa ako at kukulangin ang 30 minutes na paglalakad pabalik.

“Hindi ba pwedeng ipagpaliban?”

“Hindi po pwede!” iniwan ko na si Sir Ivo.

Ang tanga ko. Bakit ko ba nakalimutan? Masyado ata akong nag-enjoy eh. For sure mapapagalitan nanaman ako nito ni Sir eh.

Tumatakbo na ako at naririnig kong tinatawag ako ni Sir Ivo. Hindi ako pwedeng huminto. Malapit na din naman ang Villa at bibilisan ko na lang ang pagligo ko. Sana lang wala pa si Sir.

“Theyn, wait nga!” hinigit ni Sir Ivo.

“Sir nagmamadali po ako!” naiiyak na ako. Ayaw kong magalit sa akin si Sir. Ayaw ko siyang madisappoint sa akin. Ayaw kong nakikitang nakakunot ang noo niya.

“Bakit ba takot na takot ka kay Kent, ha?”

“Wala po akong panahon para sagutin ‘yan, Sir Ivo.” Pilit kong tinatanggal ang braso ko na mahigpit nna nahahawakan ni Sir pero parang wala siyang balak na bitawan ito.

“Hindi mo kailangan matakot sakanya, Theyn!” sabi niya pero nagpupumislag ako. “Ano ba, Theyn! Will you please quit fighting my grip! Kent don’t deserve your concern, your care, or even your fright! Kaya bakit gano’n? Bakit takot na takot ka sakanya?!”

“N-nasasaktan po ako.” Mahina kong sabi. Para naman siyang natauhan at nabitawan ako bigla.

“S-sorry.” Sabi niya. Napatingin ako sa braso ko at kita kong bakat ang pamumula nito.

“A-aalis na po a—“ nagulat na lang ako kasi hinila ako ni Sir iVo at niyakap niya. Nanlaki mata ko sa inakto niya.

“S-sir—“

“Hug me back, please.” Anas niyang sabi.

“But—“

“Bakit pati ang yakapin ako hindi mo magawa?” his voice sounds bitter.

“I don’t know, Sir.” Totoo naman eh. tsaka nakakagulat siya. Bakit ba bigla-bigla na lang niya akong niyayakap?

“Mahal mo ba siya?”

“Po?” bibitaw sana ako sa yakap niya pero mas hinigpitan niya yakap sa akin.

“Mahal mo ba si Kent?”

“Bakit niyo—“ nagulat na lang ako ng bumagsak si Sir Ivo sa buhangin. Paglingon ko, nakita ko si Sir Kent at galit na galit ang mukha na parang papatay ano man na oras.

“I TOLD YOU TO STAY AWAY FROM HER!” Dinuro ni Sir Kent si Sir Ivo tapos kinuha niya ulit si Sir Ivo gamit ang kwelyo at tinapo ‘to.

“S-sir…”

“SHE’S NOT YOURS’!” Sigaw na pabalik ni Sir Ivo. Nasuntok nanaman ni Sir Kent si Sir Ivo kaya tumba nanaman ito.

“KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY UMALIS KA NA DITO! KUNG AYAW MONG MAGKABUKING-BUKING TAYO DITO UMALIS KA NA!!” Parang humahangin ng malakas bawat sigaw ni Sir.

“Babalik ako, Kent! At kukunin ko siya sa’yo!” bumangon si Sir Ivo saka umalis. Nakatulalang nakatingin lang ako sakanya habang papalayo. Bakit parang ang bilis ng pangyayari?

Pinagsisihan kong tumingin kay Sir dahil parang nakakita ako ng impyerno sa mga mata niya. Biglang nanginig ang tuhod ko na parang anytime soon ay tutumba ako.

“S-sir…”

“Bakit mo siya kasama?” nagtatagis ang mga bagang niya.

“Kasi po—“

“Diba sinabi ko sa’yo noon na layuan mo siya?! Ilang beses ko ba ‘yon sinabi sa’yo, ha?!” Ilang beses ko ng nakita si Sir na galit pero ngayon ko lang siya nakitang galit na parang iiyak at sobrang desperado.

“S-sorry po, Sir. Hindi na po mauulit. Lalayuan ko na talaga si Sir Ivo.” Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.  Hindi ko rin alam kung bakit siya umiiyak. Ag alam ko lang, ayaw kong nakikita na galit si Sir. Kasi pakiramdam ko nasasaktan din ako eh.

“Bakit ka umiiyak?” lumapit siya sa akin.

“H-hindi ko po alam.” Masaganang dumadaloy ang luha sa pisngi ko na parang ngayon lang ulit ako umiyak.

“Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak! D-dahil ba sa sinuntok ko si Ivo?! Mahal mo ba siya?!” sinalubong ko ang mata ni Sir at hindi ko maipaliwanag ang emosyon na nakikita ko. If you look through his raging eyes, there’s an emotion that he is hiding and I badly need to find it.

“H-hindi po.” Halos namamaos kong sabi.

“P-pumasok ka na sa kwarto mo. Madilim na.” instead he said. Gusto kong magprotesta. Gusto kong malaman ang iniisip niya at ang nararamdaman niya. “Get inside, Torres.” His voice was reprimanding kaya wala akong nagawa kundi sundin siya.

Tumalikod ako at nakayukong naglakad pabalik sa Villa. Malapit na ako sa kubo nang maramdaman kong sumusunod sa akin si Sir. Hinayaan ko lang siya. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig.

“Torres!” tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Nagpanggap akong walang naririnig. “Theyn.” Napahinto ako. Malamyos ang pagtawag niya sa pangalan ko at parang hinahaplos ang puso ko. Ang sarap sa pakiramdam na tawagin ni Sir sa una kong pangalan.

“Bakit po, Sir?” I asked as I turn around.

“Sorry.” Nagulat ako sa sinabi ni Sir.

“Po?”

“I’m sorry for everything.” Sabi niya.

“Bakit po kayo nag-ssorry?” taka kong tanong.

“Wala.” Sabi niya tapos tumingin sa wrist watch. “7:15 pm pa lang. pwede pa naman ata tayong tumuloy sa pupuntahan natin diba?” sabi niya.

“Oo naman, Sir. Maliligo lang po ako.”

“I’ll wait.”

xxx

Sh-t! This chapter is so soupy! (masabaw!) Pasensya na po. :) Alam kong madaming error. Edit ko na lang some other time. Kbye!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top