Panimula
"Hikari nasaan si ama?" Tanong ko sa aking kapatid na nakaupo sa may labas ng aming bahay.
"Nasa loob, ang aga mo naman ata ngayon?"
"Wala namang nangyayaring kaguluhan sa ating bayan kaya umuwi kaagad ako. Ganan ba ang kilos ng isang babae?" Tanong ko sa aking kapatid.
"Pero....."Magrereklamo na sana siya ng maunahan ko siya.
"Walang pero!, pero! umayos ka ng upo mo, umupo ka na para ka isang babae hindi yang nakaupo ka na parang isang lalaki. Hindi magandang tignan sayo, kaya umayos ka ng upo mo" pagsesermon ko sa kanya.
"Bat ikaw-" Hindi ko na itinuloy pa ang kanyang sasabihin.
"Wag kanang maingay baka may makarinig sa sasabihin mo, Basta makinig ka saakin alam mo kung sino ang masusunod saating dalawa. Sige na maiwan na kita diyan at may sasabihin pa ako kay ama, Umayos ka nang iyong upo" Sabi ko sa kanya at saka ako pumasok sa loob.
--------------------
"Ama" Bati ko kay ama ng makita ko kaagad siya.
"Oh nandiyan kana pala, Ang aga mo naman ata ngayon" Sabi ni ama sa akin.
"Wala naman pong mga taga mahikang bayan na nang gugulo sa ating bayan, kaya umuwi na ho ako" Sabi ko kay ama.
"Ah ganon ba. Sige umupo kana at paghahain kita"
"Wag na po ama busog pa po ako, Bago po kasi ako umuwi ay kumain po muna ako sa karinderya" Pagtatanggi ko kay ama.
"Ah ganon ba sayang naman itong niluto ko para sayo"
"Sige ama mamaya kakainin ko ho iyan pupunta po muna ako sa aking kwarto para mag pahinga po" Aalis na sana ako ng may maalala ako.
"Oo nga pala ama muntikan ko na ho makalimutang sabihin sa inyo na pwede na daw po ako magturo ng samurai sa mga kababayan natin" Nakangiting sabi ko kay ama ngunit kabaliktaran naman iyon kay ama.
"Ano ho ang problema hindi po ba kayo natutuwa, Na hindi lang po ako ang makakatulong sa bayan natin?"
"Hindi naman sa ganon, Nagaalala lang ako sayo na baka matulad ka sa iyong ina" Bigla ako nalungkot ng banggitin niya si ina.
Kaya malungkot ako umakyat sa aking kwarto, at iniwan na si ama na wala manlang sinasabi sa kanya.
-----------------------
[SA AKING KWARTO]
"Hay nako naalala ko nanaman si ina" Bulong ko sa aking sarili ng bigla may kumatok sa may bintana kaya napatingin ako.
Agad ko naman binuksan ang bintana ng makita ko na si Z pala iyon.
"Oh saan ka nanaman pumunta? Pagikay nakita ni ama, Magtataka iyon at bakit may naligaw na isang baby dragon sa bayan namin. Kaya wagka pagala gala sa susunod" sabi ko sa kanya.
Ano ba iyan sazaki nababaliw kanaba sa tingin mo na ang isang baby dragon na katulad ni Z ay makakausap mo. Hay nako sazaki.
"Kahit papaano napapasaya mo ako Z kahit na wala na si ina" sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko siya.
--------------------------
Hindi ko manlang namalayan na nakatulog na pala ako.
"Oh Z tama na ang paghimod sa aking pisngi, Gising na ako kaya okay na" Sabi ko kay baby z. Kaya tumigil naman siya.
Napatulala ako ng sandali ng may marinig ako sa labas na parang nasigaw kaya tumayo ako sa aking higaan at kinuha ko ang aking katana.
"Diyan ka lang Z wag kang susunod sa akin" Sabi ko kay baby dragon at saka ako lumabas ng aking kwarto nagulat naman ako sa aking nakita.
"Anong nangyari? Bakit ganito kagulo ang aming bahay?" Natataranta sabi ko sa aking sarili. Agad ko hinanap si ama at baka napaano na siya.
"AMA! AMA!" Sigaw ko, ngunit wala si ama at aking lang nakita ay ang suot suot niyang tsinelas kanina. kaya napaluhod nalang ako at napaiyak.
"Wahhhhh!!! AMA!" tuloy tuloy lang ang pagbaksak ng aking mga luha.
"Sa-sazaki ang ama" Ng marinig ko ang boses ni hikari ay agad ko siyang niyapos.
"A-ayos ka-kalang ba?" Tanong ko sa aking kapatid.
"Oo, S-si ama kinuha nila si ama" Naiiyak na sabi niya sa akin.
Napatahan ako ng marinig ko na buhay pa si ama at kinuha lang siya ng mga taong may mahika, pero bakit nila kinuha si ama?
"Wala ako nagawa para kay ama, Masyado silang malakas" Sabi sa akin ng aking kapatid habang siya ay naiyak.
"Hayaan mo kukunin ko si ama sa kanila iuuwi ko siya dito, Ang mahalaga ligtas ka" Nakangiting sabi ko sa aking kapatid.
"Nakita mo ba ang mga mukha nila?"
"Hi-hindi ko nakita pero ang isa sa kanila ay may taglay na mahikang hangin, tas may kasama pa siyang limang tao, pero hindi ako sigurado kung ang limang taong iyon ay may mahika din" Naiiyak na sabi ng aking kapatid sa akin. Hindi maari na kababayan pa namin ang kukuha kay ama.
"Ligtas ba ang bayan?"
"Oo, at sa aking pagkakaalam si ama lang ang kanilang pakay. Dahil hindi nila sinira o ginulo man lang ang ating bayan" Naiiyak paring sabi niya sa akin.
"Hindi alam ng mga kababayan natin na kinuha ng mga taong mahika si ama" Nagtaka ako sa kanyang sinabi.
"Bakit hindi nila alam?" Nagtatakang tanong ko sa aking kapatid na ngayon ay tumigil na sa pagiyak.
"Walang katao tao kanina sa labas noong pumasok sila sa ating bahay, kaya hindi nila alam. Nagtaka nga ako kung bakit bigla nag laho ang mga tao kanina, Kaya hinanap kita pero wala ka sa iyong kwarto kanina" Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.
"Pero nasa kwarto ako kanina!" Nagtatakang sabi ko sa aking kapatid.
"Pero hindi kita nakita, bat ganon?" Nagtatakang tanong sa akin ng aking kapatid. Hindi na ako nakipag talo sa aking kapatid.
"Hayaan mo na ang mahalaga ay ligtas taayo at ang ating bayan" at niyapos ko ulit siya. Bukas kaylangan ko nang hanapin si ama.
Ako si sazaki yuone isang samurai.
Isa lang ako simpling tao, nakatira sa isang bayan na walang mahika. Hindi tulad ng ibang bayan na may mga mahika, ang Unang bayan na ang tinatawag ay bayan ng apoy kung saan nakatira ang mga may mahikang apoy, Pangalawang bayan ang bayan ng tubig kung saan nakatira ang mga may mahikang tubig, Pangatlong bayan ang bayan ng hangin kung saan nakatira ang mga may mahikang hangin, Pangapat na bayan ang bayan ng lupa kung saan nakatira ang mga may mahikang lupa, Panglimang bayan ang bayan ng dahon kung saan nakatira ang may mahikang dahon, Panganim na bayan ang bayan ng buhangin kung saan nakatira ang may mahikang buhangin, at ang Pangpitong bayan ang bayan namin kung saan na nakatira ang mga taong mga walang mahika, na katulad ko.
Dito na magsisimula ang aking paglalakbay, para hanapin si ama
Susunod na ang unang kabanata
----------------------------
March 18 18
Vote and comment
PAALALA SA MGA NAGBABASA NITO:
PAUMANHIN SA MGA MALING SA PAGBABAYBAY NG AKING MGA LETRA. AKING ITONG AAYUSIN PAGNATAPOS KO NA ANG KWENTONG ITO.
-MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA SA KWENTO NA AKING GINAWA.
🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top