Chapter Four
Chapter 4
“Ang ganda talaga ng damit mo! Saan mo ba ‘yan nabili? At mukhang mamahalin ah?” pag-iintriga sa akin ni Cindy nang makasalubong ko siya sa department nila.
“Sa tyange lang.” nakangiti kong sabi. Hindi ko pwedeng sabihin na galing ‘to sa pera ni Sir o kahit bayad sa pag-aalaga ko sakanya. Another issue nanaman ‘yon para kay Cindy.
“Weh? Maniwala ako sayo. Walang ganyan sa tyange, no!“
“Ikaw talaga Cindy. Hindi ka ba busy?” lumapit ako sa secretary ni Sir Migo saka may pinapirmahan.
“Busy. Kaso nga napukaw ng aking attensyon ang iyong magandang kasuotan.” Natatawa niyang sabi.
“Makata ka na ngayon. Baliw ka talaga!” natatawa kong ding sabi.
“Sabay tayo mag-lunch, ah?” pahabol niya bago ako umalis.
“Ha? Hindi pwede eh. Baka kasi may ipag-utos pa ang boss ko.” Sabi ko.
“Ay sabagay. Oh sige pero sabay tayong umuwi mamaya at samahan mo ako sa tyange.” Sabi niya sa kumindat.
Napailing na lang ako kay Cindy.
Bumalik ako sa 21st floor kung saan nakakabingi ang katahimikan. Kinuha ko ang ibang papeles saka ko sinerox. 100 pages and 16 copies. Oh saan ka pa!
Habang inaayos ko ang papers, biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Sir!
“Yes, Sir?”
“Come here, this instant!”
“Nag-xexerox po kasi—“
“I said now, Theyn!” bulyaw niya.
Sumakay akong elevator saka pinindot ang 10th floor. Pagbukas nito, tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Sir.
“Theyn…” banggit niya sa pangalan ko. Kailan pa kami nagkaro’n ng first name basis? He usually calls me by my surname.
“Bakit—“ pumasok siya sa elevator saka pinindot ang G.
“Sir may meeting pa kayo, diba?” hindi niya ako pinansin. Bagkus, parang naramdaman kong bumilis ang takbo ng elevator pababa o imahinasyon ko lang ‘yon.
Kinaladkad niya ako papasok sa kotse niya. “Sir bakit po ba? May meeting pa kayo, diba?”
“Damn that meeting and come with me if you want your little sister to live!” eh shouted at my face.
“M-my… my little sister? Si Mica?” taka kong tanong.
“Nasa hospital siya ngayon! Kaya kung gusto mo siyang maabutang buhay sumama ka sa akin!”
Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay sa kotse ni Sir. Habang nagda-drive si Sir ng mabilis, ako naman ay kinakabahan. Anong nangyari sa kapatid ko? Bakit siya nasa hospital? Bakit alam ni Sir?
Ang daming tanong sa isipan ko pero hindi ko kayang sagutin ni Isa. Masyadong magulo utak ko ngayon.
Agad akong lumabas sa kotse at tumakbo papasok sa hospital. Magkasabay kami ni Sir at siya nagtanong kung saan ang kapatid ko. Hindi ko na tinanong kay Sir kung paano niya nalaman ang buong pangalan ng kapatid ko dahil halos manghina ako ng malaman na nasa ICU ang kapatid ko.
“She was hit by a truck. Recess daw nila at biglang nagtatakbo ang bata.” Sabi sa akin no’g doctor.
Nanlalamig ako at parang walang maramdaman. Parang ang bilis ng pangyayari. Hindi ko na nga mapansin si Sir na nasa tabi ko lang at siyang kumakausap sa doctor. Nakatulala lang ako sa mga naririnig ko.
“Kailangan siyang salinan ng dugo. She also need to undergo CT scan kasi may fracture sa brain niya. Ooperahan siya pero bago ‘yon kailangan mapalitan ang dugo niya. She’s blood type AB Negative. Very rare. And wala no’n sa blood bank ngayon.”
Napaiyak na lang ako. Ang Tatay. AB negative siya. Pero I doubt kung papayag siya. At malayo ang lugar namin. Baka kapusin sa iras at hindi umabot ang kapatid ko.
Nang mailabas sa ICU ang kapatid ko, ipinalipat siya ni Sir Kent sa isang private room. wala akong magawa kahit gusto kong umalma. Wala akong lakas para magsalita sa ngayon.
“H’wag ka ng mag-alala sa dugo. Ako na ang bahala maghanap no’n.”
Laking pasalamat ko at nandyan si Sir. Hindi ko ata alam gagawin ko kung wala siya.
“Umuwi ka na muna sa inyo. Dalhin mo dito yung kapatid mong lalaki. Magiging ok din lahat pagbalik mo.” Sabi niya pa.
Parang gusto kong maniwala. Isang makapangyarihang tao si Sir. At parang gusto kong isipin na may kakayanan din siyang pagalingin si Mica. Pero syempre alam kong hindi ‘yon totoo. Dala lamang ‘to ng pagiging hopeless ko.
Pag-dating ko sa bahay, nakita ko si Haril na nanunuod ng TV. Agad niya akong sinalubong.
“Ate wala pa si Mica. Ang aga mo ata—“
“Nasa hospital si Mica. Magbihis ka at babalik ako do’n.”
Kumuha lang ako ng ilang gamit. Nagbihis ako ng bluse at pantaloon saka kami lumabas ni Haril.
Sumakay kaming taxi saka nagpahatid sa hospital. Nakikita kong umiiyak ang kapatid ko. Kaya niyakap ko na lang siya bigla.
“Ate hanapin kaya natin ang Tatay? Matutulungan niya si Mica.” Hagulhol ng kapatid ko.
“Hindi, Haril. Mas maghihirap tayo kapag kasama natin ang Tatay. Gusto mo bang saktan ka niya ulit? Nandito lang si Ate at naniniwala akong magiging ok din ang lahat. Pagsubok lang ‘to.”
Pagbalik naming sa kwarto ni Mica, nagulat ako ng may lumabas na mga nurse at nagtatawanan sila. Ano naman ang masaya sa loob ng kwarto?
“Hahahaha! Sige po. Gusto ko ‘yon.”
“Mica?” taka kong sabi.
Nakaupo sa kama at parang walang nangyari sakanya. May benda siya sa ulo pero the rest, mukhang ok na ok siya.
“Ateee~” masaya niyang sabi ng makita ako.
Napatingin ako kay Sir Kent at nagkibit balikat lang siya.
“You’re ok?”
“Opo ate! Tinulungan ako nung angel ko.” Masaya niyang sabi. Nakita kong niyakap ni Haril si Mica. Close na close talaga ang dalawang ‘yan.
“S-sir Kent… salamat po sa lahat.” Nakayuko kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin.
“I didn’t do anything. Miracles just happen.” He simply said.
“Pero salamat pa din po, Sir. Na-istorbo pa po naming kayo. Tapos yung meeting po para sa sa mga investors—“
“Hey. You don’t have to worry about them. The investors needs me so it’s their loss kung magba-back out sila.”
“Eh Sir, paano niyo po ba nalaman na naaksidente si Mica? May tumawag po ba sa inyo?” madaming katanungan ang pumapasok sa isipan ko. Kung iisipin kasi, parang it doesn’t make sense kung pagtutugmain mo ang mga pangyayari.
Isang kilometro ang layo ng school nila Mica sa Company. Wala ding teacher niya ang nakakaalam ng number ng boss ko. Her adviser should have called me na may nangyari pala kay Mica. Nasa meeting si Sir kasama ang investors. At sa pagkakakilala ko kay Sir, hindi siya ang tipo ng business man na mag-diditch ng meeting para lang tulungan ako. Or ako lan talaga ‘tong mali ang pag-aakala sa ugali ni Sir. Masyado ko ba siyang na-down when it comes to his attitude?
“Hindi na importante ‘yon. What’s important is that your sister is ok.” napatango na lang ako kay Sir. Oo nga naman. Bakit ko ba pinag-iisip ang mga bagay na hindi naman dapat problemahin? Ako lang talaga ‘tong paranoid.
-=-
Kinabukasan parang naging normal lang ang lahat. Na-discharge agad si Mica at napayagan siya ng doctor na bumalik na ulit sa school.
Mahigpit ko ding binilinan si Haril na h’wag pababayaan ang kapatid.
Ako naman at heto. Busy ulit. Tuloy daw ang investments ng mga Crawfords kaya masaya ang lahat ng mga nag-puyat para sa project na ‘to.
Halos lahat nga kami nagulat nang mag-announce si Sir na may party daw later sa isang bar na pag-aari ni Sir Migo. Mukhang hindi naman ako makakapunta do’n. Hindi talaga ako mahilig sa party eh.
“Sumama ka na kasi. Please?” Wala namang iba ang nakikipagkulitan sa akin dito kundi si Cindy.
“Party is not my thing.” Sabi ko sakanya. Ayan tuloy at napapa-english na ako. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ang pagmamatigas ko. Knowing Cindy, hindi siya papaya na hindi ako sasama.
“Nakakatampo ka naman eh! Sige na kasi!” nakasimangot siya at naka-nguso. Napangiti tuloy ako sa mukha niya.
“Wala akong susuotin.” Another alibi ko. Alangan namang suotin ko yung mga pang corporate attire na pinabili sa akin ni Sir.
“Papahiramin kita! Basta sumama ka ah?” Hay! Si Cindy talaga, lahat may sagot sa alibi ko.
“Sumama ka na kasi.” Sabay kaming napalingon ni Cindy sa nagsalita.
“Hi Sir Migo.” Bati ni Cindy.
“Hi Girls.” Ngumiti siya kay Cindy saka tumingin sa akin. “In-indyan mo ako kahapon. Naghintay pa naman ako sa cafeteria.” Nagulat ako sa sinabi ni Sir Migo. Oo nga pala sinabihan niya ako kahapon na sabay kami mag-lunch.
“M-may nangyari lang po kasi, Sir. S-sorry po.” Nakayuko kong sabi.
“Hindi ‘yon ok for me. and you have to pay me for waiting.” Napaangat ako ng tingin. Hala! Pera nanaman!
“B-babayaran po kita, Sir.” Sabi kong puno ng paumanhin.
“I don’t like your money.” Sabi niya sa tumingin kay Cindy na parang na-hypnotize sa mga pinagsasabi ni Sir. “I want you to attend the party later. That’s your payment.” He beamed.
“Pero—“
“No buts, Miss Torres. That is an order. Ok?” sabi niya saka umalis.
Nakatulala lang ako. Kakaiba talaga ‘yang si Sir Migo. Always leaving me speechless. Natauhan lang ako nang maramdam kong hinampas-hampas ako ni Cindy sa braso.
“Bakit ba?! Makahampas ka ah!”
“Niyaya ka pala ni Sir Migo mag-lunch?! Bakit hindi mo sinasabi sa akin?! OMG! Chismiz ‘to!” parang nagha-hyperventillate niyang sabi.
“Hoy! Walang chismiz ok?! Tsaka lahat naman tayo nakasabay na ni Sir mag-lunch diba?” ayaw kong lagyan ni Cindy ng malisya ang sinabi ni Sir Migo. Mahirap na. baka ma-bully ako ng may mga crush sakanya.
“Oo nga. Pero never pa siyang nang-imbita ng empleyado para makasabay niyang kumain. Normally random siyang nakikisit-in sa canteen.”
“Sasama na ako pero tigilan mo na ako sa issue na ‘yan.” Nagliwanag naman mukha niya at tuwang tuwang pumalahaw.
“Yes!”
“Basta pahiramin mo ako ng damit ah?”
“Oo naman!”
xxx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top