Chapter One
Chapter 1
"Girl, pabili." Tambad sa akin ni Cindy. Nagtatakang tinignan ko lang siya.
"Secretary ako. Hindi tindera!" Mahinang sabi ko. Nasa loob ng office si Mr. Manjon at baka marinig niya akong may kausap. Narinig ko nama ang mahinang tawa ni Cindy.
"Pabili ng bag. Ang laki na sa mata mo oh." Tinuro n'ya 'yung mukha ko. I sneered at her.
"Hard working secretary ako, Cindy!"
"Yeah. Secretary beyond duty! Ano nanaman ba pinagawa niya sayo, ha, Theyn Torres?" She narrowed her eyes. Napabuga na lang ako ng hangin.
Kagabi, habang nananaginip ako kay Michael Chad Murray, bigla na lang akong nakarinig ng isang default tone sa phone ko na naka customize lang para kay Sir.
"Isang meeting sa mga taga Poland. New project."sabi ko at tinignan ko ang schedule ni Sir ngayong araw.
May bakanteng 2:00 to 4:00. Mabuti naman at makapagpahinga naman utak ko. Haay. Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera matagal na akong nagresign! Ako ang bumubuhay sa dalawa kong kapatid na Highschooler. 2 years graduate lang kasi ako kaya hindi ako pwedeng mag-inarte. Itong kompanya lang na 'to ang nag-offer sa akin ng mataas na sweldo na bubuhay sa aming tatlo.
Kaya nga kahit anong utos ginagawa ko kasi malaki ang utang na loob ko kay Mr. Manjon. Naalala ko pa kung paano kami unang nagkita. Hindi ko mapigilang mapangiti nang una kong masilayan ang dalawang pares ng malalamig niyang mata.
Naglalakad ako dala-dala ang folder ko na naglalaman ng resume at mga papeles na kailangan sa trabaho. Naubos ko na ang listahan ko sa dyaryo sa mga bakanteng posisyon as secretary pero hindi ako pinapalad. Kung hindi may napili na, under qulified naman ako. Nakaka-stress ang buhay. Bakit ba kasi kami naulila ng ganit o kaaga.
Isa na lang ang natitira sa listahan ko. Actually wala siya sa choices ko. Nilalagpasan ko lang siya kasi building pa lang nakaka-intimidate na. Yung hitsura ng building ay mayro'n invisible letters na nakalagay ang 'BACK OFF LOW CLASS PEOPLE!'
Nakaharap ako sa entrance ng building at nagdadalawang isip kung papasok o hindi. Wala namang pumapansin sa akin kasi lahat busy. Pati ata security guard dito kailangan tapos sa PMA para pumasa.
Dala ang kakarampot na tiwala sa sarili, bumuga ako ng hangin saka naglakas ng loob na pumasok sa loob. Feeling ko nagmukha akong basahan sa damit ko. Isang black 2 inch above na knee ang suot kong skirt tucked in with my Yellow longsleeves. ANg formal tignan pero kung ikokompara sa mga emplayado dito, para akong nagbibihay ng flyers para sa ibang religion.
Nakangiti akong lumapit sa reception area. Mukha naman siyang mabait kaya hindi na ako naghesitate na lumapit.
"Good morning. Mag-aapply lang sana para sa posisyon na secretary. May bakante pa ba?" Pati daliri sa paa ko gusto ko nang ipag-cross fingers para swertehin ako. Kinakabahan pa naman ako.
"Araw-araw po may bakante sa posisyon na Secretary ng aming President. Just go to the HR. 5th floor west wing." Matamis na ngiti ang binigay niya sa akin.
"Salamat." Kahit nagtataka ako kung bakit araw-araw may bakanteng posisyon ay wala akong pakialam. Ang importante magkatrabaho ako ngayon.
Nakaharap na ako sa HR officer at matamang binabasa ang resume ko. Natatakot ako. Baka hindi umabot ang standard nila sa isang tulad ko.
"I'm sorry, Miss Torres. But you are under qualified. Ang hinahanap namin ay yung graduate sa 4 year course, malakas ang loob at kaya ang work under pressure." Napabuntong hininga na lang ako.
"G-ganun po ba? Salamat po sa oras." Sabi ko saka na lumabas ng opisina. Gusto kong maiyak. Ang tanga tanga mo kasi Theyn! Alam ko naman na hindi ka matatanggap sa ganitong kagarang trabaho nagpumulit ka pa.
Mabagal akong naglalakad ng marealize ko kung nasaan na ako. Hala! Saan ako pumunta? Saan yung dati kong pinasukan. Ugh! Ang malas ko.
Isa-isa kong binuksan ang mga pinto ng opisina. Wala kasing tao sa paligid at wala din akong makitang cubicle man lang para sa empleyado. Haaay.
Isang pinto na lang nag pag-asa ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at... at...
"You're late!" Sabi ng baritonong boses. Nakatalikod ito sa over-looking window. Isang board room pala ang napasukan ko at siya lang mag-isa do'n.
"P-pasensya na po. Naliligaw--"
"I told Mrs. Gomez to stop hiring incompetent secretaries! What's your name?" Tanong niya. Nakatalikod pa din siya at kita ko ang malalapad niyang braso. Ang ganda ng hubog ng katawan niya.
"T-Theyn... Theyn Torres po." Kinakabahan kong sabi. Gusto ko ng umalis. Baka iniisip niya na ako yung bagong secretary.
"Kunin mo 'yang papeles sa mesa. Go to my office at ilapag mo 'yan doon. Stay on your station at marami kang aayusin na schedule ko."
"B-but---"
"First, i hate the word 'but' or any form of synonym that can cut my order! Understand?"
"P-pero kasi, Sir--"
"Are you deaf?!" Bulayaw niya. Humarap siya sa akin at nakita ko ang nanlilisik niyang mga mata. That cold pair of eyes na animo'y may yelo sa paligid dahil sa lamig.
Nanginginig na kinuha ko yung folder at lumabas ng office. Pakshet! Hindi na nga ako natanggap sa trabaho uutusan pa ako. Kaasar!
Himala sa himala at nahanap ko na ang daan papuntang elevator. Nang-aasar ano? Ugh! May elevator Man naman sa loob kaya sinabi ko lang kung saan ako pupunta.
Hindi naman mahirap hanapin ang office niya kasi ito lang 'yung may malaking pinto sa loob.
"MS. TORRES!" Untag sa akin ni Sir. Hala!
"M-Mr. Manjon..." Tumayo ako habang nakayuko. Mapapagalitan ata ako.
"This is not the right place to daydream, Ms. Torres." Kalmado niyang sabi saka dumeretso. Napanguso lang ako nang wala na siya. Nakaka-stress ang trabaho ko.
Sabi nila, ako daw ang pinaka-matagal na secretary ni Sir. Marami na naman akong kapalpakan na nagawa pero salamat sa dyos at hindi pa ako sinesisante ng boss ko. Kung sakali kasi, kawawa kami ng mga kapatid ko.
-=-
"Ateeee~" salubong sa akin ni Mica, bunso kong kapatid na 13 years old. 1st year highschool na siya sa isang semi-private school. Nakasuot pa siya ng uniform at nakatarintas ang buhok. "Ang aga mo ata ngayon, te?"
"Oo nga eh. Nasaan si Haril?" tanong ko nang hindi ko makita ang nag-iisa kong kapatid na lalaki. Siya ang sumunod sa akin at 4th year high school na siya ngayon. Sakanya ko lahat tinutustus ang aking sweldo kasi gusto ko talaga siyang makapag-tapos. Tsaka, sayang ang talino niya kung gagaya siya sa akin na 2 year course lang.
"Niyaya po nila Kuya Gab mag basketball." sagot ng kapatid ko. Napatango na lang ako. Hindi ako mahigpit na kapatid. Ayaw ko kasing maranasan ng mga kapatid ko ang dinanas namin noon sa kamay ng Tatay namin.
Bago namatay si Nanay, nangako ako na ako ang tatayong Ina at Ama ng dalawa kong kapatid. Kaya lumayas kami sa Probinsya namin.
After ng libing ni Nanay, agad kaming lumuwas ng Maynila dala ang limang libo na bigay ni Nanay bago pumanaw. Siya ang may gustong lisanin namin ang Tatay at ang bayan namin dahil alam niyang mas maghihirap kami do'n.
Kaya heto ako, hindi magkaugaga sa trabaho.
Ok naman ang sahod ko sa kompanyang tinatrabauhan ko. Maganda nga ang benefits eh. Pero nag-iipon kasi ako para sa pang kolehiyo ni Haril. Gusto niya kumuha ng Civil Engineer eh.
"Ate Theyn, malapit na po pala ang 4th monthly exam ko. Babayaran na po ba natin 'yung huli kong Promi?" tanong ni Mica nang makapasok kaming bahay.
Umuupa lang kami sa isang apartment na may dalawang kwarto, maliit na living room at pinag-isang kitchen at dining room and CR.
"H'wag mo na 'yong isipin, Mica. Malapit na din naman ang swelduhan namin. Mababayaran na 'yon ni Ate. Basta mag-aral ka lang, ha?" kinurot ko ng konti ang pisngi niya.
Nag-luto ako nang hapunan at hinayaan kong manuod si Mica sa TV namin na de-antena. Hindi kasi kasama sa budget ko ang magpa-cable. Renta pa lang sa apartment kukulangin na. Isama mo pa ang ilaw at tubig, matrikula nitong dalawa, pangkain, pamasahe, at kung ano pang emergency expences. Hindi nga ako makabili ng sarili kong damit eh. Tuwing may bonus lang. Hindi rin ako maka-loan kasi tinatabi ko siya sa pag-aaral ni Haril kapag kailangan na kailangan na talaga.
"Ate ang bango!" malakas na sabi ni Mica sa sala. Napangiti lang ako saka ko siya sinilip.
"Talaga? Gumagaling na ba si Ate sa pagluto?" nakangiti kong sabi. Hindi naman kasi ako magaling magluto. Tama lang. Ngayon, adobo niluluto ko kaya medyo proud ako.
"Masarap ka naman magluto Ate eh." nakanguso niyang sabi.
"Eh kasi po, wala ka namang ibang kinakain kundi luto ko." natatawa kong sabi.
Naghahain na ako ng pagkain at plato nang dumating ang kapatid kong si Haril. Pawisan na 'tong lumapit sa akin.
"Ate!" napatingin siya sa adobo. "Wow karne! Masarap ba 'yan?" sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hoy Haril ah. Maligo ka nga at ang baho mo!"
"Ang arte ng Ate ko. Pa-hug nga!" akma siyang lalapit pero dinuro ko sakana yung sandok.
"Subukan mo papaluin kita neto." natatawa naman siyang umalis habang pumunta sa sala. Narinig ko ang sigawan nilang dalawa ni Mica ng niyakap niya ang bunso namin. Napailing na lang ako. Ang kukulit ng kapatid ko.
Malalim na ang gabi at pareho nang tulog ang dalawa. Nasa labas ako ng bahay namin habang nakatingala sa langit. Kapag ganitong masaya kami, namimiss ko ang Nanay. Sana kasi kasama namin siya ngayon. Mas masaya kung nandito siya.
Namatay sa Kidney failure ang Nanay ko. Dahil wala kaming pera kaya hindi siya naoperahan. Ang magaling ko kasing Tatay puro sugal at pambabae lang ang alam. Ang malala pa at pinagbubuhatan niya kaming pamilya niya ng kamay gayong wala naman siyang naitutulong.
Tama din na lumayo kami sakanya. Kawawa siguro 'tong mga kapatid ko kung nagkataon.
Noong bago kaming salta dito sa Manila, nagtrabaho ako sa isang cheap na fast food habang nag-aaral sa kurso ko. 200 per day ang sweldo ko noon na pinagkakasya ko sa isang araw.
Naiwaksi ko ang isipan ko. Bakit ko nga ba iniisip ang nakaraan? Mas bibigat lang ang pakiramdam ko.
Napagdesisyunan kong matulog na kasi maaga pa ako bukas. Alam niyo naman na bawal ang late at mapapagalitan ako ni Mr. Manjon.
Nakahiga na ako sa kama ko at pinatay ko na ang ilaw. Solo ako sa kwarto ko kasi eto yung maliit. Share sila Mica at Haril ng kwarto. Nasa Kama si Mica at sa lapag si Haril.
Nakapikit na ang mga mata ko at naghihintay na lang na tangayin ng antok ang kaluluwa ko nang tumunog ang pinakaayaw kong ringtone ng cellphone ko.
"Kasi naman eh! Alas dyes na kaya! Ugh!" himutok ko bago sagutin ang tawag. "Hello, Sir?"
"Where the hell is the report i told you to do?!" Wow ah. Wala naman lang na 'Sorry to disturb your sleep or what ever' Bulayaw agad?
"What report, Sir?"
"The Chua Cheng Accounts. Where is it?!" mukhang inip niyang sabi.
"Ay Sir, hindi ko pa po pala 'yon na piprint. Pero tapos na po 'yon at--"
"Come over here!" Parang nanghina ang tuhod ko sa narinig. Inaantok na ako. Hindi makatao ang boss ko, alam niyo 'yon?! Sarap hambalusin ng kama. Hindi ba siya inaantok at puro trabaho isip niya?!
"P-pero... K-kasi Sir..."
"I want your ass out here! At my office, NOW!" Then he hang up. Obey before you complain, ika nga.
"Ughhhh!" Gusto kong maiyak. Bye bye bed. Kailan ba kita makakasama ng matagal. huhuhu.
Bakit ko ba kasi pinagtitiisan ang boss ko na 'to? Nakakaasar naman!
xxx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top