Chapter Fifty
Alright, before you read the last chapter, gusto ko lang panuorin mo ang video sa multimedia. It was the Prenuptial wedding video nilang dalawa. Para ma-feel niyo ang pagbabasa. Pinagpuyatan ko 'yan. :(
Chapter 50
2 years later…
“Ate, happy graduation!”
“Happy graduation, anak.”
“I am so proud of you, hija.”
Lahat ng pagbati naririnig ko sakanila after ng gradution ceremony. I am so overwhelemed at nandito sila sa US para saksihan ang graduation ko. 3 days before ng graduation nandito na sila kaya nagawa pa naming mag-bonding.
Apat na taon na pagtitiis. Is it worth it? Very! Masarap sa pakiramdam na makapagtapos ka ng pag-aaral. Isa ‘to sa mga bagay na hindi puwedeng manakaw sa’yo ng iba. Ito lang ang puwede mong maipagmalaki kaya napaka importante ang makapagtapos.
“Hija, Kent arranged an exclusive dinner for us in Chef Gordons’ at naghihintay na raw siya roon.” Sabi ni tita Shaila. Napatango naman ako sakanya. Kaya pala after kong makuha ang diploma bigla na lang siyang nawala. Ang alam ko ay napaka-hirap magpa-reserve sa restaurant na ‘yon. Pero alam kong walang imposible kay Kent.
Kagaya na lang no’ng nag-propose siya sa akin. Hindi ko alam na pupuntahan niya ako. Hindi ko alam na dahil sa party ay tototohanin niya ang pagpunta niya. Tinulungan niya ako noong tapusin ang book report ko. I was so amazed kasi natapos namin ‘yon that night. Alam kong matalino si Kent pero mas lalo akong humanga sakanya when he helped me finish my book report. He stayed here for five days at umalis din naman siya. He meets Macy at sinabihan niya ‘tong huwag daw akong iimbitahin sa kahit na anong party.
We’re engaged at alam na ‘yon nila tatay. Nang binalita ko sakanila, ako pa ang nagulat kasi alam na raw nila. Kay tatay raw unang nag-propose si Kent at pumayag naman si tatay. Nakakatuwa nga at parang nag pay off ang lahat ng paghihirap namin noon. Nasaktan kami ni Kent that almost broke us apart. Muntikan na akong mamatay pero binigyan ako ng second chance para mabuhay. And now, we’re ripping what we sow. Sabi nga nila, sa lahat ng kalungkutan at paghihirap ay may kapalit. And I think eto na ang kapalit no’n. Masaya kami. At kung may darating man na problema, alam na namin na makakaya namin kasi nandiyan kami para sa isa’t-isa.
Nasa restaurant na kami at kumakain. And Kent—as usual is pretending he’s eating. Isa sa secreto na hindi namin puwedeng ibunyag ay ang katauhan niya. We talked about it at hindi malalaman nila tatay na isa siyang vampira.
“Happy graduation, love.” Bati sa akin ni Kent kahit sinabi na niya ‘yon kanina bago pa magsimula ang graduation ceremony.
“Thank you, Kent.” Nakangiti kong sabi sakanya. May binigay naman siya sa akin black suede invitation na may stamp sa gitna with a lettering of KT.
“What’s this, Kent?” tanong ko habang binubuksan ‘yun invitation. Hindi naman siya sumagot at panay ngiti lang ang binigay sa akin.
Halos manlaki ang mata ko sa nabasa. It was a wedding invitation and our names are in it. Kumpleto na siya from Flower girl, ring bearer, secondary sponsor, Principal sponsor, brides maids, and best man.
“K-Kent,” hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ganito-ganito rin ‘yon no’ng nagpropose siya. Ang saya sa pakiramdam at hindi ako makapag salita. Napatingin ako kay tatay at tumango siya sa akin at parang alam na niya.
“Tinulungan namin si Kent mag-plano ng lahat. Halos isang taon din ang pag-prepare namin niyan.” Sabi ni tita Shaila.
“Everything is planned at kumpleto na ang lahat. Ikaw na lang, Theyn.” Sabi sa akin ni Kent. Natatawa akong naiiyak. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Pinangarap kong magplano ng kasal kasama ako. Wala naman sa akin kung engrande o simple lang. Ang importante ay maikasal kami.
“K-kailan ba ‘to?” it sounds ridiculous lalo na’t ako ang bride at hindi ko alam kung kailan ang kasal ko. Pero sabi ko nga, iba kapag si Kent ang nagplano. Hindi puwedeng ordinary lang.
“2 weeks from now. I told you I’m going to marry you after you graduate. So this is it. And I promise you babawi ako sa kasal. Kahit kailan hindi kita nadala sa mamahaling restaurant. Kapag nagpa-plano ako ng intimate dinner for us laging nauudlot. Pero this time, I’ll make sure na hindi na ‘to mauudlot. Hindi puwede at wala dapat humadlang.” Hinawakan niya mga kamay ko at idinampi niya ang labi niya. “Alam mo naman kung paano ako magalit, diba? Kaya matutuloy ‘to.” natawa lang ako sakanya. He told be before na no’ng balak niyang magtapat sa akin, it was suppose a candle lit dinner pero umepal daw si Ivo kaya hindi natuloy. No’ng balak naman daw niya akong pasunurin sa Colorado nagmatigas daw ako kaya hindi rin natuloy. ‘Yung proposal daw na dapat magaganap sa isang carribean cruise ay hindi rin natuloy kasi naging biglaan na ‘to.
Oo nga biglaan ang lahat kasi laging nagkaka-aberya. Pero walang kapalit ang moment kapag si Kent na ang nagsalita. He always leave me speechless.
Nasa Pilipinas na ako at bukas may bridal shower ako kasama nila Florence, Jean, Macy na talagang sumama sa akin para sa kasal ko, si Lorelei, Mica—pinayagan siya kasi first year college na siya, at iba ko pang mga naging kaibigan sa kumpanya ni Kent. Gusto ko sana nandito si Cindy kaso hindi naman puwede. Baka matakot lang si Flo and Jean.
Nandito ko ngayon sa isang coffee shop kasama si Jean and Florence. Sila ang kinuha naming flowerist kasi magaganda ang bulaklak nila at nakita ko naman sa portfolio na magaganda ang designs nila.
“Alam mo ba sabi ni Migo kaya mo raw kami kinuhang Florist para raw bumenta naman ang mga bulaklak namin. Nakakainis talagang lalaking ‘yon!” sabi ni Florence. Natawa lang ako. As usual of Migo na laging maloko.
“Baliw! Tayo kinuha para may discount sila kasi you know, friends.” Sabi naman ni Jean.
“Hahahaha, sasabihin ko ‘yan kay Kent.” I said then took a sip of my mango smoothie.
“Joke lang!” chorus nilang dalawa.
“Hahahaha, hindi pa rin kayo nagbabago ano? Mga baliw pa rin kayo.” Napapailing kong sabi.
“Namiss ka lang namin. Pero girl, mas lalo kang gumanda. Ang kinis na ng kutis mo at napaka-glowing ng skin mo. Iba ata talaga kapag tubig America, ano?” sabi ni Florence habang hinihimas ang braso ko.
“Si Theyn kasi, sa Niagara Falls galing ang tubig niyan. Palibhasa kasi ikaw sa Ilog pasig naliligo kaya kulubot kutis mo!” pang-aasar ni Jean kay Florence.
“Ang mean mo naman!” Florence scowled.
“Ang OA ng Niagara falls, ah!” natatawa kong sabi.
“Pero bakla, wala ka bang marereto sa akin?” nagpapa-cute na sabi ni Jean.
“Diba may boyfriend ka?” nakataas kilay kong sabi.
“Hiwalay na sila.” Si Flo ang sumagot.
“Bakit? Diba may wheels ‘yon?” naalala ko kasi dati na hindi nagbo-boyfriend si Jean ng walang kotse.
“May wheels nga. Eh driver lang pala ‘yung gago! Halos nag 3 years din kami. Walang hiya ‘yon ‘buti at hindi ko sakanya binigay ang lahat.” Napahawak siya sa dibdib niya at napapailing.
“Pero gwapo naman ‘yon, ah?” natatawa kong sabi.
“I don’t care. ‘Buti kayong dalawa at gwapo na mayaman pa ang mga boylets! Eh ako? Nga-nga!”
“Darating din ang para sa’yo, Jean.” Malay mo ma-meet mo siya sa kasal ko, diba?” pang-e-encourage ko sakanya.
“O kaya sa bridal shower ni Theyn!” tumili si Florence at gano’n din si Jean.
“Excuse me po, walang lalaki sa bridal shower ko!” paalala ko sakanila. I just saw then grinning and I know they are hiding something from me.
“Love,” tawag sa akin ni Kent. Nandito kami ngayon sa Pavillion ng mansion. Dinalaw niya ako after his work. Wala kasi si tatay at tita Shaila pumuntag Palawan para imbitahin ‘yung mga distant relatives namin do’n.
“Si Lorelei lang ang kanyang asawa ang makakapunta sa kasal natin. Their sons were brought to Italy kasama ang Lolo nila.” sabi sa akin ni Kent. I stared at him at nakita kog malungkot ang mukha niya. Siguro nalulungkot siya na hindi makukumpleto ang pamilya niya sa sarili niyang kasal.
“Are you okay?” I asked. Hinaplos ko ang pisngi niya at nginitian niya lang ako.
“I’m fine. Pero mas masaya kung kumpleto sila, diba?”
“Yeah.” I cling my arms on his arms at pinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. “Pero teka, pari ba ang magkakasal sa atin?”
He nodded, “Father Gregor was a vampire converted human kasi gusto niyang maging pari. Nasa Rome siya pero pinatawag siya ng mga Elders for this kind of occasion. Same wedding ritual, the difference is, the holy water that he’s going to use is from vampire city para hindi ako masaktan. Kaya nga garden wedding tayo, diba?” sabi niya sa akin. Napatango lang ako. Pangarap kong ikasal sa church, pero hindi ‘yon matutupad kasi kailangan kong isipin si Kent. Kahit nga gusto niyang imbitahin ang mga kalahi niya hindi na niya ginawa kasi mas importante raw’yung mga taong kakilala namin.
“Invited ba si Ivo?” I asked. Bigla namang nag-iba ang expression ng mukha niya.
“Hindi.”
“Hala? Akala ko okay na kayo? Kent, imbitahin mo siya. Sige na!”
“Ayoko.” Maawtoridad niyang sabi.
“Sige na, please?”
“I said no and it’s final.” Plain niyang sabi. Napanguso lang ako.
“Kent, you made all the preparation pati ang pag-decide kung sino ang kasama sa wedding march. Ang gusto ko lang is for you to invite Ivo kasi kaibigan na rin ang turing ko sakanya. Diba he helped you save me?” tiningnan niya lang ako ng seryoso. Nakipagtitigan din ako sa kanya at wala akong balak bumitaw do’n until he say yes.
“You will be sadist if you invite him,” seryoso niyang sabi. Napakunot naman ako. What does he mean sadist? Ako sadista?
“And care to explain how I become the sadist one?” I raised my voice. Hindi ko gustong masabihan ng sadista. Para na rin niyang sinabing heartless ako.
“He still loves you, okay?!” bulyaw niya. Napamaang ako. Nakita kong namumula sa galit si Kent at may naglalabasan na ugat sa leeg niya. He’s mad.
“You’re threatened, is that it?” mahina kong tanong. Napahawak siya sa leeg niya at napapikit at parang frustrate na frustrate sa mga nangyayari.
“I’m not threatened, Theyn.” Tumalikod siya sa akin at pumunta sa railing ng pavilion. He’s now facing the side of the mansion at kita mo ang garden sa front yard at ang swimming pool sa likod ng bahay.
“Then why are you acting like a jealous guy? Sa palagay mo baka hindi I do ang isagot ko kapag nandoon siya? Sa palagay magiging runaway bride ako at—“
“What will you feel if you attend my wedding and you’re not the bride?” seryoso niyang tanong. Natigilan naman ako.
“I-i…”
“Hindi ka makasagot?” humarap siya sa akin. “Kasi masakit, diba? Masakit makita ang mahal mo na ikakasal sa iba. At gano’n ang mararamdaman ni Ivo sa oras na imbitahan mo siya sa kasal. Do you get me, Theyn?”
Napayuko lang ako sakanya. He’s right. Bakit ko nga ba hindi naisip ang mararamdaman ni Ivo. It was so selfish of me. Pero gusto ko pa rin siyang um-attend. Hindi para ipakita sakanya na kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. He was part of my life. Naging kaibigan ko siya at naging sandalan din no’ng mga oras na nahihirapan ako. Plus he saved my life. He was there to save me.
“I want to talk to him,” sabi ko.
“I know you will do that.”
“I just want to close our issue. Besides, hindi ko siya nakausap after he saved me.”
“Okay,” he simply said. My eyes widened. Hindi ko ine-expect na papayagan niya ako ng gano’n-gano’n lang.
“T-talaga?”
“Yes, you can text him. You have his number, right?” napatingin siya sa akin. Napalunok naman ako. Alam niyang may number ako kay Ivo. He’s checking on my phonebook.
I am on my way to Solaire at kasama ko si Mica, Macy and tita Shaila. Sa Solaire gaganapin ang bridal shower ko at si tita Shaila ang nag-prepare ng lahat.
“OMG! I’m so excited on your bridal shower. And this is the first I’m going to attend one.” Natutuwang sabi ni Macy sa akin.
“Ate marunong ba siya magtagalog? Nakaka-nosebleed.” Sabi naman ni Mica.
“Mica, dapat masanay ka na. Lalo na’t college ka na rin. Ano pa’t Tourism ang course mo.” Sabi ko sakanya.
Hinayaan ko lang na mag-usap si tita Shaila at Macy habang ako hindi maiwasan na kabahan. Sino ba ang hindi? Makatanggap ka ba naman ng text sa dalawa mong baliw na kaibigan. It says and quote “We have a wild surprise for you. Moahahaha”
Hindi ba nakakatakot ‘yon? Lalo na’t wala akong tiwala sa dalawa lalo na pagdating sa kalokohan. Mamaya kung anong wild ‘yan. Nangangagat? Baka Tigre?
7PM kami nakarating sa Solaire at pinagpalit pa ako ni tita Shaila ng white dress. Sabi ni tita nasa hotel room na raw ang lahat ng invited at kami na lang ang hinihintay.
Sa isang Bridal Suite kami huminto. Pagpasok pa lang namin ay tumambad sa akin ang madilim na kwarto. May konting ilaw at tama lang para makita ko ang loob. Isang malawak na living room at may party confetti na nakakalat sa loob. May mga balloons din na black and white kagaya ng motif namin sa kasal.
Lahat ng babaeng invited sa kasal ko ay nandito at nakahilera sila at may dala-dalang mga regalo. Inakay naman ako ni Jean papunta sa isang couch na stiletto shape.
“Sit back and relax, marami kaming pasabog para sa’yo.” Sabi ni Jean saka kumindat. Hindi ko alam kung matatakot ako dahil siya ang nagsabi no’n.
Biglang pumailanlan ang isang sweet song. Nagkaro’n ng party lights at kinabitan ako ni Florence ng white veil para raw mag-mukha akong bride.
“Jean, ikaw na mauna.” Siniko siya ni Florence.
“Ikaw na,” ngumuso siya sa unahan ko.
“Ikaw ang walang hiya kaya mauna ka na!” nagtawanan naman kami kaya walang nagawa si Jean kundi ang pumunta sa unahan ko.
“Oy bakla!” natatawa niyang sabi sa akin. Dapat talaga masanay na akong tinatawag niyang bakla. “Eto ang regalo ko sa’yo.” Inabot niya ang yellow box na may bow sa gitna.
“Salamat,” I said.
“Hoy, Jean! Message mo.” Singit no’ng isa naming ka-work dati.
“Ah oo nga.” Tumawa siya. “Haay, ano pa bag sasabihin ko sa’yo na hindi ko pa nasasabi? Nasa sa’yo na ang lahat, eh. if only Cindy were here mas masaya. Ang wish ko lang ay mag produce kayo ni Kent ng maraming-maraming anak para madagdagan ang good looking sa mundo. Para madagdagan tayo, diba?” nagtawanan naman kami. Kahit ganyan ang message niya para akong maiiyak. Kahit ganyan si Jean, mahal na mahal ko ‘yan. “Buksan mo na gift ko, dali!”
I opened her gift. May mga yellow and white confetti sa loob. I removed the confettis at tumambad sa akin ang isang red lingerie. See-through siya at may lace sa dulo ng hem.
“Ang landi naman nito.” Natatawa kong sabi.
“Dapat lang, bakla. Para makarami.” Tapos kumindat siya. Naku talaga ‘tong si Jean.
“H-hoy! Bawal dito ang SPG. Bata pa si Mica, oh.” Pagsasaway ko sakanilang lahat at baka mamaya kung ano-anu ang iregalo nila. nakakahiya tuloy sa kapatid ko at kay tita Shaila.
“Ako naman!” prisinta ni Florence. Inabot niya sa akin ang box na kasing laki no’ng binigay ni Jean pero kulay blue. “Girl, hindi message ang ibibigay ko sa’yo kundi isang bilin.” Panimula ni Florence.
“Hahaha, ano ‘yon?”
“Kapag tinapon mo ang bouquet sa kasal mo, please lang sana ipasalo mo sa akin, okay? Para kami na rin ang sunod ni Migo.” She giggles at alam kami nagtawanan. I opened her gift and inside was different kinds of scented candle. Maliliit lang sila at nakalagay sa personalized glass.
“Salamat, Flo.”
“Gamitin niyo ‘yan kapag honeymoon.” Humagikhik siya.
May mga iba’t-iba pa akong natanggap galing sa kanila. Mero’ng kitchen set. Si Mica gave me a complete set of toiletries na may kung ano’anung nakalagay na DIY message. Si Macy naman isang chopping board na may nakaukit na mukha ni Kent. Doon daw ako mag-chop ng pagkain kapag nag-away kami. I could just imagine Kent’s face kapag nakita niyang tinatadtad ko ang mukha niya.
But what shocked me is tita Shaila’s gift. It was her trustfund. She transferred half of her trustfund to me para raw sa future ko though alam niyang hindi ko ‘yon kailangan kasi kaya akong buhayin ni Kent.
Hindi ko mapigilang umiyak sa sobrang saya. They made an effort para sa last day ng aking pagiging dalaga. Thank you is not enough to show how grateful I am with their effort. I wanted to hug them one by one.
“Cheers, to our bride-to-be!” binuksan nila ang isag wine. Lahat kami uminom even Mica. Nagsasayawan kami at nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Macy.
“Now I have the chance to party with you. You always reject my invitation, right?” sabi niya. “But sad to say that this is our first and last party together as single ladies. Because the next time I’m going to invite you, you’re no longer a Miss.” She hugged me tightly.
“I will attend on your future bridal shower, promise.” Sabi ko.
Nagsasayawan kami nang biglang huminto ang music. Pumagitna si Jean and Flo at may hawak silang pang piring sa mata. Why do I have this feeling na may gagawin silang hindi kaaya-aya.
“And our last gift for the bride-to-be. But first, we have to cover you eyes.” Sabi ni Florence. Papayag na sana ako, eh. Kaso nakita ko si Jean na nakangisi.
“O-oy! Bakit may ganyang factor?” sa totoo lang natatakot ako. May phobia ako sa ganyan simula no’ng na-kidnap ako pero hindi ko naman puwedeng sabihin sakanila kasi wala naman silang alam sa nangyari.
Biglang bumukas ang pinto nitong kwarto at may hinila silang papasok na malaking cake. I’m not joking. Kasing tangkad ko ata ito.
“And now for the main event.” Nagsigawan sila at may pumasok na limang lalaki and god nows what’s only covering their private part. May cycling shorts silang itim at bow tie at naka zoro mask. Para silang mga bulateng kumekendeng kendeng.
Napasigaw na lang ako ang may lumabas na lalaki sa loob ng cake. Compared to the guys na halos walang takip ang katawan, siya ay nakasuot ng Armani suit pero may Zoro mask din.
Nagulat ako nang lagyan ako ng piring sa mata ni Florence. Halos napaigtad ako nang maramdaman kong hinawalan ako ng lalaki sa kamay. Ang nanlalamig kong kamay ay mas lalong lumamig nang lumapat ang kamay niya sa akin. Inakay nila ako papalayo kaya agad akong pinagunahan ng takot.
“T-teka! Saan ako pupunta?! H-hoy, a-alam ba ‘to ni Kent!” narinig ko ang papalayo nilang tawanan kaya ibig sabihin malayo na sila sa akin. Saan na sila? Hala? Paano kung may masamang balak pala ang lalaking ‘to? Jusko po! Bakit nila ako hinayaan na sumama dito!
“Keri lang ‘yan, Theyn! Hahahaha, scream all you want!” sigaw ni Jean sa malayo. Mas lalo akong pinagilabutan.
Nakarinig ako ng pintong nagbukas at sara kaya ibig sabihin pumasok kami sa isang silid. Wala lang akong imik habang sinusunod ko siya.
“Sit down,” utos niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. I know that voice. Kahit kailan hindi ko makakalimutan ang boses na ‘yan.
I immediately remove the cover on my eyes at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko meters away from him.
“I-ikaw? B-bakit…alam ba ni Kent na nandito ka?” I asked. Tumawa naman siya at lumabas ang magaganda niyang ngiti. It was no other than but Ivo. Nakangiti siya sa akin. Kay tagal ko rin siyang hindi nakita. At sa totoo lang namiss ko siya.
“Kent doesn’t know of course. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.” Tumawa siya ng konti.
“Alam ba nila Flo and Jean?” I asked.
“No, pinatulog ko kasi ‘yung lalaking dapat sasayawan ka.” Tumawa nanaman siya.
“Mmm, but I’m glad you’re here. Pupunta ka naman sa kasal ko diba?” biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Parang nalungkot pero agad din namang ngumiti at alam kong pilit ‘yon.
“Oo naman. Hihintayin kong magbago ang isip mo sa harap ng altar. Para may kasama ka sa pagtakas.” Natatawa niyang sabi.
“Hindi naman ako tatakas sa kasal, eh.” I pouted.
“Hahaha, I know that.” He laugh but I know it wasn’t genuine.
“Ivo…”
“I just want to see you before you marry him.” Biglang nagseryoso ang mukha niya. His face were gloomy. Hindi ko alam ang sasabihin sakanya. Ano nga ba ang dapat sabihin sa lalaking may gusto sa’yo? Sorry? Thank you for the love? Hindi ko rin alam. Ayaw ko siyang mas masaktan pa. If only I could erase his feelings for me gagawin ko ‘yon just to see him happy.
“I wish you happiness, Ivo. Sana mahanap mo na rin ang para sa’yo.” I sincerely said.
“I should forget you first bago ako humanap ng iba.” He replied.
“Pakibilis-bilisan ang pag move on, ha? Baka mainip ‘yung babaeng nakalaan para sa’yo at iwan ka rin.” I said to him. Tumango naman siya sa akin.
“Can I just hug you for the last time, Theyn?” he asked. Ngumiti naman ako saka ako na kusang lumapit.
“Oo naman.” I hugged him tight.
“I will always love you, Theyn. Kahit mahanap ko na ang babaeng para sa akin, alam ko sa sarili ko na malaki ang parte mo sa pagkatao ko.
NAGISING ako nang maramdaman kong may lumundag sa tabi ko. At slightly opened my eyes and it was Macy. May hawak siyang corsage na kulay black and white.
“Wake up, bride-to-be. Your wedding dress is already here.” Nakangiti niyang bungad sa akin. Bukas na pala ang kasal ko. Nandito nag-s-stay si Macy sa amin dahil ayaw ko siyang mag check in pa sa hotel. Besides, she’s my maid of honor kaya tama lang na lagi ko siyang kasama.
“Really? Oh, I should try them.” Agad kong bumangon at sinamahan ako ni Macy sa baba. Pero nagulat na lang ako kasi narinig ko si tita Shaila na ipasok daw sa bakanteng guest room ang wedding gown ko.
“Tita, where is my wedding gown? I want to try them.” Sabi ko. Naka pajama pa ako dahil hindi ko na nagawang magpalit sa sobrang excited na makita ang gown.
“You can’t fit your gown until your wedding day, hija. I believe it will be bad luck for the bride.” She explains.
“But let her see it, tita Shaila. Please? I want to see her gown.” Sabi rin ni Macy.
“No, no, no. I won’t let you see the gown. Now Theyn, I want you to have a beauty rest.” Sabi I tita.
“Ah tita, puputa po ako sa office ngayon ni Kent at—“
“No hija, you won’t see Kent today.”
“Your step mother has a lot of superstitious belief,” bulong sa akin ni Macy.
“Bakit hindi ko puwedeng makita si Kent, tita?” malungkot kong sabi.
“Pamahiin ‘yon. Just listen to your tita, anak.” Napalingon naman ako kay tatay na may hawak na lalagyan ng black suit.
“Tomorrow night will be your wedding. Isang araw lang kayong paglalayuin because after that, forever na kayong magkakasama. Do you understand now, hija?”
“I see,” sabi ko.
Iniwan ko sila sa living room at bumalik ako sa kwarto. I saw my phone blinked at may text galing kay Kent. I immediately read it.
From Kent:
|I love you, my lovely bride.|
Agad akong napangiti sa text niya. Hindi na ako makapaghintay na maikasal kay Kent. Kung puwede lang na hilain ang oras para maging bukas na. Oo na, ako na ang excited maging Mrs. Manjon.
To Kent:
|I love you more. Tita told me I can’t see you today. What are you doing right now?|
From Kent:
|Kakauwi ko lang. Pamahiin daw ‘yon. Wala namang masama kung makikinig tayo.|
To Kent:
|Bakit kakauwi mo lang? 8 in the morning na, ah?|
From Kent:
|Migo made me a surprise stag party last night. How was your bridal shower anyway?|
Stag party? Hindi ko alam ‘yon! Kaya nga surprise, diba? Pero kahit na. Pero wait. May babae do’n. anong ginawa nila? nag-inuman lang? Impossible. Kaya ba wala si Haril kahapon bago ako umalis papuntang Solaire kasi may Stag party na magaganap?
From Kent:
|Hey, why aren’t you replying?|
Hindi ko pinansin ang text ni Kent at agad akong lumabas sa kwarto. I went to Haril’s room at nakita ko siya doon na nakahiga at halatang hindi nagbihis. Naamoy ko ag hint ng alak sa damit niya kaya mas lalo akong nainis. If my brother is wasted what more should I expect sa nangyari kagabi?
“Haril, gising!” nagtitimpi kong sabi. Niyugyug ko siya pero panay ungol lang ang loko. I went to the window at hinawi ang kurtina.
“Ugh! Haril gumising ka sabi!” tinulak ko siya patihaya at bigla siyang napatakip ng mata.
“Ate, close the curtain.” Groogy ang boses niya at amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya kahit meters away ako sakanya.
“Anong ginawa ni Kent sa stag party?” tanong ko. Mas mabuti na rin atang tanungin ang lasing at antok dahil may possibility na honest ang isagot nila.
“Ugh. Nothing, ate. He just watch us drink and dance with girls. Ugh! Ate ‘yung kurtina!” dumapa siya at tinakpan ng unan ang ulo niya.
“Ano pang ginawa niya?”
“Ate! Wala na akong maalala, okay?” inis niyang sagot. Kumuha naman ako ng unan at malakas ko ‘yong tinapon sakanya.
“Kainis!”
Irritableng lumabas ako sa kwarto ni Haril. Bumalik ako sa kwarto at nakita kong tumatawag na si Kent.
“Hello!” agad kong sagot.
“Are you mad? Bakit hindi ka na nagreply?” he said on the other line.
“Wala!”
“Huh? Theyn, are we okay?”
“Malay ko! Bakit mo sa akin tinatanong?” mataray kong sabi.
“What did I do wrong? Theyn, tell me. Ayaw kong mag-away tayo the day before ng wedding.” He said. Hindi ako sumagot. Nakasimangot lang ako.
“Ah, I get it. Nagagalit ka dahil sa Stag party?” nahihimigan ko siyang tumatawa pero hindi pa rin ako sumagot. Napipikon ako, eh. “Theyn, I’m a man. Hindi ko puwedeng tanggihan ang—“
“Tanggihan ang ano?! Ang ano Kent?! Ang tawag ng laman?!” halos bulyaw ko na sakanya. Grabe siya! Ginawa ko ang lahat para mag-behave ng maayos sa bridal shower ko tapos siya—ugh! Kahit pa sabihin na surprise ‘yon sana naman nag-text siya dahil maaga naman akong nakauwi kagabi kasi wala naman akong ginawang milagro!
“What? Pffft. Hayan ka nanaman Theyn sa conclusion mo. I behaved well in the Stag party kahit tanungin mo pa si Haril. Hindi ko lang mahindian sila Migo. You understand me, right?” malumanay niyang sabi.
“My brother is wasted! How can I ask him? At malay ko bang kinuntsaba mo siya!” I scowled. Tumawa nanaman siya.
“Kung hindi lang ako pinagbawalan ni tita Shaila na kitain ka baka ngayon hinalikan na kita.” He chuckles. And for a moment parang nawala ‘yung inis sa loob ko. Naniniwala naman ako kay Kent, eh. Ewan ko lang ba kug bakit ganito ako. Siguro kasi babae? Na kahit may tiwala ka pipiliin mo pa rin magduda kasi wala kang tiwala sa paligid niya?
“Siguraduhin mo lang na hindi ka gumawa ng kalokohan do’n at naku! Kahit pa handa na ang lahat sa kasal at hindi kita sisipotin!” banta ko sakanya though it was a lie.
“I will force you to marry me. You don’t have a choice. I’m your only destiny, Theyn.” Para akong baliw na nagpipigil ng kilig. Kainis ‘to si Kent.
“S-sige na nga, bye na.” kunwari inis kong sabi pero ang totoo ay nagpipigil lang ako.”
“Okay. I love you, my boss. I can’t wait to own you completely.”
“O-okay,” I hang up the phone. Wala sa sariling nahiga ako sa kama habang ang dalawang paa ay nasa sahig. Kumuha ako ng unan at itinakip ko sa mukha ko.
“Ahhhhhhh!” I shouted. Hindi ko na kasi ma-contain ang nararamdaman ko. Sobra akong kinikilig. Ikakasal na lang ako may ganito pang feeling?
Naisip ko lang, may sukdulan kaya ang pagmamahal ko kay Kent? What if I reach the peak of loving him? Will It stay there forever? O kagaya ng kasabihan na kapag nasa taas ka na, wala kang ibang pupuntahan kundi baba. Kung mangyari man ‘yon, gugustuhin ko pa rin siya. Hindi ko rin ata maimagine ang sarili ko sa piling ng iba.
Tanghali na nang tawagin ako ni Mica for lunch. Kakatapos ko lang noon maligo. Nadatnan ko silang lahat sa hapagkainan at kami na lang ni Mica ang hinihintay. Napatingin lang ako kay Haril na humihikab at umiinom ng kape.
“Iinom inom kasi hindi naman kaya.” Parinig ko sakanya.
“Kuya Haril, nagtext sa akin ang girlfriend mo. Lagot ka nanaman kay Gummy.” Rinig kong sabi ni Mica.
“Who’s Gummy?” I asked.
“Girlfrie—aww! Bestfriend ni kuya na kung umasta akala mo girlfriend.” Sabi ni Mica.
“Is she invited on my wedding? Did you invite her, Haril?” tanong ko habang nilalapag ng mga katulog ang iba pang ulam.
“I invited her pero ayaw niya.” Walang ganang sagot niya.
“Ate, si Gummy kasi medyo one of the boys. Hindi naman sila ni kuya pero kung umasta ang dalawa ‘yan parang sila. Ang labo ng issue nilang dalawa, eh.” bulong sa akin ni Mica. Napatingin naman ako kay Haril na nakatingin lang sa kape. Matagal nga akong nawala at hindi ko alam ang nangyayari sa love life ng kapatid ko.
“After you eat your lunch, hija. Pupunta dito ‘yung photographer para sa video clips na idadag para sa Prenuptial. Okay?” sabi ni tita Shaila habang kumakain na kami.
“Yes, tita.”
TOTOO pala ang wedding jitters? In Psychology, ang sabi ng Profesor namin, wedding jitters is caused by anxiety and stress about the upcoming wedding. Sila ‘yung may mga second thought wether to continue the wedding or not.
Pero hindi ko naman naiisip mag back out, eh. natatakot lang ako sa future na naghihintay sa amin ni Kent. He’s a vampire and I’m a human and I am not fully aware about the consequences of building my own family—if the father is a vampire.
“Anak, okay lang ba? Bakit nandito ka pa sa labas? Malalim na ang gabi at malamig na rin. Baka magkasakit ka niyan.” Sabi sa akin ni tatay na galing sa likod. Nandito kasi ako ngayon sa garden nakatayo lang habang nag-iisip. Medyo na-stress ako kanina sa Photoshoot.
“Papasok din ako, Tay. Nagpapahangin lang,” nakangiti kong sabi.
“Baka magkasipon ka. Ayaw mo naman siguro maging uhugin bukas, diba?” natatawang sabi ni tatay.
“Tay naman, eh.” nakanguso kong sabi. Tumabi naman siya sa akin at inakbaya ako.
“Naiisip ko ang nanay mo, anak.” Sabi bigla ni tatay. Napatingin naman ako sakanya.
“For sure po masaya ngayon ang nanay. Nangyari po lahat ng pangarap niya.” Sabi ko sakanya. Napatango naman si tatay.
Minsan naisip ko na sana buhay pa si nanay. Sana mas masaya kung nandito siya. Pero naisip ko naman, mangyayari ba ang lahat ng ‘to? Naniniwala na akong lahat ng nangyayari sa mundo my purpose. Mas pinapatatag ka nito.
“Alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin ni Kent nang hingin niya kamay mo sa akin no’ng nasa US ka pa?” sabi ni tatay.
“Ano po?” kabado kong tanong. Baka kung ano nanaman pinagsasabi no’n ni Kent.
Natawa muna si tatay bago nagsalita. “Ang aga-aga bigla siya noong sumugod dito. Akala ko nga kung ano ang nangyari kasi bihira naman siya pumunta dito.” Panimula ni tatay.
“Walang kagatok-gatol na sinabi niyang kailangan na niyang mag-propose sa’yo. Kailangan na ka na raw niyang itali sakanya temporarily. Hindi ko alam kung ano ang buong nangyari sa inyong dalawa, pero no’ng mga oras na ‘yon, kita ko sa mga mata niya ang takot at pananabik. Bilang lalaki at tatay, alam kong sincere siya kahit padalos-dalos mag-isip. Sobra kang mahal ni Kent, anak. At sobra akong nagpapasalamat na nakahanap ka ng lalaking katulad niya. Hinding-hindi ka niya sasaktan at alam kong kaya ka niyang protektahan.”
Bigla ko na lang pinunasan ang luhang lumabas sa mata ko. Masyado akong overwhelmed sa mga sinabi ni tatay. Ang sarap sa pakiramdam na pati magulang mo boto sa mapapangasawa mo. Wala na akong mahihiling pa. I already got everything.
“Si tatay, parang ready ng ipamigay ako sa iba.” Kunwari nagtatampo kong sabi.
“Hindi nama sa gano’n, anak. Nasa edad ka na rin naman, diba? Besides, ayaw kong kontrahin ang relasyon niyo ni Kent. You deserve him. Hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo kaya wala akong karapatan na kwentyonin ang mga bagay na makakapagpasaya sa’yo. Kay Mica lang ata ako magiging mahigpit.” Natawa kami pareho.
Pareho lang kaming at natigilan ni tatay nang tawagin na kami ni tita Shaila. Pagdating ko kwarto, nakita ko si Mica na nakahiga sa kama ko. Tatabi raw siya sa akin at for the last time kasi sa susunod si Kent na ang makakatabi ko.
TODAY is the day. Though gabi ang kasal namin, sobra na ang kaba ko. Umaga pa lang sobra ng abala ang mga tao rito. Si tita Shaila ang kausap ng mga wedding planner. Sumasakit ang tiyan ko at kinakabahan ako. Akala ko mararamdaman ko lang ang ganitong kaba kapag sinisigawan ako noon ni Kent kapag may nagagawa akong mali bilang secretarya niya. Akala ko sa Title defense ko lang mararamdaman ‘yung parang nagsa sommersault ang tiyan ko. Pero hindi, kasi ang nararamdaman ko ngayon doble kumpara noon at alam kong masaya ako. Sobrang saya.
Hindi ako pinapatulong ni tita sa mga dapat asikasuhin. Napaka hands on niya sa kasal ko at sinisigurado niyang walang aberyang mangyayari. She’s spoiling me pero hindi naman ako against doon because I can decipline myself.
Umakyat ako pabalik sa kwarto dahil alam kong wala akong maitutulong sa baba. Mamayang lunch pa raw kasi darating ang make up artist kaya stay put lang ako dito.
Napansin ko naman na may parang basket sa labas ng terrace ko kaya agad kong ‘yong tiningnan. Tama nga ako. Isang basket na may lamang pink roses na walang stem at nakasalinsin sila at sobrang gandang tingnan. May nakaipit naman na malaking card do’n kaya agad ko ‘tong kinuha at binuksan.
“Galing kay Kent,” mahina kong sabi. Ibig sabihin galing siya rito? Miss na miss ko na siya.
I thought it was just a simple card na may konting greeting pero hindi. It was a specialty paper na may scent at 1 page siya. It was beautifully written at kilalang-kilala ko ang sulat niya.
To my dearest Theyn,
Don’t laugh at me but I think I’m having a cold feet. You think this is normal? I can feel my knees trembling and I don’t think normal vampires should be feeling this. But now I completely understood that this is happening only because I am excited to marry you. I can’t wait to own you, Theyn. I can’t wait to change your surname. Theyn Manjon suits you very well. It only means you’re only for me.
In every decision I made, I was always sure about the consequences that is about to happen. But when I ask you to marry me, I knew that whatever consequence awaits for us, I will never ever regret it. You are my constant source of happiness as I am to you.
I wanted to thank you for your very long patience that you have given me. I know my temper will always be the reason for our misunderstanding but I hope as time goes by we were together, you won’t get tired of understanding me. And for your convenience, I’ll try my best to lessen my possesiveness and temper.
Any hours by now you will be my wife and I would just love to tell you this words that o have never been say to you. I knew I always tell you how much I love you but I’ve never told you how beautiful you are inside and out. Everytime I am with you, you made me feel like the luckiest man alive for I have the imperfect perfect lady that compliments me. You have become my secretary, girlfriend, bestfriend, a companion, finacee, and now my wife. Even if life would give me second chance to live, I can honestly say that I will always choose you. I will always find a way to be with you.
So now, Theyn. Are you having second thoughts? Because if you are, you can just write “I can’t marry you” in all the rose petals I gave you. And oh, just make sure you don’t break it while writing. There are 143 pieces of roses there and each one of has approximately 80 to 85 petals. Your choice.
I love you, always and forever.
Kent,
Napabuntong hininga ako. I immediately get my phone and texted him. Alam kong wala sa bukabularyo ni Kent ang gumawa ng mga ganitong bagay kaya sobra ko siyang na-appreciate kasi naglaan siya ng oras just to write for me where in fact he could just say it to me personally.
To Kent:
|Mr. Manjon, I don’t have time to write 4 letter words that could break your heart in each petals so may I just assure you that my answer will be I do.|
Napapangiti ako habang sines-send sakanya ang text. Para kaming mga teenager na parehong humihingi ng assurance na walang tatakas mamaya.
Kent’s POV
“Tito, relax. Kanina ka pa diyan parang tense.” Saway sa akin ni Lorelei. We’re on our way to the wedding venue na isang Malawak na Garden. I am really tensed pero hindi ko naman alam na sobrang halata. Masyado akong excited at kinakabahan.
Nakarating kami sa Garden kung saan kami ikakasal. May ilang bisita na at karamihan ay mga empleyado namin sa kumpanya at ibang kaibigan. Sa kabilang part naman ay mga distant relatives ni Theyn from Palawan na talagang sinundo pa ng tatay ni Theyn to attend.
“Bro, on the way na raw ang bride.” Sabi sa akin ni Migo. Nandito na ang lahat na kasama sa wedding entourage.
Habang wine-welcome ko ang ibang bisita, nagulat naman ako nang biglang may sumuntok sa braso ko. Paglingon ko, it was Primotivo. He was grining like a stupid vampire he is.
“You’re here,” I said like it was a statement.
“Yeah, I am invited.” Pinakita niya ang invitation saka binalik sa loob ng suit niya.
“Did she invited you?” I asked.
“Yeah. I can’t say no from a request.” Inayos niya sarili niya at naging seryoso. “I’m here because Theyn wants me here as a friend. I don’t hold grudge on you, Kent. I just want to see Theyn happy, that’s all.” Seryoso niyang sabi.
“I know.” Sabi ko saka ko siya tinalikuran.
The wedding planner asked me to stand in front of the altar kasi nasa labas na raw ‘yung bride. Dahil sa madilim na, sinimulan na nilang pailawan ang buong paligid. Lahat sila namangha sa ganda ng lugar. Even me was surprised. It’s very magical.
Nagsimula na ang entourage. Black and white with a touch of gold and motif ng kasal. With help of Theyn’s step mother kaya naging possible ang kasal na gusto kong ibigay kay Theyn. Ibibigay ko ang lahat sakanya ad I wont settle for less.
Biglang nagbago ang tempo ng music at naging Canon in D. palatandaan na bride na ang maglalakad.
She was slowly walking habang napapagitnaan siya ni tita Shaila and tito Theodoro. Napangiti ako sa ganda niya pati ng gown niya. She has a veil kaya natatakpan ang mukha niya. She was holding a red tulip habang nakangiti. She’s the most beautiful bride I have ever seen.
Hindi ko mapigilan mapangiti kapag naalala ko na parang kailan lang inuutos-utusan ko lang siya. Theyn became my secretary by accident. And it was my favorite mistake of my life. Kung makakabalik ako sa past, I wouldn’t change a thing. The way we meet is like fate. Who would have thought na magtatagal siya sa akin. Who would have thought na siya pala ang para sa akin.
Nasa harapan ko na sila at ibinigay sa akin ni tito ang kamay ni Theyn.
“Hijo, ikaw na ang bahala sa panganay ko. Huwag mo siyang sasaktan at mahalin mo siya katulad ng pangako mo sa amin.” Sabi ni tito.
“I promise to love her with all my heart and protect her with all my strength.” Sincere kong sabi. Napatingin naman ako kay Theyn at nakita kong maingat niyang pinupunasan ang mata niya. I knew she was crying.
I held her hand at hinalikan ko ‘yon. “My lovely bride, are you ready to say I do?” I smile with glee. Tumango naman siya sa akin.
“Kent, wait for the Priest to ask you that.” Natatawa niyang sabi.
Magkahawak kami ng kamay habang papunta sa altar. A road to forever where only few knows the right track.
THE END...
xxx
May Epilogue? Meron. After i post the Epilogue, ipopost ko agad ang Chapter 1 ng Cold fangs (Ivo's story) May kinalaman ang Epilogue sa Cold Fangs kaya watch out :)
Guys, usap tayo sa facebook, pleaseeeee? Just search Thyriza Wattpad or just simply click the external link.
Tapos yung mga silent readers ko. Labas naman kayo, oh. Please? Ayaw niyo ba akong kausap?
Alam niyo bang 2nd year anniversary ko ngayon sa wattpad? Yehey! Sabog confetti.
Thank you sa inyo, ah? Naway mapanaginipan niyo si Kent.
Guys panuorin niyo yung Prenup video na ginawa ko. hahahaha para kunwari totoo. <3
Teka, inaantok na ako. Sleep muna ang Dyosa, ukies?
Nighty!
Ate thy<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top