One
LEYVANCE
"LA naman! Ano na naman bang ginawa mo?" Napatingin ako sa kapapasok lang na si Gwendy Llaminero, manager ko.
"What are you talking about?" maang na tanong ko.
Imbes na sumagot ay ibinaba niya ang tablet niya sa harap ko at hindi na rin ako nagulat. Alam ko naman na any moment ay kakalat na sa social media ang nangyari sa kasal ni Ate Avrein at alam kong ikakahisterya iyon ni Gwen.
"Tell me who the hell was the guy you were kissing in those damn photos?" Alam kong nagpipigil na lang ng galit si Gwen dahil nakakuyom na ang kamao niya pero malumanay pa rin ang pagsasalita niya. "Damn it, LA! The reporters are freaking out at heto ka pa chill-chill lang!"
"Hindi ako pa chill-chill lang, Gwen, I am doing this to unwind. Hindi ko kailangan patulan ang mga reporter. Isa pa, bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanila? I'm single so there's no reason to freak out!" Hindi ko maiwasang mainis. Ngayon lang kasi nagalit nang ganito sa akin si Gwen. Simula nang hawakan niya ako bilang talent niya two years ago ay puro kabaitan at pang-iintindi ang ipinakita niya.
"I'm not freaking out for my own sake, Vance. I'm freaking out because I care for you and for your career. I care for what other artists and models might say about you regarding these photos!" She looked really frustrated at higit pa roon, tinawag niya akong Vance so it only meant na seryoso talaga siya.
Tumayo ako at pinigilan ang kamay ng bekbek na nagkukulot ng buhok ko. "Mamaya na lang, Ate Pau. Kausapin ko muna po si Gwen. Labas ka po muna." magalang kong bulong dito na ikinangiti at ikinatango nito bago tuluyang lumabas ng make up room.
Humarap ako kay Gwen at niyakap na lang siya bigla para pakalmahin siya. She's more than a sister to me. "I am really sorry for making you feel this way, Gwen. I'll take care of it. I promise." puno ng sinseridad na wika ko rito. Naramdaman ko naman na hinaplos niya ang likod ko na para bang sinasabi niyang nagtitiwala siya sa 'kin.
Kumalas ako sa kaniya at nginitian siya.
The truth is it was all Dreik's fault! He kissed me! He forced a kiss on me!
***
KASAL nina Ate Avrein at Kuya Vience ngayon. Sa dami ng pinagdaanan nila, dito rin pala sa simbahan ang hantungan nilang dalawa.
Hindi ko alam pero pagkahagis pa lamang ni Kuya Vience ng garter na ipaaagaw niya ay para bang atat na atat na si Lila na makuha 'yon! It irritated me to the bones dahil ang ibig lang sabihin nito, gusto niyang makapareha ang ex kong kulang sa—I mean si Dreik!
Hindi ako papayag! Ayaw kong matsansingan niya si Lila!
Nang nasa ere na ang garter ay mabilis ko lang itinulak si Lila at tumalon ako para maabot ito.
"Ouch!" dinig kong daing ni Lila.
"Sorry, baby sis. I'm just doing this for you," wika ko, saka ko siya inalalayan na makatayo. Kunot-noo naman siyang tumingin sa akin.
"You're not doing that for me, Ate Leyvance. You're doing that for yourself." she said, saka na ako biglang tinalikuran.
Sinusundan ko lang siya ng tingin nang may humawak sa kamay ko kaya awtomatiko akong napalingon dito.
"D–Dreik?"
"Why are you stammering, love? Am I that intimidating?"
"Of course not! And... d–did you just call me love?" Bakit pakiramdam ko ay ang init ng pisngi ko?
"The endearment I used to call you... and the same endearment you used to call me." Para namang may dumaan na kirot sa mata niya sa sinabi niya pero agad din itong napalitan nang ngumisi siya. "You're blushing, LA."
"I'm not!" Hahampasin ko sana siya ngunit nahawakan niya ang kamay na iniangat ko sa ere.
"Still as sadist as ever."
Bigla kong inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pakiramdam ko ay napapaso ako 'pag nahahawakan ko siya.
"Stop bringing up the past!" iritado kong sabi, saka ko siya tinalikuran ngunit muli lamang niya akong hinatak at this time ay mas malapit na ako sa kaniya.
"We're not done yet, LA. Look, you're still holding the garter." And before I could even react, he dragged me in a not so huge room. "We have to change our clothes."
"What the fuck—"
"You're cursing again!" putol niya sa sasabihin ko.
"Do you really think na magbibihis ako dito kasama ka? Labas!" pangtataboy ko sa kaniya.
"Why, love? Didn't I already see those—"
"Fuck you!" gigil na gigil na ko sa kaniya!
"I will be glad to be fuck by you—"
"Damn you, Dreik! I hate you!" Imbes na mapikon ay ngumisi lamang siya sa akin na lalong ikinainit ng ulo ko.
Tinalikuran ko na lamang siya ngunit nagulat ako nang may mga kamay na pumalibot sa baywang ko.
"I missed you so damn much. I missed you so bad, LA. I haven't seen you for a long time kaya hindi ko alam kung anong pakitungo ang gagawin ko sa 'yo. I want you back pero alam kong hindi mo na kahit kailan na gusto pang bumalik sa akin, and that pains me to death."
"Stop this, Dreik. I–I hate you," anas ko at ikinalas ang kamay niya sa baywang ko.
"I know. Kaya mo nga ako iniwan, 'di ba?" Bakas ang pait sa boses niya.
Ayaw kong harapin siya. Ayaw kong makita ang mga mata niya. Ayaw kong makita ang emosyon na puwede kong makita rito. I hate seeing him in pain. Kaya ko nga siya iniwan, dahil ayokong makitang nasasaktan siya.
"Let's just change our clothes para makalabas na tayo at matapos na ang kalokohan na 'to." malamig na wika ko, saka na ako namili ng slacks at polo sa mga clothing rack na nandito.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero base sa naririnig ko ay tila naghahanap siya ng mga damit na kakasya sa kaniya. Ako naman ay hindi makahanap ng slacks na kasya sa 'kin. Halos lahat ng narito ay size 28 and above samantalang ang size lang ng baywang ko ay 26.
Bigla ko na lang naramdaman ang papalapit niyang presensya. Gusto ko man siyang lingunin ay hindi ko ginawa. Napansin kong may binaba siyang dalawang hanger sa gilid ko. Dinampot ko 'yon at nakita ko ang slacks na may size na 26 at polo na sakto lamang sa katawan ko.
Nagtataka ako ngunit agad siyang nagsalita kaya't nalinawan ako.
"I know your size. Don't wonder," walang kabuhay-buhay na sabi niya. "Nakabihis na ako kahit hindi ka na lumingon. Lalabas na 'ko para makapagbihis ka na," dagdag pa niya at saka na ako nakarinig ng yabag papalayo sa akin at kasunod nito ay ang pagbukas-sara ng pintuan.
I released a heavy sigh. Damn this feeling.
Nagbihis lang ako at nang matapos ay lumabas na rin. Nadatnan ko siya na nakatayo lamang sa may gilid ng pinto. Hindi ko alam kung anong posisyon ng paa niya dahil natatakpan ito ng black long gown. Basta ang alam ko ay nakasandal siya sa pader.
"You're done?" he asked and I nodded. "Let's go," aya na niya, saka na hinawakan ang kamay ko at iginiya ako patungo sa kumpol ng mga tao.
Bubbly si Dreik pero at this moment, hindi ko iyon makita. Sobrang seryoso at cold ng aura niya. Dahil ba 'to sa nangyari sa silid kanina?
"C'mon, LA, please act as if you like what's happening dahil doon ka naman magaling, hindi ba?" makahulugang pahayag niya, saka niya ako hinila palapit sa kaniya.
" Here's the love birds!" pang-aasar ni Leickel sa mikropono.
"We're not fucking love birds, Leickel!" angil ko sa kaniya.
"Chill, Ate Vance," tumatawang saad niya. Bumaling siya kay Dreik at nagsalita. "Kuya Dreik, upo ka na rito para mailagay na ni Ate Vance ang garter sa 'yo."
Sumunod naman si Dreik kaya't binitiwan na niya ang mga kamay ko. Hindi ko alam, pero parang may sumakit sa akin sa simpleng pagbitaw lamang niya ng kamay ko.
"Ate Vance, luhod ka na dali. Lagay mo kay Kuya Dreik 'tong garter. Make sure na seductive ang paglalagay—"
"LEICKEL!"
"Kidding," aniya at na-peace sign pa nga ang bruha sa akin.
Lumuhod ako sa harap ni Dreik dala ang garter. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko dahil alam ng puso't isip ko na malagkit ngayon ang pagkakatitig niya sa akin.
Nagsalubong ang aming mga mata at may nabanaag ako doon na kapilyuhan? Wala na ang kaseryosohan na bumabalot sa kaniya kanina. Bumalik ang dating Dreik na kilala ko, pero parang mas gusto ko yata iyong malungkot siya? Nakakaloko kasi ang pagngisi niya.
I was about to put the garter on his feet when he suddenly leaned towards my face. I was a bit shock and my reflexes didn't work. "Don't worry, love. I will not kiss you. I just wanna tell you something," he whispered as he blew a tiny amount of air in my ear that made me uncomfortable.
"W—what is it?" Why did I have to stutter!?
"Did you know why I joined this bullshit ceremony, LA?" Umiling ako ng bahagya. "It was because I knew you would also be into this. At alam mo ba kung bakit pilit kong inagaw ang bulaklak? It was because Vience told me na 'pag naagaw ko ang bulaklak ay siguradong aagawin mo ang garter at hindi nga siya nagkamali. Itinulak mo pa talaga si Lila para lang maka-partner ako." I couldn't move but I heard him chuckled. "Where else do you want me to be your partner, Vance? Name it and I would be the best partner you could ever have."
Iba ang naging dating sa akin ng mga salitang binitiwan niya kaya't itinaas ko ang kamay ko para sampalin siya ngunit pinigilan niya lamang ako.
"How dare you say those damn things—"
"No cursing, love."
And the next thing I knew, may pinagsasaluhan na kaming halik na hindi ko alam kung paanong nangyari at kung bakit ko na naman tinutugon.
Deja vu. Nangyari na 'to, damn!
***
BAHAGYA kong nailing-iling ang ulo ko sa pag-alala sa nangyari noong kasal nila Ate Avrein at Kuya Vience. Buwisit kasi, e. Halik nang halik!
"Were you thinking about that guy?" napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Gwen. Nandito pa nga pala siya dahil ipagluluto niya raw ako.
"H–hindi po."
"Liar!" At humagikgik pa ito. Ganyan lang naman kasi talaga si Gwen. Mababaw siyang tao kaya nga agad ko siyang inalo kaninang nagalit siya.
"He's my ex-boyfriend," pagkukuwento ko.
"I know, LA. Hindi lang naman iisang beses ko siyang nakita—I mean, basta." Parang may gusto siyang sabihin pero ataw niyang ituloy.
"Spill it out, Gwen."
"Okay fine. Sa lahat ng photoshoots mo at mga pagrampa ay madalas ko siyang nakikita. Hindi ko alam kung coincidence lang ba lahat ng 'yon."
"No, hindi coincidence ang mga iyon. Alam ko naman na sinusundan niya ako. Naiinis lang ako sa kaniya dahil lalo siyang hindi makaka-move on sa ginagawa niya," blangko ang emosyon kong pahayag.
"But these past few months, hindi ko siya napagkikikita. Nito lang talaga, doon sa kumalat n'yong kissing pictures." Sasagot na sana ako nang magsalita siyang muli. "Are you still into him?"
"Honestly, I–I don't know. Iniwan ko siya sa anim na buwan na relasyon namin. Iniwan ko siya at sinabing hindi ko na siya mahal. I knew it was the rudest way of breaking up but I was thinking that it was the best way to turn him down." Nakayuko lang ako habang nagsasalita.
"Have you ever regretted and doubted your decision?" That thought suddenly hit me.
"Actually at first I didn't, not until I saw him again at my cousin's wedding. I hate seeing him in frustration and pain."
"Then you must really still care about him."
"Care? Absolutely yes." Iyon na lang ang nasagot ko at nilapitan ang niluluto niya. Afritadang manok pala.
"Indenial ka. Halata naman na mahal na mahal mo pa," bumulong si Gwen pero hindi ko maintindihan kung ano kaya hindi ko na lamang pinansin.
"You're avoiding something, LA. You don't wanna talk about it? The reason why you left him?" natahimik ako sa sinabi ni Gwen.
"Yeah." I sighed. "Punta muna ako sa kwarto, tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na."
Mahina ako. Alam ko 'yon. Mahina ako dahil iniwan ko siya. Mahina ako at alam ko 'yon.
PABABA ako ngayon ng parking lot dahil may photoshoot daw kame somewhere in Batangas. Magda-drop by na muna ako sa agency namin para kuhanin ang exact location.
Saktong pasakay na ako ng sasakyan ko nang may humawak sa balikat ko kaya't napalingon ako.
"Andrew?" Ngumiti lang siya sa akin kaya't nginitian ko rin. Andrew is one of my co-models. Magkatabing building lang ang condo niya at ang condo ko. "What brought you here?" tanong ko.
"I just wanna ask you for a dinner tonight?"
"Sure—OH MY GOSH!" Bago ko pa kasi matapos ang sasabihin ko ay bigla na lang may humigit kay Andrew palayo sa akin at natagpuan ko na lang si Andrew na nakahiga sa sahig habang nakahawak sa putok na labi.
Binalingan ko ang taong bigla na lamang sumuntok kay Andrew at binigyan ito ng matalim na tingin. "What the hell are you doing here? What the fuck did you just do, Dreik? Are you fucking out of your mind?"
Imbes na sumagot si Dreik sa akin ay binalingan niya lamang si Andrew. "She's mind, dude. Back off or I'll kill you!" Nagulat na lang ako nang nagkukumahog na umalis si Andrew sa takot sa naging banta sa kaniya ni Dreik.
Napabuntonghininga na lamang sa bilis ng mga pangyayari.
Matapos makaalis ni Andrew ay tiningnan lamang ako saglit ni Dreik bago ako tinalikuran at naglakad palayo sa akin.
Ganoon lang 'yon? Manununtok siya ng kaibigan ko tapos uutusan niya na layuan ako tapos ano? Parang wala na lang nangyari? HE'S TOO FREAKING IMPULSIVE!
"Hoy!" singhal ko, saka ko siya hinabol at hinawakan ang braso niya bago ko siya iniharap sa akin. "Gago ka talaga, 'no? Lilitaw ka mula sa kung saan at biglang manununtok?"
"Bitiwan mo 'ko, Vance."
"At ngayon ikaw pa ang galit?!"
Sobrang galit man ako pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Mabilis niya akong isinandal sa pader doon at ipinagitnaan ng dalawa niya braso.
"W–what are doing?" tanong ko at hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan siya sa mga mata. Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa nakita kong pait at sakit na gumuhit sa mga mata niya.
"I hate you, Vance. I fucking hate you but I love you. Damn it! Hinayaan kitang iwan ako dahil sabi mo hahanapin mo ang sarili mo! Hinayaan kita dahil sabi mo iyon ang makakabuti sa 'ting dalawa. Hinayaan kita dahil sabi mo hindi mo na 'ko mahal. Kaya kong tanggapin lahat, Vance. Kaya kitang hintayin. Pero bakit ganoon? Bakit sa tuwing may kasama kang lalaki at nakikita kong masaya ka, hindi ko mapigilan mainggit, magselos, at manakit. Damn it! Damn me! I'm getting insane!"
"D–Dreik."
"Do you how hard it is to fall deeply and madly in love with a woman who is fond of finding herself, who is fond of pretending, who is fond of lying?"
"Stop it, Dreik. Let's both move on! Lalo kang hindi makaka-move on sa ginagawa mo—"
He cut me off using his lips. He was kissing me... harshly. I almost lost oxygen before he took his lips off my lips.
"Mag-move on kang mag-isa. Wala akong pakialam. Hindi mo ako mapipigilan."
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top