Chapter Thirty-Three

Chapter 33

“Ano ang gusto mo? Sa iba pa niya malaman? Sa palagay mo ikakatuwa niya kapag sa iba pa nanggaling ang tinatago mong sikreto?”

“Shut up! Shut up! Shut up!”

“You can make me shut up, Kent. But always remember this, walang sikretong hindi nabubunyag. Don’t think that I care for you. I cared for her. That’s all.”

Hindi ko alam kung paanong nakalabas akong building. Pero kusa akong tumakbo nang marinig ko ang pinagsasabi ni Ivo.

Ano bang sikreto ni Kent na kailangan kong malaman? Niloloko niya ba ako? Bakit hindi niya masabi? Masasaktan ba ako kaya ayaw niyang sabihin? O hindi niya ako kayang pagkatiwalaan para sabihin niya sa akin ang kanyang sikreto.

Kinakabahan ako. Parang nanlalamig ang buo kong katawan. Hindi ko pa man alam kung anong sikreto 'yon eh natatakot na ako. Natatakot ako na baka magbago ang pagtingin ko sakanya. Natatakot ako na baka ikasira ng sikretong 'yan ang relasyon namin.

Napaupo ako sa pavement ng parking lot sa harap lang ng building. There’s this inside me telling na hayaan na 'yung narinig ko at wala 'yung ibang ibig sabihin.

“Ugh! Kainis naman eh!” nasabunot ko ang buhok ko sa sobrang frustrations.

Napabuntong-hininga lang ako nang marinig kong tumunog ang phone ko. A text.

From: 0917xxxxxxx

                       Theyn, punta ka dito sa parking lot—basement. Plz!

Eto nanaman! Sino ba 'to? At ang kulit ng lahi niya ah!

Nakasimangot na tumayo ako at umikot papunta sa basement ng building. Kung sino man siya at kung may masama siyang gagawin sa akin, may guard naman sa entrance ng basement kaya maririnig ako kung sumigaw ako.

Nakarating ako sa basement at wala naman akong tao na nakikita. May mga kotse para sa mga C-Suit including Kent’s car. Kaya ako lang dito. Haay naku, Theyn! Hindi ka na nadala! Diba nga may nagpaparamdam sa'yo dito? Tsk! Imahinasyon ko lang naman 'yon, eh.

“Pssst,”

“Huh?” napalingon-lingon ako sa sumitsit sa akin. “S-sino 'yan?”

“T-Theyn,” the voice—or rather her voice was trembling and it’s very familiar.

“Sino ka? Magpakita ka sa akin,” utos ko habang iginagala ang tingin. Napahinto ako sa isang malaking poste kung saan para akong may nakikitang gumagalaw.

“Ako 'to, Theyn.” Lumabas ang babae sa pinagtataguan niyang poste. Nakakubli siya ng hoody kaya hindi ko makita ang mukha niya.

“Anong kailangan mo sa akin? At sino ka ba?” tanong ko. Dahan-dahan niyang tinanggal ang hood ng jacket niya saka ko na-recognize ang mukha niya.

Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita. Parang gustong kumawala ng puso ko dahil sa gulat at sa hindi inaasahang kakilala na makikita ko ngayon.

“C-CINDY?!” bulalas ko. “P-pero patay ka na! Minumulto mo ba ako?” takot na takot kong sabi. Napahakbang ako paatras pero sumunod siya.

“Namatay nga ako. Pero nabuhay ako. See? Buhay na buhay ako.” Pinagmasdan ko ang mukha ni Cindy. Her face looks groggy. Gulo rin ang buhok niya at nangingitim ang ilalim ng mata niya. Bukod sa dry na dry ang skin niya, alam kong may mali pa sa hitsura niya at hindi ko 'yon matukoy.

“P-Paanong—“ hindi ko alam ang sasabihin. Zombie na ba siya? Mummy returns? “P-paano ka nabuhay?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako naniniwala sakanya na nabuhay siya. Pero sa mga nasaksihan kong katatakutan at kababalaghan eh hindi ko mapigilang hind maging curious.

“Hindi mo ba tatanungin sa akin kung sino ang pumatay sa akin?” ngumisi siya dahilan para mas matakot ako. Her smile is definitely creping me out. Nakakatakot ang Cindy na kaharap ko. At kung totoong buhay siya, for sure hindi na siya normal.

“S-sino ang pumatay sa'yo?” natatakot kong sambit. I kept on walking backwards pero sunod naman siya nang sunod.

She grinned evily, “Walang iba kundi si Kent Manjon! Siya ang pumatay sa akin!” galit niyang sambit.

Laking iling ko naman, “N-no! Hindi siya ang pumatay sa'yo!” kita kong nagdilim ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

“Kaibigan mo ako! Ako ang paniwalaan mo!” takot na takot na ako. Pakiramdam ko ang lamig lamig dito sa basement at hindi siya 'yung klase ng lamig na dala lang ng hangin. Kakaiba. Nakakatakot.

“H-hindi ikaw si Cindy! Patay na si Cindy! Patay na ang kaibigan ko!” Atras ako nang atras hanggang sa isang poste ang maatrasan ko. Takot na takot ako kay Cindy kasi parang anytime sasaktan niya ako. Napapikit na lang ako nang akma niya akong hahawakan.

I waited for her hands to grab me pero nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalsik papalayo.

“Ughhh! What are you?!” she screamed angrily. May paso sa mga kamay niya at umuusok ito.

“A-anong nangyari sa'yo?” akma ko siyang lalapitan pero lumayo siya.

“Huwag kang lalapit!” natatakot niyang sambit.

“C-Cindy—“

Nagulat na lang ako nang biglang parang kinikiliti ang katawan niya at parang nag-iiba ang mukha niya.

She was saying something pero hindi ko naman maintindihan.

“Theyn! Theyn, lumayo ka diyan!” I automatically turn around at nakita ko si Kent na tumatakbo palapit sa akin. Nasa likod niya si Ivo.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Cindy na unti-unting nag-iiba ang anyo pati kay Kent na tumatakbo papunta sa akin.

Everything went slow. Kanino ba ako dapat matakot? Sa nagpapanggap na Cindy? O kay Kent na hindi ko pala lubusang kilala?

Dahan-dahang naglalaho si Cindy hanggang sa maging itim na usok 'to at bigla na lang na lumipad palayo.

“Theyn! Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” sobrang nag-aalalang sabi ni Kent pero hindi ko siya pinansin. Hahawakan niya sana ako sa braso

“D-don’t touch me,” I utter.

“Theyn, it’s me, Kent.” He said.

“Y-you’re not Kent! The Kent I knew don’t hide secrets from me!” I stand firm pero hindi ang luha ko. Kusa itong tumulo sa pisngi ko.

“Theyn, I can explain.” He tried to touch me but I jerked his hand.

“Go on, explain!” matigas kong sabi. Nakipaglabanan ako sa titig niya pero kusa siyang umiwas ng tingin.

“I-I can’t…” he said.

“That’s what I thought.” Napatawa ako ng mapait saka ako tumingin kay Ivo. “Ikaw, Ivo. Sasabihin mo ba sa akin ang sikreto niya?”

“T-Theyn, I wanted to tell you. Believe me gusto kong malaman mo ang totoo. Pero mas gugustuhin mo kung kay Kent manggagaling 'yon, don’t you think?” he said.

“Tell me, Kent! Tell me what’s been going on here! Ano 'yung biglang nagpakita sa akin si Cindy then I found out na isa siya sa mga nagpapakita sa akin na nakakatakot! And you’re secret. Tell me everything or else…” I trail off. I can’t. I knew I can’t say it because personally I can’t do it.

“T-Theyn… I’m sorry… I can’t tell you yet. I’m so sorry.” Nagulat ako nang makita kong may luhang lumabas sa mga mata ni Kent. Masakit na makita siyang umiiyak. Masakit din isiping hindi niya kayang ibahagi ang sikreto niya sa akin. Pakiramdam ko hindi ako importante sakanya.

“I’m the one who should feel sorry for you, Kent. If you can’t tell me your secret, fine. We’re done! I’m done! Unless you change your mind and tell me everything  once and for all!” tinignan ko siya. Waiting for him to talk pero wala. Sa mukha niya, parang wala siyang balak sabihin sa akin ang totoo.

“I can’t believe this!” I mumbled.

Tinalikuran ko siya. Kahit ayaw ko. Kahit mabigat sa dibdib gagawin ko. Hindi niya ako kayang pagkatiwalaan at sobrang sakit noon. Masakit kumpara kung iisipin kong hindi niya ako kayang mahalin. Because the truth is, he loves me. But he doesn’t trust me enough to handle his secret.

-=-

Dali-dali kong nilalagay ang mga gamit ko sa bag. Ayaw kong abutan ako ni Kent dito sa opisina niya. Ayaw kong magbago ang isip ko. Galit ako sakanya. At sa totoo lang, natatakot ako sakanya. Kaya niyang magtago ng sikreto, ibig sabihin kaya niyang magpanggap sa harapan ko.

Nagmamadaling pinindot ko ang button sa elevator na kasalukuyang nasa ground floor. Ugh! Kung kailan nagmamadali ako eh.

Napabuntong-hininga ako nang isipin kong sa emergency exit dumaan. Ika  labing-isang palapag ang kinatatayuan ko ngayon at ikakamatay ko ata kung sa stair ako bababa. But I don’t have a choice. For sure aabutan ako ni Kent.

Bitbit ang bag at shoes ay patakbo kong tinahak ang hagdan pababa. Kahit hingal na hingal na ako ay hindi ako tumitigil. Mas mabuti nang mapagod kesa maramdaman ko ang sakit at galit.

Nasa 17th floor na ako nang marinig kong bumukas ang exit door sa 18th floor. At hindi nga ako nagkamali. Si Kent at nagmamadaling sinusundan ako.

“Theyn, mag-usap naman tayo!” he shout. Hindi ko siya pinansin at tumakbo lang ako. This time, mas mabilis.

“Theyn, please!”

I felt his tight grip holding my arms. Halos namilog ang mga mata ko habang iniisip kung paano siya nakapunta sa akin eh tatlong palapag ang layo niya sa akin.

“Mag-usap naman tayo.” His eyes were pleading.

“Tell me everything. Tell me who you are! Kasi kung pagbabasehan ko ang mga bagay na na-obserbahan ko sa'yo? Baka matakot ako sa sarili kong hypothesis.”

“What’s your theory about me then?” lumapit siya sa akin kaya hindi ako nakapagsalita. His presence blocks my ability to speak.

Naramdaman ko na lang na yakap na niya ako habang sinisiksik niya mukha niya sa leeg ko.

“Please don’t leave me. I beg you, Theyn. Don’t fvcking leave or else I might lose myself.” He was sobbing. Parang pinipiga ang puso ko na makita siyang ganito.

“I-I’m not going anywhere unless you tell me everything.” I told him. Hindi niya pa rin ako binibitawan.

“Can you wait a little more time? Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon mo.” He said.

“Wala ka bang tiwala sa akin? Sa palagay mo ba gano’n kababaw ang pagmamahal ko sa'yo para mag-iba ang pagtingin ko sa'yo dahil lang sa isang sikreto na maaring makasira sa relasyon natin kung hindi mo sasabihin?” I said to him. Lumayo ako sakanya saka ko hinawakan ang pisngi niyang nanlalamig.

“Matatanggap kita, Kent.” Umiiyak na ako. Ayaw ko siyang maging mahina dahil sa akin. Hindi ako sanay na gano’n siya. “At kahit pa sabihin no’ng pekeng Cindy na 'yon na ikaw ang pumatay sakanya, sa’yo pa rin ako maniniwala. Itatago ko ang sikreto mo kasi mahal kita at ayaw kong mapasama ka.” He brushed his fingers in my cheeks at pinalis ang mga luha ko. Pinagdikit niya noo namin.

“Come with me, Theyn. I’ll tell you everything. I’d rather lose everything than lose you.”

Xxx

A.N: HELLO! Hahaha. Silent readers ko. Magparamdam kayo, ples? TT___TT hwag kayong matakot makipag-usap sa akin. Hindi ako nangangagat. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top