Chapter Eight
Chapter 8
“Malandi ka!”
“Oo nga!”
“Kayo ni Sir ano?!”
“Umamin ka!”
“Kaibigan mo kami pero naglilihim ka sa amin!”
Hindi ako binu-bully. Sila Cindy, Jean at Florence pinapaamin ako. Eh sa wala naman akong dapat aminin.
‘Tumigil nga kayo dyan. Malamang secretary niya ako kaya kasama niya ako. Tsk!” humarap ako sa salaaming at inayos ang buhok ko. Nasa ladies room kami at break time naming ngayon.
“Eh may nakakita daw sa inyo kahapon after lunch pabalik kayo dito sa company. Saan kayo pumunta, ha?” usisa ni Cindy. Inirapan ko naman siya. Ang dudumi ng utak nila sa totoo lang!
“Sa bahay ni—“
“HUWAAAAT?!” Exaggerated nilang chorus.
“Ang OA lang!”
“Nag-ano kayo do’n ni Sir?” tanong ni Jean. Tinignan ko lang siya—poker face.
“OMG! Malaki ba?” nakangising sabi naman ni Cindy.
“Yung bahay? Oo!” pataray kong sabi.
“Eeeek! Ang swerte mo girl!” she shrieked. Napailing na lang ako. Mabuti na lang kami lang sa ladies room. Baka masabihan pa ako ng ambisyosa o gold digger kung may makarinig.
“Boss ko lang siya at Secretarya niya ako. Hanggang do’n lang ‘yon.” Paliwanag ko sakanila. Hindi kasi ko titigilan ng tatlong ‘to eh. Ang ayaw ko lang ay baka may makarinig. Mahirap na.
“Eh magkwento ka na lang kung ano’ng nangyari.” Pangungulit ni Cindy.
“Confidential. Classified. Secret. Bawal malaman.” Sabi ko saka lumabas ng ladies room.
“Ang dugas mo naman!” sabi ni Cindy na nakasunod sa akin.
Hinarap ko naman siyang nakapameywang. “Wala ba kayong trabaho?” tumawa naman ang tatlo saka ako nginitian nang makahulugan.
“Tara na, Girls. Magtrabaho na tayo at baka masisante tayo ng ating future boss.” Sabi ni Jean tapos humagikhik sila.
“Aba’t—ugh!” nagsitakbuhan na sila palayo sa akin. Kaasar talaga ang tatlong ‘yon. Lagi akong pinagtitripan!
Umakyat na ako sa 21st floor where I belong. Tuesday pa lang at nasabi ko na sa mga kapatid ko ang tungkol sa Palawan.
Kakatok sana ako sa office ni Sir pero may narinig akong nagtatalo. Alam kong bawal mag-eavesdrop pero kung malakas naman talaga ang boses, kahit ayaw mong making—hindi mo din mapipigilan.
It was Sir and some guy. Hindi ko naman maintindihan pinag-uusapan nila. I can’t relate.
Nang ma-feel ko na tapos na silang mag-usap, agad akong umupo sa table ko at nagpaka-busy—kunwari. Kung ano-anong papeles ang inayos ko. Binuksan ko din computer ko at in-open ang MS word para kunwari nagta-type. Ay teka nga, bakit ba ako magpapanggap? Wala naman akong narinig eh. Diba?
I was busy typing something when the intercom flashed. It was Sirs’.
“Ms. Torres…” he says.
“Yes, Sir?”
“How long you’ve been there?” he asked.
“Po? Hindi pa naman po masyadong matagal. Bakit po?”
“May iuutos ako sa’yo.” Tapos ibinaba niya na intercom.
Lumabas naman ‘yung kausap niya sa loob. It wasn’t just a guy. It was a guy with a jaw dropping appeal. At kung kasalanan mang aminin, mas gwapo siya kay Sir. At parang sumasapaw ang sex appeal niya at hindi na-carry kaya ibinigay niya kay Sir.
“You must be Kents’ secretary?” he approached me. Grabe! Nakakaakit ang mga asul niyang mata. At ang pantay-pantay ng ngipin niya. Mas lalo akong na-mesmerize sa ka-gwapuhan niya nang may lumabas na dimple sa cheeks niya. Pwede bang himatayin?
“Y-yes…Y-yes…Y-yes…” parang nagkabulol-bulol ang dila ko. Hanggang ngayon hindi pa ako sanay sa mga mala-adonis na nakakasalamuha ko. Kailangan ko atang madalas na sumama kay Sir para masanay ako.
“Hahaha. Stuttering, Missy? Don’t worry, I get that a lot. Anyway, nice seeing you again, Theyn Torres.” He said and walk towards the elevator area.
He left me mouth opened. Did I just drool mentally?
Bago siya sumakay ng elevator, lumingin siya sa akin saka kumindat at muntikan na akong mahulog sa silya ko.
Minsan lang ako nagka-crush. When I was in highschool, ang teacher ko sa math ang crush ko. At ngayon—ngayon lang ulit ako nagka-crush.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi kiligin. Gusto kong sumigaw.
“I told you to come inside! What are you daydreaming?!” biglang sabi ni Sir sa likod ko.
Para namang lahat ng imaginations ko ay biglang naglaho at isang galit na mukha ni Sir ang pumalit. Istorbo ka, Sir!
“P-pa…P-pasensya na po.” Sabi ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.
Pinasunod ako ni Sir sa office niya. Dala-dala ko ang lever file ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Sir. Pero sa totoo lang, wala akong maintindihan. ‘Yung mukha no’ng lalaki ang laging pumapasok sa utak ko. Kinakagat ko na nga dila ko para maitago ang ngiti eh.
“Ms. Torres!” he shouted.
“Sir yes sir!”
“Anong yes sir?! I said why are you not jotting down notes!” tumayo siya sa swivel chair niya at nilapitan ako. Nanlilisik nanaman mga mata niya. Parang may sumasayaw-sayaw na apoy sa mga mata niya at sinasabing ‘Welcome to hell for making me angry’
“S-sorry po.”
“Do I need to regret for choosing you as my secretary, huh, Ms. Torres?! You’re spacing out and you’re smiling like an idiot! Are you drugged?” Laking iling ko naman sa sinabi ni Sir. Am I that obvious?
Yumuko na lang ako. The more I talk, the more na madadagdagan ang sasabihin ni Sir. Ang sakit niya pa naman mag-salita.
“Just get out of my office!”
“Eh diba po—“
“I SAID, GET.OUT!” Hindi ko alam kung imagination ko lang or what pero parang humangin ng malakas no’ng sumigaw siya. Grabe lang sa effect ah. Saan naman galing ‘yung hangin? Sa aircon? Baka may defect na.
Ngayon ko lang ata hindi dinidibdib ang pagsigaw sa akin ni Sir. Dati kasi kapag pinapagalitan niya ako, agad ako niyang tatakbo papuntang CR at iiyak. Masyado na talaga akong nasanay. Namanhid na ata ang tenga ko kasabay na ma-immune.
Naglagi na lang ako sa table ko. Wala namang tumatawag na outside call at puro lang sa inside. Hindi rin ako inuutusan ni Sir. No’ng lumabas siyang office niya hindi man lang niya ako tinignan. Hanggang sa makabalik siya at para niya akong tinuring na hangin.
Alas singko na nang makatanggap ako ng text kay Cindy. Hinhintay na daw nila ako. Ewan pero hindi ako makaalis na galit sa akin si Sir. I texted them back at sinabi kong may ginagawa pa ako.
Hindi ko ‘to Gawain pero kailangan ko atang mag-apologize kay Sir for what I acted earlier. Hindi pala maganda sa akin ang magkaro’n ng crush—nababaliw ako eh.
It takes guts to enter Sir Kent’s office without a knock. Kailangan ko pang uminom ng lesterine para pampalakas ng loob. Pero syempre joke lang ‘yung Lesterine.
“Sir—“
“Is there emergency?” he asked without looking. Huh?
“Uh no Sir.”
“Then why did you come inside without knocking?!”
“Eh Sir—“
“Are you trying to test my temper, Ms. Torres?!”
“No, Sir. That wasn’t my intention.”
“Then what?!”
Hindi ko maintindihan kung bakit ang init nang ulo ni Sir. Dati pa naman ako noong nage-space minsan kapag may pinag-uutos siya pero parang nagiging OA ata siya habang tumatagal?
“I just wanted to apologize… S-sorry po kung parang tanga ako kanina. Sorry po kung nagmukha akong tanga sa pangiti-ngiti ko. Sorry po kung napainit ko ulo niyo. At sorry po kung hindi ako kumatok bago pumasok. Sorry po talaga, Sir.” Sabi ko saka tumalikod.
Pagkalabas ko, agad kong inayos ang gamit ko para umalis. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa ‘yon nagawa. Huhuhu, sana lang hindi ako masisante. Kapag bukas may letter na sa mesa ko, it means sisante na ako. Sayang naman kasi ng free trip to Palawan eh. Lols
***
Kanina pa ako pabaling-baling sa kama ko. Alas dose na ng hating gabi at hanggang ngayon hindi pa din ako makatulog. Ini-insomnia nanaman ako.
Hindi ko din alam kung ano ang problema nang utak ko at lagi kong naiisip si Sir ngayon. Kapag pipikit naman ako, galit na mukha niya ang nakikita ko.
Tama ata ‘yung tanong ni Sir kanina kung naka-drugs ako. Mukha nga akong drug addict sa lagay ko. Eh hindi naman ako nagkape ngayon kaya imposibleng dahil ‘to sa caffeine.
“Ugh!” napabangon ako at sinabunutan ang sarili. “Please, Sir. Patulugin mo na ako. Maaga pa akong papasok bukas. Gusto mo ba akong ma-late?” Feeling ko kausap ko lang si Sir sa harap ko. Nakatayo daw siya sa paanan ng kama ko at tinititigan ako. Tinitigan ko din siya.
“Ikaw na din nagsabing mukhang zombie ako tapos heto ka at iniistorbo ang pahinga ko! Ano ba problema mo sa akin at bigla ka na lang nagagalit? Para naman akong nakagawa ng mortal sin sayo eh!” Naku kapag sumagot pa talaga ang illusyon ko kay Sir baka tumakbo na ako palabas. Nababaliw na talaga ako.
“Umalis ka na! Sir please? Magpapakabait na ako sa’yo.” Sabi ko saka ko pinikit mga mata ko. Pagdilat ko bigla na lang humangin ng malakas. Wala na ang illusyon ko kay Sir at nakaramdam na din ako nang antok.
Pero teka, saan galing ‘yung hangin? Sarado ang bintana ko!
-=-
A.N: Sarreeeeh, for the very late update! Busy lang. Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top