PANGAPAT NA KABANATA

(SAZAKI)

Sinundan ko siya kung saan man siya pumunta ng bigla siya tumigil. Kaya tumigil din ako sa aking paglalakad.

Nagulat ako sa aking nakita.

"Ba-bakit may su-sugat siya sa kangyang tiyan?" Natatarantang tanong ko sa kanya.

"Umataki nanaman ang mga demons"
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Anong demons?

"Maalam kaba manggamot?" Tanong ko sa kanya, Kaya napatingin naman siya sa akin.

Halatang hindi siya maalam manggamot kaya kinuha ko sa kanya ang mga gamit na nakuha niya sa may kusina kanina.

Pinunasan ko ang mga dugo na nasa tiyan niya at saka ko ito itinahi.

"Masakit ito kaya kayanin mo. Maging matatag ka para sa bayan mo" Sabi ko sa kanya. Para pangpalakas ng loob niya.

Dahan dahan ko itinahi at sabawat tahi ay nasasaktan siya at papasigaw siya.

"Konti nalang makakaya mo iyan" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ikaw tawagin mo sila at sabihin mo na may sugatan dito" Utos ko sa taong mahika na muntikan ko nang mapatay kanina sa may kusina. Nataranta siya sa aking sinabi.

"Wag ka mataranta kung gusto mo pa siya makita tumawag ka na ng maaring makakatulong sa kanya bilisan mo" Natauhan naman siya sa aking sinabi at kumaripas na siya ng takbo.

Ng matapos ko nangtahiin ang kanyang sugat ay nilagyan ko na ng bandage palibot ng kanyang katawan.

Hindi ko alam na nawalan na pala siya ng malay kaya kinabahan na ako at hindi ako nag dalawang isip na gamitin ang aking mahika.

"Sa ngalan ni sazaki yuone iligtas mo siya sa kapahamakan" itinapat ko ang aking dalawang kamay sa kanyang tiyan.

Ilang minuto ang lumipas ay nagising na din siya at hindi na niya nararamdaman ang pananakit ng kanyang tiyan.

"Maraming salamat" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Walang anuman" Nakangiting sabi ko naman sa kanya.

At saka dumating ang mga taong mahika.

"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ni kapitan sasaki sa taong mahika na aking ginamot.

"Umataki nanaman sila kapitan sasaki" Sabi naman ng taong mahika na aking ginamot kanina.

"Gaano kalaki ang iyong sugat?"
Pinakita niya kay kapitan sasaki ang kanyang hiwa.

"Ano ang gamit nilang patalim?"

"Isa lang siya at ang gamit niyang patalim ay katana" Narinig ko sabi niya kay sasaki. Sino kaya ang kanilang tinutukoy na umataki nanaman?

"Satingin mo ba walang lason ang gamit niyang katana?" Tanong ng kapitan sasaki sa taong mahika na aking ginamot. Kaya sumabat na ako sa kanilang paguusap.

"Wala naman ako nakita na lason sa kanyang sugat pati hinugasan ko naman ang kanyang sugat. Kaya sugarado ako na wala lason ang katana na ginamit na taong mahika na inyong pinaguusapan" Sabi ko sa kanila.

"Ikaw ba ang gumamot sa kanya?" Tanong ni sasaki sa akin.

"Oo" Matipid na sabi ko sa kanya.

Iimik na sana siya ng unahan ko siya sa kanyang sasabihin.

"Masyado nang gabi kaya kaylangan ko nang matulog" Pagpapaalam ko sa kanila at pumasok na ako sa loob at binuksan na ang ilaw at saka ko sinarado ang pintuan.

Napaupo nalang ako sa lapag dahil nanghihina na ako. Masyado mariming mahika ako nagamit ngayon kaya ganito kabilis ako nanghihina.

At kusa nang pumikit ang aking mga mata.

--------------------------

(SAZAKI)

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mata.

Dahan dahan ako bumangon at pinagmasdan ko ang aking paligid, Nasaan ba ako?

Lumabas na ako ng kwarto.

hmmm......... Nasaan ba ako. Bakit wala ako masyado maalala. Bigla may nagsalita kaya napaharap ako duon sa taong nag salita.

"Gising kana pala kamusta na ang iyong pakiramdam?" Tanong sa aking nang isang taong hindi ko naman kilala. Pero iba ang kagandahan ang kanyang taglay.

"Si-sino ka? at nasaan ba ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wag kang magalala maalala mo din kung ano ang nangyari sayo, sabi ng mangagamot na napagod ka lang daw gawa ng ginawa mo kagabi kaya maari kadaw makalimot, pero babalik naman yung mga alaala mong iyon kaya diyan ka muna" Nakangiting sabi niya sa akin.

Umupo nalang ako at napaisip kung ano nga ba ang nangyari sa akin, bakit nga ba ako nandito. Parang may nakalimutan ako isang mahalagang bagay na dapat kong gawin, kaso ano iyon. Bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya hindi ko na pinilit pa ang aking sarili na isipin ang bagay na hindi pa handang bumalik sa aking isipan.

------------------------------------

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, bigla naman sumakit ang aking ulo kaya naapa upo ako ng maayos at aking hinawakan ang aking ulo.

Bat ang sakit ng aking ulo. bigla nalang pumasok sa aking isipan ang mga nangyari sa akin noon pati kagabi, Bakit pala..... Pag masyado ko ginamit ang aking mahika ay maari ko makalimutan ang aking mga alaala. Pero kung gagamitin ko ang lahatlahat na makiha na aking makakaya ay maari tuluyan mawala ang lahat ng aking alaala.

Saglit tama ba ang aking narinig kanina na pinatingin ako ni binibini rin sa mangagamot hindi kaya nalaman nila. Agad ako tumayo sa aking pagkakaupo at hinanap ko sa malaking bahay si binibini rin para tanungin kung ano ang sinabi sa kanya ng mangagamot.

----------------

"Binibini rin" Hinahapong sabi ko sa kanya.

"Bat parang ikay hinahapo? Ayos kalang ba?"

"Paumanhin ngunit pwede ko ba malaman kung ano po ang mga sinabi ng manggagamot sa inyo tungkol sa akin?" Hindi ko na sagot ang kanyang tanong dahil kinakabahan ako na baka alam niya. O baka natuklasan ng manggagamot at sanabi nito kay binibini rin.

Bago sumagot si binibini rin ay nagisip muna siya.

"Ang kanya lang sinabi ay, Napagod ka lang daw sa paggamot sa isa sa mga kapitan ko kaya ikay nawalan ng malay. tas maari ka daw makalimot pagnapagod ka ng husto, dahil isa ka lang taong walang mahika kaya nangyayari iyon sayo" Sabi niya sa akin. Pero parang hindi parin ako kampante sa kanyang sinabi at pakiramdam ko meron pa siya alam na hindi pa niya nasasabi sa akin.

"Ah ayon lang ba?" Alam ko na masyado ako makulit ngunit kaylangan ko malaman yung totoo kung may nalaman paba siya tungkol sa akin.

"Ah......Oo ayon lang"

"Reyna rinrin kaylangan na po kayo sa bayan ng mahika" Singit ng isa sa mga kapitan ni binibini rin.

Bigla naman tumingin si binibini rin sa kapitan niya at parang may sinasabi siya sa kanyang kapitan na hindi ko naman nakita.

"Maiyan na kita sazaki kaylangan ko na kasi umalis" Nakangiting sabi ni binibini sa akin kaya nag paalam din ako sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti. Bago siya tulungan umalis ay tinawag ko siya dahil may mahalaga ako sasabihin sa kanya.

"Binibini ngayon po ako maguumpisa sa paghahanap kay ama at hikari" Pagpapaalam ko sa kanya kaya umoo siya at sinabing magingat daw ako.

-----------------------

Magtatanghali na ngunit wala parin ako nakukuhang impormasyon kay ama at kay hikari.

Binuksan ko ang aking bag para tignan kung ayos lang ba si z.

"Oh z gutom kana gusto mo na bang kumain?" Tanong ko sa kanya kaya bumuga siya ng kaunting apoy, Na ang ibig sabihin ay gutom na nga siya.

"Oh maghintay ka lang kakain na tayo" Nakangiting sabi ko sa kanya at isinarado ko na ang aking bag at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pumunta na ako sa kinainan ko kahapon, Nagustuhan ko kasi ang kanilang luto kaya gusto ko ulit kumain sa kanila.

Pagkadating ko sa karinderya nila ay mukhang nagkakagulo dahil ang isa sa mga binibini na nag tratrabaho sa karinderyang iyon ay nakadapa at panay dugo ang kanyang damit at mga kamay.

Agad ko siya nilapitan.

"Ayos kalang ba binibini?" Magalang na tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya kaya napalaki ang kanyang mga mata at natataranta na itinuro ang kanyang kamay sa loob ng karinderya nila, Kaya tinignan ko naman ang kanyang itinuturo.

Nagulat ako ng makita ko ang taong mahika na sumusunod sa aking noong isang araw ng pauwi na ako sa aming bayan.

Bakit siya nandito at ganon parin ang kanyang mga mata.

Agad ko kinuha ang tanto ni ama sa aking gilid.

"Humingi ka ng tulong sa kapitan" Utos ko sa binibini kaya nataranta siyang tumakbo para tawagin ang kapitan.

"Ano ba bitawan mo ako!" Narinig ko ang sabi ng isa pang binibini na hawak ng taong mahika.

Hindi ako nagdalawang isip pa na sugudin siya sa likod. Pagkakatoon ko ito para masaksak siya at para bitawan ang binibini.

Agad ako sumugot ng bigla siyang nawala. Kaya muntikan ko na masaksak si binibini buti nalang at hindi ko ito naitusok sa kanya. Kaya nahimatay naman siya dahil sa aking ginawa. Wala ako oras para problemahin siya dahil nandito pa sa loob ang taong mahika na may balak kaming patayin at may mga taong mahika pa na nasa loob. Nakakapagtaka mahika sila pero bat ayaw nila gamitin ang kanilang mga mahika?

Bigla ako may naramdaman kaya agad ako humarap sa aking likod at hinawakan ng maigi ang tanto ni ama at itinusok ito ngunit nawala nanaman siya. Anong klasing taong mahika siya ang bilis niyang kumilos. Hindi kaya ang taglay na mahika na meron siya ay mahika ng hangin. Hindi ako sigurado pero sa kanyang ikinikilos ay parang taglay niya ang mahika ng hangin.

"Aray!" Hindi ko siya naramdaman na na nasalikod ko na pala siya. Napaluhod ako at napahawak ako sa aking balikat kung saan natamaan ng kanyang katana.

Nakakapagtaka bakit ang isang mahikang tulad niya ay may katana?

Kung hindi ako tatayo kaagad ay maaari niya ulit ako atakihin. Pero masyado na ako nanghihina dahil sa natamo kong hiwa.

Sazaki ano tumayo kana! Sazaki.......

"Gusto ko ang iyong dugo!" Napatingin ako sa kanya at nakay binibini na siya. Yung binibini na bigla nalang nahimatay kanina. Napakalapit na niya. Dahan dahan ako tumayo at nahihilo ako. Kaylangan ko labanan ang aking pagkakahilo kaylangan ko silang tulungan. Sinubukan ko tumayo ng maayos at hinawakan ng maayos ang tanto ni ama.

Kaunti nalang sazaki kaylangan mo sila iligtas. Alam ko na maari na akong matumba kahit anong oras. Hindi ko pwedeng pabayaan sila, Alam ko na malaki ang nagawa nilang kasalanan sa akin kahit ganon kaylangan ko sila iligtas.

Pinikit ko ang aking mga mata para pakiramdaman ang akingpaligid. At saka ako umatake, Hindi ako nabigo sa aking ginawa dahil natamaan ko siya kaya napahuga siya, At nagulat ako sa sunod na nangyari sa kanya. Bigla siya naging abo.

"Aray!" Napahawak ako sa aking balikat.

Napaluhod nalang ako at hawak hawak parin ang aking balikat sobrang sakit, Hindi ko alam kung bakit ganon kasakit ang aking balikat hindi naman ganon kalalim ang hiwa sa aking pagkakaalam.

Ilang minuto ako na nakaganito at bigla nalang nawala ang sakit kaya binitawan ko na ang aking balikat at tumayo na ako sa aking pagkakaluhod.

Huli nanaman sila ng kanilang dating kung kaylan tapos na ay saka lang sila dadating.

"Ano nangyari dito?" Tanong ni kapitan sasaki.

Bigla naman umimik si binibini nahimatay kanina.

"Umataki nanaman sila" Naiiyak na sabi ni binibini.

"Ayos ka lang ba ginoo, Salamat saiyong tulong" Nakangiting sabi sa akin ng isang ginoo mahika.

"Kahit papaano ay maayos na ako, Malait na sugat lang ang aking natamo"

"Maari ko bang malaman kung sino ang umataki sa inyo kanina?" Tanong ko kay ginoo.

"Isa siyang demon" Matipid na sagot niya sa akin.

"Demon?" Nagtatakang ganong ko naman sa kanya.

"Si-" Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla umimik si kapitan sasaki.

"Hindi dapat niya malaman kung ano iyon" Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

"Bakit hindi ko dapat malaman kung ano ang demon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala ka na duon" Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Sila na nga yung aking tinulungan, Sasagutin lang naman nila ang aking tinatanong ganon na ba kabigat yun para sagutin nila.

Saaking inis sa bwisit na kapitan sasaki na iyan ay umalis na ako, bago ako tuluyan umalis ay tinignan ko muna siya ng masama.

Baka makapatay ako ng taong mahika ng hindi oras dahil sa kanya, kaya kaylangan ko nang mahanap si ama at si hikari.

----------------------------------

"Hay nako nakakainis yung kapitan na iyon kala mo kung sino. Pasalamt siya at tinulungan ko ang kanyang kababayan" Pagrerwklamo ko sa aking sarili.

Papunta na ako sa bahay, Ng bigla ako tawagin ni binibini rin.

"Ka-kanina pa po ba kayo nandiyan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Babago lang. Itatanong ko lang sana, Kamusta ang iyong paghahanap sa iyong ama at sa iyong kapatid?" Tanong niya sa akin.

"Wala parin po ako nakukuhang impormasyon tungkol sa kanila ni isa po sa inyong kababayanay hindi nila nakikita si ama at ang aking kapatid" Malungkot nasabi ko kay binibini rin.

"Wag kang magalala mahahanap mo din sila" Lumapit siya sa akin at tinakip niya ang aking balikat.

"Ba-bat ma-may dugo ang aking kamay?" Natatarantang tanong niya sa akin.

Mukhang nahawakan ni binibini rin ang aking balikat na may dugo, Nakalimutan ko na may hiwa nga pala ako sa aking balikat.

"Saakin galing ang dugong iyan binibini. Paumanhin kung hindi ko nasabi sa iyo na may dugo ang aking balikat"

"Napaano ka at may dugo ang iyong balikat?"

"Et-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil may biglang umimik.

"Reyna rinrin umatake nanaman po ang demon sa ating bayan" Sabi ng isa sa kapitan ni binibini rin.

Ano ba ang demon?

Susunod na ang panglimang kabanata

-----------------------------------------
Vote and Comment
March 20 18

PAALALA SA MGA NAGBABASA NITO:

PAUMANHIN SA MGA MALING SA PAGBABAYBAY NG AKING MGA LETRA. AKING ITONG AAYUSIN PAGNATAPOS KO NA ANG KWENTONG ITO.

-MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA SA KWENTO NA AKING GINAWA.

🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top