Chapter 2
DOMINIQUE
Limitado lamang ang mga taong inimbitahan sa victory party ni Emmanuel, na promote raw kasi ito sa kanyang pinagtatrabahuan kaya agad naman siyang nagtapon ng isang magarbong selebrasyon. Nasa thirty guest lang daw ang mga bisita ayon kay Sky at isa na sila roon.
Agad naman silang naghiwalay na dalawa nang makasampa sila sa yacht. Isang megayacht ang inarkilahan ni Emmanuel para lang sa nasabing party niya at kung hindi ako nagkakamali ay higit pa sa libo ay gasto niya rito. Ganoon nga talaga ang mga mayayaman walang pakialam kung saan wawaldasin ang kanilang mga kayamanan. Kilala rin naman ang aming pamilya ngunit nahihiya akong humingi ng ganito kalaking pera para iwaldas lamang sa iisang gabi.
Napayakap ako sa aking sarili nang mahagkan ako ng malamig na hangin na galing sa dagat. Sa kamamadali ko kanina ay ni hindi ko man lang nadala ang dyaket ko. Rinig ko hanggang dito ang hiyawan at kantahan sa itaas ng yate, halatang nagkakasiyahan na silang lahat sa taas. Una sa lahat ay wala naman akong planong sumabay kay Sky dahil alam na alam kong ganito rin ang magiging sitwasyon ko . . . ang mag-isa.
Hindi ko rin kasi gusting makihalobilo sa kanilang lahat at iyon din ang minsan pang ikinagagalit ni Sky sa akin kaya imbes na mag-away kami sa walang kabuluhang bagay ay mas pinili ko na lamang na samahan siya.
Napakamatiwasay ng dagat kung gabi ngunit napakadilim naman nito at mas lalong nakakalula kung iisipin kung gaano kalalim kung nasaang punto na kami ngayon ng karagatan. Animo kasi ay sobrang layo na ng mga ilaw ng siyudad sa kung nasaan na kami ngayon.
“Care some wine Ma’am?” alok ng isang lalaking waiter na napadaan sa akin.
Tumango naman ako at agad na kinuha ang natitirang wine glass na kanyang dala-dala sa isang tray. Ngumiti naman ito sa akin bago tuluyang umalis.
Tamang-tama pampainit na rin ito ng katawan sa maginaw na gabi. Agad ko namang ininom ang nakuha kong alak at hindi mapigilang hindi masarapan. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang paborito kong inumin ang Bella Black Wine.
Napapitlag ako nang may narinig ako malakas na pagsabog at galing iyon sa itaas. “Fireworks,” mitlang ko nang masaksihan ito sa itaas. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapahanga at magandahan sa mga fireworks.
Nagpalinga-linga ako dahil baka kako ay makita ko ang babaeng kinakalantari ng asawa ko. Hindi ko lubos maisip na siya pala ang babaeng iyon. Madalas na rin kaming magkita noon at kahit papaano ay napalapit na rin ang loob ko sa kanya kahit hindi pa kami masyadong magkakilala. Hindi ko alam na pakitang tao niya lang pala ang lahat. Nagmukha akong tanga sa kanyang harapan at hindi alam na sinusulot niya na pala ang aking asawa.
Hindi ko alam kung naririto si indi ko alam kung naririto si Breshka, hindi pa kasi ako nakapag ikot-ikot. Ngunit kahit na ganoon ay wala naman akong magagawa dahil mismong asawa ko rin naman ang may kagustuhan na humanap ng iba. Unang-una ay kung masaya ang aking asawa sa piling ko ay hindi naman ito maghahanap ng iba.
Ibig bang sabihin noon ay nagkukulang na ako? Saan ako nagkulang sa kanya? Halos lahat naman ay ibinigay ko na pati ang pangarap ko sa buhay ay binitawan ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Pangarap ko ang pagpipinta at nakuha na sana ako ng malaking exhibit sa ibang bansa at iyon na ang magiging tulay ng lahat para sa aking pangarap ngunit ang lahat ng iyon ay biglang naglaho nang pigilan ako ni Sky. Dahil na rin sa karupukan at katangahan na ngayon ko lang napagtanto ngayon ay ito ang aking napala.
Ibabagsak ko rin silang dalawa hanggang sa lumuhod sila sa lusak ng kahihiyan. “Ang araw ding iyon ay titiyakin kong hinding-hindi ninyo malilimutan,” sambit ko sa kahuli-hulihang pagputok ng fireworks.
Nang ibalik ko ang aking mga tingin sa dagat ay tila ba nawalan ako ng balanse mula sa aking pagkatatayo. Para ba akong lumulutang at parang lumalapit nang husto ang dagat sa akin. Agad akong naalarma at agad na tiningnan ang basong hawak-hawak ko.
“This is bad,” bulong ko at bigla na lamang dumudoble ang aking paningin. Nanlalamig ang aking mga kamay at nag-iinit ang aking mga tainga. Ramdam ko rin ang malalamig na butil-butil na pawis sa aking noo. “Ano’ng nangyayari sa akin?” bulong ko at para bang namamalat ang aking lalamunan.
Habang tumatagal ako sa aking pagtayo at unti-unting tila umiinit at sumisikip ang aking dibdib. Gusto kong humingi ng saklolo ngunit walang katao-tao sa aking paligid. Hinanap ko rin ang waiter kanina na siyang nagbigay sa akin ng inumin. Hindi ko rin magawang sumigaw para akong namamaos. Dinig ko na rin ang pagkabog ng aking dibdib at tila ba hindi ko na alam kung humihinga pa ba ako ng normal.
Isang malakas na hangin ulit ang sumalubong sa akin kasama ang talsik ng tubig ng dagat. Dahil doon ay tila dinuduyan ako ng sinasakyan naming yate. Ilang Segundo ang lumipas at mayroon na akong naririnig na mga boses at papalapit ito sa akin.
Hindi ko masyadong klaro kung ano ang kanilang pinag-uusapan at agad ko naman silang hinarap. Hindi klaro ang kanilang mga mukha dahil tila medyo malayo pa sila sa aking direksyon.
Isang babae at lalaki. Iyon ang nakikita ko at mukhang napakapamilyar ng lalaking papalapit nang papalapit sa aking direksyon.
Habang papalapit sila ay unti-unti ko na ring naririnig ang kanilang pag-uusap. “Look at her. Pity,” wika ng isang babae at kilala ko ang boses na iyon.
Kilalang-kilala koi yon. “Breshka,” sambit ko at tila nagulat naman ito dahil napatabon pa ito ng bibig. Hindi ko man maklaro ang kanilang pagmumukha ay alam kong tama ako.
“Nakilala niya ako,” sambit ni Breshka at napalingon sa lalaking katabi niya.
“Ako na ang bahala,” sagot naman ng lalaki at doon ay nakumpirma kong boses iyon ng aking asawa. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil hindi naman ako tanga na hindi ko mapagtantong sila ang may kagagawan nito sa akin.
Sasabat pa sana ako ngunit wala ng boses na kumakawala sa aking lalamunan hanggang sa maramdaman ko na lang na may isang matigas na bagay na dumapo sa aking pisngi.
Parang nakuryente at namanhid ang buo kong katawan at rinig ko pa ang pagsigaw ni Breshka na para bang nagulat sa ginawa ni Sky.
Isang baseball bat ang dumapo sa aking pisngi at kitang-kita ko rin ang pagtalsik ng dugo ko.
Pagkatapos ay tuluyan na akong nilamon ng kadiliman at kalaunan ay para na akong nalulunod sa malamig na karagatan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top