Chapter Seven
Chapter 7
The next morning, napagdesisyunan kong mag general cleaning sa bahay. Tinulungan naman ako ni Haril na siyang nagbubuhat sa mabibigat. Si Mica hinayaan ko lang na manuod ng cartoons. Bihira lang ‘tong mangyari kaya natutuwa talaga ako.
“Ate, bago na ba ang boss mo?” tanong ni Haril.
“Ha? Hindi na si Kuyang Pogi ang boss mo ate?” singit naman ni Mica. Natawa naman ako. Siguro kasi hindi sila sanay na nandito ako sa bahay kapag weekends.
“Hindi ah. Si Sir Kent pa din boss ko.” Sabi ko sakanila habang nagpupunas ng bintana.
“Ang bait talaga ni Kuyang Pogi. Tinulungan na nga niya ako tapos binigyan ka niya Ate ng bakasyon every Saturday and Sunday.”
“Mabait naman talaga si Sir. Hindi lang halata.” Sabi ko saka kami nag-tawanan.
Pinagluto ko naman ng fried chicken ang dalawa. Ok lang naman gumasto ngayon kasi nagsahod na kami. Kaya nga pupunta ako mamaya sa banko para mag-withdraw sa ATM.
“Sa lunes magbabayad na ako ng tuition niyong dalawa. Kaya sasabay ako sa inyo sa school, ah?” nagliwanag naman ang mukha ng dalawa. Isang problema kasi para kay Haril na lagi siyang may Promi. Ayaw ko naman na lagi niya ‘yung isipin. Dapat nag-aaral lang siya.
“Yehey!” tumawang-tuwa na sabi ni Mica.
“Ate wala bang increase ng baon dyan?” nakangising sabi ni Haril.
Tumawa naman ako. “Bakit? May nililigawan ka na ba?” pang-aasar ko. Namula naman siya at umiwas ng tingin.
“Ate naman eh!” pareho kaming humahagikhik ni Mica. Para na kasing kamatis sa sobrag pula ang kapatid ko. Malamang may nagugustuhan na ‘to sa school.
“Haril, ok lang naman na may ligawan ka. Basta i-priority mo ang pag-aaral mo, ok?” tumango naman ang kapatid ko.
Hapon na nang pumunta akong Banko. Sa mall lang ako nag withdraw para sabay na din akong mag-grocery.
Hindi ko din mapigilan ang hindi i-check ang phone ko. Gosh! Masyado ata akong nasanay na lagi akong tinatawagan ni Sir.
Nagulat ako sa nakita ko sa account ko when I balanced it. Ang regular sahod ko tumaas ng 50 percent. Nakatitig lang nga ako sa screen at parang hindi makapaniwala. Hindi naman kasi ako na-inform nay may increase pala. Tsaka syempre dapat alam ko ‘yon kasi dadaanan dapat kay Sir para ma-approve-an. Pero dahil sa secretary niya ako, sa akin muna ‘yon dadating. Kaya nakakapagtaka.
***
It’s Monday morning and I texted Sir na male-late ako ng konti. Sumabay kasi ako sa kapatid ko para makapagbayad na ako ng tuition nila.
Hindi naman ako nagtagal do’n. Hindi nga ako nag thirty minutes eh. pero dahil traffic, it turned out na one hour late ako.
Agad akong nag-report kay Sir pagkadating ko. May kausap siya sa phone and it seems good mood siya.
Sa tagal-tagal ko siyang nakasama—I mean as a secretary, alam ko na kung masama ang araw niya, mainit ang ulo o good mood. Oo hindi siya ngumingiti, pero ang mga mata niya Oo. Ako lang ata nakakapansin no’n since ako lang ang laging nakakakita kay Sir.
Lalabas sana akong office niya nang mag ‘wait sign’ siya sa akin.
“Yup. Then it’s a deal then. Goodbye.” Sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya saka tumingin sa akin.
“Good morning, Sir.”
“You look good today. You’re no longer a zombie huh?” napangiwi ako. So zombie din ang description niya sa akin? Eh kung hindi naman dahil sakanya hindi ako magkakaganito! Tsk.
“Thank you for the compliment, Sir.” I said full of sarcasm pero at the same time nagdadasal na h’wag siyang magalit sa sinabi ko. Tumingin siya sa isang folder and amused expression is very evident on his eyes. Ano naman kaya ikinatutuwa neto?
“May pupuntahan tayo mamayang alas onse, so remind me.” he said at bumalik na sa dati ang mukha niya.
“Ok Sir. Saan po tayo pupunta?” I asked habang nagsusulat sa lever file ko.
“My house.” Halos mabilaukan ako, hindi ko lang pinahalata. Ano naman gagawin naming do’n.
I mentally slap my self. Tumigil ka nga dyan Theyn ah! Kung ano-ano na lang na kalokohan ang naiisip mo. FYI hindi ka type ng boss mo! Ay alam ko naman ‘yon! Tsk.
“Then I want you to book a flight to Palawan—for four, VIP.” I jot down all his instructions. Mabuti pa si Sir pupuntang Palawan. Madugas, hindi talaga ako makakapag leave kung aalis siya. Hindi pwedeng walang maiwan dito.
“Cancell all my appointments starting from Friday to Sunday, that’s when we’ll leave.”
“We?” gulat kong sabi. Ano naman nakakagulat do’n? secretary ka niya at kailangan niya ng alalay! Ay Oo nga.
“Yes. You, me, and your two siblings.” He casually said.
“M-my… My two siblings?” bakit nakasama ang dalawa kong kapatid sa trabaho ko?!
“May aasikasuhin akong business deal sa Palawan. At since alam kong taga do’n ka, I think it’s best kung ikaw ang magiging tour guide ko, makakasigurado pa akong hindi ako maloloko.” Tumalikod siya gamit ang swivel chair. Napakunot na talaga ako. Talagang natama pa sa araw ng death anniversary ni Mama. Dapat ba akong magpasalamat sa blessing in disguise na ‘to?
“Eh bakit po kasama ang dalawa kong kapatid?”
“Alam kong walang makakasama ang dalawa mong kapatid—Just—just do what I say! No questions! Now you can leave!”
Kainis! Gano’n-gano’n lang? No explanation? Kakaiba din talaga ‘tong si Sir. Nakakaasar na nakakatuwa.
Twenty minutes before mag eleven ay ni-remind ko na si Sir about do’n sa pupuntahan daw namin—which is ang bahay niya.
Nasa likod lang niya ako habang naglalakad siya. Nakaw tingin talaga ‘to si Sir. Lahat napapatingin sakanya kapag naglalakad. Saan niya kaya namana ang appeal niya? Ang gwapo. Pati ang likod niya ang gwapo-gwapo. Kahit ata saang banda ang gwapo tignan. Sa palagay ko nga, kahit papag-suotin siya ng basahan ay gwapo pa din siya.
Hindi din makaligtas ang inggit na tingin sa akin ng mga empleyado. Ako lang kasi ang nakakalapit kay Sir. Ako lang nakakausap sakanya—well except sa mga matataas ang Posisyon. Haha mainggit kayo kasi isang Adonis ang kasama ko. Kaya feeling Dyosa na din ako.
“Sasakay ka ba o hindi?!” bulyaw sa akin ni Sir. Luh? Kailan pa kami nakarating sa Parking lot? Masyado ba akong na-absorb sa pag-momonologue ko ko at hindi ko na napansin kung saan ako?
“He-he-he… S-sasakay po syempre.” Agad naman akong lumulan sa kotse niyang napakabango. Nakakaakit ang amoy. Parang si Sir lang. Leche ang landi mo Theyn! Eh ngayon lang naman. Hihihi
Agad na pinaharurot ni Sir ang kotse. Samantalang ako, parang naha-high na sa amoy niya—ay este ng kotse niya. Jusme! Ano ba ang nangyayari sa akin? Kailan pa ako nag-landi ng ganito?
Dumating kami sa bahay niya. Ang bahay niyang malungkot. Ramdam ko kasi na malungkot ang bahay eh. Alam mo ‘yon? Parang may bad vibes. Hindi siya ‘yung magaan sa pakiramdam. Siguro kasi mag-isa lang dito si Sir.
“Can you cook?” tanong niya nang makapasok kami sa bahay niya.
“Konti po.” Sagot ko.
“Raid my kitchen. Cook for lunch.” Sabi niya tapos umakyat sa taas.
Teka. Ano daw? Raid my kitchen? Baliw din ‘to si Sir. Haay! Pero wala akong magagawa kasi napag-utusan.
Dapat masarap ang lutuin ko. Hihihi magpakitang gilas ka, Theyn. Ipakita mo sa Sir mo na isa kang wife material. Luh?! Wife material agad? ‘Di ba pwedeng chef material muna?
Namangha ako nang puntahan ko ang kusina ni Sir. Ang gara lang. para siyang yung nakikita ko sa mga magazine. Hindi naman kaya ako makasira ng gamit dito?
Pagbukas ko sa ref, mas lalo akong nalula—slight lang. Kumpleto sa pagkain at halatang bagong bili. Actually dalawa ang ref. ‘Yung isa two door fridge at kulay black.
I was about to open it nang maramdaman kong may tumabing sa kamay ko.
“It has security code to open! Can’t you see?!” bulyaw sa akin ni Sir. Infairness at nakakagulat siya.
“S-sorry po.”
“Galawin mo ang lahat ng gamit dito. H’wag lang ‘yan! At pasukin mo na ang lahat ng silid dito h’wag lang ang sa pinakadulo! Naiintindihan mo?!”
“O-opo! Opo!” nakayuko kong sabi. Napahawak na lang ako sa dulo ng damit ko. Nakakatakot talaga si Sir magalit.
I make faces when he left. Tinakot niya ang beauty ko. Kaasar! Lasunin ko siya eh! Ay h’wag na pala. Sayang ng mukha.
Kumuha lang ako ng ingredients sa ref saka ako nagsimulang magluto. Nag-isip pa ako ng magandang recipe, yung hindi panghampaslupang pagkain at nakakahiya kay Sir.
Niluto ko yung Pasta beef stroganoff. Minsan na kasi ako nitong nakakain nang may Seminar kami sa Cebu. Dahil nasarapan ako kaya ko ni-search ang recipe.
“Ang init naman dito sa kusina ni Sir!” Ay malamang mainit kasi naka-blazer pa ako.
Nilagay ko sa upuan ang blazer ko saka ko din tinali ang buhok ko ng mataas. I start preparing the ingredients saka ko sinimulan magluto.
And thank god hindi naman nasunog ang kusina ni Sir. Lahat kasi electric at mas sanay ako sa de-gas. Lol
“Are you do—“ napalingon ako kay Sir. Nagtaka ako kung bakit siya natigilan.
He was staring at my neck at nakita kong gumalaw-galaw ang adams apple niya at paulit-ulit na lumulunok.
“Ah—Sir? Ok lang po ba kayo?” untag ko sakanya. Para naman siyang natauhan kaya napakunot ang gwapo niyang mukha.
“Kung tapos ka na—pwede ka nang maghanda sa lamesa.” Sabi niya tapos tumalikod. Lagi na lang ako tinatalikuran ng meztisong ‘to!
Nihanda ko na ang dining table. Naglagay ako ng dalawang plato, kutsara, tinidor, baso, pitsel at syempre yung niluto ko.
Umupo na din si Sir sa upuan at nilagyan ko din ng pag-kain ang plato niya. First time ko atang makasabay si Sir sa pag-kain.
Nakadalawang subo na ako ng kain nang mapansin kong hindi nagagalaw ni Sir ang pagkain. Tintitigan niya lang ito. Hala, baka hindi niya gusto!
“Sir, hindi niyo po ba nagustuhan luto ko? Pasensya na po—“
“Just eat. Don’t mind me.” sabi niya tapos tinignan ako. “Kumain ka lang.” dagdag niya.
Naiilang ako. Hindi ako kumprtable kapag may nakatingin sa akin habang kumakain. Eh nakakabaliw si Sir eh. Titigan ba ako habang kumakain. Ang lakas ng trip niya—infairnes!
xxx
AN: ---->bahay ni Kentooot! hahahaha
Madalas naman ang update diba? Baka every other day lang. 1300 words kasi ang minimum ko eh. hahaha
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top