Kabanata 6
Kabanata 6
Pinutok
Nagising ako nang maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko. Lalo na sa aking ulo. Kinusot ko ang aking mata at nagpaikot-ikot sa kama, hanggang sa malaglag ang isa kong paa. Aayusin ko sana ang kumot ko nang mapansing wala akong suot pang-ibaba.
Sandali pa akong nataranta, bago takpan iyon. Ang panlalaki ng mata ko ay hindi ko mabawi-bawi. Pakiramdam ko, hanggang mamaya pa ang panlalaking iyon dahil wala akong ideya sa nangyari sa akin kung bakit hubad ako.
Napalunok ako nang marinig kong tumunog ang pintuan sa CR. Niluwa noon si Hunk na bagong ligo lang at tanging sa pang-ibabang parte lamang ng katawan niya ang may takip. Hawak niya ang maliit na towel na kinukuskos niya sa buhok niyang basa.
"Hunk El Greco!" Sigaw ko, walang pakealam kung may makarinig sa akin o ano.
"Makasigaw, 'te?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Anong nangyari? Bakit hubad ako at bakit masakit iyong... iyong ano..." hindi ko matuloy-tuloy ang pagsabi.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay inirapan niya lang ako at saka tinalirukan. Kinuha niya ang lotion sa tukador habang nakatingin sa salamin. Nakabusangot ang kanyang mukha.
"What do you think?" Balik na tanong niya.
"M-may nangyari ba sa atin kagabi? Paano!?" Frustrated na sabi ko.
Bakit kung kailan ako naglasing ay 'tsaka pa iyon nangyari?! Wala tuloy akong matandaan kahit na isang parte ng pangyayari kagabi. Meron man, ngunit malabo iyon at putol-putol. Gumulong-gulong ulit ako sa kama at sinabunutan ang sarili.
"Umayos ka nga. Mamaya may biglang pumasok, makita pa iyang tinatago mo."
Dapat ba akong matuwa na hindi siya nandiri sa nangyari sa amin, o mas lalong mainis dahil mukhang wala siyang pakealam?! Habang ako ay halos magpakamatay na rito dahil ang first time ko ay hindi ko maalala! Dapat memorable iyon, pero anong ginawa ko? Sinira ko iyon!
"Hunk!"
"H'wag ka ngang umarte riyan na akala mo ay ikaw ang virgin dito. Virgin ako, okay? Kaya dapat ako ang magwala!" Sa inis niya ay napatayo pa siya at napahawak sa magkabilang baiwang.
"Gago ka, a? Virgin kaya ako!" Sigaw ko.
"Virgin din ako!"
"E, wala namang mawawala sa iyo kung virgin ka ba o hindi, dahil lalaki ka." Nakalabi kong sabi.
"Aba'y ga!" Nilapitan niya ako, kaya napaatras ako sa kama habang hawak ang kumot na pilit pinantatakip sa aking katawan. "Malaking nawala sa akin dahil doon. Hindi ko nabigay sa boyfriend ko ang dapat na sa kanya. Ano nalang ang sasabihin niya kapag nalaman niyang hindi na ako birhen!?"
Hindi na ako sumagot. Sumimangot nalang ako. Kahit kailan talaga ay mas iniisip niya ang sarili niya kaysa sa ibang tao. Hindi niya maintindihan na mahalaga para sa akin iyon dahil una ko iyon. Wala naman talagang nawala sa kanya dahil lalaki siya, nag-iinarte lang siya na akala mo ay babae rin na malalaman ni Gym na hindi na siya birhen.
"Umayos ka na riyan, Eager, h'wag mo akong bwisitin." Lumayo na siya para ayusin ang sarili.
"Tatanong lang ako, Hunk. P'wede?" Parang batang tanong ko.
"Ano?" Nakatingin siya sa salamin habang nilalagyan ng foundation ang mukha.
"Magaling ba ako? Masarap ba? O nagkasya ka ba s aakin?" Sunod-sunod na tanong ko.
Dahil doon ay napa-ubo siya ng wala sa oras at kahit na wala siyang kinakain ay nasamid siya. Magkasalubong ang kilay niya habang patuloy pa rin sa pag-ubo. Namumula ang buong mukha, hindi ko alam kung dahil ba sa pag-ubo, o dahil sa nahihiya siya sa tanong ko.
"Jongoloids! Nakakadiri kaya! Pranella..." hinilot pa niya ang sentido niya.
"Bakit nangyari iyon kung nandidiri ka?" Nakasimangot kong tanong.
Sumeryoso ang mukha niya at bigla kong naalala ang kaunting nangyari kagabi. Ganyan din niya ako tignan noong dalhin niya ako rito sa kwarto. Tinatawanan ko pa siya at... hindi ko nanaman matandaan ang iba.
Lumapit siya sa akin at kahit gusto kong umatras ay wala akong magawa dahil parang na-estatwa ang katawan ko sa kinalalagyan ko. Ang gwapo niya kasi tuwing ganyan ang tingin niya. Pakiramdam ko ay lalaki siya, kahit naaamoy kong hindi.
Bumaba ang tingin niya sa akin. Humawak siya sa headboard ng kama habang nakababa siya sa akin. Kaunting tulak nalang ay magdidikit na ang labi namin. Kinagat ko ang labi ko dahil baka bigla niya akong halikan at nakakahiya dahil tuyo pa ang labi ko dahil kagigising ko palang.
"Babae man ang puso ko, lalaki pa rin ang katawan ko." He whispered.
"We?" Mahinang sabi ko. "Talaga ba?" Dinakma ko ang gitna niya.
Literal na nakagat ko ang labi ko nang mahawakan ko iyon. Ang tigas! Parang batuta na handa nang makipaglaban sa g'yera. Nagulat ako roon kaya nagdugo ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko.
"Pero babae pa rin ako! Kadiri ka talaga. Lagi mo nalang akong pinagsasamantalahan!" Sigaw niya at hinawakan niya ang buhok ko para hilahin.
Gulo-gulo tuloy iyon nang bumaba kami sa room namin. Nawalan na ako nang gana mag-ayos dahil wala ako sa mood ngayon bumangon sa kama. Kung hindi lang iniisip ni Hunk ang mga kaibigan ko ay wala rin itong pakealam kung bumaba man ako at kumain, o hindi.
Pagkarating namin sa baba ay naroon na agad sa isang kainan sina Sacker. Kumaway sila, kaya roon agad ang punta naming dalawa. Hindi ko manlang magawang ngumiti ngayon dahil tinatamad akong binatin ang bibig ko. Umupo ako sa tabi ni Eyerin.
"Nag-order na kami. Ang tagal ninyo kasi," aniya at inayos pa ang buhok ko.
"Saan pala natulog ang dalawang bakㅡdalawang lalaki?" Tanong ko, sabay turo kay Gym at Vamp.
G'wapo naman talaga ang mga ito. Sayang lang talaga ang bakla sila. Kahit nga siguro maglantad sila ay marami pa rin ang hahabol sa kanila. Katulad ko nalang na pilit pa ring hinahabol-habol si Hunk. Bonus nalang ang pagbayad niya sa akin bilang asawa niya at bigyan siya ng anak.
Speaking of anak! May bigla akong naalalang itanong kay Hunk kaya kinalabit ko siya. Kunot noong nilingon niya ako kaya lumapit ako sa tainga para bumulong.
"Pinutok mo ba sa loob?" Bulong ko. Sinigurado ko talaga na walang makakarinig noon, kung 'di kaming dalawa lang.
"Hi, Ma'am and Sir, may I know your orders?" Biglang sumulpot ang babaeng iyon sa gilid ko at sakto pa sa tainga ko ang sigaw niya.
"Ay, pinutok sa loob!" Sa gulat ko ay nasabi ko kung ano ang tinanong ko kay Hunk.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko mahabol-habol ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng pagkalayo-layong milya nang wala manlang pahinga. Huminga ako ng malalim nang biglang bumagal iyon.
Nilingon ko ulit ang babae, na ngayon ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa amin. Nilingon ko ang lahat at nakitang nabitawan ni Gym ang hawak niyang kutsara, habang nakanganga naman sina Sacker sa amin. Si Hunk naman ay nakatakip ng kanyang mukha.
"H-huh?" Pilit akong tumawa.
"Ano bang sinasabi mo?!" Madiin at mahinang tanong ni Hunk.
"Itatanong ko lang naman sana kung sa loob mo ba pinutok..." mahina ko ring sabi.
Hiniling ko na sana ay lamunin nalang ako ng lupa ngayon. Nag-init ang buong mukha ko at kahit na hindi ko tignan sa salamin ay alam kong namumula iyon. Hindi ko alam kung paano gagalaw ng normal kung ganito pa rin ang tingin ng lahat sa aminㅡsa akin.
"Siguro. Ewan. Hindi ko alam! Kaloka ka."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top