Chapter 3

SKY

Naalimpungatan ako ng gising nang masinagan ako ng araw. Agad naman akong napatingin sa malaking orasan na nakasabit sa taas ng pintuan. Alas-nuebe na pala ng umaga, napalingon ako sa kaliwang gawi ko at kitang mahimbing pa rin ang tulog ni Breshka. Kagabi lang ay nawala na ang taong salot sa aming buhay. At ngayon ay kailangan ko na namang umaktong nasasaktan sa mga nangyari. Umaktong nawawalan nan g ulirat sa pagkawala ng aking asawa.

Hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ang aking pag-aakto ngunit isa lang ang sigurado ko. Wala na si Dominique, wala na ang salot na babaeng iyon sa aking buhay. Si Breshka ang natatanging babae na para sa akin at hindi ang hinayupak na babaeng iyon.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking pagkakahiga at agad na nagtungo sa salamin. Nangingiti ako sa pag-aalala sa ginawa ko kay Dominique. Matagal ko nang gusting gawin iyon sa kanya...ang sibatin siya sa kanyang pagmumukha. Walang araw na hindi niya ipinamukha sa akin na isa akong maliit na tao. Hindi naman talaga ako isang anak ng mayamang pamilya bagkus isang ampon. Kahit na ampon ako ng isang marangyang pamilya ay hindi pa rin maitatagong isa pa rin akong ampon. Mas lamang na mayaman si Dominique sa akin at sa tuwing nakadikit kami ay hindi naman lingid sa aking kaalaman ang pagkukumpara sa aming dalawa.

Lalaki ako at ayokong makaramdam ng ganoon kaya nararapat lang na mawala na siya sa buhay ko. Hindi naman kasi lahat nadadaan sa mabilis na hiwalayan sa papel kaya ako na mismo ang nagpabisang mapabilis ito sa ngalan ng pag-ibig ko kay Breshka. Kahit na hindi galing sa isang mayamang pamilya si Breshka ay hindi ko ramdam sa kanya na maliit ako bagkus pakiramdam ko ay isa akong tunay na lalaki.

Inaamin kong minahal ko naman si Dominique, wala naman yata akong puso kong sasabihin kong hindi ko siya nagustuhan hindi ba? Mas mararapatin kong aminin iyon kaysa sa hindi ngunit hanggang doon lamang iyon at wala na. Nang sabihin sa akin ni Breshka na nagdadalang tao siya ay agad na akong nag-isip ng paraan upang mawala sa imahe namin si Dominique. Hindi naman niya ako mabigyan-bigyan ng anak kaya ano pa ang silbi niya sa akin?

Marahil sa mga oras na ito ay abala pa rin ang mga pulisya sa paghahanap sa bangkay ni Dominique na ngayon ay inaanod-anod na sa karagatan. Imposibleng mahanap pa nila iyon dahil tiniyak kong mapunta kami sa isang rumaragasang alon para lamang madispatya agad ang kanyang katawan.

Napailing-iling naman ako dahil kahit ang mga magulang nito mismo ay walang humpay ang paghihinagpis sa kawalan ng kanilang pinakamamahal na anak. Hindi ko lubusang maisip na ang mga Imperial ang parang nababagsak na negosyo. Nararapat lang sa kanila iyon.

Hindi man nila sabihin ay ramdam ko ang mga tingin nilang nakapamanliliit sa akin. Hindi na nila kailangan pang maglihim pa at alam kong isa sa mga araw na ito ay lalabas na ang totoo nilang mga kulay sa kung papaano nila ako pakikitunguhan. Handa ako sa mga bagay na iyon dahil lahat naman ay nakaplanado na. Lahat ay plantsado na ang kailangan ko na lang ay ang magpanggap nang lubusan at hindi dapat ako mahuli.

Pinaliwanag ko naman kay Breshka na kailangan niya lamang habaan ang kanyang pasensya sa paghihintay dahil hindi dapat mapunta sa wala ang aming mga plano. Malaking hakbang ang aming ginawa at hindi dapat iyon masira nang basta-basta.

"Babe?" tawag ni Breshka at halatang puyat pa sa pagkakagising.

Napangiti naman ako at agad na lumapit sa kanyang direksyon saka siniil siya ng halik dahilan upang bahagya itong mapaungol. "Gising ka na pala. How's your sleep?" tanong ko sabay haplos sa kanyang mala-porselanang balat.

"Sore, ikaw ba naman kasi masyado mo akong nagamit kagabi," sagot naman niya na bahagya kong ikinatawa. Agad ko namang hinalikan ang kanyang leeg at napaungol. Hindi talaga ako nagsisisi sa kanya...na siya ang pinili ko.

Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Sa kanya ko lang naramdaman ang lahat ngmga ito at masaya ako sa piling niya kahit na ang pumatay ako ng tao para sa kanya ay gagawin ko.

"One more round?" tanong ko naman at napahagikhik naman ito sa tawa at umiling.

"No, babe. Dapat ay naroroon ka ngayon sa mga magulang mo at alam mo na," ani nito at sumasang-ayon naman sa kanya.

Ngayong araw ang simula ng palabas hanggang sa tuluyan nang mawala sa hangin ang imahe ni Dominique at tanging mga alaala na lang ang natitira sa kanyang pagkamatay. Tiniyak ko ring walang cctv ang yateng iyon dahil una't-una ay ako naman talaga ang rumenta noon at gamit ay ang pera niya. Hindi naman niya malalaman na may nilustay siyang malaking pera mula sa kanyang bank account dahil wala naman sa kalingkingan niya ang presyo ng yateng iyon.

"Kailangan mong husayan ang pag-aarte sa kanilang harapan para naman hindi tayo umabot ng ilang taon sa pag-aarte hindi ba? Hindi tayo magtatago ng halos ilang taon para sa babaneg iyon. Para makapag-asawa ka na ulit at syempre ako na 'yon," wika ni Breshka at tumango-tango naman ako.

Tama siya dapat ay galingan ko ang aking pag-aarte sa harapan ng aking mga magulang gayun na rin sa harapan ng mga magulang ni Dominique upang wala silang masabi.

"Huwag kang mag-aalala dahil eksperto ako pagdating sa pag-arte. Hindi nila malalaman ang lahat. Tatanga-tanga na lang talaga ako kapag bulilyaso ang lahat ng mga pinaghirapan natin," sagot ko at ngumiti naman si Breshka. Sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti ay masaya na ako. Siya lamang ang kasiyahan ko.

"Alam mo hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa mo iyon sa kanya," wika ni Breshka at napataas naman ang kilay ko at kumibit balikat.

"Ang sabihin mo ay bumilib ka talaga sa akin. Matagal ko nang gustong gawin ang bagay na iyon sa kanya. Lahat yata ng galit ko ay naibuhos ko kaya napalipat siya sa karagatan. Ewan ko na lang kung mahanap pa nila ang bangkay niya. Meanwhile let us just enjoy the show, Breshka."

























































Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top