Kabanata 52
Kabanata 52
Crazy
Nanatili ang tingin ko sa kanya at hindi ko alam ang gagawin ko. Napahawak ako ng mahigpit sa sling bag ko. Kahit na gusto kong umiwas ng tingin ay hindi ko magawa. Parang may sariling utak ang katawan ko at ayaw ako niyong sundin.
Hindi ko alam na magkikita pa kami. Akala ko noong pumunta kami ni Gym sa unit niya para gamutin ang sugat niya ay iyon na ang huli. Sino pa bang magaakala na magkikita kami rito?
"I saw you kaninang umaga. Pero ngayon lang kita nilapitan kasi hindi ako sigurado kung ikaw nga si Ms. Blind date." Ngisi niya.
"So, ngayong sigurado ka na na ako nga ito, umalis ka na sa harapan ko. Chupi!" Winagayway ko ang kamay ko na parang aso ang pinapaalis ko.
"Why not?" Nakapalumbaba siya sa bintana ng kanyang sasakyan. "Let's go. Hatid na kita."
"Ayaw ko nga!" Inirapan ko siya.
Last time na nagkita kami, ang sungit sungit niya. Parang isang beses ko lang yata nakita ang ngipin niya kapag nakangiti siya. Para kasing tipid na tipid siya kasi mahal ang ngiti sa kanya, e.
"Are you scared?" Natatawang sabi niya.
"Ofcourse not! Ayaw ko lang." Nag-iwas ako ng tingin.
Kung aalis ako ngayon at maglalakad hanggang sa sakayan ay wala na siyang magagawa. Pero ano bang problema ng paa ko at bakit ayaw niyang sumunod sa akin para maglakad na.
Nagiging kulay kahel na ang langit. Lumulubog na ang maliwanag na araw na nagbigay ng gabay sa buong umaga ko. Kaunting oras nalang ay maghahari na ang langit.
"Advance ka ba mag-isip?" Walang connect na tanong niya.
"So?" Inis na sabi ko.
"Baka natatakot ka sa akin dahil iniisip mo na lolokohin din kita one day?"
Kumunot ang noo ko. May sakit ba ang isang ito? Sakit sa utak?
Kahit nakakainis ay mas gusto ko pa na nagsusungit siya sa akin kaysa sa kung ano anong ka-corny-han ang sinasabi niya ngayon.
"Ha-ha nakakatawa." Sarkastiko kong sabi.
Nagsimula na akong maglakad. Mabuti nalang at bumalik na ang katinuan ko. Pero habang naglalakad ako nagpapatuloy rin siya sa pagsunod sa akin kahit na nakasakay siya sa sasakyan.
Mahina niyang pinapaandar iyon para masabayan ako. Naiirita na talaga ako!
"Anak ng buwaya naman, o! Bakit ba ang kulit mo?" Inis na sigaw ko nang hindi na ako nakapagpigil.
Nagkibit balikat siya. "Kung sumabay ka na kasi sa akin ngayon, hindi ka na maiirita."
Nanatili akong natayo at nakatingin sa kanya. Kahit hindi nakangiti ang labi niya ay sapat lang ang ngiti na binibigay ng mata niya.
Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan pa niya akong ihatid. Hindi ko naman kailangan ng maghahatid sa akin. May pera naman akong pang-taxi.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Tinaas ko ang isa kong kilay.
"Baka ikaw ang natatakot sa akin." Ngisi niya habang nakahawak sa manibela.
Nilapit ko ang mukha ko sa loob ng sasakyan niya. "Don't you think na kaya kitang patayin nang walang nakakaalam at nakakarinig ng paghingi mo ng tulong? Hindi ako katulad ng ibang babae riyan na kilala mo. So, be careful, honey." Ngisi ko.
Nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya, pero wala akong natanggap. Actually, sa inis ko ngayon ay mukhang kaya ko yata talaga siyang patayin. Pero hindi niya sineryoso ang sinabi ko.
Maya maya ay umalingawngaw na ang halakhak niya. Magkasalubong ang kilay ko, habang nakatingin sa kanya.
"Sakay na." Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan kaya muntik pa akong mapasubsob, dahil nakasandal ako roon. "Patayin mo ako kung gusto mo. Para namang kakayanin ng katawan mo ang tulad ko."
Masama ko siyang tinignan. Tumaas muli ang dalawa niyang kilay para sabihin na pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya pero hindi ko ginawa.
Bumuga ako ng hangin at nagsimula ng maglakad ulit. Narinig ko naman ang pagsunod niya sa akin, pero hindi ko siya pinansin.
Paano pala kung stalker siya? Tapos ay gusto niyang malaman ang bahay namin para roon niya kami papatayin? Baka idamay niya si Hunk sa kalokohan niya!
"Gago ka, a!" Sigaw ko sa kanya nang tumigil ako sa paglalakad.
"Ano?" Tumawa siya. "Don't worry, kung ayaw mo talaga, ihahatid nalang kita hanggang sa sakayan."
Tapos kapag nakasakay na ako, 'tsaka niya susundan ang taxi na sinasakyan ko? Para hindi magmukhang siya ang papatay sa akin!
"Ano bang kasalanan ko sa iyo?" Kunot noong tanong ko.
"H-huh? Wala. Gusto lang talaga kita ihatid."
Hindi, Eager. Huwag kang makinig sa kanya. Papatayin ka talaga niyan! Papatayin niya kayo ni Hunk!
"Bakit mo gagawin ang bagay na iyon? Wala ka bang konsensya? Wala akong kasalanan sa iyo, pero gagawin mo ang bagay na iyon? Really?!"
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tumawa siya.
"Huwag kang tumawa riyan! Sabihin mo sa akin. Sabihin mo sa akin kung bakit papatayin mo ako at ang pamilya ko?!" Madramang sigaw ko.
Hindi siya kaagad nakasagot. Nalaglag ang panga niya at kunot noong nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya pero masasabi kong naguguluhan siya ngayon.
Dahil ba hindi niya inaasahan na malalaman ko ang plano niya? Ha! Sorry nalang siya, matalino yata ito.
At pagkatapos ng ilang minuto siyang pananahimik ay bigla nalang siyang humagalpak sa tawa. Mabilis na namula ang buong mukha niya dahil sa pagtawa. Lumabas din ang ugat sa leeg niya, dahil doon.
"Magkano ba gusto mo?" Matapang na tanong ko sa kanya. "Kaso, wala pa akong pera ngayon. Puwedeng sa sahod ko nalang, 'tsaka mo gawin ang balak mo?"
Lalong lumakas ang tawa niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na siya maintindihan. Ganito ba talaga kapag nahuli ka sa dapat masamang balak mong gagawin?
"Alright. Alright. Sa sahod, ha?"
Kahit hindi ko maintindihan ay tumango nalang ako. Itutuloy niya talaga ang balak niyang papatayin niya ako kapag hindi ako nagbigay ng pera sa kanya at noong nagbigay ako ng palugit ay kinagat niya?
"Bye, Blind date! Your promise, okay?" He licked his lips.
Nang umalis na siya ay nanatili akong nakatunganga. Should I call police at sabihin ang gagawin sa akin ng sungit na iyon? Pero pakiramdam ko may mali, e. Parang iba.
Inabot na tuloy ako ng ilang oras sa labas. Hindi kaagad ako nakauwi dahil sa lalaking iyon, tapos iiwan niya ako ngayon? Aba'y magaling!
Pero, hindi ba nga gusto kong iwan niya ako? Ay, ewan, Eager, ang gulo mo!
Naalerto at nagulat ako nang may sasakyan nanaman na huminto sa gilid ko. Kinuyom ko ang kamao ko at nilagay iyon sa harapan ko para kapag may gawing masama ang nagmamay ari ng sasakyan na ito ay handa na akong suntukin siya.
Dahan dahang bumaba ang bintana ng sasakyan niya, kaya lalo akong kinabahan. Nanginginig na ako at nabablanko ang isip ko kung ano ba talaga ang gagawin ko.
"Hey!"
Naroon sa loob si Hunk na madilim ang mukha. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, habang nakatingin ng seryoso sa akin. Walang humor sa mukha niya kaya wala sa sariling binaba ko ang kamay ko at inayos ko ang sarili ko.
"Who's that?" Tanong niya nang sumakay na ako sa loob.
"What?"
"I saw you. Kanina pa ako naghihintay. Nakita kitang may kausap sa lalaki."
Nagsimula na siyang umandar. Kung kanina ay sa sling bag lang ako nakahawak, ngayon ay sa seatbelt na dahil sa bilis niyang magpatakbo.
Tuluyan na ngang bumaba ang araw at dumilim na ang paligid. Ang ilaw na mula sa iba't ibang sasakyan at streetlights ay tumatama sa madilim na mukha ni Hunk.
"Wala iyon. Officemate." Pilit akong ngumiti.
Teka, bakit ba natatakot ako? E, siya nga riyan, parang may tinatago, e. 'Tsaka, trust 'di ba?
Palihim akong tumawa sa isip ko nang makaisip ako ng palusot kapag hindi siya maniniwala sa sinabi ko. Lagi kasi niyang kinikwestyon ang tiwala ko sa kanya, kaya ito na ang pagkakataon kong siya naman ang kikwestyunin ko.
Pero imbes na magtanong pa siya ay tumango nalang siya sa sinabi ko at hindi na muling nagsalita.
Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya na parang wala siyang pakielam, o matutuwa dahil hindi ko na kailangan pang magsinungaling.
"How's your day?" Tanong niya.
"Good. Ikaw?"
Tumango siya. "Good."
Natahimik nanaman kami. Nakatingin ako sa bintana habang nakasimangot.
Wala ba talaga siyang pakielam sa akin? Hindi naman masama ang magselos, paminsan-minsan, hindi ba? Bakit ayaw niya magselos? Dahil ba bakla pa rin siya at babae ako, kaya imbes na magselos siya dahil may kausap akong lalaki ay magseselos siya dahil guwapo iyong kausap ko?
"We're here," sabi niya nang nasa harap na kami ng bahay.
Walang imik akong bumaba ng sasakyan. Binigay niya kay Manong ang susi ng sasakyan para i-park iyon. Tuloy tuloy naman ako sa kuwarto namin at nauna nang magshower.
Wala ako sa mood magbabad, kaya ilang minuto lang ay lumabas na rin ako. Naabutan ko si Hunk na nakatayo sa gilid ng kama at agad na dumapo sa akin ang tingin niya.
"What's with the attitude? May problema ba?" Tanong niya.
"Wala. Walang problema. Ang saya-saya ko nga kasi walang problema kahit may kausap akong lalaki kanina, e. Wala talaga." Pilit akong ngumiti.
Nakatapis lang ako, kaya dumiretso ako sa closet para magbihis, pero sinundan niya ako hanggang doon.
"Anong problema?" Mahinahon niyang tanong.
"Wala nga. Hindi ka nagselos, kaya walang problema." Irita na sabi ko.
Naiilang akong magbihis dahil nakatitig pa rin siya sa akinㅡpinapanuod ang bawat galaw ko. Nakasandal siya sa pader habang nakakrus sa dibdib niya ang kamay.
"That's because may tiwala ako sa iyo."
"Sabi ko nga! Kaya wala talagang problema. Super saya ko talaga ngayon, grabe. Hindi ko maexplain." Ngiti ko.
Hindi siya nagsalita.
Wala na akong pakielam. Nagbihis na ako sa harapan niya. Hindi naman ako nahihiya dati dahil ilang beses nang may nangyari sa amin, the thing is naiilang lang ako sa way ng pagtitig niya sa akin.
Nilagpasan ko siya at pumunta sa kama. Umupo ako sa gilid at inabot ko ang lotion, habang inaapply iyon sa katawan ko.
"You wanna know the truth?" Seryosong tanong niya.
"Bakit pa? Hindi ka naman nagseselos dahil wala kang pakielam sa akin. Oo na. Alam ko na." Irap ko.
Umupo siya sa gilid ko. Umiirap ako habang naglalagay ng lotion sa katawan ko. Naamoy ko ang matapang at panlalaki niyang amoy na hindi masakit sa ilong.
"Muntik na akong makabasag ng mukha kanina." Umigting ang panga niya.
"Ah, talaga? Galing naman." Walang ganang sabi ko.
"Because, I was so jealous. Selos na selos ako at kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko ay baka may magawa akong hindi maganda."
"Magagawa mo ba iyon?" Sarkastiko akong tumawa. "Bakla ka, 'di ba? Baka halikan mo pa iyong lalaki."
"What made you think na bakla pa ako?" Seryosong tanong niya.
"Sorry, hindi na ba?" Sarkastiko pa rin ako.
"Bullshit!" Biglang sigaw niya.
Napatalon ako sa gulat. Ang kaninang tapang ko ay biglang naglaho. Umatras ang dila ko at nanuyo na ang lalamunan ko. Naubusan na yata ako ng tubig sa buong katawan ko.
"Binabaliw mo ako, Eager. Baliw na baliw ako sa iyo, pero gustong gusto ko iyon. Gusto kong mabaliw sa iyo, tapos iisipin mong bakla pa ako?"
Hindi ako nagsalita. Natatakot ako na baka mas lalong lumala, kapag nagsalita pa ako.
He laughed with no humor. "Hindi ko maexplain sa iyo kung ano itong nararamdaman ko, pero may isang kanta na saktong sakto kung ano ito."
Nakatitig lang ako sa mata niya. Ang seryoso niyang mukha ay biglang lumambot. Sa pamamaraan ng pagtitig niya sa akin ay gusto niyang maramdaman at malaman ko kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman.
"Ooh, I like what you've done to me
I'm right where I wanna be
With you here in front of me
Ooh, I never felt so alive
You are my paradise..."
Tumigil siya sa pagkanta at huminga ng malalim. Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang marahang hinahawakan ang magkabila kong pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin at wala akong magawa kung 'di ang pumikit at damhin ang lahat.
"You'll never know how much I love to love you." Namamaos ang boses niyang bulong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top