PANGALAWANG KABANATA

(SAZAKI)

Mabilis ako tumakbo palayo ng malaking bahay, Baka mahuli ulit ako. Buti nalang at nakatakas ako sa kanila kanina, at buti nalang gumana kung hindi gumana sigurada ako nanduon parin ako hanggang ngayon.

Ano kaya ang kaylangan niya sa akin.

Hindi ko aakalain na gabi na pala. akala ko kanina na maaga pa.

Takbo lang ako ng takbo sa dereksyon kung nasaan ang amin bayan, ng biglang may humawak sa aking braso. Kaya napatigil ako sa pagtakbo at napatingin ako duon sa humawak sa aking braso.

Bakit pulang pula ang kanyang mga mata?at nanlilisik ito.

"Si-sino ka!" Sigaw ko sa kanya ngunit hindi siya umiimik at nakatingin lamang siya sa akin na parang baliw.

"Gusto ko ang iyong dugo" Nagulat ako sa kanyang sinabi.

Mukhang hindi siya taga dito, Dahil sa kanyang ikinikilos.

"Bitawan mo nga ako" Kahit anong kalas ang gawin ko o pagpipiglas ay hindi parin ako makawala sa kanya.

Sino nanaman ba ito.

Mabilis siyang lumapit sa akin na nakanganga at aakmang kakagatin niya ako at buti nalang nakailag agad ako.

Kinakabahan ako sa isang ito.

Ng hindi niya ako nakagat ay sumugod ulit siya ngunit nabigo ulit siya.

Nahihirapan na ako kaylangan ko na makatakas.

Kung hindi malalapa ako ng isang ito. Anong klasing taong mahika siya.

Sunod sunod na pagaatake niya sa akin ngunit lagi siyang nabibigo kaya nahirapan na ako mukhang napagod ako sa pagilag sa kanya.

Sabi ko pa naman kanina na last na iyon ngunit kaylangan ko nang gamitin ulit.

Pumikit ako at dahan dahan binangit ang salitang " Sa ngalan ni sazaki yuone ay iligtas mo ako sa kapamahakan na ito" At minulat ko kaagad ang aking mga mata.

Pagkamulat na pagkamulat ko ay nakawala na ako sa kanya kaya hindi ko sinayang ang pagkakataon na tumakbo.

Alam ko na hindi ako isang taong walang mahika, Dahil isa rin akong taong may mahika, Na katulad lang nila.

Ayon lang naman ang kaya ko kaya masasabi ko na kabilang parin ako sa mga taong walang mahika.

Pasamantala ko gagamitin ang mahikang iyon hangat hindi ko pa nakikita ang aking katana, Pero pag nakita ko na ang katana ko, ititigil ko na ang paggamit sa mahika. Pinangako kasi kay ina bago siya mamatay na hindi hindi ako gagamit ng mahika at mamumuhay ako bilang isang taong walang mahika.

lumingon ako para tignan kung sinusundan paba ako nang taong may balak kainin ako.

Hay buti naman at hindi na niya ako sinusundan.

Kaylangan ko nang makabalik sa bayan namin baka kung anong nangyari kay hikari.

Nagulat ako ng bigla sumulpot sa aking harapan yung taong gusto ako kainin.

Kainis akala ko ba hindi na niya ako sinusunda.

Anong klasing taong mahika siya.

"Gusto ko ang iyong dugo" Kinilabot ako sa pagkakasabi niya noon sa akin.

Hindi ko hinayaan na lumapit siya sa akin kaya lumalayo ako sa kanya pero ang bilis ng galaw niya kaya nakakalapit agad siya sa akin.

Masyado kong ginamit ang aking mahika kaya nauubusan na ako ng lakas.

Hindi kasi ako sanay na gumamit ng mahika kaya pag ginagamit ko ang aking mahika ay mabilis ako nauubusan ng lakas.

Parang parang nawawalan na ako ng malay.....

-----------------------

(Mahikang tao 3)

"Gising kana pala"

"Si-sino ka"

"Ako lang naman ang nagligtas sayong buhay ginoo" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ah..... Ganon ba maraming salamat. Sige kaylangan ko nang umalis" Pinigilan ko siya sa kanyang pagalis dahil hindi pa niya kaya ang kanyang sarili.

"Saan kaba patungo ginoo?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Sa bayan ng walang mahika"

"Bakit ano naman ang pakay mo sa bayan na iyon ginoo?"

"Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko pa alam ang iyong pangalan ako nga pala si sazaki yuone at ikaw si?"

"Ako nga pala si Takumi" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Magsasalita sana ako ng bigla siya mag tanong.

"Taga saan bayan ka?"

"Bayan ng hangin" Mukhang nagulat siya sa aking sinabi dahil napalaki siya ng kanyang mata.

"A-ah ganon ba. Sige maiwan na kita kaylangan ko nang umuwi sa amin" Mahinahong sabi niya sa akin. Kaya pumayag na ako na umalis siya.

-------------------------------

(SAZAKI)

Hindi ko inakala na ganon ako katagal na nakatulog. kaya inabutan na ako ng umaga. Baka nag aalala na sa akin si hikari. Nag patuloy na ako sa pagtakbo para lang makarating sa aming bayan baka kung ano na ang nangyari sa aming bayan, pati kay hikari, Hindi ako papayag.

-------------------------------

[Bayan]

Sawakas naka uwi na ako. Kaso ang sasalubong naman sa akin sa paguwi ko ay kaguluhan at panay sunog ang mga bahay. Kaya agad ko pinuntahan si hikari sa bahay kung ligtas ba siya kaso, wala ako naabutan kundi abo na ang aming bahay kaya napaupo nalang ako sa harap ng aming bahay at natulala sa aking mga nakita.

"A-anong Na-nangyari!!!! WAHHHHH!" Naiiyak na sigaw ko kaya may napatingin sa akin at kinausap ako na kababayan ko.

"SAZAKI Si-si Hikari kinuha nila si hikari, pagkatapos nila kunin si hikari ay sinunog nila ang mga ilang bahay at dahil duon marami ang na-namatay" Naluluhang sabi niya sa akin.

"Wahhhh!!!!! Bakit! Bakit!" Paulit ulit na sabi ko sa kanya kaya napayapos nalang ako sa anya.

"WAHHHHHH!!!!!!!!!! WA-WALA MAN-MANLANG A-AKO NAGAWA"Hindi napigilan ang sarili ko na mag wala kaya ang mga kababayan ko ay sinubukan nila ao patahanin.

----------------------------

Ilang oras ang lumipas ay napatay na din nila ang apoy, ilang beses ako humingi ng paumanhin sa kanilang lahat, ay wala man lang ako nagawa sa kanila. Ang iba naman ay hanggang ngayon sinisisi nila kung bakit namatay ang kanilang pamilya, Ang iba naman ay walang pakeelam at nilalait nila ako. Ang iba naman ay kinakausap ako at ang kanilang sinasabi ay hindi ko naman daw iyon kasalanan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang ngayon ay tumutulo parin ang aking mga luha na ayaw tumigil sa paglabas sa aking mata.

Pumunta ako sa puntod ni ina para kausapin siya at umiyak ulit ako.

"WAH!!!! INA BAKIT BAKIT NAMAN NILA KINUHA SI AMA AT SI HIKARI INA!!! ANG MGA KABABAYAN NATIN INA LAHAT SILA AY GALIT SA AKIN!!!" Sigaw ko sa aking ina habang tuloy tuloy sa pagpatakang aking mga luha.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko ina ang katana na bigay ni ama nawawala na" Naluluhang sabi ko kay ina at napatungo nalang ako. Ng bigla may lumapit sa akin kaya nagulat ako.

"Z-z Buti naman at buhay kapa akala ko namatay kana. Buti at hindi mo ako iniwanan Z" Nakangiting sabi ko sa aking alaga na baby dragon.

At ang ngiting iyon ay dahan dahan nawala na parang bula.

"Ano gagawin ko ina. Pag akoy bumalik sa bayan natin hindi na nila ako matatanggap ina" Nakatungo sabi ko kay ina.

---------------------------

"Magpakatatag kalang anak at makakaya mo yan. Hanapin mo silang dalawa kahit na nawawala ang katana na bigay sayo ng iyong ama"

"I-ina ikaw ba yan?"

"Oo anak. Ayoko na nahihirapan ka, Kaya patawarin mo na ang mga taong mahika anak"

"Tama po ba ang aking naririnig. Alam po ba ninyo ang inyong sinasabi?" Nagtatakang tanong ko kay ina.

"Oo alam ko"

"Pero ina sila ang may kasalanan kung bakit ka naman hindi kasama ngayon ina"

"Saglit lang pero yan ka ina at kinakausap mo ako ibig sabihin niyan ina buhay kaparin?" Nakangiting sabi ko kay ina.

Ngunit umiling iling lang siya kaya nalungkot ako.

"Kaylangan mo magpatawad Sazaki........" Nakangiting sabi sa akin ni ina hahawakan ko sana siya kaso bigla nalang siya nawala.

"Ina......."

--------------------------

"I-ina...." Isang panaginip lang pala ang lahat.

Mukhang sa puntod pa ni ina ako nakatulog. Nakakahiya naman kay ina.

Nasaan nga pala si Z.

Hinanap ko kung saan ba natulog si baby dragon. Nang bigla naman siya nag pakita sa akin kaya nagulat naman ako sa kanya.

"Sasusunod wag mo na ako gugulatin ha z!" Panenermon ko sa kanya.

Nagulat naman ako na may daladala pala siyang bag kaya kinuha ko ito sa kanya.

"Ano naman ito dala mo?" Syempre hindi niya ako kinausap dahil isa lang siyang baby dragon na hindi nag sasalita at ang alam lang niya ay dilain ang amo sa pisngi at lumipad lipad.

Binuksan ko ang bag na dala dala niya at nagulat ako na may laman itong tanto.

Kay ama ito ah bakit ito napapunta sa bag na ito pati kanino ang bag na ito? Kinalkal ko pa ang loob ng bag at may damit na kimono na panlalaki, at kaunting pera.

Kanino naman galing ito.

"Z saan mo naman nakuha ang bagay na ito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero wala, hindi niya kaya talagang umimik.

Pinasok ko na ulit sa loob ng bag ang mga gamit ng may mahulog na isang maliit na papel, Kaya kinuha ko ito.

-Samuraya-

sana natanggap mo ang ibinigay ko sa iyong alaga na mga gamit at paumanhin kung kinuha ko ang tanto ng iyong ama alam ko na magagamit mo iyan kaya kinuha ko sa iyong ama. at nag padala din ako ng pamalit mo at kaunting pera sana mag kasya na ang ibinigay ko na pera para sayo.

-Ang iyong ginoo-

Sino naman ito at paano naman niya sinabi na kaylangan ko ang mga ito.

-------------------------

Inilagay ko nalang sa may puntod ni ina ang bag.

Hindi ko naman kaylangan ang mga gamit na binigay niya kung sino man siya. Mukhang kababayan ko dahil kilala niya ang aking ama.

Napatingin ako sa kalangitan paumaga na at nandito parin ako. Ano na ang aking gagawin.

Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa kung saan ko sila mahahanap.

Walang kasigaraduhan na nasa bayan ng apoy si hikari si ama naman wala ring kasigaraduhan na nasa bayan siya ng hangin.

Paano na sazaki......

Saan ka mag uumpisa at paano.

Bakit ko naman sila papatawarin sila ang may dahilan kung bakit namatay si ina kung bakit galit ang mga kababayan ko sa akin kung bakit nawala si hikari at si ama at sila rin ang may dahilan kung bakit hindi na ako pwede bumalik sa aking bayan.

-------------------------

Ilang oras na ang lumipas ay nakaupo parin ako at pinagmamasdan ang puntod ni ina.

"Ina ano ang gagawin ko" Sabi ko sa puntod ni ina.

"Wagka sumuko hanapin mo sila"

"I-ina!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni ina.

Totoo ba ang aking narinig. Nandito si ina.

"Ina! ina nasaan ka ina!" Napatayo ako sa aking kinauupuan at hinanap ko si ina. Hindi ako nag kakamali boses ni ina yun.

"Nandito ako anak nasa taas tumingin ka sa taas" Narinig ko ulit ang boses ni ina kaya napatingin ako sa taas. At nakita ko siya. Kayganda niya, Walang babae ang masgaganda kay ina.

Bigla naman humangin kaya nawala bigla si ina.

Hindi pa ngayon ang araw para sumuko ako. Kaylangan ko nang hanapin si ama at si hikari at umuwi ulit sa aming bayan na ligtas.

Kinuha ko ang bag na dala dala ni z kanina at kinuha ang tanto.

Tinanggal ko ang aking ipit at kinuha ko ang aking buhok para putulin ito ng maikli.

Ang mga naputol ko buhok ay ibinaon ko sa lupa sa tabi ni ina. Pagkatapos ko ibaon sa lupa ang aking buhok ay nag palit na ako ng bagong damit na galing sa bag ito ay kulay black at white na kimono na panlalaki.

At sinakbit ko na ang bag sa aking braso. Ipinasok ko naman sa loob ng bag si z.

Baka may makakita sa kanya.

Bago ako tuluyan umalis para hanapin si ama at si hikari ay nag paalam ako kay ina.

"Ina kayo na po ang bahala sa akin at kayo na po ang bahala na mag bantay sa ating bayan. Sana sa pagalis ko sa ating bayan ay wala nang kaguluhan at sana wala nang mamatay na kababayan natin. Paumanhin din ina kung pinutol ko ang aking buhok, Gusto kasi ninyo na mahaba ang aking buhok ngunit hindi na iyon nababagay sa akin ina. Sige po ina aalis na po ako" Pagpapaalam ko kay ina at nag simula na akong umalis sa puntod ni ina.

Dito na magsisimula ang aking paglalakbay sa mga mahikang bayan.

Susunod na ang pangatlong kabanata

-------------------------------
Vote and comment
March 19 18

PAALALA SA MGA NAGBABASA NITO:

PAUMANHIN SA MGA MALING SA PAGBABAYBAY NG AKING MGA LETRA. AKING ITONG AAYUSIN PAGNATAPOS KO NA ANG KWENTONG ITO.

-MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA SA KWENTO NA AKING GINAWA.

🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡🗡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top