Chapter Ten

Chapter 10

Isang babae natagpuang lumulutang sa estero—Patay!

“Na-kumpirma ba?” tanong ko kay Jean. Matamlay naman siyang napatango. Pati ako biglang nanghina. Hindi ko mapigilang hindi maiyak.

“Sino kayang walang awa ang pumatay kay Cindy! I swear to god I’ll straggle him to death kapag nahuli siya!” galit na galit na sabi Florence. Pati din naman ako, baka nga hindi na siya umabot sa kulungan at mapatay ko agad siya.

Kalat na din sa buong opisina ang sinapit ni Cindy. Kahapon ko siya huling nakausap at nagpaalam siya no’n kasi nga magreresign na siya.

“Laslas daw ang leeg niya. Pero nakitaan din ng dalawang turok sa pagitan ng hiwa. Nagdududa daw ang mga polisya na parang may kung ano daw na tinurok sa leeg niya bago ‘to nilaslas para palabasin na ‘yon ang dahilan ng pagkamatay niya.” Dagdag pa ni Jean. Napahilamos na lang ako sa mukha. Nakakakilabot ang sinapit si Cindy. Parang hindi ko maatim na gano’n ang nangyari sakanya.

“Ms. Torres.” Napalingon kaming tatlo nang tawagin ako ni Sir. Tumingin ako kay Jean at Florence saka naman sila tumango.

Sumunod ako kay Sir na pumasok sa elevator. Nakayuko lang ako dahil ayaw kong mahalata niya ang namumula kong mga mata dahil sa kakaiyak kanina.

“Condolence—sa kaibigan mo.” Sir said. Napaangat ako ng tingin at nakita kong deretso lang ang tingin niya sa pinto ng elevator.

“Empleyado niyo siya, Sir.” Nasabi ko na lang bigla. Medyo nainis kasi ako. Ah siguro kasi sensitive lang ako ngayon.

“Former.” He said. Napayuko na lang ako. Oo nga pala, nagresign na si Cindy. Haays. “H’wag mo na munang isipina ang mga gano’ng problema dahil may mas importante akong ipapagawa sa’yo.” He said.

“Mas importante pa po sa pagluluksa ko sa kaibigan ko?”

“Unfortunately, yes. Mas importante sa kaibigan mo.”

“And what is that, Sir?”

“Our flight to Palawan. Sa Friday na ‘yon, remember?” Ay Oo nga pala, dalawang araw na lang aalis na kami.

“Sige po, Sir.”

“How about your siblings? Do they know about their little getaway?”

“I already told them, Sir.” Sabi ko saka naman siya tumango-tango.

“We’ll stay there for 3 days. Have a 2 room reservation. For your siblings—and for us.”

“Alright sir— Ano po?!” For us? Para sa amin. ‘Yon din ba ang pagkakaintindi niyo? Kasi kung nabibingi na ako, pwede niyo akong upakan para matauhan. Kung ano-ano na lang naririnig ko.

“For us with connecting room. Didn’t I tell you that?”

“A-ah. hehe. Oo nga pala. C-connecting room—for us.” Sabi ko kahit wala naman akong naalala na sinabi ‘yon ni Sir. Baka nakalimutan ko lang kaya gano’n.

“Mamaya…”

“Yes, Sir?” hinintay ko siyang mag-salita muli pero napailing na lang siya. Nagtatakang tinignan ko siya. Aalis na sana si Sir pero huminto siya.

“Pupunta tayo sa lamay nang ‘yong kaibigan.” He said without looking at me. Napatango na lang ako sakanya. Atleast pala may sympathy naman ang Sir ko.

“Sige po. What time, Sir?”

“After your work. Just remind me. ok?” he said saka tuluyang lumabas ng office.

It was 3.00 in the afternoon when Florence texted me. Mag-snack daw kami sa Pizza haus—just across the building.

“Aren’t she mourning?” nasabi ko habang nakatingin pa din sa phone ko.

Nag-retouch lang ako saka ako bumaba sa office. Lumabas ako at pinagsisihan kong hindi ako nagdala nang payong. Ang lakas kasi nang ulan at parang may bagyo.

“Ngayon talaga naisipan ni Florence kumain kung kailan malakas ang ulan.” Sabi ko. Sinuong ko ang malakas na ulan habang nakahawak sa ulo ko—as if hindi nababasa. Naka-high heels pa naman ako. Haay naku Florence malalagot ka sa akin pag-dating ko!

Pero pag-dating ko—walang Florence. ‘Yong kaninang nakatayo na cashier at waiter ay biglang pumasok sa kusina. Feeling ko tuloy ayaw nila akong maging customer.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa par asana itext si Florence nang may nagsalita sa likod ko. Isang baritonong boses na nagpatindig nang balahibo ko sa braso.

“Ms. Torres.” Nakakakilabot ang boses niya. Parang boses na hinugot sa kailalim-laliman nang lupa. Malamig at creepy.

Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat pa akong makita siya dito. Ano’ng ginagawa nang isang mala-Dyos ang mukha at katawan sa isang Pizza Haus na katulad nito.

“Sir.” Nasambit ko. Siya ‘yung kausap ni Sir Kent no’ng isang araw. ‘Yung gwapo kong crush. Hehe

“Fancy meeting you here.” He said saka lumapit sa akin. Napalunok ako habang papalapit siya. He’s wearing a rugged jeans and white cotton V-neck t-shirt at bakat na bakat ang kanyang muscles sa braso at kanyang abs. Ano ba ‘yan, Theyn! Hindi mo baa yang itago ang pagnanasa mo sakanya? Nakakahiya ka! Grabe naman! Pagnanasa talaga ang term?

“O-oo nga po eh. H-hehehe” napakamot ako sa leeg ko. Ako na ang awkward. Bakit ba kasi ako kinakausap nang gwapong nilalang na ‘to? Ah baka masyado lang siyang down to earth at kahit mga low-ranked-file employee ay pinapansin niya.

“Are you here to eat? Of course you are. Silly me. Why don’t you dine with me?” nakangiti niyang sabi. Naa-amaze talaga ako sakanya.  Napaka-perfect niya in every angle. ‘Yon bang wala kang mahahanap para ipintas?

“E-eh… K-kasama ko po kasi ‘yung office mate ko.” Pag-dadahilan ko kahit sa totoo lang, pinagdadasal ko na h’wag nang dumating si Florence para solo ko ‘tong si Sir.

“Hmmm. I bet she won’t come kasi malakas ang ulan.” He said. Sana nga, Sir. Sana magdilang anghel ka.

“Hehehehe” tanging tawa lang ang naisagot ko sakanya. That’s great, Theyn! Baka isipin niya maluwang ang turnilyo sa utak mo!

Nakaupo na ako sa table for two—samantalang si Sir ay nakaupo sa bar counter at pinaglalaruan ang baso nang inumin niya.

Kinuha ko na din ‘yung phone ko para itext si Florence.

‘Nand2 n q. San knb?’

Makikita nang babaeng ‘yan. Masesermunan ko siya. Hindi pa ako makapag-order kakahintay sakanya. Tsaka 20 minutes lang ang break time namin kapag hapon. 3 minutes na lang before 3:20.

‘Ha? D2 q office.’

It was her reply. Mas lalo akong napasimangot. Nakakainis naman siya! Playing innocent pa ang bruha! Eeee! Kung hindi lang ako nagluluksa kay Cindy baka inaway ko na siya.

‘Ewan ko sau!’

“She won’t come. Didn’t I tell you?” nakangising sabi ni Sir. Tumayo ako sa upuan saka tumingin kay Sir.

“K-kaya nga po.” Napabuntong hininga ako. “A-alis na po ako, Sir.” Tumalikod na ako saka ko tinungo ang pinto.

Palabas na akong pinto nang biglang may pumigil sa braso ko. Cold. He’s hands were cold as ice. Just like Sir Kent’s hands.

“B-bakit po, Sir?”

“It’s Ivo. Call me, Ivo.”

“S-sige po. Sir Ivo.” Sabi ko saka tuluyang umalis.

-=-

“WHERE’VE YOU BEEN?!” Bulyaw sa akin ni Sir.

“S-sir…”

“I WAS FLOODED WITH PHONE CALLS BECAUSE YOU’RE NOWHERE TO BE FOUND! SAAN KA BA NAGSUSUSUOT, HA?!” Halos napapikit na lang ako sa sobrang lakas nang sigaw ni Sir. Gusto kong mag-dahilan pero natatakot akong baka mas lalo ko siyang magalit.

“P-pasensya na po, Sir. H-hindi ko po sinasadya.” Nauutal kong sabi.

“DAMN IT! Get out!”

Nakayukong umalis akong opisina ni Sir. Every time na papagalitan ako ni Sir, naiiyak pa din ako. Ang babaw lang nang dahilan niya para magalit. Hoy Theyn walang kababawan ang galit kung naabot mo na ang boiling niya! Mag-resign na lang kaya ako? NO!

“I’ll talk to him.” Agad akong napaangat nang tingin sa nag-salita.

“S-sir…Sir Ivo.”

“You don’t have to cry. I’ll talk to your goddamn boss!” he said and stormed inside Sir Kent’s office.

Uh oh! This is not happening!

xxx

A.N: Next update is on saturday! :)))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top