Chapter Forty-Eight
Chapter 48
“Hi, Theyn.” Napalingon akosa tumawag sa akin nang lumabas akong room.
“H-hi, Sean.” I awkwardly replied. Bakit ba nandito nanaman siya? Kahit talaga ilang beses ko siyang taguan lagi niya akong nahahanap. He’s the most annoying admirer I’ve known.
“May I carry your—“
“Sean, no. how many times would I have to tell you to stop this…this whatever you’re doing. Don’t expect anything from me because you knew from the start I already have a boyfriend in the Philippines.” And not just an ordinary boyfriend. I wanted to add but I tried to control my annoyance and to lesten my rudeness kasi sa totoo lang, nakakaawa siya.
“I was just hoping that maybe one day you could give me chance to show how much I like you.” Inayos niya ang kanyang salamin at ‘yung hitsura niya parang maiiyak na. Para naman akong tinamaan ng konsensya. Pero ayaw ko naman siyang hayaang umasa dahil lang sa naawa akong bastedin siya. Mabuti pang mas maaga malaman na niya. Though isang taon ko na siyang pinagtatabuyan.
“Sean, you know what? You handsome and smart and I’m sure a lot of girls is also hoping for your attention. Divert your attention to anyone.” Seryoso kong sabi. Sean is hansome. May salamin siya kasi ginagamot daw ang mga mata niya for 6 months kasi noong una ko siyang makilala wala naman siyang salamin. he was introduced by my blockmate last year at simula noon hindi na niya ako tinigilan. Sayang lang kasi ang dami rin sakanyang nagkaka-gusto. Sabi nga ng mga kaibigan ko, sa akin lang daw siya nauutal. Pero hindi ko talaga siya kayang gustuhin. Sobra akong faithful kay Kent at hindi ko na magawang maka-appreciate ng ibang gwapong lalaki. He’s more than enough for me. Para sa akin siya ang pinaka gwapo at wala ng tutumbas pa sa pagmamahal ko sakanya.
Iniwan niya akong nakalaylay ang balikat. Actually hindi lang naman si Sean ang naglalakas loob na magpakita ng kanilang feelings. Marami ako ritong nabasted at salamat sa kaibigan kong si Macy kasi siya ang hihingan everytime mayroon akong gustong bastedin. Ewan ko nga sakanila kung bakit nila ako nagugutuhan. Totoo ata talagang magnet ng Pinay ang gwapong Americano.
“Theyn!” tawag sa akin ni Macy galing sa kabilang room. “You wanna come over to our house? My brother’s throwing a party tonight and all fellas in our department are invited.” Tanong niya sa akin. Ka-block mate ko siya at close friend na rin. She was half American and half Spanish at sa totoo lang natotomboy ako sa ganda niya. Napaka effortless ng ganda and super bait. Ganito kasi ang mga estudyante dito, every Friday night may party at uso dito ang TGIF at party all night hanggang Sunday morning.
“I don’t know, Macy. My boyfriend is expecting a call from me and you know he will be pissed if I miss a call from him,” I told her. She just grimaced at parang sanay na sanay na sa dahilan ko. Well actually she is. Dalawang taon na kaming magkaibigan since the first day of school and she’s very aware na kausap ko si Kent kapag gabi.
“Let him miss you just for a night. Please, Theyn?” pinagdikit niya ang dalawang kamay niya at nagpaawa at pinitik-pitik pa ang kanyang mahahabang pilik mata. Haaay. Bakit ba ang galing niya magpaawa?
Hindi ako umimik. We’re just staring at each other and believe me. Para siyang may gayuma.
“I’m going to make your book report just attend the party.” Sabi niya dahilan para magulat ako. Matagal na akong namomroblema sa book report ko dahil sa topic na binigay sa akin.
“Alright,” pikit mat akong sabi. Bahala na kung magalit si Kent. Isang beses lang naman at medyo gusto ko rin kasi ang offer niya. Nahihirapan talaga ako sa book report na isa sa requirements para makapag third year ako next school year.
“OMG! Really? This is so cool!” napatalon pa siya sa sobrang galak.
“If it’s not for the book report I won’t even attend on that party,”
“Regardless, you’re still attending.” She stick her tongue out. Napangiti na lang ako sa inaasta nitong kaigigan ko. Parehas naman kami ng edad pero ang isip niya parang laging16 years old.
“Wait, what should I wear?” I asked. Wala naman kasi akong experience sa mga party, eh. first and last na ata ‘yung sa isang bar kasama ang lahat ng employees sa kumpanya ni Kent.
“Just wear what makes you confortable. But I suggest you to wear dress.” Sabi niya. Napatango lang ako.
Naghiwalay na kami ni Macy at pumunta ako sa parking area kung saan nakapark ang aking C70 flame red Volvo. Gift sa akin ni tita Shaila last year.
My condo is 1 kilometer away from my school kaya medyo binilisan ko ang pag-drive.
Two years of staying in Connecticut don’t change anything. I missed them so much kahit lagi ko silang nakakausap sa viber or skype. Noong unang araw ko rito ay halos iyak ako nang iyak. May mga instances din na buong araw kong kausap si Kent sa phone at kahit may meeting siya okay lang sa akin basta naka stand by ang tawag. Naririnig ko siyang nagsasalita sa meeting at tinitiis ko ang maghintay hanggang sa matapos ito. In that way feeling ko secretarya niya pa rin ako. Sa skype naman gusto ko hintayin niya akong makatulog bago siya mag out. Sabi niya binabantayan niya raw ako habang tulog thru skype. Inaasar niya akong humihilik at tulo laway.
Isang buwan din ata akong gano’n. No’ng naging busy na ako sa school kasi nagsimula na ang pasukan, gabi-gabi na lang kami nagkakausap. Isang beses nawalan ng internet connection sa pad ko kasi nagkaroon ng thunder storm. Dalawang araw hindi ko siya ma-contact kasi pati phone ko dead batt. When I had the chance to talk to him inaway niya ako. Sobra raw siyang nag-alala sa akin at muntikan na siyang magpa book ng flight papunta rito. Naisip ko nga na sana pala tinagalan ko pa bago ko siya kinontact para pinuntahan niya ako. Pero alam kong wala namang magbabago kung makita ko siya. Mas lalo ko lang siyang mamimiss kapag umalis na siya. Or worst, baka sumama na ako sakanya pabalik.
Nakarating ako sa condo ko at agad akong umakyat sa pad ko. Maliit lang naman ang unit na kinuha sa akin nila tita Shaila, eh. May isang bedroom na may terrace sa labas at kita mo ang City lights kapag gabi at minsan tambayan ko kapag kausap ko si Kent. May mini kitchen, dining area, living room, at dalwang CR sa kwarto at sa malapit sa kitchen.
4 PM pa lang at 7 daw ang party kaya may oras pa akong magpahinga. Nagbihis lang ako saka ko binuksan ang laptop. I logged in to facebook at mayroon akong unread messages kay Florence and Jean thru group chat 5 minutes ago. If I’m going to convert my timezone sa oras sa Pilipinas, ibig sabihin 7AM pa lang doon. At ano naman kaya ginagawa ng dalawa at nagcha-chat sila? Sabi nila sa akin last month, nagresign na sila sa kumpanya ni Kent at mayroon na silang sariling Flower shop na business.
Florence: Girl, miss you!
Jean: Bakla, kumusta na?
Agad naman akong nagreply. Minsan puro kalokohan ang binabalita sa akin ng dalawang ‘to sa skype at wala akong magawa kundi tumawa.
Theyn: Ang aga! Bakit kayo naka-online?
Si Jean ang lagi akong pinagtitripan. Nakita niya raw si Kent may kasamang babae tapos pipilitin akong umuwi.
Jean: Ini-stalk namin profile mo. Naghahanap kami ng puwedeng i-mutual friend na Americano! Wahahaha (⌒▽⌒)
Florence: Ugh! ‘Wag mo akong idamay! (ノಠ益ಠ)ノ
Theyn: Mga baliw! Hahaha Flo, ang panget ng emoticon mo! Saan mo ba ‘yan nakuha?
Jean: Kaya natatakot sakanya mga foreners dahil sa emoticon na ‘yan! ( ´_ゝ')
Florence: Hala? Hindi naman ako nakikipag chat sa foreneeeers! ( ´,_ゝ')
Theyn: Kumusta na business niyo?
Florence: Okay naman. Sapat na benta para masundan ka namin dyan!ヽ(´▽')/
Theyn: Anong bulaklak ba mga tinitinda niyo?
Jean: Pinaglalako ako ng sampaguita ng babaeng ‘yan!ヽ(o'皿′o)ノ
Theyn: Wahahaha
Florence: Joke lang ‘yon.( ͡° ͜ʖ ͡°)
Theyn: Para kayong baliw. Hahahaha miss na miss ko na kayo.
Jean: Uuwi na ‘yan! ^__^
Florence: Size 7!
Jean: Me too!(^◇^)
Theyn: Seen 4:35pm
Jean:︵ヽ('Д´)ノ︵
Florence:Σ(゜д゜;)
Nakakabaliw itong dalawa. Tawa ako nang tawa na mag-isa dito. Para nanaman tuloy akong maiiyak. Haay! Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Dalawang taon na lang at uuwi na rin ako.
Kinuha ko naman phone ko at nagtext kay Kent. Magpapaalam ako sakanya na pupunta akong party. Alam ko kasing mas magagalit siya kapag hindi ako nagpaalam.
Nag-aayos na ako sa aking sarili nang maka-receive ako ng text galing kay Macy. Magdala raw ako ng extra damit kasi baka doon na ako matulog. I didn’t question her in the name of book report.
Kumain muna ako bago umalis. Kahit hindi pa ako nakakapunta sa kahit anong party sa school, alam kong konti lang ang foods doon at puro drinks. Mas mabuti nang makasigurado.
Sinuot ko lang nga ‘yung simpleng gray dress at pinatungan ko ng coat. Medyo malamig kasi ang klima dito kaya hindi puwedeng wala coat.
Pasakay na akong kotse nang maka-receive ako ng text galing kay Kent thru viber. Agad ko naman itong binuksan dahil alam kong reply niya ‘to galing sa text ko.
From Kent:
|You’re not going to that party, Torres!|
My forehead immediately creased as I read his text. Nakaramdam ako ng inis in his way of texting. He could just tell it to me nicely pero talagang kailangan apelyido ko ang gamitin niya?
To Kent:
|I already say yes to Macy.|
This is the first time na magpapaalam ako sakanya at hindi niya ako papayagan? Kung alam ko lang na ganito sana hindi na ako nagpaalam.
Nagda-drive na ako at panay pa rin ang text niya kahit hindi ko pa nababasa ang ibang texts. I’m already on my way at hindi na niya ako mapapayagan.
Nagulat ako nang bigla siyang tumatawag na. I’m driving at hindi ko siya puwedeng sagutin at mahuhuli ako ng Police officers. I parked my car in the road side saka ko ito sinagot.
“Where are you?” agad niyang sabi sa kabilang linya. Hindi ko siya nahihimigan ng paglalambing. If I could guess, alam kong inis siya.
“I was driving and I just parked my car to answer your call.” Kalmado kong sabi. Baka pareho kaming sumabog kung sasabayan ko ang galit niya.
“I’m telling you, Theyn. Don’t go in that College party. Alam mo ba kung ano ang ginagawa sa mga party na ganyan?” medyo nalumanay na ang pagkakasabi niya noon. Napabuntong-hininga lang ako. Alam kong concern siya pero hindi na ako puwedeng mag back out at naka-oo na ako kay Macy. Magagalit ‘yon sa akin.
“I’m all grown up now, Kent. You don’t have to worry about me anymore kasi kaya ko na ang sarili ko. I’m no longer your damsel in distress that should always be saved by a Knight.” Bawat salitang binibitawan ko sinigurado kong maiintindihan niya.
“Theyn,” he say my name as if he can’t do anything about my decision. “Akala ko ako ang aawayin mo kasi tatawagan sana kitang hindi tayo makakapag usap mamaya ng matagal kasi may urgent business trip ako sa Europe today pero heto ka…” he trails off and I can feel his frustrated. “Hindi kita mababantayan sa Skype. What if lagyan nila ng drugs ang inumin mo? Paano kung biglang may maamoy kang masama at nawalan ka ng malay and…”
“Kent,” natigil siya nang banggitin ko pangalan niya. Bigla kong naramdaman ang pagka-miss sakanya. Gusto kong maglambing at pilitin siyang payagan ako pero paano ko ‘yon gagawin sa phone?
“Please don’t attend, Theyn?” his voice were pleading. Napapikit na lang ako.
“Kent, nakapag-commit na ako kay Macy. Siya na nga gagawa ng book report ko para lang pumunta ako. Alam mo naman na nahihirapan ako do’n sa subject na ‘yon, right?”
“Don’t give me that reason, Theyn! Pinupuno mo ako! Mag-dahilan ka diyan sa kaibigan mong ‘yan!” galit na niyang sabi.
“Kent naman, eh!” pakiramdam ko gusto kong mag-tantrums dito sa loob ng kotse. Ang hirap pakiusapan ni Kent, grabe!
“Hindi ka pupunta sa party na ‘yon and that’s final! Ako ang gagawa ng book report mo, end of discussion!” then he hang up.
Napatulala ako habang nasa tenga ko pa ang phone. It took me five minutes bago ko ma-compose ang sarili ko. Suddenly biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na lang namalayan ang sarili ko na nagda-drive pabalik sa condo ko. Ayaw kong mag-assume pero sana tama ang hinala ko.
xxx
Hi and hello. ^^
May e-explain langa ko. Kanina kasi nag-eedit ako ng typos sa chapter 47. Tapos nakita ko sa Advance option yung "UNPUBLISH" at sa sorang curiosity, i clicked it. Kaya ayun naging DRAFT siya so para maka-balik kailangan mo siyang i-publish ulit pero hindi naman nawala yung reads, likes, and comments. So 'yun lang. Lesson learned? Huwag masyadong curious baka ikamatay. wahahaha xD
-Ate Thy :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top