Chapter Seventeen

Chapter 17

His POV Part 2

One time, habang papalabas akong opisina, I overheard Migo and Theyn talking.

“May maitutulong ba ako sa’yo?” I heard Migo asked Theyn.

 “Definitely none, Sir. Tsaka wala po akong isusweldo sainyo kung magiging assistant ko kayo.” Migo laughed kaya naasar ako. Bakit ba niya iniistorbo lagi si Theyn?

“Kent is very lucky to have you. What’s wrong with that man?” he said so I decided na lumabas.

“Po—“

“There is nothing wrong with me, Miguel Santiago. And yes, I am aware how lucky I am to have Ms. Torres.” Sabi ko at huli na nang marealize ko kung ano ang sinabi ko. “As a secretary.” I added.

“Kent! H’wag kang mag-alala at wala akong balak agawin ang secretary mo. Though before gusto kong gawin ‘yon. But as far as I can remember, Ms. Torres told me na hindi ka daw niya iiwan. Is that right, Ms. Torres?” Nagulat ako sa sinabi ni Migo.

“Ah—hehehe” She awkwardly smiled at napakamot pa nang batok.

Tinignan ko siya at kita kong nahihiya siya. Alam kong nagustuhan ko ‘yung binunyag ni Migo pero ayaw kong mahiya sa akin si Theyn kaya pinilit kong itago ang ngiti sa labi ko.

“Well—this has been sufficiently awkward.  Bye Ms. Torres.” Kumindat pa ‘to bago umalis. Gago talaga ‘yon! Kung hindi ko lang siya kaibigan dati.

“It’s lunch time, Ms. Torres. You can have one if you’re hungry.” Sabi ko sakanya saka tumalikod. Papasok na sana akong opisina nang tawagin niya ako.

“Kayo po, Sir? Hindi po ba kayo kakain?” Natigilan ako. Kung kakakain ba ako sasamahan mo ako?

“I don’t eat.” I said instead saka ako pumasok.

“I don’t eat? What are you, vampire? Atleast nga sila umiinon ng dugo ng tao.” Rinig kong bulong niya. Natawa na lang ako nang pagak. Kung alam mo lang.

And I am curious. What if malaman niyang isa akong vampira? Aayawan niya ba ako? Mas matatakot ba siya sa akin? Minsan mas gusto ko ngang sabihin sakanya ang totoo pero takot ako. Hindi ko akalain na ako—si Kent Manjon na walang kinakatakutan ay biglang matatakot sa isang bagay na napaka-lame para sa iba.

Gusto ko lagi naririnig ang boses niya. Kaya kahit mga walang kwentang bagay naiuutos ko sakanya matawagan ko lang siya. Minsan ko na siyang tinawagan para sabihin na gusto ko siyang makita pero parang umurong ang dila ko sa simpleng…

[G-good evening, Sir.] bati niya at agad akong nawala sa sarili. ‘Yung mga plano kong sabihin ay biglang naglaho at para akong teenager na natotorpe sa kausap.

“Ms. Torres, tomorrow is Saturday” I mentally curse myself dahil sa sinabi ko. Great Kent!

[I am aware, Sir. Gusto niyo po ba akong pumasok ng maaga?] No. Gusto ko lang marinig boses mo.

“No. From now on, Saturday and Sunday will be your day off.” I didn’t meant what I just said. Gusto kong bawiin pero that time, I realized na tama din pala ang ginawa ko. She needs time for herself and her siblings.

[T-talaga po?] halata sa boses niya ang saya. Hindi ko maipalanag ang nararamdaman ko pero magaan sa pakiramdam ko kapag alam kong masaya siya.

“And Ms. Torres?”

[Yes, Sir?] Pwede mo din ba akong gustuhin? Gusto kong sabihin sakanya pero ‘yung dila ko nanaman parang naparalisado.

“N-nothing. Goodnight” sabi ko saka pinutol agad ang linya.

Maraming beses na akong nag-isip ng paraan para mapakita sakanya na gusto ko siya at handa akong magbago ng pakikitungo sakanya pero inuunahan ako ng takot at kaba.

Isang araw, isinama ko siya sa bahay. I asked her to cook. Kita ko naman na nagulat siya pero sinunod din naman niya ako.

Umakyat lang ako sandali sa kwarto at nagpalit ng sapatos. Pagbalik ko, nakita ko siyang nakahawak sa itim kong ref kaya agad na bumangon ang takot sa akin kaya nasigawan ko siya.

“It has security code to open! Can’t you see?!” Sigaw ko at kita kong nagulat siya.

“S-sorry po.” Mababang sabi niya.

“Galawin mo ang lahat ng gamit dito. H’wag lang ‘yan! At pasukin mo na ang lahat ng silid dito h’wag lang ang sa pinakadulo! Naiintindihan mo?!”

“O-opo! Opo!” pinagsisihan ko naman na makita siyang takot na takot. Pero mas matatakot siya kapag nakita niya ang laman ng ref na ‘yan. At mas matatakot ako kung layuan niya ako.

May mga stock ng bloods kasi ako sa ref na galing sa lugar na hindi niyo na kailangan pang malaman. Wala naman talagang security code ang ref na ‘yon. Sinabi ko lang para tumigil siya sa kuryusidad niya.

Iniwan ko siya sa kusina at hinayaan siyang mag-luto. Nakatanggap ako ng tawag sa pamangkin kong si Lorelei at kakauwi niya lang daw galing Italy kasama ang anak niyang si Hunter na halos kasing laki na niya kaya pamangkin din ang pakilala ko sakanya sa ibang tao.

Pagbaba ko sa kusina par asana i-check si Theyn kung ano na ang ginagawa.

“Are you do—“ Natigilan ako sa nakita. Wala siyang blazer at nakataas ang buhok niya akya kita ko ang mahaba at makinis niyang leeg.

Hindi ko mapigilang hindi matulala. Naaakit ako sa leeg niya. Parang gusto ko siyang lapitan at kagatin ang leeg niya pero syempre kailangan kong pigilan ang sarili ko. Pero pakiramdam ko hindi lang uhaw sa dugo ang nararamdaman ko sakanya kundi may iba pa.

“Ah—Sir? Ok lang po ba kayo?” untag niya sa akin kaya nagulat ako ng bahagya. Kinunot ko ang noo ko para itago ang hiya sa sarili.

“Kung tapos ka na—pwede ka nang maghanda sa lamesa.” Sabi ko saka tumalikod.

Nakaupo na kami no’n sa dining table at pinapanuod ko lang siyang kumain. Ah! I missed human food. How I wish pwede ko siyang masaluhan.

“Sir, hindi niyo po ba nagustuhan luto ko? Pasensya na po—“

“Just eat. Don’t mind me.” I said while staring at her. “Kumain ka lang.” dagdag ko pa.

I thought I have to start showing her how much she means to me pero nasira ang balak ko ng biglang pumasok si Ivo sa opisina ko ng walang pasabi. Maaga pa kaya wala pa si Theyn. Believe me I wanted to wring his neck when he showed up.

“You have a very nice office.” He said. I just glared at him.

“Why are you here?! What do you want?!” hasik ko sakanya. Ngumisi lang siya sa akin at pinalabas niya ang dalawang pangil niya.

“You’re really asking me that? Baka hindi mo magustuhan ang sagot ko.” He smirked. If only I could kill him right here right now.

“Shut up and leave, Primotivo!” I reprimanded pero parang wala man lang siyang naririnig. Ghad! Can I kill him please?

He laughs evilly. “Masyado ka naman atang threatened sa presence ko. Tell me are you afraid that Theyn would find out that—“ hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad ko siyang sinugod at sinakal.

“Umalis ka na!” sigaw ko.

“Hindi siya sa’yo, Kent!”

“She works for me so she’s mine! And don’t you dare lay one finger on her at talagang mapapatay na kita!” hasik ko. Ramdam kong lumabas ang pangil ko at namumula na ang mga mata ko.

“Hindi na ako madadala sa mga pananakot mo!”

Pareho kaming natahimik nang biglang naamoy si ko si Theyn kaya tinignan ko ng masama si Ivo. Kinuha ko ‘yung receiver ng phone and dial her line.

“How long you’ve been there?” I asked. Baka kasi kung ano ang narinig niya.

“Po? Hindi pa naman po masyadong matagal. Bakit po?”

“May iuutos ako sa’yo.” Sabi ko saka ibinaba ang phone. Tumingin ako kay Ivo ng masama.

“Umalis ka na!” madiin kong sabi.

“Ok. lalabas naman talaga ako.” Nakangisi niyang sabi saka lumabas ng opisina.

 “You must be Kents’ secretary?” rinig kong sabi nitong Ivo kaya agad akong napasunod. Pero natigilan ako sa nakita. Parang natulala si Theyn kay Ivo. Hindi ko gusto ang nakikita ko. At lalong hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

“Y-yes…Y-yes…Y-yes…” Naiinis ako. Bakit ba siya nauutal?!

“Hahaha. Stuttering, Missy? Don’t worry, I get that a lot. Anyway, nice seeing you again, Theyn Torres.” Umalis siya at tinungo ang elevator.

That fvcking vampire should go to hell! Naiinis din ako kay Theyn dahil para siyang tanga na nakatulala sa vampirang ‘yon!

 “I told you to come inside! What are you daydreaming?!” bigla kong sigaw sa likod niya. Inis talaga ako. This is so fvcking frustrating and I am hating it!

 “P-pa…P-pasensya na po.” Takot nanaman siya sa akin. Na-guilty tuloy ako pero mas nangingibabaw sa akin ang galit.

Pinasunod ko naman siya sa loob. Dala-dala niya ang lever file niya and her face is beaming.

“Tell the Marketing department to change their proposed ad. Hindi ko nagustuhan ‘yung catalog at—Hey why are you not jotting down notes?“ natigilan nanaman ako sa pagsalita kasi nakangiti siya at parang nananaginip.

“Ms. Torres!” Ishouted dahilan para magulat siya.

“Sir yes sir!”

“Anong yes sir?! I said why are you not jotting down notes!” tumayo aok sa swivel chair ko at nilapitan siya. Tinignan ko siya ng masama. Shit! May gusto na ba siya kay Ivo?!

“S-sorry po.”

“Do I need to regret for choosing you as my secretary, huh, Ms. Torres?! You’re spacing out and you’re smiling like an idiot! Are you drugged?” Mapapatay ko talagang Primotivo na ‘yon!

Yumuko lang siya.

“Just get out of my office!”

“Eh diba po—“

“I SAID, GET.OUT!” malakas kong sigaw dahilan para humangin ng malakas. Hindi ko nanaman napipigilan ang temper ko.

Hindi maalis sa isipan ko ang ideya na nagkakagusto siya kay Ivo. Hindi ako makakapayag. If I need to play dirty just to get her, gagawin ko.

 “Sir—“ bungad niya sa may pintuan kaya napakunot agad ako.

“Is there emergency?” tanong ko ng hindi tumitingin. Ayaw ko siyang tignan dahil baka maawa lang ako.

“Uh no Sir.”

“Then why did you come inside without knocking?!” Kung pumasok siya para iparamdaman sa akin na gusto niya si Ivo mas mabuting itikom niya na lang bibig niya.

“Eh Sir—“

“Are you trying to test my temper, Ms. Torres?!” Bakit hindi mo na lang ako amuhin para mawala ang inis ko sa’yo.

“No, Sir. That wasn’t my intention.”

“Then what?!” ayaw naman kitang sinisigawan eh. pero hindi ko mapigilan.

 “I just wanted to apologize… S-sorry po kung parang tanga ako kanina. Sorry po kung nagmukha akong tanga sa pangiti-ngiti ko. Sorry po kung napainit ko ulo niyo. At sorry po kung hindi ako kumatok bago pumasok. Sorry po talaga, Sir.” Sabi niya at agad na lumabas. Hindi man niya lang ako pinasalita. Siguro para hindi niya na makita ang reksyon ko.

Nasa bahay na ako pero hindi maalis sa imahinasyon ko si Theyn at Ivo na magkasama—masaya!

“Hindi pwede!” I abruptly said saka ako napatayo. I need to see her. I badly need to see her.

I decided na pumunta sa bahay niya. I sneaked inside her room at nakita ko siyang nakahiga at parang hindi makatulog.

“Ugh!” napabangon siya at sinabunutan ang sarili. “Please, Sir. Patulugin mo na ako. Maaga pa akong papasok bukas. Gusto mo ba akong ma-late?” Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakikita niya ba ako? Bakit sa akin siya nakatingin? Shit!

“Ikaw na din nagsabing mukhang zombie ako tapos heto ka at iniistorbo ang pahinga ko! Ano ba problema mo sa akin at bigla ka na lang nagagalit? Para naman akong nakagawa ng mortal sin sayo eh!” gusto kong sumagot pero pinigilan ko sarili ko. She thought I am her imagination. I’m real Theyn. Hindi ako galit sa’yo. Ang gusto ko lang gustuhin mo din ako. Pero hindi ko magawang makalapit sa’yo kasi pinaparamdam mo sa akin na kahit katiting na pagtingin ay wala ka sa akin.

“Umalis ka na! Sir please? Magpapakabait na ako sa’yo.” Sabi niya saka niya pinikit ang mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. She doesn’t want me here. Ginugulo ko siya and that hurts me.

Minsan, gusto kong lagi siyang kasama. Gusto kong gumawa ng paraan para tignan niya ako. Kung pwede ko nga siyang itali sa akin eh. Pero kapag naaalala ko naman kung anong klaseng nilalang ako ay kusa akong pinanghihinaan ng loob. Hindi niya ako matatanggap.

Ngayong araw na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Kasama ko si Theyn at may kasama kaming batang babae na pamangkin ni Migo. Alam kong napaka ipokrito ko sa ugaling pinapakita ko kay Theyn pero paraan ko lamang ‘yon para hindi niya mahalata na may nararamdaman ako sakanya.

“Gusto mo bang kargahin kita?” rinig kong sabi ni Theyn sa bata kaya napalingon ako.

“Yes po. Yes po.” Masayang sagot ng bata. Ang sarap tignan sa mata habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Walang duda na magiging maganda ang anak niya dahil maganda talaga si Theyn. But I doubt it kung ako ang magiging ama ng anak niya. For the fact na ayaw kong magaya siya sa pamangkin ko, nandito pa din ang takot na baka nga hindi ako matanggap ni Theyn na isa akong vampira.

Kakargahin na sana niya si Brittany pero agad ko siyang pinigilan. Hindi balance ang katawan niya kapag tatayo na kaya alam kong matutumba siya.

“What the hell are you doing? You’ll carry that big baby with important files?” Palusot ko na lang. bakit ba ang galing kong magpanggap sakanya. “Stand up!” utos ko at agad naman niyang sinunod.

I hastily carried Brittany saka naglakad na. Noong hindi ko pa nakikilala si Theyn, naka-set na sa utak ko na hindi na ako magkakaro’n ng pamilya kasi masaya na akong nandyan si Lorelei. Pero ngayon? Parang nagbabago na ang lahat at gusto kong magkaro’n nang sariling pamilya at si Theyn ang nakikita kong babaeng makakasama ko.

But this damn doubt inside me is like a recorded mix tapes that plays when it wanted me to remind what kind of creature I am.

Lumingon ako sakanya at nakita ko siyang hindi sumusunod sa amin. “Aren’t you going to follow me?”

“Ay Oo Sir. He-he-he.” Sumunod naman siya sa akin. Gusto kong matuwa sa ideyang para kaming pamilya habang naglalakad. Kung pwede lang. Sinulyapan ko si Theyn at nakita kong ngingiti-ngiti lang siya. What’s with her? Nakakatawa bang may karga akong bata? Hindi ba bagay sa akin?

“If you have time, try consulting to a Pychologist. Nakakatakot isipin na may secretarya akong bigla-bigla na lang ngumingiti ng walang dahilan.” Sabi ko sakanya. Hindi nakaligtas sa akin ang pag irap niya. She’s cute when she does that.

Sa isang restaurant kami pumunta. Sinabi ko sakanyang may hinihintay kami pero ang totoo ay wala. Gusto ko lang siyang makitang kumakain.

Nakakamiss din kumain kaya kahit alam kong hindi na ako kakain ay nag-oorder ako. Ginagalaw-galaw ko lang lagi ang pagkain pero hindi ko naman kinakain.

“Here’s the Cranberry Pancake for you daughter, Ma’am and Sir.” Sabi no’ng waitress.

That made me smile in the inside. Daughter. Ang sarap sa pandinig. Nakita ko naman si Theyn na ngingiti-ngiti habang nakatingin sa kawalan.

“Bakit ka ba ngiti ng ngiti dyan? May nakakatawa ba? Don’t tell you have mental issues.” Ang totoo, gustong-gusto ko kapag ngumi-ngiti siya. Nakakagaan sa pakiramdam. Her smile is very genuine that made her very charming.

“My Tito Migo told me, when a person smiles for no apparent reason—it’s either she’s happy or in love.” Sabat naman ni Brittany. I just smirked. Hindi naman ‘yon totoo. Minsan kung sino pa ang laging galit.

“Bakit? Are you in love, Ms. Torres?” I said praying I could like her answer pero binalik niya lang ‘yung tanong sa akin.

“Eh kayo Sir? Na-inlove na ba kayo?” I was caught off guard. Oo at wala kang ideya kung sino!

“No personal questions!” I said instead.

Bumalik ako sa opisina ko no’ng araw na ‘yon. It was 7:30 when I decided to go home. Pero nakita ko si Ivo na nakasandal sa kotse ko kaya agad na nag-init ang ulo ko. May dala siyang bulaklak kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiwi. Mabuti na lang at pinauwi ko na si Theyn.

“I don’t accept flowers for apology, faggot!” I said instead that earns me a chuckle from him.

“This is not for you. Para kay Theyn.”

“Wala siya dito!”

“Gano’n? Ah pupuntahan ko na lang sa bahay niya.” Akma siyang aalis pero agad ko siyang pinigilan at tinapon sa may pader.

“Subukan mo!” nilapitan ko ulit siya saka ko hinawakan ang leeg niya. Wala talagang kadala-dala ang vampirang ‘to!

“You don’t have claim on her so stop acting like you own her! We both know that we don’t own her! So play fair, Kent Manjon!” he hissed.

Binalibag ko siya sa gilid. I don’t own her. And that is more frustrating because I don’t want to own her. I wanted to love her and I wanted her to own each other. Not just me—but both of us.

Pareho kaming natigilan ni Ivo nang may gumalaw sa gilid ng isang kotse. Napakunot ako. Someone’s watching us!

“Who’s there!” sigaw ko. Kita kong nagtatago ‘yung nakakita sa amin dahil sa anino niya and I can figured she’s a she.

“Bahala ka na sakanya, Kent. Just don’t let her reveal us.” Sabi sa akin ni Ivo. Hindi ko siya pinansin at lumapit ako sa babae.

“Show yourself. We won’t hurt you.” Tumayo ‘yung babae. But instead of facing us, tumakbo siya palayo sa akin.

“Habulin natin.” Says Ivo.

Pareho naming hinahabol ‘yung babae. We just wanted to know kung ano ang nakita niya sa amin.

Pero pareho kaming natigilan ni Ivo nang biglang lumabas ang isang itim na hangin out of nowhere. It was a hazy smog smoke with fangs and red eyes.

“Sh-it! The blood suckers!” Ivo exclaimed.

Nakita namin kung pa’no yapusin nang blood sucker ang babae. Ang mga blood sucker ay taong ginawang vampira through bite. Uncontrollable sila and commonly, nagpapanggap silang smoke para makahanap ng biktima. Hindi lang dugo ang kinukuha niya kundi pati ang lakas ng tao.

The blood sucker leaves the poor woman’s body. At doon ko napagtanto—na si Cindy na kaibigan ni Theyn ang napiling biktimahin ng blood sucker.

to be continued....

---

A.N: Bakit ba hindi ko matapos-tapos ang POV ni Kentooot?! hahaha busy lang kasi talaga ako. Tsaka madaming nagdedemand na i-update ko ang ibang stories ko so this effort is beyond my will na talaga. Pinilit kong mag UD para sa inyo. 

Love yah guys!

-AteThy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top