Chapter Thirty-Six
Kindly play the song at the right side while reading the chapter para hindi naman boring. Chos! hahaha
PS: Don't hate me for this chapter, guys. That's the way it has to be. ¯\_(ツ)_/¯ Just trust me on this. ヽ(´ー')人(´∇`)人('Д´)ノOkay? Okay!
NOT EDITED. NOT PROOF READ.
Chapter 36
“WHAT WERE YOU THINKING?!” halos mapapikit ako nang sigawan ako ni Kent. Nandito kami sa hospital dahil isinugod namin si Cassey. Bakit? Haay. Muntikan ko na siyang mapatay. Kanina while she was mocking me, bigla na lang nag-dilim ang paningin ko at pakiramdam ko sinaniban ako ng masamang espiritu at bigla ko siyang tinulak. Dahil sa naka-heels siya, madali para sa akin na patumbahin siya. Kinubawan ko siya at doon ko siya pinagsasampal nang walang kalaban-laban. Ang sabi pa sa akin ni Migo na siyang nakakita sa amin, sinasakal ko raw si Cassey.
Kami ni Migo ang nagdala kay Cassey sa hospital katulong ng guards. Si Kent sumunod lang nang mabalitaan ang nangyari.
“I-I’m sorry,” hindi ko mapigilang maiyak nanaman. I didn’t mean any harm. Nadala lang ako sa galit ko kaya nagkagano’n.
“Hindi mo ba naisip na puwede kang sampahan ng kaso ni Cassey? You almost killed her!” hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ang sama ng tingin sa akin ni Kent. Kinakampihan niya ang babaeng ‘yon? Fine nasaktan ko siya! Pero ang sigawan ako?
Kahit nanghihina dahil sa ilang oras akong umiyak ay tinatagan ko pa rin sarili ko.
“You care so much for her,” nasabi ko na lang.
“What?” pinaningkitan niya ako ng mata.
“Tell me, Kent. May gusto ka ba sakanya?”
“What are you saying—“
“May nangyari ba sa Colorado na hindi ko dapat malaman?” pinanatili ko ang pagiging kampante kahit ang totoo ay takot na takot ako. Takot ako sa sasabihin niya. Takot ako sa malalaman ko.
Long pause. Natawa na lang ako ng mapait.
“B-bakit hindi ka makasagot? Oo at hindi lang naman ang sagot, eh.” he tried to touch me pero iwinaksi ko ang kamay niya.
“T-Theyn, let me explain.”
“Okay! Explain! Explain yourself!” sigaw ko sakanya. Nasa gitna kami ng aisle papunta sa private rooms at konting nurse lang ang dumadaan kaya malakas ang loob kong sumigaw-sigaw.
“No’ng nasa Colorado kami hinalikan niya ako—“
Napatigil siya nang makita niyang may tumulong luha sa mga mata ko.
“G-go on. Continue.” Sabi ko.
“Pero hanggang doon lang ‘yon. Maniwala ka sa akin sobra ko ‘yon pinagsisisihan,” napangisi lang ako sakanya.
“And now you’re begging me to believe you? After mo akong sigaw-sigawan?!”
“T-Theyn, I’m so sorry.”
“H-hindi mo alam kung anong pang-iinsulto ang ginawa sa akin ng babaeng ‘yan! Pero narinig mo ba akong nagreklamo sa’yo? Nagsumbong ba ako? Hindi! At kahit gaano ko kagustong sabihin sakanya na boyfriend kita, hindi ko magawa kasi ang lakas ng loob niyang ipakita sa akin na kaya ka niyang angkinin!”
Nakatingin lang siya sa akin. Ito rin ata ang disadvantage kapag ang boyfriend mo ay isang gwapo at mayaman—marami kang karibal.
“At ngayong kinakampihan mo siya, mas doble ang sakit. Masakit gago ka!”
“Sorry, Theyn. H-hindi ko alam.” Sabi niya.
“Pero alam mong nilalandi ka niya pero hindi ka lumalayo!”
“She knows the real me, Theyn. Kaya kahit gaano ko siya gustong ipagtulakan hindi ko magawa kasi kahit hindi niya sabihin, I know she’s silently threatening me about my secret.” Malungkot na sabi Kent.
“K-kailan niya pa nalaman?” walang emosyon kong sabi.
“Bago ako pumuntang Colorado. Bago tayo magbakasyon sa Batanes,” he said. I slightly nodded. Hindi ko alam na may gano’n pala siyang pinagdadaanan.
“K-kapag sinampahan ako ng kaso ni Cassey, h-huwag mo akong kakampihan.” Sabi ko sakanya.
“What?! No! Sasabihin ko sakanyang girlfriend kita—“
“Kent, makinig ka. Kapag sinabi mong girlfriend mo ako, mas lalong magkakaroon siya ng dahilan para ilabas ang totoong pagkatao mo.”
“Hindi ako natatakot.”
Napatingin kami pareho ni Kent sa bumukas na pinto nang lumabas si Migo.
“Gising na si Cassey,” he announce.
“K-kakausapin ko siya.” Sabi ni Kent.
“I’ll go with you.” Ani ko.
“Dito muna ‘ko sa labas.” Sabi naman ni Migo. Laking pasalamat ko kay Migo at hindi niya hinayaang kumalat sa opisina ang nangyari.
Pagpasok namin sa kwarto, nakita ko si Cassey na naka-upo sa kama habang may hawak na remote. May benda ang ulo niya dahil ata sa pagkakaumpog ko at may cast sa leeg niya.
Kay Kent agad napunta ang tingin niya. Agad nag-iba ang expression ng mukha niya as if humihingi ng simpatya.
“Kent,” mangiyak-ngiyak niyang sambit sa pangalan ng boyfriend ko. Nag-papaawa ang mukha niya and believe me, effective ang acting niya.
“Mabuti naman at nandito ka,” she cried. Then she looked at me. nanlaki pa mga mata niya at parang natakot. What the hell. “A-anong ginagawa niyang babaeng ‘yan dito?” takot na takot niyang sambit.
“Cassey, nandito si Theyn para magpaliwanag. I think you have a misunderstand kaya niya ‘yon nagawa.” Mahinahon naman na sabi ni Kent.
“Misunderstanding?! She almost killed me.” she dramatically said. Ang galing niya. Ang galing niya umarte at puwede na siyang ihanay sa mga beteranong aktres.
“Humihingi ako ng tawad sa’yo, Ms. Cassey. H-hindi ko sinasadya,” nakayuko kong sabi. Oo galit ako sakanya. Pero may kasalanan talaga ako. Kahit pa sabihin na siya ang nag-trigger sa galit ko, choice ko pa rin ang actions ko. And I acted unprofessionally.
“I can’t just accept your apology! You need to pay for this!” halata kong gigil na gigil siya sa akin. At for sure, kanina niya pa ako ginantihan.
“Cassey, kung ano man ang nagawa sa’yo ni Theyn, ako na ang humihingi ng pasensya. Ang totoo niyan, nagse—“
“Nagseselos po kasi ako sa inyo, Ms. Cassey!” maagap kong sabi. Hindi ko hahayaan na sabihin ni Kent kay Cassey na kami. Hindi puwede.
“Theyn,” mahinang sambit ni Kent sa pangalan ko. I looked at him saka ako ngumiti ng tipid. Alam kong nagkakatintindihan kami by just looking at each other. He shook his head. Alam kong alam niya ang gagawin ko.
“Maganda ka at mayaman. N-naiinggit ako sa’yo kasi nasa sa’yo na ang lahat.” Sabi ko pero kay Kent pa rin nakatingin. Ayaw kong bumitaw sa mga titig niya. Natatakot akong baka pigilan niya ako.
“Inggit na inggit ako lalo na no’ng malaman kong may gusto rin sa’yo ang boss ko. Naisip ko, gusto ko rin naman siya pero bakit hindi ko siya makuha?” I trail off at tumingin ako kay Cassey. “'Yon pala kasi…i-ikaw ang gusto niya.” May tumulong luha sa mga mata ko sa sinabi ko.
“Theyn!” hindi ko pinansin ang galit na tawag sa akin ni Kent.
“Is that true, Kent? May gusto ka sa akin?” tanong ni Cassey kay Kent. Hindi naman siya sinagot ni Kent dahil nakatitig lang siya sa akin. Puno ng lungkot ang mga mata niya. Nasasaktan siya. Kasalanan ko.
“M-may gusto siya sa’yo, Ms. Cassey. Mahiyain lang ang boss ko kaya hindi niya masabi sa’yo.” Pinilit kong ngumiti sakanya. Nawala na ang galit ni Cassey sa mukha niya. Halatang masaya siya.
“Bakit mo ‘to ginagawa, Theyn?” mahina niyang sabi.
Tumawa ako ng peke. Sh*t lang at ang sakit pala mag-panggap. “A-aalis na po ako. Sana po mapatawad niyo ako, Ms. Cassey. Sorry po, Sir Kent at ako na ang gumawa ng paraan para makapagtapat ka sakanya.”
Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto. naramdaman kong susundan sana ako ni Kent pero tinawag siya ni Cassey.
It hurts like hell. Parang sinusunog ang puso ko sa kasinungalingan na sinabi ko. Pero ayaw kong mapahamak si Kent dahil sa akin. Hindi puwedeng mabunyag ang sikreto niya dahil lang sa akin. Kasalanan ko rin naman, eh. Hindi kami aabot sa ganito kung hindi ko pinairal ang pagseselos kanina. I was so stupid that I have to suffer the consequence.
Nakalabas na ako sa hospital na pinipigilang hindi maiyak. Pumunta ako sa may acasia tree sa gilid ng hospital at doon ako sumandal dahil sobrang nanghihina na ako. Doon ako humingi ng sandalan habang umiiyak.
I need to sacrifice for him because I love him.
Natakip ko ang kaliwang kamay ko sa bibig ko dahil napapalakas ang hagulhol ko. Ganito pala kapag nagmamahal. Kaya mo siyang i-let go huwag lang siyang mapapahamak.
Pinunasan ko ang pisngi ko pati ang mata ko ng medyo kumalma ako.
When I turn around, I saw him standing not far from me. Gabi na at sa totoo lang hindi ko na alam kung anong oras na. the shadow of the acasia tree was hiding his face kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
“Bakit mo ‘yon ginawa?” puno ng lungkot ang boses niya at hindi ko mapigilang hindi masaktan.
“Kent…”
“Para mo akong pinagbili, alam mo ‘yon? Wala ka bang tiwala sa akin na kaya kong malampasan ang sarili kong problema kay Cassey?”
“A-ayaw kong ibunyag niya ang sikreto mo kaya ko ‘yon ginawa.” Bigla na lang na humangin ng malakas.
“Mahal kita pero paano mo ‘to nagawa sa akin! Pakiramdam ko wala akong silbing nilalang sa mundo. You thought It was the right thing to do but the truth is, that what cowards do. Ang takasan ang problema. You made me feel useless. Inapakan mo ang ego ko sa ginawa ko.”
“I may be coward, pero ikaw ang iniisip ko—“
“No! You’re thinking selfish, Theyn!”
“I-I’m sorry, Kent.”
Pilit kong inaaninag ang mukha niya sa dilim bago ako umalis. I heave a heavy sigh bago ko mapagdesisyunang tumalikod. Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.
“Hindi matatapos ang gabing ito na hindi mo binabawi ang sinabi mo kay Cassey. Hindi ako papayag na basta-basta tayo maghiwalay dahil sa babaeng ‘yon.” He said. Hinarap ko naman siya saka ako umiling.
“Hindi ko babawiin ang nasabi ko na.” I said. I heard him cuss.
“W-wala akong pakialam kung ipagkalat niya ang totoong ako. Ikaw ang importante ngayon sa buhay ko. At hindi ako papayag na mawala ka sa akin! Pakiusap naman, Theyn. Take back your words.” Mas lalo akong nailing sakanya.
“Sisiran mo ang buhay mo para lang sa isang tulad ko, Kent? ‘Yon ba ang gusto mo?”
“Hindi sa akin importante ang iisipin nila. Kaya kong iwan ang kumpanya at ang marangyang buhay kung ang kapalit noon ay makakasama ka habang buhay.” He said so determine.
“'Yon na nga, Kent, eh. Alam kong gagawin mo ‘yon at hindi ko ‘yon mapapayagan. Ako ang nakikiusap sa’yo, Kent. Huwag mo namang sirain ang buhay mo dahil lang sa akin.”
“Bakit ba ako lagi iniisip mo?! Wala ka bang bilib sa akin?!” napasigaw na niyang sabi.
I walk towards him at tumingala sakanya, “Kapag ayos na ang lahat, saka mo ako balikan. Maghihintay ako.”
“What do you mean?” nakakunot niyang tanong. Ngiti lang ako sinukli ko sakanya bago ko siya niyakap ng mahigpit.
“Mahal na mahal kita, Kent. Alam kong malalagpasan natin ‘to. Isa lang ‘to sa mga pagsubok sa atin para mapatatag ang relasyon natin.” Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya saka ko hinaplos ang malamig niyang pisngi.
“Lagi kang nandiyan sa para sa akin. Para kang tagapagligtas ko. You are own version of knight in shining armor. And this time, hayaan mo akong mag-ligtas sa’yo.” I gave him a short passionate kiss saka ako lumayo sakanya ng bahagya.
“Mahal na mahal kita, Kent. At kaya kong maghintay gaano pa ‘yon katagal. Kapag handa na tayo pareho at wala ng hadlang sa atin, kusa mo akong mahahanap kahit saan man ako mapunta."
Slowly, I turn around. Pinipigilang hindi lumingon.
-=-=-=-=
( ´_ゝ')Sorry. :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top