Chapter Forty-Five
MADAMING TYPO-GRAPHICAL ERROR! YOU'VE BEEN WARNED!
Chapter 45
NAGISING ako nang maramdaman kong may kaluskos sa paligid ko. Minulat ko mata ko at hirap akong i-adjust ang paningin ko dahil sa sobrang dilim. Saan ba ako?
Naramdaman ko ang lamig na dumadapo sa balat ko at doon ko lang narealize na nakatali ako sa isang poste habang nakaupo. Pati mga paa ko nilagyan nila tali at may tape rin na nakadikit sa bibig ko.
Takot na takot ako lalo na at makita kong hindi lang ako ang nag-iisang biktima. May apat na babaeng nakakulong sa isang malaking hawla. Pero mga wala silang malay at hindi nakatali. Sinubukan kong kalagin ang kamay ko pero sobrang higpit ng pagkakatali sa akin.
Kent nasaan ka na ba? Iligtas mo ako rito!
Narinig kong bumukas ang pinto saka ako napapikit ng mariin dahil sa liwanag nitong binigay. Pero agad din naman nawala ang liwanag at napalitan ito ng ingay ng mga lalaking nagtatawanan.
“'Yang apat daw ang regalo sa atin ni Lord Droko.” Rinig kong sabi ng isang lalaki. Agad kong pinikit mga mata ko at nagpanggap na tulog. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at kahit gaano ang pilit kong kumalma ay hindi ko magawa dahil sa sobrang takot.
“Eh siya?” sabi pa no’ng isa at hula ko ay ako ang itinuro nito.
“Pain daw ‘yan sa kumakalaban kay Lord Droko.” Rinig kong sabi pa nila.
“Ang lakas ng loob niyang kalabanin ang pinuno. Isang hamak na Venomous Vampire lang siya!”
“Hayaan mo na. Si Lord Droko na ang bahala sakanya.” Alam kong si Kent ang tinutukoy nila. natatakot ako sa kaligtasan ni Kent. Kung noon kaya ko siyang iligtas, ngayon wala akong magagawa. Hindi ko siya matutulungan at naging pabigat pa ako.
Narinig kong bumukas nanaman ang pinto and this time, madaming yabag ang naririnig ko dahilan para mas lalo akong matakot.
“Lord Droko!” I slightly opened my eye at nakita ko ang nakatalikod na lalaki. Malaki ang pangangatawan kagaya ni Kent at nakasuot ito ng itim na cape.
Nakita kong nagsilihudan sila at nagbigay pugay sa sinasabi nilang Lord Droko. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang tumingin siya sa akin. His face were fierce at sobrang talim niya kung tumingin. Pinangilabutan ako sa mga titig na binibigay at parang ano mang oras ay ikakamatay ko ang matatalim niyang tingin.
“Dalhin siya sa University.” Malamig niyang utos habang hindi ako nilulubayan sa tingin.
Kinalagan ako ng isa sa mga tauhan niya pero bago ‘yun may sinaksak sila sa leeg ko dahilan para manlabo ang paningin ko. Naririnig ko sila pero hindi ko makita ng maayos ang paligid ko.
Naramdaman ko na lang na biglang humangin at parang nakapasok ako sa ibang dimention. Then in just one snap, napunta kami sa isang kakahuyan. Madilim at malamig. Ganito ko naiimagine ang lugar kung saan dinadala ang mga biktima at walang awang pinapatay.
Nakalabas kami sa kakahuyan at tumambad sa akin ang napakalaking building na sobrang creepy. Eto ata ang University na sinasabi nila. Maganda ang stracture ng building pero dahil sa makaluma ang style ay nakakatakot siya. Parang haunted school.
“Pinuno, saan natin itatago ang babae?” tanong nang may hawaks sa akin.
“Itali mo sa rooftop. Siguraduhin mong hindi ‘yan makakatakas.”
“Opo!”
“Sigurado ba kayong wala ng studyante sa loob?” tanong niya pa.
“Lahat po nasa Dorm na nila at mahigpit din po ‘yon na binabantayan para walang makalabas.” Sagot niya.
“Mabuti.”
Kinaladkad ako nang lalaki papasok sa gusali. Madilim at clear and aisle ng school. Nadaanan namin ang isang bulletin board at doon ko nabasa ang nakasulat na Vampire School Activities. Parang nanghina ang tuhod ko nang malaman na school for vampires ‘to. Jusko po! Kent nasaan ka na?
Third Person’s POV
Pabalik-balik na naglalakad si Kent sa harap ng mansion ng mga Torres dahil sa hindi siya mapakali. Kanina pa nila hinihintay ang tawag ng mga blood suckers pero kahit isang mensahe ay wala silang matanggap.
Humingi rin siya ng tulong sa pamangkin na patulugin ang buong pamilya ni Theyn habang hindi pa ito nakakabalik. May binasa lang si Lorelei sakanila at agad itong nakatulog.
“Tito, hindi ba suot ni Theyn ang kwintas?” nag-aalala rin na tanong ni Lorelei. Pati siya natatakot sa mangyayari. Ayaw niyang may mangyaring masama sa mahal ng tito niya.
Inilabas naman ni Kent ang kwintas sa bulsa niya at pinakita kay Lorelei. “Hinubad niya.” Nanlulumong sabi niya.
Dumating naman si Sid na may kasamang dalawang vampira rin para mag-report sa kanila. May inabot itong scroll na kulay itim. Isang tingin pa lang, alam na ni Kent kung ano ‘yon.
Binuksan niya ‘to pero napakunot agad siya nang mabasa ang nakasulat dito.
“Hindi ko mabasa.” Pinakita niya kay Lorelei ang sulat at pati ito hindi rin naitindihan.
“Kailangan na nating humingi ng tulong kay Aric, tito. Tutal alam na naman ng pamilya nila ang paghahasik ng mga blood sucker.” Sabi ni Lorelei.
Mataas ang pride ni Kent at kung puwede ay ililigtas niya si Theyn ng walang tulong galing sa Hari at Reyna. Pero wala siyang choice kundi sundin ang kagustuhan ni Lorelei dahil mas lalong manganganib si Theyn kapag nagmatigas siya.
Agad na nagteleport si Kent at Lorelei kasama si Sid at ang dalawang vampira papunta sa kaharian.
Naabutan nilang kausap ng Hari at Reyna ang mga Elders pati mga kawal nito. Kahit hindi sabihin, alam agad ni Kent na may alam na ang kaharian sa nangyari.
“Lorelei! Saan ka ba pumunta? Hinahanap ka ni baby Ryder.” Salubong ng asawa niyang si Aric. Pero imbes na sagutin siya ni Lorelei ay may inabot itong scroll.
“The blood suckers did send the same message. At ngayon lang din namin napag-alaman na matagal na silang nag-ooperate ng Vampire and Human School without our knowledge kaya galit na galit ang mga Elders.” Sabi ni Aric.
“Kailangan kong mabawi si Theyn sakanila! Wala akong pakialam sa gulo ng mga blood sucker at ng kaharian niyo! I just want my girlfriend safe!” malamig na sabi ni Kent.
“We will help, Tito.” Paniniguradong sabi ni Aric. “Sasama ako papunta sa Coven University at kung puwede natin silang madaan sa pakiusapan para walang masaktan. May mga tao sa paaralan na ‘yon kaya hindi tayo puwedeng magpakita sakanila.”
Hindi hinayaan ng Elders na umalis ang Hari at Reyna at sumama sa pakikipaglaban sa mga blood suckers dahil walang mamumuno sa kaharian. Pero masyadong mapilit ang Hari at pati ang Reyna ay hindi ito mapigilan.
“Hindi niyo ako mapipigilan. Matagal-tagal na rin no’ng huli akong makipaglaban. Payagan mo na ako, Ingrid.” Pakiusap ni Hansel sa Reyna niya.
“Daddy ‘wag na kayong sumama. Ako na lang.” sabi ni Aric.
“Pati ba naman ikaw, anak?”
“Dad, tumatanda ka na.”
“Hoy, Aric. Bawiin mo ‘yang sinabi mo.” Natawa lang si Ingrid sa asawa. Hanggang ngayon indenial ang asawa niya dahil malapit na itong maging Elder kahit wala sa hitsura.
Sa labas naman ng kaharian nakahanda na ang sasama papunta sa Coven University. Dumating si Aric kasama ang ibang kawal.
“May hinihintay pa tayo.” Sabi ni Sid kaya napatingin sakanya si Kent.
“Sino?” nakakunot nitong tanong.
“Me,” nakakunot na nilingon ni Kent ang nagsalita at agad na nairita sa nakita.
“Why are you here?!”
“Ililigtas ko si Theyn. Napabayaan kasi no’ng vampirang inaasahan kong poprotektahan siya.” Ivo mockingly said. Nakumos naman ni Kent ang kamay at nagtatagis ang ngipin nito. Gusto niyang suntukin si Ivo pero alam niyang hindi no’n maibabalik si Theyn.
“Tara na.”
Sa Coven University naman ay parehong naghihintay sa puwedeng sumugod sakanila. Lahat handing lumaban. Maliban sa isa. Ang anak ng kanilang pinuno—si Bryce Uriel Coven. Walang pakialam sa nasasakupan.
Nakapamulsang naglakad siya papunta sa dormitory pero agad din naman siyang tinawag ng isa sa tauhan nila.
“Master Uriel.” Tawag sakanya nito. “Nandito na sila.” Sabi nito.
“Then finish them.” Malamig nitong sabi. He loathe everything about vampire. He loathe himself and he loathe the idea of him being a blood sucker.
“O-opo!”
Nakarating naman ang grupo ni Kent sa Coven University. Papalakad pa lang sila papunta sa ground ng school nang agad silang salakayin ng mga blood suckers. Ang planong idaan sa mabuting usapan ay hindi nasunod dahil nagsimula na ang laban.
Lahat ng makakasalubong ni Kent ay walang awa niyang pinapatay gamit ang kamay niya. Kaya niyang sakalin ang sino man without touching them dahil na rin sa kapangyarihan niya.
Naramdaman niyang may aatake sa likod niya kaya agad niyang pinigilan ito pero hindi niya napansin nang may isa pang blood sucker na paparating. He was caught off guard kaya natumba siya kasama ang vampirang sumugod sakanya. Ibinalibag niya ang vampirang sinasakal niya saka niya pinaibabawan ang isa pa saka niya pinilipit ang ulo nito.
Agad siyang tumayo at tumakbo palapit sa gusali. Pero nagulat siya nang biglang bumuka ang lupa dahilan para ma-out balance siya. Napakapit siya sa bato at nang tingnan niya ang baba ay nakiya niya ang nagbabagang apoy na parang impyerno. May lumapit sakanyang isang blood sucker at sinisipa nito ang kamay niya. He abruptly sway his other arm at kumapit sa paa nito at itinaas niya ang katawan niya. Dahil sa naglalaban ang blood sucker ay ginawa niya ‘yong advantage para makatalon. Nasa likod siya nito saka niya tinulak ang kalaban sa bangin.
“Kent! Hanapin mo si Theyn! Back-up-an kita!” sigaw naman ni Ivo sakanya. Tumango naman siya.
Naunang tumakbo si Kent at nasa likod niya si Ivo. Kapag may haharapng kay Kent ay tinatapo niya ‘to at si Ivo ang tumatapos kapag naglalaban pa.
Narating naman nila ang entrance ng building pero may lumabas na limang blood sucker sa pinto at parang inaasahan nito ang pagdating nila.
“Fvcking blood suckers!” Ivo cussed. “Kaya ba natin sila, Kent?”
“Ako kaya ko! Ewan ko sa’yo, gago!”
“Mas gago ka! Laban na!”
Five versus two ang laban pero malakas ang dalawa. May nilalabas na patulis na bala si Ivo sa kamay samantalang ang power to move things of Kent is a big help para hindi sila masaktan ng blood suckers.
“Two down! Three to go!” nakangising sabi ni Ivo.
Lumayo ng konti ang dalawa para bumwelo. Tinutok ni Kent ang kamay niya sa dalawang blood sucker at pinalapit niya ‘to sakanya. Pinilipit niya ang leeg ng dalawang vampira hanggang sa mawala ‘to. si Ivo naman ang nakapatay sa huli nang ibato niya ang spear shaped bullet na galing sa kamay niya.
“Wew! Chicken na chicken!” sabi ni Ivo at parang nag wa-warm up lang. napailing lang si Kent sa inasal nito at parang ang cool cool lang.
Pumasok na si Kent at Ivo sa loob ng building at naghiwalay sila ng landas para hanapin si Theyn. Parehong piping nagdadasal na sila ang makahanap sa babae.
Habang sa rooftop naman kung saan itinago si Theyn. Lumapit sakanya ang dalawang blood sucker at binuhat siya palapit sa railing ng rooftop. May itinali itong rope sa bewang niya saka siya ibinitin sa may railing. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil sa may takip ang bibig niya. Tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin.
Nakarinig naman siya ng kalampag sa likod niya pero hindi niya makita dahil natatakpan na nang railing at natatakot rin siyang gumalaw dahil baka mahulog siya sa pinakababa ng school.
“Pakawalan niyo siya!” nanigas ang katawan ni Theyn nang marinig niya ang boses ng nagsalita. Mas lalo siyang naiyak dahil sa kagalakan na buhay ito. Sobra niya itong namiss at gustong-gusto niya itong mayakap.
“Traydor ka!” sigaw ng lalaking vampira.
Naglaban ang dalawa gamit ang bakal na nagkalat sa rooftop. Parehong ayaw magpatalo dahil na rin sa kanyang-kanyang dahilan. Lumayo silang pareho sa isa’t-isa para bumwelo saka sumugod ulit. May lumalabas na na apoy sa bakal kapag tumatama ito sa isa’t-isa. Parehong malakas ang pwersa at parehas hindi kayang talunin ang isa’t-isa.
“Omp!” sumisigaw naman si Theyn dahil nakita niyang may lumiyab. Kinakabahan siya dahil biglang nahinto ang naglalaban sa likod niya. Natatakot siyang malaman kung sino ang talo.
“Theyn!” napaangat niya ang tingin niya sa tumawag sa pangalan niya at sobra siyang nakahinga ng maluwang nang makita niya itong ligtas.
Hinila siya nito pataas sa railing saka binuhat at nilapag sa semento. Dahan-dahan nitong tinanggal ang tape sa bibig niya pero hindi niya maiwasang hindi mapahiyaw dahil sobrang nagdikit ang tape sa bibig niya.
“Cindy!” agad niyang sigaw. Umiiyak siya sa takot at the same tine sa galak. Nandito sa harap niya ang kaibigan niya at buhay na buhay.
May inilabas itong kutsilyo sa likod nito saka nito pinutol ang tali sa kamay niya, paa at bewang. May marka ang kamay niya at paa dahil sahigpit ng tali at pakiramdam niya nagkabuhol-buhol ang loob ng tyan niya dahil sa pagkabitin sakanya.
“Ligtas ka na.” nakangiting sabi ni Cindy sa kaibigan. Pati ito ay nagagalak dahil ligtas ang kaibigan niya.
“Salamat Cindy.” Naiiyak niyang sabi. Nagbago naman ang expression ng mukha nito at parang nag-alala. Agad niyang inalalayan si Theyn na tumayo.
“Kailangan kitang mailayo rito. You’re not safe here anymore. Kaya mo bang maglakad?” tumango si Theyn pero nang magsimula niyang ihakbang ang mga paa ay agad siyang napaluhod. Nanghihina siya at pakiramdam niya ay hindi kakayanin ng paa niya ang sariling katawan.
“Umakbay ka sa akin. Magteteleport tayo sa—“
“And where do you think you’re going?!” parehong natigilan ang dalawa sa sobrang lalim na boses na narinig nila. mas lalong nanginig ang tuhod ni Theyn dahil sa takot na naramdaman.
“L-Lord D-Droko…”
“Traitor!” lumapit ito sakanilang dalawa at pinaghiwalay sila. Kinuha niya si Cindy at hinawakan sa leeg. Sobrang pagpupumislag ang ginawa ni Cindy pero wala ang lakas niya kumpara sa pinuno nila.
“Ahhhhh! B-bitawan niyo ako!”
“I created you! I saved you from my kind to spare you from drinking your blood at ito ang isusukli mo sa akin?!” galit na hasik nito sakanya.
“S-sana pinatay mo na lang ako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa maging kauri niyo!”
“Insolent!” ibinalibag niya si Cindy at tumama ito sa sementadong pader. Nanghihinang bumangon naman siya.
Lumapit si Lord Droko kay Theyn na nakaupo sa lapag at umiiyak. Bigla nitong pinatalim ang kuko niya. He swayed his arms saka sinugatan ang leeg ni Theyn. Biglang may lumabas na dugo rito dahilan para mapatayo ng deretso si Cindy.
“B-blood…” mahinang sambit ni Cindy. Napatingin naman si Theyn sa kaibigan at nasaksihan niya kung paano maging pula ang mga mata nito. Dahan-dahan ring lumabas ang pangil nito sa ngipin at nagkaroon ng ugat-ugat ang mukha nito na halos mamula-mula.
“Go on, Cindy. Feed your thirst.” Utos ni Lord Droko sakanya.
Dahan-dahan namang lumapit si Cindy sa kaibigan. Sobrang bango ng naamoy niya ngayon. Gusto niya ulit makalasa ng sariwang dugo. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na para siyang dinadala sa climax kapag nauubos niya ang dugo ng isang biktima. At wala nang mas sasarap pa sa dugo ng kaharap niya ngayon.
“C-Cindy… A-ako ‘to! Cindy si Theyn ito!” natatakot na sambit niya. Umaatras siya pero sumusunod naman sakanya si Cindy.
Napahinto lang siya sa pag-atras nang maramdaman niya ang railings sa rooftop. Konti na lang malapit na sakanya si Cindy. Napatingin siya sa baba at nakita niyang may naglalaban pa sa baba. Alam niyang mamamatay siya kung tumalon siya.
Tiningnan niya sa mata ang kaibigan at hinanap ang dating Cindy pero wala na siyang mahagilap na pag-asa na nasa loob pa nito si Cindy. Tuluyan na itong nilamon ng pagiging blood sucker nito.
“Cindy,” napapikit siya ng mariin nang hawakan nito ang magkabilang balikat niya. Dahan-dahan nitong nilapit ang mukha sa leeg niya at nilabas ang matatalim na pangil.
‘Kent, tulungan mo ako, please.’ Piping dasal niya.
xxx
Hi! Excited na akong tapusin ang MKiSF. Alam niyo kung bakit? Kasi puwede ko nang i-post ang Cold Fangs. ^_^ At alam niyo kung ano pa ang mas awesome? Isasabay ko ang Fangs Series # 3 entitled Bloody Fangs--a life of a blood sucker. Yes. :) Ako ang babaeng mahilig sa on-going. Mwahahahahaha xD
Love you guys!
-Ate Thy<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top