Chapter Six
Chapter 6
Hindi naman ako uminom pero pakiramdam ko lasing na lasing ako. Ikaw ba naman makatanggap ng mga gano’ng salita kay Sir iisipin mong lasing ka.
Para na ngang may recorder sa utak ko at paulit-ulit na naririnig ko ang mga sinabi niya. Ugh! Kainis naman kasi eh!
Kagabi sa party, mga 2 na ako nakauwi. Hinatid ako nila Jean kasi may wheels and boyfriend niya. Nagtaka naman ako kay Cindy kasi kahit daw h’wag ko ng ibalik ang damit, akin na daw ‘to.
Nasa office na ako at umiinom ng kape habang nagtatrabaho. Iba pala nagagawa ng party. Kahit hindi ka umiinom nalalasing ka. Usok pa lang ng mga naninigarilyo parang naha-high na ako. Parang ayaw ko nang um-attend ng party ulit.
“Yes Ma’am. I’ll tell him. Yup.—Good morning President’s office. Yes Sir ipapadala ko na lang dyan. Opo… Yes po.—Park Company this is Theyn how may I help you? Oh I’m sorry sir, Mr. Manjon is on a meeting. Yes sir. I’ll tell him you called. Thank you.”
Haaaay! Dalawang phone ang pinagsasabay ko. I’m a super woman infainess at napagsasabay ko ang outside and inside call. Alas dyes pa lang ng umaga at ang dami ko ng trabaho. Si Sir may ka-meeting sa loob ng office niya. Isang babae.
Kinuha ko ang pocket mirror ko sa drawer saka tinignan ang mukha ko. Haay. Wala ka na bang igaganda pa, Theyn? Kahapon maganda ako pero ngayon para akong zombie. Nakakainis.
Wala sa sariling kinuha ko ang face powder sa bag at pinahidan ang mukha. Nilagyan ko din ng lip gloss at medyo dry na ang lips ko. Ayos naman buhok ko dahil alaga ko ‘to. Suot ko din nga bago kong office attire. Kulang pa talaga ako sa self confidence.
Agad kong naitago ang mga abubureche ko sa nang marinig kong magbukas ang pinto. At lumabas nga yung meztizang babae. Parang modelo ang katawan at long legged pa. actually, bagay sila ni Sir.
“Ms. Torres, ibigay mo kay Ms. Aragon ang business card ko.” Utos ni Sir na nasa likod lang ng magandang binibini.
“Eto na po.” Abot ko sa calling card ni Sir. The lady smiled genuinely at me—not!
“Thank you so much, Kent—for the time. I really appreciate it.” She seductively smiled at Mr. Manjon. Ay malandi! ‘Di ko type!
“It’s my pleasure.” Tipid na ngiti ni Sir. Hindi naman maiwasan ng kilay ko na mapataas. May ka-plastikan din palang tinatago si Sir? Hahaha. Bakit ang bait niya ngayon?
“Gotta go, Kent. I’ll call you, ok?” sabi niya saka pakembot kembot na pumuntang elevator. Tss. Kaasar siya ah!
“I’ll call you, ok?” I mimic her voice. Kairita!
“What’s that, Ms. Torres?” halos mapatalon ako sa kinauupuan ko. Nandito pa pala si Sir.
“H-he-he-he. W-wala po, Sir. Back to work na ako.” Sabi ko saka humarap sa monitor. Napakagat na lang ako ng labi. Ugh! Stupid Theyn!
I was busy sorting out files nang marinig kong tunog ang elevator. Hindi ko na lang pinansin kasi busy ako. Ayaw kong malito sa ginagawa ko.
“Hi Ms. Torres.” Napaangat ako ng tingin at si Sir Migo.
“Hi Sir. Nasa loob po si Mr. Majon.” Nakangiti kong sabi saka binalik ang tingin sa papers.
“Uh, actually I’m not here for Kent.”
“Gano’n po ba? Sige po, babye.” Hmmm, nasaan na ba ‘yung letter for accreditation?
He chuckles. “You really amuse me, Ms. Torres.” Nagulat ako nang kuhanin niya ang hawak kong papers at tinignan. “Is this for me?”
“Ah Opo sir pero kasi hindi pa ‘yan kumpleto kaya baka mamaya niyo pa ‘yan ma-pirmahan.” Sabi kong binawi ang papers. Napangiti naman siya sa akin.
“May maitutulong ba ako sa’yo?”
My eyes widened. Baka mapagalitan ako neto. “Definitely none, Sir. Tsaka wala po akong isusweldo sainyo kung magiging assistant ko kayo.” Narinig ko naman ang malakas niyang tawa. Napansin kong lagi akong tinatawanan ni Sir.
“Kent is very lucky to have you. What’s wrong with that man?”
“Po—“
“There is nothing wrong with me, Miguel Santiago. And yes, I am aware how lucky I am to have Ms. Torres.” Biglang sulpot ni Sir sa likod namin. Ano sabi ni Sir? “As a secretary.” He added.
“Kent! H’wag kang mag-alala at wala akong balak agawin ang secretary mo. Though before gusto kong gawin ‘yon. But as far as I can remember, Ms. Torres told me na hindi ka daw niya iiwan. Is that right, Ms. Torres?” Ay lechugas shamaldas chanchad! Ano ba’ng pinagsasabi ni Sir Migo. Huhuhu. Nakakahiya naman eh! alam kong sinabi ko ‘yon pero hindi ko akalain na matatandaan ‘yon ni Sir Migo.
“Ah—hehehe” Para na akong kamatis dito. Kasi naman eh!
Tinignan naman ako ni Sir at hindi ko alam kung anong expression ang mero’n siya ngayon. Double poker face ang peg!
“Well—this has been sufficiently awkward. Bye Ms. Torres.” Kumindat si Sir Migo sa akin bago umalis. Akala ko mawawala ang pagkailang ko pero parang mas nadagdagan pa ‘yon nang marealize kong kami na lang ni Sir Kent dito.
“It’s lunch time, Ms. Torres. You can have one if you’re hungry.” Sabi niya saka tumalikod. Bago pa siya makapasok sa office niya ay natawag ko siya.
“Kayo po, Sir? Hindi po ba kayo kakain?” natigilan siya. He looked at at me at parang isang kasalanan ang tinanong ko.
“I don’t eat.” He said saka tuluyang pumasok.
“I don’t eat? What are you, vampire? Atleast nga sila umiinon ng dugo ng tao.” Bulong ko lang. weird talaga ni Sir.
***
“Ate, malapit na ang death anniversary ni Nanay. Hindi ba tayo uuwi sa Palawan?” tanong ni Haril. Oo nga pala. Mapalit na. isang linggo na lang.
“Ipagdasal na lang natin ang Nanay. Hindi tayo pwedeng umuwi eh. Tsaka may trabaho ako.” Nalungkot naman ‘yung mukha ni Haril. Halos mag-tatatlong taon na din kaming hindi nakakuwi sa probinsya. Tatlong taon nang wala si Nanay at tatlong taon na din naming pinagtataguan ang Tatay.
“Ate… ayaw kong umuwi sa atin. Sasaktan lang tayo nang Tatay.” Sabi naman ni Mica. Sa aming tatlo, si Mica ang traumatize masyado. Siya ang laging saksi kapag sinasaktan ni Tatay ang Nanay noon.
Hindi ko ata alam kung mapapatawad ko ang Tatay sa mga ginawa niya sa amin. Kahit alam niyang mahina ang katawan ng Nanay, hinahayaan niya pa din ‘tong mag-trabaho.
“Ano ba namang bahay ‘to! Lagi na lang walang pag-kain sa mesa! Walang kwenta!” binalibag ni Tatay ang mesa saka malakas na pinagsigawan kung gaano kawalang kwenta kaming pamilya niya.
“Nay, h’wag na po kayong bumangon, ako na lang po haharap sa Tatay.” Sabi ko nang makita ko ang Nanay na bumabangon.
“H-hindi, Theyn. Sasaktan ka lang ng Tatay mo.”
“Pero mahina pa kayo, Nay! Gusto mo bang ma-hospital nanaman kayo?”
Naiiyak lang ako kapag naalala ko ang mga pangyayari. Nakakalungkot na wala akong nagawa. Ano nga naman magagawa ng isang bente anyos na tulad ko kundi an umiyak lang.
“Pero sana ate makapunta tayo sa puntod ni Nanay. Kahit madali lang tayo do’n. Hindi naman natin kailangang kitain ang Tatay.” Sabi ni Haril. Hinawakan ko ang pisngi niya saka hinaplos.
“I’ll try my best para makapunta tayo do’n.” sabi ko saka siya napangiti.
Habang nakahiga ako at hinihintay na dalawin ng antok, narinig ko ang ringtone ng phone ko.
“Shiz! Si Sir!” Ano nanaman kaya ipag-uutos nito? Alas dyes na kaya ng gabi.
“G-good evening, Sir.” Bati ko.
[Ms. Torres, tomorrow is Saturday.] Gusto ko naman matawa sa sinabi ni Sir.
“I am aware, Sir. Gusto niyo po ba akong pumasok ng maaga?”
[No. From now on, Saturday and Sunday will be your day off.] Shock is an understatement. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko o may deperensya na talaga tenga ko kapag kausap si Sir at kung ano-ano na lang naririnig ko mula sakanya.
“T-talaga po?” hindi ko naman maitago ang saya ko. Pwede ko nang maipasyal ang dalawa kong kapatid. Pwede na akong makapaglinis ng bahay. Grabe ang dami kong gustong gawin.
[And Ms. Torres?]
“Yes, Sir?”
[N-nothing. Goodnight!]
Ano’ng nangyari? Kahit wala na sa kabilang linya si Sir naka-tapal pa din ang phone ko sa tenga ko. Hindi ako makagalaw at para akong natulala.
Sa dalawang taon kong nakasama si Sir, bakit ganito siya kumilos? Kung hindi ko pa mahulaan, parang nagbabago siya—in a good way.
xxx
A.N: I know gusto niyo ng POV ni Kent. Pero hindi pa panahon para ilabas ang saloobin niya. Masyadong mabilis kapag gano'n. Medyo sineseryoso ko kasi ang every chapter at kung pansin niyo, para sa akin mas gusto ko 'to sa Vampire City 1 & 2. Less complicated to but mas maayos ang plot-i hope.
And guys, i also made a Video teaser for the story. :) It's on the multimedia. I don't know about me pero hindi talaga ako napapakali kapag walang video ang story ko. hahaha Maikli lang siya. Gagawa ako ng mahaba kapag nasa gitna na ng plot, owrayt? ^___^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top