UNANG KABANATA

(SAZAKI)

Maaga ako pumunta sa puntod ni ina para mag paalam sa kanya na hahanapin ko si ama at iiwanan ko si hikari sa bahay, upang bantayan ang aming bahay.

"Ina paumanhin kung ngayon ko lamang kayo binisita masyado po kasi ako abala sa pagbabantay ng ating bayan, Wag po kayo magalala sa akin kaya ko naman po ang aking sarili" Pagkukwento ko sa puntod ng aking ina. Kahit na patay na si ina ay alam ko na nakikinig siya sa aking mga sinasabi.

"Patawarin ninyo po sana ako sa aking gagawin sa pagiwan kay hikari sa bahay ng magisa dahil kaylangan ko po hanapin si ama, Dahil kinuha po siya ng mga taong mahika at wala po manlang ako nagawa para kay ama, i-ina" Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapaluha.

"A-ano ba-baitong katangahan na ginagawa ko. Paumanhin ina kung nakita nanaman po ninyo ako naiyak alam ko po na ayaw po ninyo ako nakikitang naiyak, Hindi ko lang po talaga napigilan ang aking sarili na hindi maiyak" Bigla naman humangin ng napakalakas kaya agad ko kinuha ang aking katana. Alam ko ang pakiramdam na ito, Mukhang may nanunuod sa akin.

"Lumabas kana alam ko na nanandiyan ka, kung sino kaman" Sabi ko sa taong nagtatago. kung saan man siya nagtatago.

"Ibang klase, Naramdaman mo na kaagad ako" Sabi ng isang hindi familiar na boses na nag tatago sa may puno. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakabalot ito sa tela at ang kangyang mga mata lang ang aking nakikita.

"Sino ka at ano ang kaylangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo ang pinakang dulo ng aking katana kung nasaan siya nakatayo. Para handa ako kung siyaman ay umataki sa akin. Alam ko na hindi ko siya kababayan, Dahil taglay niya ang mahikang hangin.

"Ano ang ginagawa ng isang taong may mahika sa bayan namin?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ito sinasagot.

"At alam mo din na hindi mo ako kababayan, Tamanga sila na kakaiba ka" Bigla ako nakadama ng kaba dahil sa sinabi niya, Na kakaiba ako. Ano kaya ang pinag sasabi ng isang ito.

"Nandito ako para sunduin kita"

"Ha ano? Sino kaba?" Hindi niya sinagot ang aking tanong at dahan dahan nalang siya nag lakad papunta sa akin kaya handa ako sa susunod niyang ikikilos, Mahigpit ko hinawakan ang aking katana para hindi ko ito mabitawan at huminga ng malalim at saka ako nag kosentrasyon sa kanya.

Papalapit na papalapit na siya sa akin kaya itinaas ko ang aking katana para patamaan siya nito ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan at parang na statwa ako sa aking kinatatayuan. Anong nangyayari sa akin?

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya, Gusto ko siya patamaan ng aking katana ngunit hindi ako makagalaw at hindi ko alam, kung ano ba ang ginawa niya sa akin bakit ako nag kaganito.

"Kulang kapa sa pagaaral sa iyong katana" Narinig kong sabi niya.

"Anong nalalaman mo sa isang katulad ko? At ano itong ginawa mo sa akin? " Nangagalaiting sabi ko sa kanya.

"Huminahon ka lamang diyan at napagutusan lang ako na sunduin kita kaya nandito ako" Hindi ko alam ang aking gagawin, Hindi ako makalaban dahil sa ginawa niya saakin.

Wala na akong naisip pa paraan para makatakas ako sa kanya, Pero may isa pa ako at eto nalang talaga ang makakatulong sa akin.

"Tulong Tulungan ninyo ako!!" Sigaw ko ngunit wala ni isang tao ang lumapit man lang sa akin o nakarinig manlang sa aking sigaw.

"Sa tingin mo meron makakarinig sa sigaw mo, Nasa libingan tayo kaya walang tao ngayon at tayo dalawa lang ang nandito" Natahimik nalang at napatulala nalang ako.

Dito naba matatapos ang aking buhay.

Hindi ko alam kung bakit parang nahihilo ata ako at tila dumilim ang aking paligid.

--------------------------------------

(Mahikang tao 1)

"Hindi ko alam kung bakit kaba nila ipinautos sa akin, wala naman kakaiba sayo. Niwala ka nga kapangyarihan malakas lang naman yung pakiramdam mo pero bat ganon nalang ang kagustuhan nila na makuha ka nila. Ano ba meron sayo sazaki yuone hindi ka naman ganon kalalaking tao na walang mahika pero gustong gusto ka nila makuha." Hay maubos na nga itong iniinom kong kape at makaalis na dito baka may makakita pa sa akin.

----------------------------------------

(Mahikang tao 1)

"Nagawa mo na ba ang pinapautos ko sayo aiko?" Pagkadating na pagkadating ko sa malaking bahay kung saan nakatira ang heneral ng hangin ay agad niya ako tinanong, kaya ibinagsak ko sa sahig ang sako kung saan nasa loob si sazaki.

"Magaling, alam ko na magagawa mo kaagad ang aking ipinapautos sayo" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Nasaan na ang ating pinag usapang pera?" Tanong ko sa kanya.

"Ang pangako ay pangako kaya eto ang pinag usapan nating pera" Hinagis niya sa akin ang isang malaking bag na halatang puno ng pera.

Kaya napangiti naman ako.

"Sige heneral maiwan ko na po kayo" Pagpapaalam ko sa kanya at saka ako umalis.

-------------------------

(Mahikang tao 2)

"Etsuko maari ka nang lumabas diyan" Utos ko sa isa sa mga kapitan ng bayan namin.

"Siya na po ba?"

"Oo, Buksan mo na ang sako" Utos ko ulit sa kanya.

Dahan dahan niya binuksan ang sako at hindi nga ako nag kamali siya nga ang matagal konang hinahanap.

"Ano ho ang gusto ninyo gawin ko sa isang lalaki katulad niya?"

"Ikulong mo siya sa isa sa mga kwarto sa taas para makapag pahinga manlang siya, tas tatawagan nalang kita pagkaylangan ko na siya"

"Sige po" Lumuhod muna siya bago siya umalis.

----------------------------

(SAZAKI)

Aray ko po ang sakit ng aking katawan.

Dahan dahan ko iminulat ang aking mga mata, nasaan ba ako?

at bakit nakatali ang aking paa at kamay.

Iniisip ko kung ano ba ang nangyari sa akin kanina at nasaan ba ako..

Ang alam ko nasa may puntod ako ni ina kanina tas may mahikang tao na nag pakita sa akin, tas hindi ko na alam ang kasunod na nangyari.

Sinubukan ko tumayo at pumunta sa may pintuan para subukan ko buksan ang pintuan ngunit na bigo ako dahil nakakandado ang pintuan. kaya nag hanap pa ako ng maari ko labasan. kaya ng makita ko ang bintana ay agad ko ito pinuntahan, para ako sira na natalon hindi ko kaya maglakad kaya tumalon talon ako para lang makapunta ako sa may bintana.

Ng marating ko ang bintana ay agad ako sumilip para makita kung nasaan ba ako, at namangha nalang ako sa aking nakita. Ang ganda naman ng tanawin dito.

Ano ba sazaki kala ko ba tatakas ka eh ano ito ginagawa mo, hay nako. Mag konsentrasyon ka nga sa iyong ginagawa. Agad ako tumalikod at hinawakan ang bintana para mabuksan ngunit ang hirap mabuksan dahil nakatali ang aking mga kamay. Nasaan ba ang aking katana.

Hinanap ko muna ang aking katana ngunit hindi ko ito mahanap at mukhang may kumuha nito.

Nakakainis bigay sa akin ni ina ang katana na iyon kaya hindi pwede mawala iyon. Sazaki isip isip kung paano ka maakakaalis dito, Kaylangan mo pang balikana ng kapatid mo pati kaylangan mo hanapin ang ama mo.

Napatungo nalang ako at napaupo sa may higaan, ano na ang aking gagawin. Ng bigla mag bukas ang pintuan kaya agad akong napatingin duon sa nag bukas ng pintuan.

"Si-sino ka?" Tanong ko duon sa taong nakatayo sa may pintuan. hindi ko siya kilala at hindi ko siya kababayan dahil ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha.

"Hindi mo ba ako kilala?" Ha? may tupak ata ang isang ito.

"Sa tingin mo mag tatanong pa ba ako kung kilala kita!" Kung hawak ko lang ang aking katana baka kanina pa ako nakatakas dito.

"Nasaan ang aking katana, isauli mo na sa akin ang aking katana!" Nanggagalaiting sabi ko sa kanya.

"Ano katana ang iyong pinag sasabi?" Nagmamaangan na tanong niya sa akin.

"Siguro ikaw yung lalaki na dumakip sa akin kanina sa may libingan!?"

"Paano nga kung ako?" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Walangya ka akin na ang aking katana, Ano ba ang kaylangan mo sa akin!?" Sigaw ko sa kanya.

"Wala ako kaylangan sayo pero siya may kaylangan sayo"

"Sino siya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at parang may binubulong siya kaya maslalo ako natakot sa kanya. tatalon talon na sana ako para makatakas ngunit bigla naman ako lumipad at hindi ko alam kung bakit.

"Wag mo nang subukan tumakas dahil hindi mo kayang tumakas sa amin"

"Hoy ano ginawa mo sa akin ha"

"Shhh. Wag ka nang maingay kung ayaw mo mamatay ng maaga" Natakot naman ako sa sinabi niya kaya tumahimik nalang ako at nag umpisa na siyang mag lakad kaya para naman ako sumunod sa kanya, mukhang ginamit niya ang kanyang mahika sa akin. ang mahika ng hangin, Kaya ibig sabihin niyan ay nasa bayan ako ng hangin. Edi siya yung dumakip sa akin kanina kaya ibig sabihin ay nasa kanya ang aking katana.

Nag isip ako ng paraan kung paano ako makakatakas sa kanay.

"Masunurin ka naman pala" sabi niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin.

---------------------------------

(Mahikang tao 2)

"Heneral nandito na po siya" Napatingin naman ako kay etsuko na kasaama si sazaki.

"Maari mo na siyang pakawalan at tanggalin mo na ang mga tali niya sa paa at kamay para makakain naman siya" Utos ko sa kanya, kaya ginawa niya ang aking ipinapautos sa kanya.

"Oh umupo ka wag ka mag balak na tumakas kung ayaw mo mamatay ng maaga" Narinig ko sabi ni etsuko kay sazaki.

"Oo na!" Narinig ko naman ang sabi ni sazaki kay etsuko

"Sige po heneral maiwan ko na po kayong dalawa" Pagpapaalam niya sa akin at saka siya umalis at iniwanan kaming dalawa.

-----------------------------------

(SAZAKI)

Hmmmmm.....................Heneral.

Ilang minuto ay nag isip ako ng sinabi na heneral ang nasa harapan ko. Ano nga ba ang heneral hhmmm.......................

HA! Siya ang hari ng bayan na ito edi siya si heneral Kohaku ng hangin. Ano ang kaylangan niya sa akin.

"Kamusta ka?" Nagulat naman ako sa kanyang tanong sa akin.

"Okay lang" Walang galang na sabi ko sa kanya, Ano ang paki ko kung isa siyang heneral. Dahil sa mahikang tao na katulad niya ay namatay ang aking ina, Kaya hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa aking ina.

"Nasaan ang katana ko! Ibalik mo na sa akin ang aking katana!" Nangagalaiting sabi ko sa kanya.

"Huminahon ka muna, Hindi ko alam kung nasaan ang iyong katana" Sabi niya sa akin.

"PAANO AKO HIHINAHON KUNG NASA ISANG BAYAN AKO NA MAY MAHIKA MGA MAHIKA SUMIRA SA AMING BAYAN PAANO!!" Halos mapigtal ang aking lalamunan dahil sa sigaw ko sa kanya.

Nagulat naman ako ng may biglang sumakal sa akin, hindi gamit ang kamay kundi ang mahika ng hangin.

"Tama na iyan etsuko bitawan mo na siya!" Narinig ko sabi ng heneral , kaya binitawan na ako ng isang walang hiyang taong mahika kaya napatingin ako duon sa taong sumakal sa akin gamit ang kanyang mahika at siya lang pala ang walang hiyang taong mahika na sinabihan ako na papatayin niya daw ako kung tatakas ako.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng heneral sa akin. Hindi ko siya pinansin at hawak hawak ko parin ang aking leeg.

"Bakit mo naman iyon ginawa!" Narinig ko sabi ng heneral kay etsuko ata ang kanyang pangalan.

"Pero heneral sinigawan ka niya"Sabi naman ni etsuko.

"Tandaan mo kapitan ka lamang dito at ako ang heneral kaya ako ang masusunod sa ating dalawa" Sabi ulit ng heneral sa kanya.

Bakit naman pala ganon nalang siya kung makaasta ay isa pala siyang kapitan. Ang mga kapitan ay sila ang mga nag babantay sa heneral at oblikasyon nila na bantayin at maging pader ng heneral.

Habang abala sila sa kanila pagtatalo ay nag hanap ako ng pintuan na maari ako makalabas dito ng makahanap ako ay nag isip ako ng paraan kung paano ako makakatakas sa kanila.

Kung nasa akin lang ang katana ko maari ko iyon gamitinpanlaban sa mahika nila.

Pero susubukan ko ang isa ko pang paraan para makatakas ako, ngayon ko lang ito gagamitin at hindi ko na ulit ito gagamitin. Sana gumana.

------------------------

(Heneral kohaku)

"Hindi mo ba alam kung sino siya?" tanong ko sa kanya.

"Kilala ko siya pero kahit ganon ay dapat igalang ka niya" Sabi niya sa akin.

"Sige mga walang hiya maiwan ko na kayo diyan" Agad ako napatingin duon sa sumigaw at si sazaki lang pala na nasa may pintuan na at tumakbo na palabas.

Susundan sana ni etsuko , pero pinigilan ko siya.

"Hayan mo na siya ang mahalaga ay nakita ko siya" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Pero" Hindi ko na siya pinakinggan pa at nag lakad na ako papalayo sa kanya.

Susunod na ang pangalawang kabanata

-----------------------------
Vote and comment
March 19 18

PAALALA SA MGA NAGBABASA NITO:

PAUMANHIN SA MGA MALING SA PAGBABAYBAY NG AKING MGA LETRA. AKING ITONG AAYUSIN PAGNATAPOS KO NA ANG KWENTONG ITO.

-MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA SA KWENTO NA AKING GINAWA.

🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top