Chapter Five

Chapter 5

“Wala ka na bang ibang medyo tama ang tabas ng tela?” pagrereklamo ko kay Cindy.

“Theyn, magpaparty tayo. Hindi magsisimba. Pero ikaw, kung gusto mo ‘yang floor length kong damit, suotin mo.” Tinignan ko naman ang hawak kong damit. Ang OA naman. Hindi naman siya floor length eh. lagpas tuhod lang.

“Baka may iba pa.” sabi ko saka tumingin ulit sa mga naka-hanger niyang damit. Wala talaga akong mapili.

“May isa pa akong damit. Pero nire-reserve ko ‘yon sa future date ko. Pero dahil ‘yang hitsura mo ay parang iiyak na sa mga damit ko, ipapahiram ko siya sayo.” She said. Tumungo siya papunta sa isang drawer at kinuha ang damit na sinasabi niya.

Nakalagay pa siya sa paperbag at may pricetag pa. Titignan ko sana ang presyo pero kinuha niya agad.

“Opps! Bawal tignan!” nakangisi niyang sabi. Napairap naaman ako. Makikita ko naman siya eh.

Nilabas ko ang damit sa plastic. Matagal na ba ‘tong nabili ni Cindy? Para kasing kabibili lang eh. halata sa amoy.

“Nasuot mo na ba ‘to?”

“Duh?! May pricetag pa nga diba?” irap niya. Tsk. Sabi ko nga hindi pa.

“Isuot mo na nang malagyan na kita ng make up.” Sabi niya.

“Eh, talikod ka na.” nahihiya kong sabi. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

“Hello?! Girl mero’n din naman ako n’yan ‘no!”

“K-kahit na!”

“Aish!” tumalikod naman siya.

Hinubad ko naman damit ko saka sinuot ang dress na pinahiram sa akin ni Cindy. At infairness, para siyang sinukat sa akin. Hindi kasi kami magkakatawan ni Cindy eh. Mas malaki ang balakang niya at mas makurba ang katawan, plus the big booby. Samantalang ako, tinipid lang. katamtaman na laki ng hinaharap at pati ng likod.

“Kasya ba ‘to sayo, Cindy? Kasi tama lang sa akin eh.” sabi ko hanggang masara ko ang zipper.

“H-ha? No’ng binili ko kasi ‘yan medyo slim pa ako.” Nag-iba siya ng tingin saka sinuri ult ang mukha sa salamin.

Simple at hindi siya mukhang pang date. Parang casual na pang party sa bar. Hindi na ako nagtanong kay Cindy kasi baka mabara nanaman niya ako.

Pinaupo niya ako sa harap ng tukador saka ako inayusan. Itinali niya buhok ko saka nag-iwan ng konting bangs sa harap. Sinabihan ko din siya na konting make up lang kasi hindi ako sanay na naglalagay ng gano’n.

“Pahiramin kita ng back pumps ko taz clutch bag para may mapaglagyan ka ng pera at cellphone.” She said. Tumayo naman ako saka ko tinignan ang sarili sa Vanity mirror. (see her outfit at the right side)

Wow! Ang ganda ko. Syempre sino pa ang magcocompliment sa sarili ko kundi ako lang naman. Kaya mabuti nang lubos lubosin. Hehehe

“Ready?” Cindy asked. Huminga muna ako ng malalim bago tumango.

“Ready.”

Ibang party ang naiimagine ko sa nakikita ko ngayon. Para siyang casual cocktail party. Tama lang pala ‘tong pinasuot sa akin ni Cindy. Hindi lang kasi mga emplayado ang mga nandito kundi pati ang mga C-Suit, and ofcourse, mga business tycoons is invited.

Iginala ko ang tingin ko at nagulat ako nang makita si Cindy sa gitna ng dance floor nakikipagsayawan na sa mga kasamahan namin.

Natatawang napailing na lang ako. Kasama ko lang siya tapos ngayon dyan na siya. Napaka-happy-go-lucky, palibhasa walang pamilyang binubuhay. Hindi gaya ko na hindi magkaugaga sa trabaho para buhayin ang mga kapatid.

Nag-ikot-ikot ako sandali at nakipag chika-chika din kay Florence at Jean. Lahat sila nagulat sa suot ko. Mukha daw mamahalin.

“Sure talaga akong ‘yan ‘yung nakita kong nakadisplay no’ng isang araw sa *** shop.” Sabi ni Jean. Hindi na ako magtataka kung alam niya lahat ng bilihan ng damit sa buong Manila. Napaka IT girl niya kasi at halatang spoiled and sarili.

Sasabihin ko sanang pinahiram ‘to sa akin ni Cindy kaso naalala kong sinabi niya kanina na h’wag kong ipagsasabi na pinahiram niya ako ng damit dahil mapapahiya ako at baka pagtawanan.

“Ay Oo nga girl, naalala ko ‘yon.” Segunda ni Florence. “Ang mahal mahal noon eh.”

Nginitian ko na lang sila. Hindi ko naman alam kung saan ‘to binili ni Cindy eh. pero sabi niya matagal na ‘to sakanya kaya nga hindi na kasya sakanya.

Solo nanaman ako ng mapagdesisyunan ng dalawa na sumayaw. Nag-ikot na lang ulit ako at hinanap ang buffet table dahil nagugutom na din namana ako.

Kumuha ako ng plate saka nagsalin ng food sa plato ko. Pumunta ako sa may bar at naupo sa mataas ng stool. Lahat sila nag-iinuman pero ako lang ang kumakain.

“Want some drink, Ma’am?” ani  ng bartender.

“Ay hindi ako umiinom.” Nakangiti kong tanggi.

“Ladies drink lang po. No alcohol.”

“Orange juice. Ok lang ba?” sabi ko. Natawa naman ang bartender saka tumango.

“Orange juice, coming right up.”

Lamon lang ako ng lamon nang maramdaman kong may umupo sa kabilang stool. When I looked up, it was Sir Migowith his dazzling look. Lakas talaga ng appeal ng lalaking ‘to.

“Dirty Martini please.” Sabi niya sa bartender. Tapos tumingin sa akin. “Hi Theyn. Enjoying your self?”

“Opo, Sir.”

“Aish! Nasa labas tayo ng opisina kaya h’wag mo akong nise-Sir. Migo na lang.” napangiwi naman ako dahilan para tumawa siya. Nakakahiya naman atang tawagin ko siyang Migo lang, diba? Baka may makarinig pa.

“Sir Migo.’ I insist. I heard him chuckled at parang amused na amused pa siya sa akin.

“Nakakatuwa ka talaga, Theyn.”

“Hindi naman po ako nag-jojoke eh.”

“Hahaha. Not literally. Ikaw talaga.”

Nag-uusap lang kami ni Sir—actually he do all the talking. Tumatango lang ako at nakikitawa kapag tumatawa din siya. Bakit ba kasi kinakausap ako lagi neto? Madami naman dyang ibang emplayado na gusto siyang maka chika-chika. Hindi kasi talaga ako friendly sa mga lalaki. Siguro dahil may phobia ako sa Tatay ko na walang ibang ginawa kundi ang saktan ko.

“P’re! Tara sa taas!” tawag ng isang lalaki kay Sir Migo. Napatingin naman sa akin si Sir na parang humihingi ng permiso.

“Ok lang, Sir. Hahanapin ko din naman si Cindy eh.” nakangiti kong sabi.

“I’ll be back. Madali lang ako.” Inubos muna niya ang inumin niya sa baso saka tuluyang umalis. Mabuti na din na umalis si Sir. Mas gusto kong mag-isa.

And speaking of mag-isa, nasaan kaya si Sir Kent ngayon? Hindi ko pa nakikita anino niya eh. Ay malamang kasi lumalamon ka lang naman dyan!

Tumayo ako saka ako nag-ikot ulit sa bar. Nakita ko si Cindy, Jean at Florence na nag-iinuman sa gilid. Napaangat naman ng tingin si Jean at agad akong tinawag.

“Uy Theyn! Saan ka ba nagsusuot?” tanong ni Jean.

“Kumain lang.” sabi ko.

Pinilit nila akong uminom pero hindi ako pumayag. Hindi talaga ako umiinom eh. kahit sabihin na kailangan ng konting alcohol sa katawan—still hindi ako mako-convince sa ganyan.

“Ang KJ mo talaga!” inismiran ako ni Cindy.

“Iinom na ‘yan!” pamimilit ni Florence.

“Sige na kahit isang shot lang!”

“Hindi ka naman neto malalasing eh.”

“H’wag na kasing KJ!”

Napabuntong hininga na lang ako. Kainis na mga kaibigan ‘to.

Pinahawak sa akin ni Florence ang shot glass saka sinalinan naman ni Jean ng Tiquilla.

Nasa harap ko na ang baso. Napapalunok na lang ako. Amoy pa lang parang hindi ko na keri. Nakakaduwal.

Malapit na sa labi ko ang baso at tinakpan ko ang ilong ko gamit ang kamay. Isa lang Theyn. Hindi naman ‘yan nakakamatay!

Ready na akong lunukin ang laman ng shot glass nang maramdaman kong parang may lumipad sa kung saan. Hala! Nasa’n na ‘yung baso?

“Ms. Torres is not allowed to drink alcoholic beverages!” halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang baritonong boses ng boss ko.

“A-ah… M-mr…Mr. Manjon—“ Tinignan ko ang mga mukha ng tatlo at parang biglang nawala ang kulay sa mga mukha nila. Pati tuloy ako natakot na.

“You have to report early in the morning and drinking alcohol won’t help you rise ahead.” Agad naman akong napatango pati sila Cindy. Kawawa naman. Takot na takot talaga sila.

“Follow me, Ms. Torres.” Sabi ni Sir saka umalis.

“Hwaaaah~ shet! Aatakehin ako sa puso! Nakakatakot talaga si Sir!” mangiyak ngiyak na sabi ni Jean.

“Sayang gwapo!” sabi naman ni Florence.

“Diba pinapasunod ka, Girl? Dali na at baka bumalik pa ‘yon dito.”

Pinagtutulakan naman ako nilang tatlo pasunod kay Sir. Ang bubuti talaga nilang kaibigan. Sa totoo lang.

Sumunod naman ako kay Sir paakyat sa second floor ng bar. Hindi naman ako nahirapan na sundan siya kasi nagbibigay ng daan ang mga madadaanan niya. Tsaka spotted lagi ang built ng katawan niya. Laging angat sa lahat.

Umupo si Sir sa parang couch type na may mesa sa gitna. Uupo din ba ako or tatayo lang.

“Sitdown.” He commanded. Para naman akong aso na sumunod sakanya.

May naka-serve na sa gitna ng mesa na inumin. Papainumin ba ako ni Sir? Pero diba siya na mismo ang nagsabing bawal akong uminom?

Kinuha ni Sir ang isang Brandy glass at isinalin ang laman nito sa baso. Napuno ng kulay pulang likido angbaso. Para siyang dugo. May ganyan palang inumin. Ngayon talagang panahon kung ano-ano na lang ineembento ng mga tao.

Nilunok ‘to ni Sir habang nakatingin ang mga sa akin. Para naman akong na-hypnotize sa mga titig niya. Ibinaba niya ang baso at naubos niya ang alak. May konti pang smudge ng inumin sa gilid ng bibig ni Sir kaya nagmukha niyang bampira. Gusto ko tuloy kiligin. Mahilig din kasi ako magbasa ng mga libro tungkol sa bampira.

Nahalata ata ni Sir na nakatitig ako sa gilid ng labi niya kaya dahan-dahan niya itong pinunasan.

Grabe pagpunas lang parang ang hot hot niya. Iba talaga si Sir. Haaay. Sayang lang gwapo niyang mukha at nagpapaka-busy sa pagiging masungit.

“Done staring at me?” he smirked. Napaiwas naman ako ng tingin.

“B-bakit niyo po ba ako pinasunod sa inyo?” takang tanong ko.

“Wala akong kasama. You’re my secretary so trabaho mo ang samahan ako.” Napatango naman ako.

“Eh diba sanay naman kayo do’n? Hobby niyo na nga eh.” Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Opps! Nakagat ko na lang labi ko dahil sa sinabi. Baka mabulyawan ako neto at matalo niya pa ang malakas na tugtug sa bar.

Pero nagulat ako nang may sumilay na ngiti sa labi niya. OMG! Ngiti nga na ‘yang mga nakikita ko kay Sir?!

“Then help me get over this hobby. Always stay with me.”

xxx

AN: Tatapusin ko ang story na 'to kahit walang magbasa. May deadline eh.

Ingat everyone :))

 

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top