Chapter Forty-Four

Not edited | Not proofread | 

Chapter 44

 

“Bukas na ba talaga ang alis mo, girl?” tanong sa akin ni Florence. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya. Pati rin naman ako nalulungkot. Kung puwede nga lang na hindi ako tumuloy kaso para rin naman ‘to sa akin.

“Oo, eh.” nandito ko ngayon sa companya ni Kent dahil binisita ko si Florence. Isa rin siya sa mga mamimiss ko kasama ang boyfriend niyang si Migo.

“Balitaan mo ako lagi, ah? Huwag mong ipagpapalit si Kent sa Americano!” natawa lang ako sa sinabi niya. As if naman mangyayari ‘yon. Eh mas gwapo pa nga si Kent sa mga nakakasalamuha kong kano kapag may katransaction kaming taga ibang bansa.

Bigla namang bumukas ang elevator at niluwa nito si Jean. Nandito kasi ako sa department ni Florence. Natunugan niya atang nandito ako.

“Bakla ka! Bakit si Florence pinuntahan mo ako hindi?!” nakapameywang niyang sabi.

“Pupunta naman ako sa’yo mamaya, eh.” nakanguso kong sabi.

“Aish. Oo na.” tapos kumapit siya sa braso ko at pinilig ang ulo sa balikat ko. “Huwag mo kaming kakalimutan, ah? Lalo na ako.” Sabi niya pa. natawa kang ako sakanya saka rin ako kumapit sa braso niya.

“Hindi kita kakalimutan, ikaw pa.” I assured her.

“Girl, may first step lang para hindi mo kami makalimutan.” Sabi ni Florence at nacurious naman ako.

“Ano ‘yon?”

“Gumawa ka na ng facebook at Skype! At kapag may time ka na, pati instagram. Ikaw lang ata ang kilala kong walang social media account.” Sabi niya. Natawa tuloy ako. Noon pa nila ako inaasar sa pagiging ignorante ko sa facebook. May account naman ako, gmail nga lang kasi nga required para sa trabaho. Pero ngayon, mukhang mapipilitan na akong gumawa ng facebook para sakanila.

“Oo na. Pagdating kong America at ‘yon agad ang gagawin ko.”

“Ay ‘wag naman. Bababa ka pang eroplano.” Sabi ni Florence. Natahimik kami ni Jean at nagkatinginan. ‘Yung tingin na joke-ba-yun-look

“Last mo na ‘yan Florence, ah.” sabi ni Jean. Nagtawanan kaming tatlo. Mamimiss ko ang kabaliwan nilang dalawa.

“Pero bakla, hindi pa rin ako sanay sa porma mo. Who would have thought na ang dating secretarya ni Sir Kent ay anak pala ng Millionaryo at mag-aaral pa sa Yale University.” Napangiti lang ako sa sinabi ni Jean.

She’s right. I’m far behind from Theyn they once knew. Tita Shaila taught me how to dress elegantly. Minsan kahit ayaw ko, lagi niya akong sinasama magpa salon, spa or shopping. Natutuwa raw siya at sa akin niya nabuhos ang frustrations niya sa nawala niyang anak. Nag-eenjoy naman kasi akong kasama si tita, eh.

After nang farewell chikahan namin ni Jean and Florence, umakyat na ako sa 21st floor para surpresahin si Kent. Hindi niya alam na pupunta ako. Bukas na gabi ang alis ko at hindi ko hahayaan na mamayang gabi lang kami magkikita. And yes, he always sneak inside my room. Doon siya hanggang mag-umaga.

Tumambad sa akin ang bagong chief secretary ni Kent na si Sid. Agad siyang tumayo para salubungin ako. Aware ako kung anong klaseng nilalang si Sid. Pero mabait naman siya at pinagkakatiwalaan siya ni Kent.

“Nasa loob po ang Chairman, Ms. Theyn.” Nakangiting sabi niya sa akin.

“Susurpresahin ko sana siya.” Sabi ko naman. Napatingin ako sa main door ng office ni Kent at nakita kong may dalawang lalaki na nakatayo sa pinto. Nakasuot sila ng black suit at parang statue dahil sa hindi gumagalaw.

“Sige po, Ms. Theyn.”

Pinagbuksan ako nang dalawang lalaki at nakita ko si Kent na nakaharap sa over-looking glass panel. Halatang malalim ang iniisip niya. Pero agad din naman akong napangiti. Ganito rin ang set-up nang una naming pagkikita. Ang bilis pala ng panahon.

“You’re late.” He said. It feels like de javu. It was his first word to me. matigas ang pagkakasabi niya noon pero ngayon, kalmado ang pagkasabi niya.

“You were expecting me?” I said. Napalingon naman siya at parang nagulat na makita ako.

“Theyn? What are you doing here?” lumapit siya sa akin tapos humalik sa pisngi ko.

“So you were expecting someone else.” Dismayado kong sabi.

“Yes. But I’m glad you’re here.”

“Mmm, business deal ba? Kung gano’n aalis muna ako. Hindi ko kasi alam.”

“Non sense. Dito ka lang.”

“Bukas na ang alis ko.” I reminded him.

“Bukas na pala ‘yon.” Sabi niya. Nanlaki naman mata ko. So hindi niya naalala? Okay, Theyn. Calm down. Baka nakalimutan niya lang kasi nga busy siya.

“Y-yeah.” I said trying to understand him.

“Ipapahatid na lang kita sa driver ko.”

“WHAT?!”

“Hahahahaha. Joke lang.” napasimangot ako sakanya. Nakakainis siya. Muntik na akong maniwala.

“Lagi mo na lang akong pinagtitripan.” Malungkot kong sabi. Bigla naman siyang nagseryoso.

“Gusto mo bang seryoso na lang ako lagi?”

“Hindi. Pero kasi ‘yang mga joke mo hindi benta, eh.”

Lumapit naman siya sa akin at inakay niya ako papunta sa over-looking glass panel. Pinagmasdan ko ang buong cuidad. Maluwang ang daan at hindi traffic. Siguro dahil 10AM pa lang naman.

Sumandal ako sa dibdib ni Kent habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko. Alam kong nalulungkot din siya sa pag-alis ko. Pero hindi niya ako pinipigilan kasi alam niyang basta pigilan niya ako ay agad kong sasabihin kay tatay na hindi na ako mag-aaral sa ibang bansa.

“I can always visit you whenever I have business trip abroad.” Sabi niya.

“Pero mag-isa lang ako do’n. Buti man lang kung kasama ko si Haril o Mica.” Mas lalo akong nalungkot. Tell me, nakakamatay ba ang pangungulila? Ah, nakakabaliw lang.

“Huwag mo na ‘yon isipin.” Tumagilid siya sa akin at tumingin. “I’ll marry you as soon as you graduate.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi namin ‘yon napag-uusapan. Hindi namin napag-uusapan ang future namin. Hindi ko naisip kung ano na kami kapag nasa tama na akong edad to get wed. okay lang ba kung magkaanak ako kay Kent kahit vampire siya? Wala akong ideya kasi hindi namin napag-usapan.

“But don’t get ahead of things, matagal pa ‘yon. Okay?” he caress my cheeks and stared at me intently. Parang nanghihina ang tuhod ko sa mga titig niya. Ganito pa rin ang epekto ng isang Kent Manjon sa akin.

Nasa gano’ng estado kami ni Kent nang pumasok si Chief Sid. Lalabas sana ulit siya kaso pinigilan ni Kent.

“Sir, the troops that you requested is ready. We’re just waiting for the departure of…” he trails of at tumingin sa akin at parang ayaw niyang marinig ang sasabihin niya. “Just give us the signal.”

Hindi ko man maintindihan ang sinasabi ni Chief Sid, alam kong may mali at ayaw ni Kent na sabihin sa akin.

“Wait for my signal.” He said tapos tumango si Chief Sid.

“May problema ba kayo, Kent?” I asked nang makalabas si Chief Sid. Ngumiti lang siya sa akin tapos ginulo ang buhok ko.

“You think too much. It’s just about business, don’t worry.”

Gabi na at as usual, hinihintay ko si Kent na dumating sa kwarto ko para makasama ko sa bago ako umalis papuntang America. Pero bago pa ako makaramdam ng kainipan sa kakahintay sakanya, nakatanggap ako ng text na male-late daw siya kasi may aasikasuhin sa lugar nila Lorelei.

“Kent, bakt ngayon pa? Bakit kung kailan ako aalis?” nasabi ko habang nag-ta-type ng ‘okay’ reply sa text niya.

Nahiga na lang ako. Medyo inaantok ako. Alam kong magigising ako kapag naramdaman kong tumabi si Kent.

“Theyn, masaya ako at maabot mo na ang pangarap mo. Masaya talaga ako sa’yo.” Sincere na sabi sa akin ni Cindy. Nakangiti siya sa akin.

“Dream naman natin ‘to, diba?” hinawalan ko ang kamay ni Cindy pero tumagos ang kamay niya sa kamay ko. Ramdam ko rin ang lamig ng aura niya.

“Cindy, bakit hindi kita mahawakan?” dapat matakot ako. Pero parang relax lang ako. Parang sanay na akong makita siyang ganito.

“May tiwala ka naman sa akin, Theyn, diba?” napatingin ako sa mukha niya. Seryoso na siya at parang natatakot ang expression ng mukha.

Bago pa ako makasagot biglang humangin ng malakas.

“Theyn, tell me you trust me.” pag-uulit niya at parang inip na inip na makuha ang sagot ko.

“Y-yes.” Simple kong sabi. Napatingin siya sa paligid.

“Malapit na sila. Alam mo naman na hindi kita puwedeng\makausap ng direkta, diba? Binibisita kita rito sa panaginip mo. Kaya makinig ka ng mabuti.” Sobra akong kinabahan sa mga pinagsasabi ni Cindy. Parang tatakas ang puso ko sa sobrang takot na nararamdaman.

“Tumuloy ka bukas sa pag-alis. Huwag mong hayaan na ihatid ka ni Kent. Makukuha ka nila. naiintindihan mo ba ako, Theyn?” mahina lang ‘yung pagkasabi ni Cindy pero sobrang riin nito at parang pinapaintindi sa akin ang bawat salita. Pero hindi ko maitindihan. Bakit niya ‘to sinasabi.

“Sinusundan nila ang galaw ni Kent. Galit sila kay Kent dahil nagsumbong ito sa nakatataas ng Vampire Clan. Sinabi niya ang pagpatay ng mga blood suckers sa human kaya ngayon, hina-hunting sila ng kawal.”

“Teka, Cindy hindi kita maintindihan.” Naiiyak ko nang sabi.

“Gaganti sila kay Kent at gagamitin ka nila. Pakiusap, Theyn. Maniwala ka sa akin.” Napalinga-linga siya at parang balisang-balisa. “Malapit na sila. Aalis na ako. Mag-iingat ka, Theyn.”

Napabalikwas ako. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ba ‘yung napanaginipan ko? Why does Cindy giving me warnings?

“Theyn,” napatingin rin ako sa may pinto ng terrace kung saan nakatayo si Kent. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Dahil madilim ang kwarto at bukas ang kurtina, tanging liwanag lang ng poste sa labas ang nagsisilbing ilaw at kalahati lang ng mukha ni Kent ang nakikita ko.

Tumayo ako saka ko siya nilapitan. “Bakit ngayon ka lang?” tanong ko.

“May ginawa lang ako.” Tipid niyang sabi.

“Anong ginawa mo?” wala sa sarili kong sabi dala na rin ng antok pa.

“Sa opisina. Business matters.” Hihikab na sana ako nang maalala ko ang text niya kanina. Sabi niya may aasikasuhin siya sa lugar nila Lorelei?

Magsasalita pa sana ako nang makita kong kumislap ang mga mata niya. Natitigan ko ang mga mata niya at doon ko napagtanto na clear black ang mata niya.

“K-Kent, b-bakit… B-bakit ganyan ang mata mo?” tinuro ko ‘to pero hindi naman niya pinansin.

“Masyado kang maraming tanong.” Malamig niyang sabi.

“H-ha? Teka…”

“Theyn?” napalingon ako sa likod ko at nagulat ako na makita ko si Kent nasa paanan na nang kama ko.

“Kent, paano ka napunta dy—“ namilog ang mata ko saka ako napatingin sa kasama kong Kent. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanila. And then it hit me.

“Theyn, lumayo ka sakanya! Hindi ako ‘yan!” rinig kong sabi ng kararating lang na Kent.

Lalayo na sana ako pero agad niyang nakuha ang braso ko.

“You’re mine now!” biglang nag-transform sa ibang katauhan ang pekeng Kent at tinaklob niya ako gamit ang cloak niya.

Everything went black. Hanggang sa naramdaman kong parang hinihigop ang lakas ko.

xxx

A.N: Just want to clear na WALANG faceBook account si Theyn. Okay? Walang OP. At ayokong gawan siya ng account. 'Yon lang po.

And yes, malapit na pong matapos ang MKiSF. Konting chapters na lang.

GOODNIGHT!

-Ate Thy :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top