Chapter Forty-Seven
NOT EDITED | NOT PROOFREAD
Chapter 47
Nagising ako na may humahaplos sa noo ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Kent. Agad akong nahawak sa mga ngiti niya kaya napangiti na rin ako sakanya.
“Okay na ba pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako. I’m fine though may nararamdaman pa akong konting kirot sa katawan ko. Pakiramdam ko rin masyadong nabugbug ang katawan ko pero aside from that, okay na ako.
“You want some water?”
“Yes, please.” Sabi ko naman. Nakakauhaw sa pakiramdam. Feeling ko nawala ang liquid sa katawan ko.
Babangon sana ako pero agad naman akong napahiga nang maramdaman ko ang kirot sa leeg ko. Biglang naalala ko kung ang mga pangyayari. Biglang bumalik sa akin ang takot at feeling ko nanginginig ang buo kong katawan. Ramdam na ramdam ko pa ‘yung sakit nang hiwain niya ang palad ko at ang leeg ko at kung saan-saan pang parte ng katawan ko.
“Sh-t!” narinig kong mura ni Kent. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Parang nakaka-trauma ‘yung nangyari sa akin at hindi ko maiwasan na ma-paranoid.
“N-natatakot ako,” pag-aamin ko sakanya. Paano kung mangyari ulit ‘yon? Paano kung makuha niya ulit ako and this time hindi na niya ako buhayin?
“Sshhh… You’re safe. Wala ng mananakit sa’yo.” Bulong niya sa akin.
Alam kong ligtas na ako. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang puwedeng mangyari. Nakakatakot.
Narinig ko naman na bumukas ang pinto kaya agad ko itong tiningnan. Nagulat ako nang makita ko si Cindy. Agad akong nagsumiksik kay Kent sa sobrang takot.
“Kent,” nanginginig kong sabi. Nahalata niya atang natatakot ako kaya tumingin din siya kay Cindy.
“She won’t harm you, Theyn.” He said.
“Theyn, kumusta ka na?” tanong ni Cindy sa akin.
“O-okay lang,” nag-iba ako ng tingin. Tumayo naman si Kent at parang batang napahawak ako sa laylayan ng damit niya.
“Saan ka pupunta?” nag-aalala kong sabi. Ngumiti naman siya sa akin saka hinawakan ang pisngi ko.
“Mag-usap muna kayo. I’ll be outside.” He beamed saka siya tumalikod. I saw him tapped Cindy’s back saka siya tuluyang lumabas.
Cindy sits beside me.
“Alam kong natatakot ka sa akin, Theyn. Pero hindi kita sasaktan. Isa na akong venomous vampire. See?” her brown eyes shift from crimson red. Ibang iba na rin ang kutis niya. Mas lalong gumanda at kuminis.
“Sorry, medyo na-trauma lang talaga ako sa nangyari.” Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Namiss kita.” Ramdam ko na sincere siya. Namiss ko rin naman siya. Kapag sobrang enjoy ang usapan namin nila Jean at Florence, hindi ko maiwasan na sana kasama namin siya. Sana kasama namin siya sa kalokohan namin. Pero heto siya ngayon, nasa harapan ko.
“Babalik ka ba sa pamilya mo?” tanong ko sakanya.
Malungkot siyang ngumiti, “I can’t. Walang taong nilibing ba bumangon sa kabaong. Magdududa lang sila. Besides, okay na ako sa ganito.” I can feel the sadness in her voice.
“Sabagay. Pero miss ka na nila Jean at Florence. Ayaw mo ba silang makita?”
“Iniisip ko nga na magpakita sakanila tapos umalis agad.” Then she laugh hardly. Pati ako natawa na rin. I can just imagine the two trembling their knees at takot na takot.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Cindz. Makalokohan ka pa rin,” natatawa ko pa ring sabi.
“Pinapagaan ko lang ang loob mo. Pero alam mo, girl. Hindi ako makapaniwalang isang vampire pala si fafa Kent mo. ‘Buti at okay lang sa’yo.” Sabi niya.
“Issue rin ‘yan namin noon. Pero tanggap ko siya.” Nakangiti kong sabi.
“Alam ko naman kayo ang magkakagustuhan, eh. Dati pa, ramdam ko na na gusto ka niya. Lalo na no’ng inutusan niya akong bumili ng damit mo para lang sumama ka sa party. Remember ‘yung pinahiram ko sa’yo?”
Natawa ako nang maalala ko ‘yung damit. So si Kent pala ang nagpabili noon? Kaya pala nasa size ko at hindi kasya kay Cindy.
“Nahuli ko rin siya noon na palihim kang tinitingnan noong nag change wardrobe ka. Feeling ko nga may heart na ang mata niya noon no’ng nakita ka.” She added. Kahit kami na ni Kent at aware ako sa feelings niya sa akin, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi kiligin. Knowing na gusto na pala niya ako noong time na pinapagalitan niya ako at sinisigaw-sigawan.
“Kinikilig ang bruha! Hahaha” tinusok-tusok ni Cindz ang tagiliran ko kaya napaigtad ako.
“Eh ikaw kasi binubuking mo na si Kent.” Nakalabi kong sabi sakanya.
“Marami ka pang dapat malaman. Bago ako mabiktima ng blood suckers, nahuli ko rin si fafa Kent mo at Sir Ivo na nag-aaway dahil sa’yo. Galit na galit ang lolo mo kasi umeepal daw siya sa pag-da moves sa’yo.” Humalakhak nanaman siyang parang baliw.
“Ano ka ba, Cindy. Pati ba naman ‘yon?” I scowled at her.
“Ang swerte mo nga, eh. Dalawang papables ang nagkagusto sa’yo. Isasama ko sana si Sir Migo kaso alam niyang basted siya sa’yo kaya napunta kay Florence ang attensyon niya.”
“Cindy!” pinandilatan ko siya pero tawa lang ng tawa ang baliw. Napapailing na lang ako.
“Bigla namang pumasok si Kent at Ivo at parehong nakakunot na napatingin kay Cindy.
“Bakit mo kami binubuking?” sabi ni Ivo.
“We should’ve leave you in Coven Clan!” iritableng sabi naman ni Kent.
“Kayo naman. ‘Di na ma-joke.”
Napailing na lang ako sa tatlo habang pinapanood silang magbangayan. Nakakatuwa sila.
TATLONG araw ang nilagi ko sa Infirmary ng Vampire City bago ako nakalabas. Kasalukuyan akong nakalulan sa kotse ni Kent at pauwi kami ngayon sa mansion nila tatay. Sabi ni Kent, pansamantala raw na pinatulog nila ang pamilya ko pero agad din raw itong magigising kapag dumating na ako.
“Kent, tutuloy ka pa ba ako sa ibang bansa?” baling ko sakanya. Saglit siyang tumingin sa akin saka ibinalik ang tingin sa daan.
“You have to. Hindi alam ng pamilya mo ang totoong nangyari. Magtataka lang sila kung bakit nagbago ang isip mo.” Sabi naman niya.
“Pero natatakot na ako.” Sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya sa akin at hinawalan ang kaliwa kong kamay.
“We’ll talk about it later, okay?” tumango lang ako sakanya. Kung ako ang papipiliin hindi na ako tutuloy. Puwede naman akong mag-aral ng hindi umaalis sa ibang bansa, eh. Ayoko lang na mawalay pa sa pamilya ko at kay Kent.
Dumating kami ni Kent sa mansion at kagaya nga ng sinabi niya, gising na sila tatay. Parang alam nilang dadating ako dahil nakaabang na sila sa entrance ng pintuan.
Agad akong bumaba at sinalubong ako ni Haril at Mica ng yakap. Sobra ko silang na-miss!
“Ate!” niyakap ko ang dalawa. Apat na araw lang akong nawala pero pakiradam ko sobrang tagal ko silang hindi nakita.
“I’m glad na nakauwi ka na, anak.” Sabi ni tatay. Nagtaka tuloy ako. Alam nilang wala ako. Napatingin naman ako kay Kent saka lang siya ngumiti sa akin.
Wait, what did I miss?
Pumasok kami sa living room. Pinaakyat ni tatay si Haril at Mica sa kanilang kwarto dahil kakausapin niya raw kami ni Kent.
“Na-move ang alis mo, Theyn. Two days from now ang new date.” Sabi ni tita Shaila.
“Gusto mo pa bang umalis, Theyn?” si tatay naman ang nagtanong. I am so torned. Tumingin ako kay Kent at parang nanghihingi ng sagot pero ngiti lang ang sinukli niya. Kent help me. my answer depends on you.
“Kaya kong maghintay, Theyn.” Ang nasabi niya lang. So gusto niya akong tumuloy.
“Pero ikaw pa rin ang masusunod, anak.” Sabi ni tatay.
Natatakot ako. Pero kahit naman ako hindi umalis nandito pa rin ang takot na nararamdaman ko, eh. Hindi ako magiging matatag kung aasa ako kay Kent na lagi niya akong ililigtas. Kailangan matutu rin akong tumayo sa sarili kong mga paa.
I sigh heavily. Hindi nila alam ang totoong nangyari at wala akong mai-re-reason kung sabihin kong ayaw ko ng matuloy. Alam kong okay lang sakanila pero ayaw ko silang ma-disappoint sa akin.
Tiningnan ko sila isa-isa at hinihintay din nila ang isasagot ko. Mahal ko sila at aminin ko man sa hindi, gusto kong maging proud din sila sa akin. Lalo na si nanay. Magiging masaya siya kapag nakita niya na successful na ako.
“Tutuloy ako.” Determinado kong sabi. Ang nakangiti nilang mukha ay mas lalong lumuwang at kita ang kagalakan sa kanila.
Tumayo naman si Kent at niyakap ako. “You won’t regret this, I promise you that.” Tumango ako sakanya.
“I hope so,” I replied.
Gabi na at nasa kwarto ko si Kent at pinapanuod lang akong mag-impake ng gamit ko. Hindi nga alam ni tatay na nandito—as usual. Sabi niya babantayan na niya ako at baka hindi nanaman ako matuloy.
Narinig ko naman na tumunog ang phone ko at nakita kong nagtext si Florence at Jean na sabay.
Florence:
|Girl, nagpakita sa akin si Cindy! Huhuhu|
Jean:
|Baklaaaa! Nagpakita rin ba sa’yo si Cindy! Ipagdasal nga natin siya at baka hindi pa natatahimik ang kaluluwa niya!|
“Pfft~ Wahahahahahaha!” napahawak ako sa tiyan ko sa kakatawa dahil sa text ng dalawa. Napatingin naman sa akin si Kent na nagtataka.
“Nababaliw ka na,” kumento niya.
“Hahahahaha. Si Flo and Jean kasi… wahahahaha,” inabot ko sakanya ang phone ko at pinabasa ko sakanya ang text ng dalawa.
“Tinotoo nga ni Cindy. Hahaha” pagtingin ko kay Kent ay walang expression ang mukha niya. Hindi ba siya natawa? O baka hindi na na-gets.
“What so funny about that?”
“Ang KJ mo!” sabi ko. Sinara ko ang maleta na tatawa-tawa pa rin. Hindi ako maka-get over, eh.
Umakyat ako sa kama at sumunod naman si Kent. Nauna siyang nahiga kaya agad akong umunan sa braso niya.
“Kent,”
“Mmm?”
“Ayaw mo ba akong maging kagaya mo?” tanong ko. Nagtataka lang ako kung bakit hindi niya ako ginawang vampira. Ang sabi sa akin ni Cindy muntikan na raw akong mawala pero naagapan ako ng nurses sa Vampir City.
“Why you want to be like me?” tanong din niya.
“Because I love you,” sagot ko. Umupo ako at hinarap ko siya habang nakahiga.
“Alam mo ba kung bakit ayaw kong maging kagaya mo ako?” tanong niya.
“Bakit?”
“Because I love you more,” he stared at me.
“I don’t get it.”
“Ikaw na lang ang natitirang tao na importante sa akin. Si Lorelei kauri ko na pati ang dalawa kong apo sakanya. And I won’t allow at na pati ikaw magaya sa amin. Pinipilit kong maging normal at ikaw lang ang nakakapag-paramdam sa akin noon.” Seryoso niyang sabi.
“Pero paano kung mamatay ako?”
“It won’t happen. I will protect you no matter what.” He caress my cheeks at kagaya ng lagi niyang ginagawa, pinagdikit niya ang noo namin.
“Naintindihan ko na,” nakangiti kong sabi sakanya.
-
Bitbit ko ang maleta ko nang bumaba ako galing kwarto. 10AM ang alis ko at ihahatid nila ako. Kanina maaga akong nagising pero wala na si Kent sa tabi ko.
“Handa ka na, ate?” tanong ni Haril.
“Mmm,”
“Ate lagi mo akong tatawagan, ah?” parang mangiyak-iyak na sabi ni Mica. Agad ko naman siyang niyakap.
“Syempre naman. Mag-aral ng mabuti, ha?”
“Opo!”
“At ikaw, Haril. Kung may girlfriend ka na, huwag mong itago sa amin.” Sabi ko. Nakita ko naman na namula kaya napatawa ako.
Paglabas naming bahay, inilagay ni tatay ang maleta ko sa compartment ng kotse. Isang maleta lang dala ko kasi konti lang pinadala sa akin ni tita Shaila. Sabi niya lahat ng kakailangan ko ay handa na sa condominium na titirhan ko.
“Tara, it’s quarter to 9. Baka ma-traffic tayo.” Sabi ni tita Shaila.
“Teka, si Kent po.” Sabi ko naman. Where is he? Sabi niya sakanya ako sasakay.
“Baka sa airport na lang maghihintay?” sabi ni tatay. Napailing naman ako.
“Hindi po, eh!” kinakabahan tuloy ako. Luh! Baka kung ano na nangyari doon. Paano kung binalikan siya noong blood sucker? Paano kung this time natalo siya at—
“Andyan na ate, oh!” turo ni Mica sa paparating na black Montero sports.
Para naman akong nakahinga ng maluwang. Paranoid na talaga ako.
“Sorry I’m late.” He said nang makababa siya.
“Tay, sakanya po ako sasabay.” Sabi ko.
“Ala namin, hija.” Nakangiting sabi ni tatay. “Sige na at baka ma-traffic tayo.”
Lumulan ako sa sasakyan ni Kent. Napansin kong seryoso lang siya. Hindi man lang nga niya ako hinalikan sa pisngi eh.
“Kent, are we okay?” asked habang nag-da-drive siya.
“Yes, why?”
“Ang tahimik mo kasi.”
“Malungkot lang ako.” Sabi niya.
“Sabihin mo lang hindi na ako tutuloy—“
“Theyn, I’m going to be fine. Promise.” Tumango lang ako sakanya.
Nasa departure area na kami at may 30 minutes pa ako para hintayin na tawagin ang flight ko. Ang daming pabaon ni Kent na Do’s and Don’ts.
“Kapag mabalitaan mong nawawala ang umaalagid sa’yo, ibig sabihin tinapos ko na ang buhay niya!” sabi niya.
“Kent!” saway ko kahit sa totoo natatawa ako.
“Hindi impossibleng walang magkagusto sa’yo do’n! Kaya umayos ka, ah. Baka mamaya niyang makipagsabwatan na ako kay Droko para lang mapatay ang—“
“I love you,” putol ko sakanya. Natigilan naman siya saka biglang parang nahiya.
“I love you more,” sagot niya tapos hinapit ang bewang ko.
“Kent, nakakahiya kela tatay.”
“Sshhh.”
Napatingin naman sa gawi nila tatay at magkausap sila ni Haril at parang boys talk kasi nakatingin sila sa paliparan ng eroplano. Si Mica naman at tita Shaila rinig na rinig kong nag-uusap tungkol sa buhok. Napangiti lang ako. My sisblings is in good hands. Atleast mapapanatag ako.
“GIRL/BAKLA!”
Agad akong napabitaw kay Kent at napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. I saw Florence and Jean running towards me.
“'Buti pinapasok kayo.” Sabi ko sakanila.
“Inaway ni Jean ‘yung security, eh.” natatawang sabi ni Florence.
“Girl, na-receive mo ba text namin?” tanong ni Florence.
“Oo,” naalala ko nanaman ‘yung text nila kagabi. Agad kong kinagat ang dila ko para pigilan ang tawa.
“Hindi ba siya sa’yo nagpakita, bakla?” tanong ni Jean.
“H-ha? Ah, eh, napanaginipan ko siya.” Palusot ko.
“Ang daya naman! Kami tuloy halos atakehin na sa puso tapos ikaw sa panaginip lang?!” ismid ni Jean.
“Kasi girl, tayo ang sobrang namimiss ni Cindy kesa kay Theyn.”
“Oo nga,” agree ko naman sakanya.
“Kahit na. Ikakamatay ko talaga ‘yon. Imagine bakla, ah. nagsusuklay ako ng hair sa harap ng salamin tapos biglang nasa likod ko siya.” Natawa ako sa reaction ni Jean.
“Eh ikaw Flo? Paano siya nagpakita sa’yo?” tanong ko naman.
“Pagbukas ko ng kwarto nakita ko siya nakatayo sa paanan ng kama ko. Kaya sa kapatid ko muna ako nakikitulog.”
Tawa ako ng tawa sa mga kwento nila. With action pa talaga kaya mas lalong nadadagdagan ang tawa ko. Pasaway talaga ‘yon si Cindy. Napatingin naman ako sa dalawa at seryosong nakatingin sa akin at parang inis na inis sa reaction ko.
“Walang nakakatawa, Theyn.” Sabi nilang dalawa.
“'Yan din ang sabi ko sakanya.” Singit ni Kent.
“Hi Sir Kent.” Bati nila kay Kent.
Nagkatuwaan lang kami habang may oras pa. ‘Yung tipong gusto mong sabihin na lahat at para kang may time limit?
Hanggang sa tinawag na ang flight number ko. Dala ko ang maleta ko at handbag na naglalaman ng importanteng bagay saka ako umalis. Panay ang lingon ko sakanila habang pinapanuod ko silang kumakaway sa akin.
Hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Eto na talaga ‘to. Sana kayanin ko. Sana maging okay din ang lahat.
xxx
Bon voyage.
Sino na sa inyo ang nakabasa ng Bloody Fangs?
Ate Thy <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top