Chapter Thirty-Seven
A.N: Hindi ako makatulog. Ang lakas pa ng hangin pati ulan. Haay naku Ruby! Panira ka ng moment! Date ko bukas hindi matutuloy! tsk. Ingat kayo guys ah. Signal number 2 dito sa amin sa Camarines Sur TT__TT Mabuti nga at may kuryente.
Theyn and Ivo at the right side. Mornigh! ^____^
Chapter 37
Pakiramdam ko hapong-hapo ang katawan ko. Ang daming nangyari ngayong araw. Ngayon ko lang nga na-realize na sobra akong napagod simula no’ng maging kami ni Kent. Hindi sa pagmamahal ko sakanya, kundi sa mga bagay-bagay na nangyari sa amin.
Pagbaba ko sa jeep, nakita kong may nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin. Hindi ko kilala kung kanino ang kotse na ‘yon kaya agad akong pumasok sa bahay. Medyo nakaawang ang gate namin kaya derederetso na akong pumasok hanggang loob ng bahay.
“Haril, may bisita ba tayo? Kanino ‘yung—“ natigilan ako nang makita ko kung sino ang kasama nila Haril. Ang tatay. May pancit canton, fried chicken, at coke sa center table.
“Ate, huwag kang magagalit kay tatay. Ako ang nagsabing dalhan niya kami ng pagkain.” Maagap na sabi ni Haril. Bigla naman akong nakonsensya. Masyado ko na bang napabayaan ang mga kapatid ko? Naging iresponsable na ba akong kapatid?
“H-hindi ako galit,” walang gana kong sabi. Wala akong lakas para magalit pa o makaramdam ng kung ano-anung emosyon.
“A-anak, kumain ka muna.” Napatingin ako sakanya. Nag-aalangan ang mukha niya. Si Haril at Mica naman ay parang hinihintay akong mag-salita. Napabuntong hininga na lang ako. Walang dahilan para tanggihan ko sila. Besides, gutom na rin naman pala ako hindi ko lang napapansin dahil sa nangyari kanina.
Nakita kong pinagsalin ako ng pancit ni tatay at nilagyan naman ni Mica ng chicken wings na alam niyang paborito ko.
“Kumain ka ng marami, anak. Pagod na pagod ka ata.” Sabi ni tatay. Inabot niya sa akin ang plato na may lamang pagkain. Tiningnan ko lang ito.
Pilit kong kinakapa ang galit na nararamdaman ko sakanya pero wala akong maramdaman. Hindi dahil sa nasuhulan niya ako nitong pancit. Nitong mga nakaraang araw na puro kay Kent ang attensyon ko kaya napapabayaan ko na ang dalawa kong kapatid. Pero hindi naman pala kasi sundo at hated sila ng tatay. Hindi ko nga alam kung pati pagkain nila sa tanghalian ay ang tatay na rin gumagasto. Masyado akong pre-occupied kay Kent at nakakalimutan ko na ang mga kapatid ko.
“Salamat,” sabi ko pagkaabot ko sa plato. Nakita kong may ngiting sumilay sa labi ni tatay kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Habang kumakain ako, si Mica naman ay masayang-masaya na nagke-kwento sa tatay tungkol sa mga nangyari sa school niya.
“Anak, kumusta ang trabaho?” tanong ni tatay.
“Okay naman po.” Simple kong sagot.
“Weekend bukas, gusto mo bang mag-family dinner? Nasa Taiwan kasi si Shaila.” Sabi niya pa. I should say no. tanggihan ko dapat siya kasi binibigyan ko siya ng chance na pumasok ulit sa buhay ko. Pero ayaw ko ring magpanggap na hindi ko pa siya napapatawad. Hindi pa siguro buo, pero may parte na sa puso ko na tanggap ko na siya.
“S-sige,” sabi ko lang. gulat silang tatlo. Pero halata naman na masaya sila.
Hating gabi na at umalis na rin ang tatay. Ang dalawa kong kapatid ay tulog na ako at heto ako sa labas ng bahay. Nakatingala sa langit kahit walang bituin. Ang dami kong iniisip at hindi ako makatulog.
“Kumusta ka na?”
Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa tabi ko. My eyes widened nang makita ko kung sino ‘to.
“Ivo!” mahina kong sabi pero mariin.
“Alam kong alam mo na kung anong klaseng nilalang si Kent. Iniisip mo ba na kagaya niya ako?” he asked.
“Kahit hindi mo sabihin, alam kong kauri mo siya.” Sabi ko. Napayakap ako sa braso ko dahil sa hangin. Malapit na ang pasko. Ramdam ko na ang simoy ng hangin nito.
“At alam ko rin na may problema kayo,” sabi niya rin. Napatingin ako sakanya.
“Nagkausap kayo?” I asked.
“Oo. At nakausap ko rin si Cassey.” Sabi niya.
“So alam mo na kung ano ang ginawa ko sakanya?”
He chuckes, “Yes. Hindi nga ako makapaniwala na ginawa mo ‘yon, eh.”
“Hindi ko naman ‘yon sinasadya, eh.” nakanguso ko pang sabi.
“Bakit mo sinabi kay Cassey na gusto siya ni Kent?” he asked. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Alam ni Cassey kung anong klaseng nilalang si Kent. Natatakot ako na baka kapag sinabi ni Kent kay Cassey na huwag ituloy ang isasampang kaso sa akin kasi girlfriend niya ako, eh, ipagkalat niya na vampira si Kent.” Sabi ko habang nakatingin sa kalangitan.
“Ugali nga ‘yan ni Cassey. Gusto mo bang patahimikin ko si Cassey?” seryoso niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya.
“A-ano?”
“Patahimikin habangbuhay—“
“Ayaw ko!”
“Hahahaha. Joke lang, ‘to naman. Kasi naman Theyn, eh. Kung ako sana ang minahal mo, wala kang magiging karibal sa akin. At kung mayroon man, makakasigurado ka na ikaw lang ang mamahalin ko.”
“'Yan pa rin ang ipupush mo? Hahaha. Sige lang para mas matawa ako.”
“Alam ko naman na wala na akong katiting na pag-asa. Ibinigay mo na sakanya lahat, diba?” gulat na gulat ako sa sinabi niya. Nag-init bigla ang ang pisngi ko. How the hell did he know about that?!
“Sinabi ba sa’yo ni Kent?!” galit kong sabi.
“W-what? No,” he beamed. “I just know. I can feel it.” he shrugs. Tiningnan ko lang siya na parang ganoon-ba look. Nakakahiya naman. Lahat ba ng vampira malalaman nila kung intact pa ang babae o hindi na?
“Ano na ang gagawin mo?” he asked.
“Hindi ko alam. Gusto ko muna magpahinga sa lahat. Gusto ko munang lumayo.” Malungkot kong sabi.
“Iiwan mo na si Kent?”
“Ano ba ang puwede mong ibigay na advice?” bumaling ako sakanya. Nakita ko siyang ngumisi.
“Kung ako ang tatanungin mo, iwan mo na siya para maagaw na kita.” Nahampas ko naman siya sa sinabi niya.
“Kainis ka naman, eh! ‘Yung seryoso naman kasi!”
“Theyn, wala ako sa posisyon para magbigay sa’yo ng advise lalo na at karibal ako ni Kent sa’yo. Ang magagawa ko lang ay supportahan ka.” Aniya. Nginitian ko lang siya sa sinabi niya.
“Alam ko naman ‘yon.”
“Basta kapag na-realize mo ng ako pala talaga ang mahal mo, just say my name, and I’ll be there.” pareho kaming napahagikhik sa sinabi niya.
“Baliw ka talaga,” I retorted.
“Baliw sa’yo,” He winked.
“Hahaha. Bwesit!” tawang-tawa kong sabi sakanya. Haay. Pasalamat na lang ako kay Ivo at nandiyan siya. Kung hindi ko siya kausap ngayon baka umiyak lang ako magdamag.
“Tawa ka diyan ng tawa. Mamaya niyang ma-fall ka sa akin. Pero okay lang naman sa akin kung maging rebound ako. Matututunan mo rin naman akong mahalin. Sa guwapo kong ito hindi ka ma-fall?” nilagay niya kamay niya sa baba habang pinagyayabang ang guwapo niyang mukha.
“Oo na, guwapo ka na. At ang kaguwapuhan mo ay nakalaan para sa isang babaeng maganda.” Sabi ko sakanya.
“Eh ikaw pala ‘yon? Kasi sabi mo maganda.” I grimace at him.
“Mas maganda sa akin.”
“Wala ng mas gaganda pa sa’yo, Theyn.” Biglang nagseryoso ang mukha niya. Pinamulahan naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
“S-salamat,” nahihiya kong sambit. Nakita ko siyang tumingin sa kalangitan at ngumiti.
“Pumasok ka na sa loob, Theyn. Masyado ng malamig. Baka magkasakit ka pa. Isang alalahanin nanaman ‘yon para sa akin.” I was touched by his gestures. Ang sarap kasama ni Ivo. Hindi dahil sa mahilig siyang mamuri. Ang presence niya kasi nakakagaan sa pakiramdam.
Inayos ko tayo ko saka humarap sakanya. Bigla ko na lang siyang niyakap. I know I caught him off guard dahil hindi agad siya nakapagsalita. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Pinilig ko ulo ko sa dibdib niya saka ako pumikit.
“Payakap muna. Kahit ngayon lang, Ivo.” Mahina kong sambit.
“You can hug me as long as you like. Favor ‘yon sa akin,” I can sense a grin on him pero hindi ko na lang pinansin. Ang importante mawala ang mga iniisip ko.
KINAUMAGAHAN, nagising ako sa malakas na yugyug ni Mica. Antok na antok pa ako pero dinilat ko na mata ko.
“Mica, walang pasok diba?” garagal kong sabi.
“Ate, nandito si tatay. Sama tayo sa bahay niya.” Napakunot ako sa sinabi ni Mica.
“Gabi na ba?”
“Ha?” nalilito namang sabi ni Mica.
“Sabi ko kung gabi na. Diba dinner ang usapan?” ngumiti naman si Mica.
“Eh ate naman, eh! nahihiya lang ‘yon si tatay kahapon pero ang gusto niya talaga family day. Maligo ka na ate para makaalis na tayo. Okay, ate? Bilis na.”
Napailing na lang ako sa kapatid ko. Mabuti na rin atang gawin kong abala ang sarili ko. Wala rin naman akong gagawin at maiisip ko lang lagi si Kent.
I took up a quick shower saka ako nagsuot ng yellow jeans at putting bouse na may baby collar. Nagsusuklay na ako ng buhok nang pumasok si Mica sa kwarto.
“Ready ka na, ate?” napatingin ako sakanya sa salamin at nakita kong nakasuot siya ng pink dress na may ruffles sa sleeves.
“Kaninong damit ‘yan?” tanong ko. Wala kasi akong maalala na biniling damit na gano’n sakanya.
“Binili sa akin ni tatay. Mayro’n din si kuya Haril. Ang dami nga po, eh. Ikaw ate mayro’n din sana kaso nasa bahay daw ni tatay. Baka raw kasi hindi mo magustuhan. Sabi ko kay tatay titingnan ko muna para kapag nakapasa sa taste ko, magugustuhan mo na rin ‘yon.”
“Mica, baka naman na-e-spoil ka na masyado ni tatay. Kapag nasanay ka wala akong pantustus sa’yo” humagikhik siya sa sinabi ko.
“Ang ganda mo ate. Nagmana ako sa’yo.” Pag-iiba niya sa usapan.
“Sa nanay tayo nagmana, Mica.” I reminded her.
Past 9AM na nang makaalis kaming bahay. I can feel that tatay is reaching out for me pero medyo aloof pa rin ako. Ayaw ko lang maging showy sa nararamdaman ko ngayon. Darating din tayo diyan.
Mica keeps on singing kahit wala sa tune. Ang saya nilang kasama ang tatay. At hindi ako nagsisisi na hindi ko sila nilayo sakanya. I want them to be happy.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita kong papasok kami sa bahay ni tatay. I thought it was just an ordinary big house. Pero nagkamali ako kasi para na siyang mansion. May security guard house sa gilid ng engrandeng gate at nagbukas ito nang marinig na nagbusina ang sasakyan.
Akala ko tapos na ang pagkamangha ko. Hindi pa kasi habang papasok kami, may mga ilang puno sa gilid at mga bushes and topiaries. Everything is green at may mga iba’t-ibang flowers ang orchids.
“Ang ganda,” I heard Mica whispers.
“Baba na kayo mga anak. Huwag kayong mahihiya. Anak ko kayo kaya bahay niyo na rin ito.” Rinig kong sabi ni tatay.
Pumasok kami sa bahay at may iilang katulong na papunta sa kung saang silid pagkakita sa amin. Take note, naka-uniporme pa sila. Akala ko sa TV lang ‘yon.
“N-nasaan ‘yung asawa mo?” tanong ko habang nakatingin sa portrait. It was tatay at ang Shaila na sinasabi niya ata. Asian ang mukha niya and very Chinese.
“Nasa Taiwan siya anak—“
“Sir…” narinig kong bulong ang katulong kay tatay.
“Nasa study room pala siya. Kadarating lang daw.” Napalingon naman ako.
“Okay lang ba sakanya na nandito kami?” I asked.
“Matagal na niya kayong gustong makita. Mabait si Shaila kapag nakilala niyo.” He said.
Mas mabait pa rin ang nanay. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko sarili ko. Ayaw kong masira ang araw na ‘to para sa mga kapatid ko.
“Theodoro, are you there?” we heard a very soft voice. Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na pababa sa mataas na stair case. “There you are. I’ve been—“ natigilan siya nang makita kami. “Is that them?” naging masaya ang boses niya. Maganda siya sa portrait pero mas maganda pala siya sa personal.
“Yes, they are, Shaila.” Masayang sabi ni tatay.
“You must be, Theyn?” sabi niya nang makalapit sa amin. Tumango lang ako.
“And you’re the apple of the eye, Mica. And the unico hijo, Haril.”
“Nagsasalita po kayong tagalog? Kasi po magaling po ako sa math pero mahina ako sa English.” Napapakamot na sabi ni Haril.
“I can speak tagalong, hijo. Your father taught me,” pinagmasdan ko lang siya. Pilit binabasa kung sincere ba naman ang mga ngiting pinapakita niya.
“Kailan ka pa umuwi, Shaila?” tanong ni tatay sa asawa niya. Bakit wala silang endearment?
“35 minutes, ago. Kahapon pa sana dapat ako pero malakas ang ulan sa Taiwan kaya hindi agad ako nakapagbiyahe. Thank god and I’m on time kasi nandito sila.” Mukha naman siyang genuine. Halatang mabait.
“Christmas tree!” bulalas ni Mica.
“Mica, shhhh.” Mahinang saway ko sakanya. I tell you, mahilig si Mica sa Christmas tree.
“Bakit walang design?” malungkot na sabi niya.
“Naisip ko na tayo ang maglagay ng ornaments sa Christmas tree kaya naka-stand by lang siya. Okay lang ba ‘yon?” Shaila said.
“Okay na okay!” chorus ni Mica at Haril.
“Ayeee! Ipapalabas ko na kay Manang Mely ang mga ornaments para makapagsimula tayo.” Umalis siya sandali at pumunta sa may left side ng bahay.
Tumakbo naman si Mica papunta sa malaking sala kasunod ni Haril. Nagtatawanan sila sa sofa at manghang-mangha sa malambot na sofa.
“Anak, salamat sa chance.” I heard tatay said. Napatingin ako sakanya.
“Tatay ko pa rin po kayo. Tsaka, magpapasko na. let’s forgive and forget.” I beamed at him.
“Thank you. Sana makasama ko kayo sa pasko.” He said.
“Bakit naman po hindi? Aayusin nga natin ang Christmas tree, diba?” nakangiti kong sabi.
“Okay lang na dito kayo magpasko?” nagagalak niyang sabi.
“Opo, tay.” Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Narinig kong napasingot siya at alam kong umiiyak siya.
“Salamat. Salamat talaga.”
xxx
A.N: Gusto kong mag-explain kung bakit ganoon ang ginawa ni Theyn kay Kent. Lalo na dun sa mga nagagalit sakanya. Kaso naisip ko, spoon feeding na 'yon sa readers kapag ginawa ko 'yon. Hayaan niyo na lang ang flow ng story. Iba kasi ang personality ni Theyn sa mga ibang characters kong babae. Unlike Ingrid, Lorelei at Seri na mga palaban. Syempre hindi naman puwedeng parparehas ang ugali nila diba? Sana makuha niyo point ko.
PS: Huwag kayong mainis kay Ivo. Mamahalin niyo rin siya 'di kalaunan. ^___^v
Love,
Ate Thy <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top