PANGLIMANG KABANATA
(SAZAKI)
Hindi ko na nakausap si binibini rin kaya tumuloy na ako sa pansamantalang bahay na aking tinutuluyan upang kumain. Gutom na gutom na ako hindi lang ako ang gutom pati na si baby z.
---------------------------
[GABI]
Nasa loob na ako ng banyo.
Tinignan ko ang aking sugat sa aking balikat at nakakapagtaka lang na bigla nalang nawala ang malaking hiwa at bakat nalang nang hiwa ang naiwan.
Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang aking hiwa sa balikat, Basta ang alam ko lang ay init na init na ako kaya maliligo na ako.
--------------------------
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako.
Pinadalhan nanaman ako ni binibini rin ng bagong kimono na panlalaki para sa akin kaya sinuot ko ito. Hindi ko nga lang nasabi kay binibini rin kung bakit may dugo ang aking balikat dahil kanailangan siya ng kanyang bayan kanina.
Hindi ko inakala na ganon kaabala ang isang reyna.
saaking pagkakaalam noong nasa bayan panamin ako ay ang mga reyna na taong mahika ay walang ginagawa kundi ang umutos nalang sa iba. Hindi ko inakala na ganon pala ang ginagawa ng isang reyna, Sabagay hindi ko pa gaano kilala ang bawat bayan ng mga mahika. Dahil ipinanganak ako sa bayan ng walang mahika kaya kakaiba ang takbo ng aming pamumuhay sa kanilang mga taong mahika.
Meron nalang akong apat na araw para hanapin si ama at ang aking kapatid sa bayan na ito.
Pumunta na ako sa aking kwarto para magpahinga. Hindi ko naman nagamit ang aking mahika pero bakit parang nanghihina parin ang aking katawan?
Tinignan ko ang aking balikat kung bakat parin ba ang hiwa na natamo ko kanina. at himala nawala ang bakat ng hiwa at naging normal na.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
-----------------------------
Maaga ako umalis sa bahay para magumpisa na ulit akong maghanap kay ama at sa aking kapatid.
Habang nag hahanap ako ay naririnig ko ang mga pinaguusapan ng mga taong mahika tungkol sa demon, Na umataki nanaman sila. at may namatay nanaman daw.
Gusto ko talagang malaman kung ano nga ba ang mga demon? Dito ko lang narinig sa bayan na ito ang salitang demon.
Ano kaya kung magtanong ako sa kanila. Wala naman masamang magtanong sa kanila diba.
Lumapit ako sa isang hindi ganon katandang babae para magtanong.
"Paumanhin pero pwede ko po bang malaman kung ano po yung pinaguusapan ninyong demon?" Magalamg natanong ko sakanya.
Tumingin muna siya sa akin naparang nagtataka.
"Hindi kaba tagarito kaya hindi mo alam ang tungkol sa mga demon?" Sasabihin ko ba ang totoo na hindi ako tagadito, Guato ko talaga malaman ang kung ano nga ba ang demon.
"O-"
"Paumanhin kung ako ay sasabit sa inyong paguusap, Ngunit pinapatawag po siya ni reyna rinrin" Napatingin naman ako duon sa biglang umimik at si kapitan sasaki lang pala ano naman ang problema nito.
"Bakit naman ako tawag ni binibini rin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot at ginamit nanaman niya ang kanyang mahika sa akin.
Kaya yan basa nanaman ako.
-------------------------
(SASAKI)
Habang nililibot namin ang bayan para tignan kung may kaguluhan ba nangyayari ay nakita ko si batang paslit na kausap ang isang ginang.
Kaya lumapit ako sa kanila ng marinig ko ang kanilang pinaguusapan ay hinigit ko na si batang paslit gamit ang aking mahika. Hindi dapat niya malaman ang tungkol sa mga demons dahil hindi siya tagadito. At malaking gulo ang mangyayari kung malalaman ng ibang bayan ang tungkol sa mga demons.
--------------------------------
(SAZAKI)
"ANO BA ANG PROBLEMA MO HA NAKAKAILAN KANA SA AKIN HA!" Nangagalaiting sabi ko sa kanya.
Nasa malaking bahay na kami. Paano naman kasi biglabigla nalang siyang sisingit sa paguusap namin noong ginang tas ano ginamit niya ulit yung mahika niya para dalhin niya ako dito kaya ngayo eto ako basang basa nanaman.
"BAKIT KABA KASI PAKALAT KALAT HA!"
"ANONG PAKEELAM MO HA BAKIT IKAW BA NAG PAPALAMON SA AKIN HA ANO!"
"OH BAKIT NAMAN NAPAPUNTA DIYAN ANG USAPAN HA!"
"ABAT NAK-"
"ANO BANG KAGULUHAN ITO HA!" Parehas kami napatingin duon sa biglang sumigaw at si binibini rin pala.
"SIYA KASI" Itinuro ko si kapitan sasaki. Hindi pala si epal, Ang kapitan ng mga epal. Paano naman kasi ang laki niyang epal.
"Oh ano nanaman ang ginawa mo sa kanya?" Tanong ni binibini rin kay kapitan epal.
"Paano naman kasi nagtanong siya sa isa sa mga kababayan natin tungkol sa mga demon. Hindi ba bawal iyon malaman ng hindi nating kababayan?"
"Totoo ba iyon?" Tanong niya sa akin. Kaya umoo ako sa kanya.
"Ano ba masama kung malalaman ko ang tungkol sa mga demon. Gusto ko lang malaman kung ano ba ang mga demon. Noong pagkapunta ko dito sa inyong bayan ay puro demon nalang ang inyong mga pinaguusapan kaya nagtataka ako kung ano ba sila" Sabi ko sa kanya.
"Pati yung nakalaban ko kahapon na taong mahika na nanggulo sa karinderya ay siya yung gusto uminom ng aking dugo. Nakita ko na siya noong pumunta ako sa bayan ng hangin" Parang nagulat siya sa aking sinabi. May sinabi ba akong na nakakagulat?
"Kung gusto mo talaga malaman sige sasabihin ko ang aking mga nalalaman tungkol sa kanila" Seryosong sabi niya sa akin.
"Pero rin?!" Napatingin naman ako kay kapitan epal. Ayan nanaman siya eepal nanaman.
"Hayaan mo na. Kaylangan niya malaman malaki na ang tinulong niya sa ating bayan kaya kaylangan lang niya malaman kahit na hindi siya tagadito" Sabi ni binibini rin kay kapitan epal.
"Kung yan ang inyong gusto maiiwan ko na kayo" Bago siya umalis ay tumingin muna siya sa akin ng napakasama.
Siya pa talaga yung maygalit sa akin. Ang galing naman.
"Baka may makarinig sa aking sasabihin kaya sa aking kwarto nalang tayo magusap" Umalis na siya kaya sinundan ko siya.
-----------------------------------
[Kwarto ni binibini rin]
Nakakamangha ang kanyang kwarto ang ganda nito at sobrang laki.
"Umupo ka" Sabi niya sa akin kaya umupo naman ako.
"Hindi kita gaano kakilala pati hindi din kita kababayan pero may tiwala naman ako sa iyo. Wag mo sanang sabihin sa iba ang mga pinagusapin natin dito sa loob, Atin atin nalang sana" Seryosong sabi niya sa akin kaya umoo ako sa kanya.
"Sige sisimulan ko na. Ang mga demons ay ang mga taong mahika na may kakayahang maglaho"
"Katulad nalang yung nilabanan ko kahapon sa may karinderya?"
"Oo, at sa aming pagkakaalam sa aming bayan nag mula ang mga demons"
"Marami ba sila? pati paanoninyo nasabi na sa inyo nag mula ang mga demons?"
"Marimi sila pero kung umataki sila ay isa isa lang, Sa isang araw ay iba iba ang mga nagpapakita sa mga kababayan namin. Dahil nagtanong kami saibang bayan kung may alam ba sila tungkol sa mga demon, at kumuha din kami ng mga kaunting impormasyon sa bawat bayan kung may nakakalat na bang demon o may nakakita na ba sa bawat bayanna demon, pero wala ni isa ay nakakita. Kaya ng sabihin mo na nakita mo siya sa bayan ng hangin ay nag taka ako dahil noong nag tanong kami sa bayan nila ay wala daw sila nakita na demon"
"Ang totoo niyan noong araw na iyon, may tumulong sa akin nataga duon kaya nakita niya"
"Naakakapagtaka naman na wala manlang nag sabi sa amin noong pumunta kami sa bayan na iyon kahapon"
"Ayon lang ba ang nagagawa nila? Pati bat ang mga kababayan mo ay ayaw gamitin ang kanilang mahika laban sa mga demon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Meron nga silang mahika hindi naman nila ginagamit.
"Hindi natalab ang aming mahika sa kanila. ang nakakapatay lang sakanila ay ang mga samurai sword. Ang aming pagkakaalam na nagpapalit anyo sila nagiging demon at nagiging tao din sila ngunit hindi namin alam kung taong mahika ba o taong walang mahika, kulang pa ang aming impormasyon tungkol sa kanila basta ang alam namin ay nagpapalit anyo sila"
"Ah pero bakit nagkaron ng demons?"
"Ayan ang hindi namin alam kung bakit nga ba nagkaron ng demon"
"Diba meron kang isang samurai sword?" Tanong niya sa akin kaya umoo ako sa kanhya.
"Bakit ganon nalang ang ipinapakitang ugali ni sasaki sayo dahil gumagamit ka ng samurai sword at taga ibang bayan ka"
"Masama bang gumamit ng samurai sword?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi sa ganon dahil, ang mga demon ay gumagamit ng samurai. kaya akala niya na isa kang demon bakit ganon nalang siya sayo"
"Sangayon yan lang ang aming nalalaman tungkol sa kanila" Seryosong sabi niuya sa akin.
"May isa lang na gumugulo sa aking utak, ano ang mga kaylangan nila sa mga taong mahika at sa taong walang mahika na katulad ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, Hindinaman sila aatake kung wala silang gustong kuhanin sa amin.
"saaking kaalaman na uhaw sila sa dugo ng mga taong mahika at ang mga taong walang mahika kaya sila umamatake, Gamit nila ang samurai sword para pang atake nila sa mga gusto nilang ibiktima"
Bakit pala ang kaanilang binubuong o ang kanilang sinasabi ay "Gusto ko ang iyong dugo" pero bakit sila uhaw sa dugo.
"Alam ba ninyo ang dahilan kung bakit sila uhaw sa dugo?"
"Yan ang hindi pa namin nalalaman kung bakit nga ba sila uhaw sa dugo. Sa katunayan marami pa kami hindi nalalaman tungkol sa kanila"
"Ah....Kung may kaylangan kayo binibini tawagan lang ninyo ako para tulungan ko kayo sa inyong problema" Nakangiting sabi ko sa kanya. Tatayo na sana ako para umalas na pero bigla siya nag salita.
"Tungkol sa iyong ama at sayong kapatid sa aking pagkakaalam hindi mga mahikang tao ang kumuha sa kanila kundu ang mga demon" Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Paano mo naman nasabi na demon ang kumuha sa aking ama at sa aking kapatid kung may kapangyarihan naman sila na mahika?"
"Kakasabi ko lang kanina sazaki na maaring magpalit ng anyo ang mga demons pwede maging taong mahika o tong walang mahika" Mahinahong sabi niya sa akin.
"Maraming salamat sa kaunting impormasyon na sinabi ninyo sa akin tungkol sa aking ama at sa aking kapatid" sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng kanyang kwarto.
Paano nga kung ang mga demon ang kumuha kay ama at sa aking kapatid.... Habang naglalakad ako ay nakatungo lang ako at nag iisip kung ano na ang nangyari sa kanila.
Dahil sa katangahan ko at hindi ako tumitingin sa aking dinadaanan ay nabungo ako sa isang bagay na napakatigas kaya napaupo ako.
"Aray ko!" Pagrereklamo ko habang hawakhawak ko parin ang aking ulo.
"Tumingin ka kasi sa susunod sa iyong dinadaanan" Tinignan ko kung sino ba ang aking nabangga at si kapitan epal lang pala. tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa sahig.
"Blah blah blah Paharang harang kasi eh" Bulong ko sa aking sarili at nagumpisa na ako maglakad.
"Hoy!" Hala narinig ata niya ang aking sinabi. Dahan dahan ako humarap sa kanya habang hawak hawak ko ang aking ulo.
"Ba-bakit?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Yung tanto mo" Itinura niya ang kanyang kamay sa may lapag kaya tinignan ko yung kanyang tinuturo.
Agad ko kinuha ang tanto ni ama. Muntikan ko nanaman maiwala buti nalang nakita niya. yung kantana ko hindi ko na nakita paana kung mawala pa ang tanto ni ama, ano nang gagawin ko sa aking sarili hay nakosazaki napaka burara mo.
Nagumpisa na ulit ako maglakad ng bigla nanaman niya ako tawagin.
"Ano ba problema mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"Wala manlang thank you?"
"Dahil lang duon bat mo ako tinawag. Edi thank you. Okay na ba" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Yan good maalam kanaman pala magpasalamat batang paslit" Aalis na sana ako, Kaso may narinig ako na hindi ko nagustuhan kaya binalikan ko siya.
"ANONG SABI MO HA!" Sigaw ko sa kanya.
"SABI KO ANG CUTE MONG BATANG PASLIT"
Abat sinasadya niya talaga ah.
"PIKON NA PIKON NA AKO SAYO HA! GUSTO MO BANG MAKIPAGLABAN SA AKIN HA!" Paghahamon ko sa kanya.
"TIGNAN LANG NATIN KUNG SINO MANANALO SA ATING DALAWA" Sabi ko ulit sa kanya.
"Halata naman kung sino panalo sa ating dalawa kaya hindi na kaylangan maglaban baka mamatay ka ng maaga" Mayabang na sabi niya saakin.
"HAY NAKO ANG LAKI NG ULO MO! BAHALA KA NGA DIYAN!!" Naiinis na sabi ko sa kanya at umalis na ako. Baka makapatay ako ng isang taong mahika hindi oras.
-------------------------
(REYNA RINRIN)
"Talaga naman. Binarino mo nanaman yung si sazaki" Sabi ko kay sasaki, Nagulat naman siya sa aking sinabi.
"Kanina kapaba nakikinig sa amin?"
"Paano kung kanina pa nga?" Tanong ko sa kanya.
"Sinabi mo ba sakanya yung tungkol sa ama at sa kanyang kapatid?" Tanong niya sa akin. Kahit kaylan si sasaki talaga maalam magbago ng usapan.
"Oo. Kaylangan niya malaman" Seryosong sabi ko sa kanya.
"Bakit pala ganon yung batang paslit na iyon"
"Hala! Sasaki may sakit ka ata?" Gulat na gulat na sabi ko sa kanya.
"Ha?! Ano yang pinag sasabi mo"
"Himala kasi na ang isang tulad mo ay nagaalala sa isang katulad niya"
"Katulad ko lang siya. Bakit nagaalala ako sa kanya" Naalala ko kung paano siya napapunta sa aming lugar, Katulad lang ni sazaki.
"Ayos lang ba talaga sayo na malaman niyaang tungkol sa mga demon?"
"Kaylangan niyang malaman para alam niya na dilikado ang mga demon. Kahit na kulang kula pa ang impormasyon na tungkol sa mga demon" Sabi ko sa kanya.
"Meron na ba kayong bagong natuklasan tungkol sa kanila?" Tanong ko sa kanya.
"Wala pa"
"Maging handa nalang tayo sa susunod na gagawin nila" May masama ako pakiramdam tungkol sa mga demon.
Susunod na ang panganim na kabanata
-------------------------------------------
Vote and Comment
March 21 18
PAALALA SA MGA NAGBABASA NITO:
PAUMANHIN SA MGA MALING SA PAGBABAYBAY NG AKING MGA LETRA. AKING ITONG AAYUSIN PAGNATAPOS KO NA ANG KWENTONG ITO.
-MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA SA KWENTO NA AKING GINAWA.
🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top