Chapter Forty-Three
Muntik ng maging restricted ang MKiSF. :( Buti na lang naagapan ko at naibalik sa Rated G. Guys, kung hindi niyo gusto ang story na 'to 'wag niyo naman ireport. Kung alam ko lang na ganito sana pala ginawa kong private 'yung BS part, diba? Pero ayaw ko kasing masabihan ako ng makasarili at may nalalaman pang private para mag-gain ng followers. I'm not like that. :( Thank you sa pa New Year niyo sa akin.
Anyway, kumusta ang pagsulubong niyo sa bagong taon? Ako nagkulong sa kwarto at bawal akong makalanghap ng pulbura sa paputok. Asthmatic kasi ako, eh. Pero enjoy naman.
Nga pala, light lang ang chapter na 'to. Maikli kaya 'wag mag-expect. 'Yon lang, thank you.
-=-
Chapter 43
Yale University. I had to research about the school na pag-aaralan ko kasi wala akong alam tungkol do’n. Pinapili rin ako ni tatay kung anong course ang gusto ko. I choose Psychology kasi ‘yon na talaga ang gusto kong kunin noon pa man. Sa September pa naman ang pasukan kaya may 9 months pa ako. Pero sabi ni tita Shaila, kailangan daw mga 3 months before magsimula nasa Connecticut, USA na ako para masanay ako sa lifestyle doon.
Nag resign na rin ako sa kumpanya ni Kent. May bago na siyang secretary—lalaki. Para siyang naging chief assistant ni Kent. Okay na rin naman sa akin kasi maiiwasan kong mag-isip nang kung ano. January na at hinayaan ko si tita Shaila na mag-asikaso ng credentials ko para sa papasukan kong school. Dito na rin kami sa mansion nakatira kasi ‘yon ang request ni tatay.
“Kumusta ang work?” I asked Kent habang naglalakad kami sa park. Hapon na at sinundo niya ako sa mansion. Kahit na nasa trabaho siya, hindi siya nawawalan ng oras sa akin. Sana gano’n pa rin siya kapag nasa ibang bansa na ako.
“It’s fine. Magaling naman si secretary Sid.” He shrugs. Tiningnan ko naman si Kent at napansin kong matamlay siya.
“Kent, may problema ba?” tumigil kami sa paglalakad at humarap ako sakanya. “You can tell me.” I assure him.
“Don’t mind me. Naiisip ko lang kapag wala ka na. To tell you the truth, hindi ka pa nga umaalis nahihirapan na ako.” Seryoso niyang sabi. Nginitian ko naman siya at hinawakan ang kamay.
“Babalik naman ako, eh. Pero kung ayaw mo talaga akong umalis, just tell me and—“
“No, Theyn. Ipagpatuloy mo ‘yon. Hayaan mo lang ako. Natural lang naman ata ‘to.” he smile back at me.
“Dadalasan ko ang pagtawag sa’yo. I will update you everyday sa mga ginagawa ko. Before you knew it, kasama mo na ulit ako.”
“Kaya ko naman maghintay pa, eh. Besides, bata ka pa naman kung itatali agad kita sa akin. Kung alam mo lang ‘yung mga bantang binigay sa akin ng tatay mo.” Sabi niya tapos tumawa siya.
“Hala! Binantaan ka ng tatay?” hindi ko makapaniwalang sabi.
“Concern lang siya sa’yo kasi isang tulad ko ang boyfriend ng anak niya. Baka nga pinaghiwalay niya tayo kapag nalaman niyang Vampira ako.” Tumawa siya ng malakas kaya naman siniko ko siya.
“Huwag mong sasabihin kay tatay! Matatakot ‘yon!”
“Hindi ko sasabihin.” Hinawakan niya pisngi ko saka siya lumapit para yakapin ako.
“K-Kent, nakatingin ang mga tao.” Sabi ko sakanya. Para naman siyang walang narinig at niyakap lang ako.
“I don’t care.” Napahagikhik lang ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga ‘tong nilalang na ‘to. PDA kung PDA.
Halos araw-araw gano’n kami ni Kent. Susunduin niya ako sa mansion o kaya magkikita kami kung saan. Magde-date at mag-uusap. Minsan sinasamahan niya akong kumain o kaya mamili ng damit. Sinabihan ko nga siyang ‘wag na naming pag-usapan ang tungkol sa pag-alis ko dahil feeling ko mas lalong papalapit ang araw.
“Pagbalik mo rito, pangako ayos na ang lahat.” He always say that bago kami maghihiwalay or kapag hinahatid niya ako sa amin.
Isang gabi, napaka alinsangan ng paligid kaya naisipan kong maligo. Good thing at may sarili na akong banyo sa kwarto ko. Nakakatuwa nga kasi sa sobrang laki ng kwarto ko, parang gusto ko ng mag-lagay ng sariling living room and dining area.
After I finish a quick bath, nag-suot lang ako ng night gown ko at pinatungan ko ng bath robe. Habang kinukusot ko ang basa kong buhok, naramdaman kong biglang humangin ng malakas sa may pinto kung saan may terrace sa labas. Naiwan ko palang bukas ang sliding door. Malikot na sumasayaw ang kurtina dahil sa hangin.
Sasaraduhan ko na sana nang maramdam kong may pumigil sa kamay ko. Impit lang ang sigaw ko dahil sa sobrang gulat. Parang nahulog ang puso sa sobrang nirbyos at alam kong sobra akong namutla. Malamig ang humawak sa akin at gusto kong isipin na sana hangin lang ‘yon.
Dali-dali kong sinarado ang pinto at patakbong umakyat sa kama. Naka on na ang aircon sa kwarto pero pinagpapawisan ang noo ko. Parang tuloy gusto kong tumabi ngayon sa pagtulog kay Mica. Natatakot ako.
I breathe heavily saka ko kinumbinsi ang sarili, “It’s nothing. Wala lang ang lahat. Huwag kang matakot, Theyn. Hangin lang ‘yon.” I said. I took a deep breath saka ko sinuot ang sarili ko sa comforter.
Pinatay ko na ang lamp shade saka ako tumalikod sa may gilid ng higaan. Medyo nadadala na ako ng antok ko nang maramdaman kong parang may mahabang bagay ang pumupulupot sa bewang ko.
Nanigas ako sa kinahihigaan ko nang humigpit ang pagkakapulupot nito sa akin. Naramdaman ko rin na parang may nakasubsub sa likod ng buhok ko. Sobrang bigat na ng paghinga ko at gustong-gusto ko ng sumigaw pero wala akong lakas para gawin ‘yon.
The thing snuggled my neck palapit sa leeg ko papunta sa tenga ko. Nagsitayuan ang balahibo ko nang…
“Boo…”
“AHHHHHH,” agad akong nakapa ang lamp shade pero imbes na ma on ko ‘to, nahila ko pa ito dahilan para mahulog at nabasag.
“Shhhhh, ako ‘to. Theyn,” natigilan ako. Dahan-dahan akong napalingon at naaninag ko ang mukha ni Kent. Tawang-tawa ang hitsura niya at parang aliw na aliw pa.
“Anong ginagawa mo dito?! Balak mo ba akong patayin sa takot?!” singhal ko sakanya. Kaasar siya! Ang sakit kaya sa pakiramdam ang magulat.
“Hahahaha. I wish I have a camera with me para na record ko ang galaw mo kanina. Hahaha you’re so scared!” tawa pa niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Sino bang hindi matatakot! At bakit ka ba nandito, ah?!”
“I decided to do this every night.”
“What? Ano ka!”
“Bakit? May problema ba?” parang wala lang sakanya. Kung ano-anu na lang naiisip ng nilalang na ‘to. Feeling niya ba Romeo and Juliet kami at kailangan nandito siya sa kwarto ko kapag gabi?
“Problema? Wala! Wala talaga!” sarcastic kong sabi. Natawa naman siya saka siya umupo sa kama at pinaupo rin ako sa tabi niya.
“Gusto ko lang na lagi kang kasama habang nandito ka pa.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Kasi aminin ko man sa hindi, gusto ko rin. At nagpapasalamat ako at naisip niya ang ideyang ganito.
“Baka masanay ako, Kent.” I told him. He just beamed at me and caress my cheeks.
“Okay lang na masanay ka. I won’t let you feel our distance. I will always keep in touch. I promise.” Tumango ako sakanya.
Malalayo ako sakanya pero alam kong sa ikakabuti ko rin naman ‘to. Binibigyan ako ng pagkakataon na maabot ang mga pangarap ko kaya hindi ko na ito palalagpasin.
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni tita Shaila at tatay sa labas ng pinto. Kinakatok nila ‘to. Shiz!
“Kent, magtago ka!” mahina ngunit mariin kong sabi sakanya.
“Why would I? We’re not doing anything—yet.” Ngumisi siya kaya tiningnan ko lang siya ng masama. Nagawa niya pang magbiro ng ganyan, ah.
“Magtago ka!” ulit kong sabi habang tinutungo ko ang pinto.
Huminga ako nang malalim bago ko binuksana ng pinto. Okay, relax. Huwag kang magpapahalata, Theyn.
Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni tatay at tita Shaila nang buksan ko ang pintuan.
“Narinig naming may nabasag dito sa kwarto mo kaya ginising ko ang tatay mo. Ayos ka lang ba, Theyn?” nag-aalalang sabi ni tita Shaila.
“A-ano po kasi, nabasag ko po ‘yung lamp shade. S-sorry po.” Yumuko ako dahil medyo nahiya ako.
“'Yon lang ba?” kita kong medyo relieved ang hitsura nilang dalawa.
“Akala ko may nakapasok ng masamang tao.” Sabi ni tatay. Gusto ko lang matawa. Hindi naman po masamang tao, mang-gagapang na vampira lang po! Gusto ko sanang sabihin kaso lagot ako kapag nalaman nilang nasa loob si Kent.
“Okay lang po ako, ‘Tay. ‘Wag na kayong mag-alala.” Ngumiti ako sakanila at parang nakimbinsi naman kaya napatango na lang.
“Sige na, hija. Matulog ka na.” sabi ni tita Shaila. Tinanguan ko lang siya saka ko sinarado ang pinto at ni-lock.
Pagbalik ko sa kama, wala na si Kent. Saan naman kaya ‘yon nagpunta? Nahiga na lang ako at medyo inaantok na talaga ako.
Papikit na ako nang maramdaman kong may humaplos sa ulo ko. “Sweet dreams, my love.” I heard him say before drifting away to sleep. Alam ko ngayong gabi na matutulog akong may ngiti sa labi.
xxxxx
HAPPY NEW YEAR! OMG! First update sa 2015. hahahaha
-Ate Thy <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top