Chapter Fifteen

Chapter 15

“Ahhhhhh! Ang tanga-tanga ko! Ang tanga tanga ko!” nakahiga na ako sa kama at tinatakpan ko ang mukha ko ng unan para hindi ako mahalata na nagsisisigaw. Nahihiya kasi ako eh. Hindi lang ako napahiya kay Sir. Napahiya din ako sa sarili ko.

“Why did you kiss me, Sir?”

“What?”gulat niyang sabi as if I caught him off guard.

“I am asking you, Sir. Bakit mo ako hinalikan kahapon?” nilakasan ko na loob ko. Nandito na eh. Natanong ko na.

“Are you sure of that, Torres?”tinignan ko naman ng deretso sa mata si Sir saka tumango.

“I am pretty sure!” confident kong sabi.

“Kasi wala akong maalala na ginawa ko ‘yon sa’yo. Care to remind me?” lumapit siya sa akin and he smirked.

“Ano pong—“ naputol ko ang sasabihin ko nang hapitin niya ako palapit sakanya. Namilog ang mga mata ko at halos pigil ko na ang paghinga.

“If you remind me with the things you’re accusing me, then I’d believe you. But for now you have to kiss me.” ang nanlalaki kong mata ay mas lalong namilog. Ano’ng pinagsasasabi ni Sir? Halikan ko daw siya? As if naman may lakas ng loob ako para gawin ko ‘yon.

“K-kapag hindi po kita hinalikan… Ano ang gagawin niyo?” kabado kong tanong. Nanlalamig ang buong katawan ko at pakiramdam ko nanginginig na ang mga kalamnan ko.

“Kapag hindi mo ako hinalikan.” He trail off at mas lalo niyang nilapit ang mukha sa akin. Natatakot akong gumalaw at baka magdikit ang labi naming. Pakiramdam ko din konting ihip na lang ng hangin mahahalikan ko na si Sir. “Maniniwala akong pinipikot mo ako.” Amusement is very evident on his expression. Pinipikot? Ako mangpipikot?! Hindi ko ata kaya ‘yong gawin!

“E-eh? hehe. K-kalimutan niyo na lang po ‘yung tanong ko. B-baka po guni-guni ko lang talaga ‘yong h-hinalikan niyo ako. Hehehe.” Naiilang kong sabi. Gusto kong ilayo ang sarili kay Sir pero mahigpit ang hawak niya sa bewang ko.

“Talaga?So I must conclude na isa kang assuming?” he said that makes my cheeks crimson red.

 

Assuming daw ako! Ugh! Nakakahiya! Ang tanga-tanga ko! Why on earth I opened up that topic! Hindi tuloy ako makalabas sa kwarto dahil sa kahihiyan.

Inayos ko na lang tuloy mga gamit kong dala. Lalo na ‘yung mga files. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi pa kami nagsisimula tungkol sa business trip n sinasabi ni Sir. Ano ‘yon magbabakasyon lang kami dito?

Lumabas ako sa kwarto para tanungin si Sir. Kasi hindi ko din alam kung ano ang itinerary niya for tomorrow.

Nakita ko si Sir na nakatayo sa may veranda. He was drinking red wine. Baka hindi magandang oras para tanungin siya kasi malalim na ang gabi. Hahakbang na sana ako paalis nang bigla siyang magsalita.

“Why are you still up?” sabi niya habang nakatingin sa labas. Pa’no niya nalaman na nandito ako? May mata ba siya sa likod?

“E-eh kasi po…”

“Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.” He said. Balik sa pagiging seryoso si Sir ah.

“Ay ‘yon nga po ang itatanong ko sa’yo, Sir. Saan po ang business na aattend-an natin?”

“There’s no business trip, Torres.” Sabi niya tapos humarap sa akin.

“Po?”

“I wanted to unwind and I use business reasons for that.” Sabi niya. Napanganga lang ako kay Sir. Gusto niya pala ng bakasyon eh bakit sinama-sama niya pa ako?

“Both of us needs a break, Torres. So don’t look at me like I made I bad decision. Infact, I think I am giving you a favor kasi nakapag bakasyon ka.”

“Kung bakasyon lang naman pala ‘to, Sir. Bakit kailangan mo pa akong ilayo sa mga kapatid ko?” tanong ko na ikinagulat niya. Pinagtitripan ata ako nito ni Sir eh. pero bakit naman siya mantitrip at dumating pa sa point na nagbyahe kami sa malayo.

“That reason is for me to keep, Torres. Now, if you’re against with this—this set up. Then you’re free to leave!” he said then turn around. Inis na nilisan ko ang living room at bumalik sa kwarto ko.

“Nakakainis!” sabi ko saka ibinagsak ang sarili sa kama.

Hindi naman ako tutol dito eh. Natutuwa pa nga ako kasi at least after 2 years nakaramdam ako ng ka-relax-an sa buhay. Pero bakit kailangan niya itago ang dahilan niya? As if naman pakikinabangan ko ‘yon?

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Napatingin ako sa relo at halos makahiwalay ang kaluluwa ko nang makita ang oras.

“Lagot!” nasabi pa naman ni Sir na maaga kami bukas.

Bumangon ako saka agad na dumeretso sa CR. I took a quick bath. Nagbihis lang ako ng maong shorts at see-through white blouse na pinailaliman ko nang white sando. Flip flops lang ang sinuot kong pang-paa saka na ako lumabas.

Pero nagulat pa ako nang makita ko si Sir at kampanteng nakaupo sa single couch—crossed legs at nagtetext. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapataas ang kilay. At sino naman ang ka-text niya?

“Good morning, Toress.” Sabi niyang nakatuon sa phone niya.

“G-good morning din po, Sir.” Sabi ko din sakanya. Hindi pa din niya ako tinitignan. Nakakainis! Sino ba kasi ‘yan?! Ah! baka si ma’am Lorelei at kinukumusta sila sa Palawan. Tama!

“Lumabas ka na. May pupuntahan tayo.” Sabi niyang hindi pa din tumitingin. Tumango na lang ako saka lumabas nang bahay.

Nakita kong nakaparada ang convertible car ni Sir sa labas kaya nahulaan ko agad na ‘yon ang sasakyan namin.

Papasok na sana ako sa kotse nang marinig ko ang yabag ni Sir pababa kaya hindi muna ako sumakay.

Paglingon ko sakanya ay nakasalubong nanaman ang mga kilay at parang hindi niya gustong makita ako.

“What the hell! What are you wearing?!”

“Po?” ano namang masama dito sa suot ko?

“Go up stairs and change!” he commanded. Napailing naman ako.

“Hindi po pwede.” Sabi ko na mukhang mas ikinainis niya.

“At bakit?!”

“Kapag nagpalit ako nang damit mga ganito lang naman ang isusuot ko ulit. ‘Yung ibang dala ko po kasi mga pang business kasi akala ko ‘yon ang purpose nang pagpunta natin dito.” Pagdadahilan ko.

“Ugh! This is so frustrating!” And so are you, Sir. Gusto ko sanang sabihin kaso baka mas lalong magalit si Sir. “Sakay na nga!” inis niya pang sabi.

Napanguso ako habang sumakay sa kotse niya. Ano naman kasi problema sa suot ko? Hindi naman ako mukhang gusgusin eh. Baka naman nagmukha akong cheap kasi naka slippers lang ako?

Mabilis na pinaandar ni Sir ang kotse. Sa sobrang bilis halos maalis na ang buhok ko sa anit ko. Ikaw ba naman sobrang open ang kanyang kotse. Naku! Siya na ang nakaconvertible!

Huminto kami sa dati naming pinuntahan—sa bayan pero hindi na kami pumunta sa food court. Nasa likod lang ako habang nakasunod kay Sir na naglalakad sa sidewalk. Napaka bilis talaga ni Sir maglakad. Split-an ko kaya siya.

“Hi miss.” Sabi no’ng isa sabay sipol ang mga kasamahan niya. Luh! May mga pervert din pala dito!

“Ang gandang dilag!” sabi pa no’ng isa. Matulin na lang akong naglakad. Pero laking gulat ko nang mabangga ko ang isang pader. Pag angat ko ng tingin, hindi siya pader kundi ang matitipunong dibdib ni Sir.

“Eto na sinasabi ko!” tiim bagang ni Sir. Naramdam ko na lang na hinatak niya ako palapit sakanya. “Hindi ibig sabihin na nasa probinsya tayo eh wala nang mambabastos sa’yo!” mahina niyang sabi ngunit madiin. Napa-pout na lang tuloy ako.

“Kesa naman po sa suotin ko ‘yung mga business attires. Nakakahiya at—“

“Shut up!” pagkasabi niya no’n bigla na lang akong kinaladkad.

Nadatnan ko na lang sarili ko papasok sa isang shop. It was a souvenir shop. Maliit lang siyang shop. Isang binatang lalaki ang nagbabantay at agad siyang tumayo nang makita kami.

“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” ngumiti lang ako sa binata kasi alam kong walang balak si Sir na pansinin ‘yung lalaki. Ang suplado talaga nito! Pasalamat na lang talaga at gwapo siya kundi bawas points ‘yon!

Halos mapanganga ako nang kuhanin niya ‘yung mga nakasabit na damit sa hanger. Ano ba’ng balak ni Sir?

“Magpalit ka nang damit! Eto!” ibinato niya sa akin ‘yung free size na t-shirt at may nakalagay na ‘I love Batanes’. Tinignan ko pa ‘yung size at XL ‘yung nakalagay.

“Ang laki po neto sa—“

“Wear that I said!”

“Ay Sir wala po kaming fitting room.” sabi no’ng lalaki na mas ikinainis ni Sir.

“Fine. I’ll take all these. How much?” tanong ni Sir habang dumudukot nang pera sa wallet niya.

“1,500 lang po.”

“Here. Keep the change.” Napailing na lang ako kay Sir. Eh 500 pa ‘yung sukli no’n eh. Iba talaga kapag mayaman.

Nasa loob na kami ng kotse ni Sir nang iitsa niya sa akin ang isang damit.

“Wear that!” he said. Hello! Dito ako magbibihis? Wala kayang bubung ang kotse niya! At sa tingin niya kahit may bubung ang kotse niya magbibihis ako sa harap niya? No way!

Nabasa pa ata ni Sir ang iniisip ko at bigla na lang siyang may pinindot then biglang umangat ‘yung roof hanggang sa sumara ito.

“Now, undress!” nanlaki mata ko.

“S-sa…S-sa h-harap niyo po?” napalunok kong sabi.

“Are you stupid?! Syempre hindi ako titingin! Tsk!” hindi pa din ako makagalaw at nakatulala lang ako kay Sir. “H’wag mo nga akong tignan na parang re-rape-in kita?!” sabi niya tapos tumalikod sa akin at sa labas tumingin.

Ang OA ko naman pala. May sando naman pala ako sa ilalim. Kaya dali-dali akong nagbihis na animo’y nasa isang challenge ako.

“D-done… Sir.” Sabi ko saka siya humarap. Wala man lang siyang sinabi at binuhay na ang makina ng kotse saka nagdrive. Saan kaya kami pupunta? Or should I say, saan kami pupunta na pwedeng mapahiya nanaman ako sa harap ni Sir.

Akala ko another burol or magandang tanawin ang pupuntahan naming ni Sir. Hindi pala. Para siyang isang compound at may mga maliliit na bahay do’n.

Nagulat pa ako kasi no’ng lumabas kami ni Sir, sinalubong kami ng mga bata. Akala ko sa akin sila pupunta pero nilagpasan nila ako at kay Sir Kent sila masayang pumunta. I don’t know Sir loves kids. Hindi ko pa din nga ma-process na may ganito siyang side.

“Kumusta na ang mga paborito kong bata?” nakangiting sabi ni Sir. Pinaupo niya si Sir sa isang malaking bato at nag-aagawan sila kung sino ang kakalungin ni Sir.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Masyado ata akong naging judgemental kay Sir. Of course he has mask kasi business man siya. Pero hindi ko akalain na kapag tinaggal ni Sir ang mascara niya ay mas lalo akong hahanga sakanya.

“Kuya Kent, bakit ngayon lang ulit kayo nadalaw dito?” tanong ng isang bata. Ngiti lang ang sinukli ni Sir sakanya. Eh mas gwapo pala siya kapag nakangiti eh.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko kasi ang lakas nang kabog niya. Gustong-gusto ko kung ano ang nakikita ko. Sana lagi na lang ganyan si Sir. Mabait at palangiti.

“Mga bata, may dala akong mga pagkain. At tutulungan ako ni Ate Theyn na pakainin kayo. Ok ba?” sabi ni Sir tapos napatingin sa akin ‘yung mga bata. Lumawak naman ‘yung mga ngiti nila nang makita ako.

“Ganda ganda ate.” Sabi no’ng batang lalaki na kalong ni Sir.

Tumayo naman si Sir at nilapitan ako.

“Ok lang naman sa’yo na tulungan ako, diba?” nakangiting sabi ni Sir. Ahh! Nakakatunaw ang mga ngiti niya. Ayaw kong suminangot siya. Gusto ko ganyan lang. kinikilig tuloy ako sa ngiti niya.

“O-Oo naman po. Walang problema.” Nakangiti kong ding sagot.

Tinulungan ko naman si Sir na ilabas ang pagkain sa may compartment.

“Hay naku, Sir Kent. Kung lagi ka ba namang ganito baka na in love na ako sa’yo.” Mahina kong sabi habang hawak ang isang kahon.

“Ano’ng sabi mo Theyn?” nanlaki mata ko. Narinig niya?

“Hehehe. Wala po. Sabi ko nakakagiliw ‘yung mga bata.” Sabi ko saka tumalikod. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Hayan ka nanaman Theyn ah. Ipapahiya mo nanaman sarili mo.

---

A.N: Lalalala. Love is in the air. hahahaha Buo na sa isipan ko kung pa'no magkakaaminan ang dalawa. Ah basta. hahahaha 💛 💙 💜 💚 ❤ 

May bagong book cover na pala. hihihi made by yours' truly :)

Teka, gusto niyo na ba ang POV ni Kent? Sa palagay ko kasi pwede na siyang ilabas eh. :)

-AteThy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top