Chapter Thirty-Eight
Chapter 38
“Anak, naisip ko lang. Gusto mo bang magtrabaho sa companya namin ni Shaila? Hindi kita pinipilit, ‘yung gusto mo pa rin ang masusunod.” Tanong sa akin ni tatay habang kumakain kami ng hapunan. Dito na kami nag agahan, tanghalian at ngayon namin hapunan.
“That’s a good idea, Theodoro. May isang business kasi kami hija na hindi namin nabibigyan pansin dahil sa resort. Malaking kumpanya gawaan ng sikat na appliances. May 45 percent share kami roon.” Sabi ni Shaila.
“W-wala po akong alam sa ganyan.” Sabi ko na lang.
“Tuturuan ka namin, hija. Saan ka pala nagtatrabaho?” Shaila asked me.
“Sa Park Company po. I’m the secretary of the CEO.” And also the girlfriend—I think. Gusto ko sanang idagdag pero ayaw ko naman maging bitter sa harap nila.
“Really? Mr. Manjon, right?” hindi na ako nagtaka kung kilala niya si Kent. Isa siya sa mga popular business tycoon in the country.
“Boyfriend po siya ni ate, tita.” Walang kagatol-gatol na sabi ni Mica.
“Talaga?” gulat na sabi ni Shaila.
“Siya ba ‘yon anak ‘yung kasama mo no’ng… no’ng nagalit ka sa akin?”
“O-opo,” nahihiya kong sambit.
“Theodoro, huwag mo ng pilitin si Theyn. I think masaya siya sa work niya.” Hinawakan niya ang kamay ni tatay. They are sweet in a simple gesture.
Nanuod kami ng movie sa Audio Visual room nila or mini cinema. Alas nuwebe na nga ata kami nakauwi sa bahay, eh. Ibinigay sa akin ni tatay ang mga damit na sinasabi kanina ni Mica.
“Ate, ang bait ni tita Shaila, ‘no?” sabi sa akin ni Mica habang inaayos ko ang higaan nila.
“Higa na. Naunahan ka pa ni Haril matulog,” natatawa kong sabi.
“Ayaw mo bang tumira sa mansion, ate?” tanong ni Mica. Kanina, tinanong ako ni tatay kung gusto ko raw lumipat sa mansion kasi babalik na silang Palawan.
“Masyadong malaki ang mansion para sa ating tatlo, Mica.” Sabi ko na lang.
“Sabagay. At malayo sa pinagtatrabauhan mo at sa school namin ni kuya.” I tucked her in in her comforter.
Pumunta na na ako sa kuwarto ko dahil antok na rin naman ako. Hihiga na sana ako nang makita kong paulit-ulit na umiilaw ang cellphone. Nang tingnan ko ‘to, nakita kong may anim na text message at apat na missed calls.
3 missed calls from Kent and 1 missed call from Migo.
From: Kent
|Mag-usap naman tayo.|
|Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na gustuhin si Cassey.|
|Masama ang loob ko sa’yo. Mahal na mahal kita pero nagtatampo ako sa’yo. Para mo na rin akong pinagkanulo.|
From: Migo
|Theyn, ano’ng ginawa mo kay Kent?|
|Pinapunta niya akong bahay niya para panoorin kung paano siya mag-wala. -__- |
|Pumunta ka dito, Theyn. Naglalasing siya pero hindi ko naman alam kung ano ang iniinom niya.|
Napatayo ako sa text sa akin ni Migo. Hala? Paano kung malaman ni Migo kung anong klase ang iniinom ni Kent? Haay. Kasi naman Kent, eh.
Nag-palit ako ng damit at sinuot ko lang ‘yung jogging pants ko at blouse saka ko pinatungan ng jacket. Pumunta ako sa kuwarto ni Mica at Haril at tulog na tulog na sila. Gumawa na lang ako ng note at nilagay ko sa ref. Nilagay ko rin ang duplicate ng susi sa tabi ng higaan ni Haril.
Tiningnan ko ang oras at malapit ng mag alas-diyes. Dala ko lang ‘yung cellphone at pera sa bulsa. Alam kong wala ng jeep kaya magta-taxi na lang ako.
-=-
PASALAMAT ako at natatandaan ko pa ang security code sa gate ni Kent. Pumasok ako at patakbong pumunta sa front door saka nag-doorbell.
“Theyn! Mabuti at pumunta ka! Sana nag-text ka para nasundo kita.” Kita ko ang galak sa mukha ni Migo.
“Nasaan siya?” agad kong sabi nang makapasok ako sa bahay.
“Nasa kusina,” nauna ako sakanyang naglakad papuntang kusina.
There, I saw Kent. Nilalagok ang blood wine. Nagsalin nanaman siya ng marami saka nanaman ininom.
“K-Kent…” mahinang sambit ko sa pangalan niya. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita. He’s miserable because of me.
Dahan-dahan naman siyang napalingon sa pwesto ko. Nagsalubong ang mga mata namin at kita ko kung gaano kasama ang loob niya sa akin. Wala siyang sinasabi pero alam kong galit siya sa akin.
“Hindi ko siya mapigilang uminom. Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa?” sabi ni Migo sa tabi ko. Humarap naman ako sakanya saka ako ngumiti ng peke.
“Ako na ang bahala sakanya. Salamat sa pagtext sa akin. Umuwi ka na, Migo.” Sabi ko sakanya.
“Okay. Pero magtext ka kung magka-problema, ha?” he said.
“Oo naman. Mag-iingat ka.” I told him bago siya umalis. Hinatid ko siya sa labas hanggang sa makita kong lumabas na ang kotse niya sa gate.
Bumalik naman ako sa loob at naabutan ko siyang kumukuha ng bagong alak sa loob ng ref niya. Bago pa man niya mabuksan ang bote ay agad ko siyang pinigilan.
“Kent, tama na.” hinawakan ko ang kamay niya. Walang emosyon na sinulyapan niya lang ako saka bumalik ang tingin niya sa bote. Iwinaksi niya ang kamay ko saka bumalik sa kitchen counter.
“Tigilan mo na ang kakainom. Kent!” inagaw ko ang baso niya. Naramdaman kong nairita siya sa ginawa ko kaya tiningnan niya ako ng matalim.
“What do you think you’re doing?!” galit na galit niyang sabi.
“Itigil mo na ‘to. naubos mo na ang isang bote!” pagalit ko sakanya. I saw him smirked.
“Bakit, may pakialam ka pa rin ba sa akin?”
“I always care, Kent. Wala sana ako dito kung wala akong pakialam.”
“Naaawa ka lang,” tinalikuran niya ako saka lumabas ng kusina. Hinabol ko naman siya at inabutan ko siya sa sala paakyat sa hagdan.
“Kent, ayusin natin ‘to.” pinigilan ko siya.
“Ayusin?! Sige nga sabihin mo kung paano ko ito aayusin?! Cassey just announced to everyone na kami!”
“S-sorry.” Was the only word that came out in my mouth. Hindi ko napigilang lumabas ang luha sa mga mata ko. Oo na, tanga na ako at ginawa ko ‘yon. Tinatanggap ko.
“Huwag kang mag-sorry,” naging matigas ang mukha niya. Ramdam ko kung gaano siya ka-cold sa akin. “Professional ako kaya huwag mong iisipin na tanggal ka na sa trabaho. I want us to act… civilized.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Wala siyang sinasabi pero pakiramdam ko parang nakikipag-break na rin naman siya sa akin. Pero ‘yon din ang ginawa mo sakanya, diba? Mas masakit pa nga. Pang-uusig sa akin ng aking konsensya.
“Hindi ka na dapat pa pumunta pa dito. Naistorbo pa kita.”
“Kent…”
“Makakaalis ka na,” para akong nanghihina sa emosyon na pinapakita niya. I know he was affected but he was acting like his old self.
“Aalis na ako.” Sabi ko saka tumalikod.
Nakagat ko lang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Nasa labas na ako ng gate nang ma-realize kong wala palang nadadaan ditong taxi. Lalo na 10:30PM na.
Naglakad ako palayo sa gate at sinimulang maglakad. Wala pa ngang 5 minutes nang maramdam ko ang pagod. Napaupo ako sa gilid ng road na elevated pavement.
Hindi ko alam kung paano ako uuwi. Nakakahiya naman kung itetext ko si Migo. Baka nakauwi na ‘yon sakanila.
“If only I have Ivo’s number. If only he was here,” nasabi ko na lang ng wala sa sarili ko.
Yumuko ako saka ko sinandal ang ulo ko sa tuhod ko. Halos mayakap ko na sarili ko dahil sa lakas ng hangin na dumating. May jacket naman ako pero hindi ‘yon sapat para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Mabuti nga at naisipan ko pang mag jacket eh.
“Theyn…” napamugalat ako. Akala ko guni-guni ko lang. dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.
There, I saw Ivo. Unhappily standing meters away from me. ilang beses kong pinikit ang mga mata ko bago ko makumpirmang siya nga ‘yon.
Tumayo ako saka ko inayos ang sarili ko. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. In just one snap pakiramdam ko bubuhos ang lahat ng sama ko sa loob. Napahagulhol ako habang nasa bisig niya. Hinahagod niya ang likod ko at parang sinasabi na magiging okay din ang lahat.
“Nandito na ako. Huwag ka ng umiyak.” Mahinang sabi niya.
Sumingot-singot ako. Nakakahiya. Baka naiyakan ko na ang damit niya.
“Alam kong ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan ang relasyon niyo. Pero hindi tama ang ginawa sa’yo ni Kent! Ang gago niya talaga!” lumayo siya ng bahagya sa akin saka ako tinitigan sa mata.
“You don’t deserve him, Theyn.”
“I-Ivo…” pinalis niya ang luha ko sa pisngi.
“Pagsisisihan niyang pinakawalan ka niya.” He said to me.
“Ivo, paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.
“Lagi akong nasa tabi mo, Theyn. Isang banggit lang sa pangalan ko darating at darating ako.” Na-touch ako sakanya.
“Salamat—“ hindi ko natuloy sasabihin ko nang bigla akong mabahing. I heard his soft chuckle. He pinch my nose.
“Tara na iuuwi na kita.” Tumango lang ako sakanya. Niyakap niya ako bago ko naramdaman na parang napunta kami sa ibang lugar.
xxx
Ang iksi ng update alam ko. Kakaalis lang ni Ruby, eh! Mabuti nga at nagkakuryente na. At mabuti ngang may internet agad. -___-
Mixed emotions ako ngayon kaya para na akong mababaliw. Medyo naiiyak ako na malamang wala na ang idol ko sa pagsusulat--si Martha Cecelia. TT____TT
Tapos nagbasa ako ng bagong update ni Alesana sa Dear Future boyfriend at kinilig ako ng bonggang bongga!
Idagdag mo pa 'tong kanta ni Ariana Grande na 'Love me Harder' haaaay.
Iuuntog ko na ulo ko. Kaso 'wag na. Baka magka-Amnesia ako at makalimutan ko na mag update forever! Kasi nga may forever!
Wala akong pinaglalaban. Kpayn!
Crazy,
Ate Thy <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top