Kabanata 51
Kabanata 51
Sore Eyes
Nawalan na kami ng balita kina Vamp at Eyerin. Ayaw na rin kasing mangielam ni Hunk dahil ang sabi niya ay wala naman daw iyong magandang naidudulot sa pagsasama namin.
Inabot ko ang cellphone niya sa gilid ng kama nang tumunog iyon. Nakapag-ayos na ako at ready na akong pumasok. Hinihintay ko lang si Hunk na naliligo pa at sabay na kaming kakain.
Kumunot ang noo ko nang makita na may password ang cellphone niya. Wala naman ito dati at nang subukan kong gamitin ang password na madalas niyang ginagamit ay hindi pa rin iyon bumukas. Nakailang try na ako, bago lumabas mula sa CR si Hunk.
"Kailan pa nagkaroon ng password ito?" Tinaas ko ang cellphone niya.
Mabilis siyang lumapit sa akin at inagaw ang cellphone mula sa kamay ko. Nakakunot lang ang noo ko sa kanya habang pinapanuod ko ang reaction niya. Walang imik siyang pumanhik sa closet habang mahigpit niyang hawak ang cellphone niya sa kanyang kamay.
"May tinatago ka ba?" Inis na tanong ko.
"Wala, a." Walang ganang sagot niya.
"Kung ganoon, patingin ako ng phone mo. At ano ang bago mong password? Bakit ayaw gumana niyong sinabi mo sa akin?"
"Bakit ba? Para namang mahilig ako sa babae." Sarkastiko niyang sabi.
"E, sa lalaki?" Taas-kilay kong tanong, ngunit hindi ako nakatanggap ng sagot doon mula sa kanya.
Imbes ay iniba niya ang usapan.
"Anong oras ka uuwi mamaya? Dadaanan kita."
Hindi ako sumagot sa kanya. Maganda ang mood ko kanina kasi unang araw ko ngayon sa trabaho, pero paano ako makakapag-saya kung kakaiba ang akto niya ngayon. Hindi ko siya mabasa.
Naalala ko iyong sinabi niya noon na pinanganak siyang bakla. Bakla na may gusto at mahal na babae. Ayaw kong mag-isip ng iba, pero siya itong nagbibigay ng iisipin sa akin.
"Huwag mong iniiba ang usapan, El Greco. Patingin ng cellphone mo!" Tumayo na ako.
Natigilan siya sa pagbibihis at pinanuod ang paglakad ko papunta sa kanya. Napalunok siya at napaatras. Tumawa siya ng pilit, pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko.
"Nasaan na ang tiwalang hiningi ko, Eager?"
"Paano ako magtitiwala kung ganito ka!" Kunot noong sabi ko.
"Ang tiwala, hindi ganito. Ang tiwala, kahit ayaw kong ipakita ito, alam mong wala akong ginagawang iba." Tinaas niya ang cellphone niya.
Seryoso na siya. Huminto na rin siya sa pag-atras at ako naman itong napahinto sa pag-abante. Kung way niya iyong sinabi niya sa pagdistract sa akin... well, effective.
Hindi ako makaisip ng matino ngayon dahil sa sinabi niya. Binigay ko ang buong tiwala ko sa kanya, pero hindi ko maiwasang mag-isip. Lalo na ngayon na ayaw niyang ipakita sa akin ang cellphone niya.
Hindi ko maiwasang isipin na baka niloloko niya ako, o may ginagawa siyang hindi ko gusto sa likod ko.
Ibig sabihin ba niyon ay wala akong tiwala sa kanya?
"Hoy, tulala ka!" Puna sa akin ni Gym.
Wala akong imik kanina nang ihatid ako ni Hunk. Kahit kanina ay salita siya nang salita at halata naman na papansin ay wala akong ganang pansinin ang mga sinasabi niya.
Natamaan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nabaliktad. Pakiramdam ko ngayon ay ako ang mali. Na ako itong may ginawang hindi maganda sa kanya. And I hate this feeling!
"Wala. Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi." Ngumiti ako ng pilit.
Naninibago pa ako sa mga trabaho. Ganoon naman talaga. Hindi naman basta-basta makakapag-adjust sa unang subok palang.
"Hindi ako naniniwala. Don't lie to me, Crown. Anong problema?" Kunot noong tanong niya.
Bumuntong hininga ako. Pakiramdam ko kahit na magsinungaling ako kay Gym ay hindi pa rin siya maniniwala. Ganoon niya ako kakilala na kahit hindi naman matagal ang pinagsamahan namin ay alam na niya kaagad ang galaw ko.
Nang maikwento ko sa kanya iyon ay bigla siyang nainis.
"Hindi naman basta-basta nabibigay ang tiwala. Siya ang gagawa ng paraan para kunin ang tiwala mo, hindi iyong sapilitan!" Irap niya.
"Tama naman siya, e. Bakit sa akin, malaki ang tiwala niya?"
"Ang shungaers mo, girl. To the highest level!" Inis na sabi niya.
Hindi ako nagsalita. Kaya ayaw kong sinasabi sa iba ang problema ko dahil alam kong hindi maiiwasan na magalit sila sa taong binanggit ko. Ayaw ko ng ganoon lalo na kapag mahalaga sa akin ang taong iyon.
"Hindi naman sa pinag-aaway ko kayong dalawa, ha? Pero kahit saan ako tumingin ay may mali rin talaga siya. Kung gusto niyang magtiwala ka sa kanya, dapat pinabasa niya. Hindi iyong gagamitin niya iyon, para tumigil ka."
Napaisip ako sa sinabi niya. Nagulo ang utak ko at hindi ko na alam kung ano ang tama. Ganito pala ang pakiramdam kapag tanga sa pag-ibig, ano?
"Tingin mo, Gym? Lalaki o babae?" Ngiwing tanong ko.
"Hindi ko alam, baby girl. Hindi ko na kilala si Hunk ngayon. Hindi ko rin maintindihan kung lalaki na ba siya, o bakla pa rin." Sagot niya habang nagtitinga siya.
"Lalaki naman na siya. Yata?" Hindi siguradong sabi ko.
"Ikaw lang makakapag sagot sa tanong na iyan kasi ikaw ang lagi niyang nakakasama. Pero walang halaga iyon kung lalaki ba o babae, parehas pa ring cheat iyon. Kung meron nga. Pero huwag ka munang maghinala, okay? Malaki ang chance na mali tayo."
Hindi ako nakapag-concentrate sa trabaho. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako napapagalitan. Dapat ay kapag ganito, kanina pa ako nakatikim ng sigaw, ngunit wala talaga. Baka mabait lang talaga sila.
Tinitigan ko ang cellphone ko. Walang text mula kay Hunk. Usually, kapag ganitong hindi kami magkasama ay siya ang unang magtetext sa akin at magtatanong kung ano ang nangyayari sa araw ko, para kahit sa ganoong paraan lang ay para na rin kaming magkasama.
Bumuntong hininga ako. Akala ko, lagi na kaming okay. Ngayon ko lang narealize na hindi pala puwede ang walang ups and downs sa buhay. O baka nago-overthink lang ako sa wala?
"Mukhang pagod ka yata. Gusto mo bang bukas nalang ito?" Tanong ng nagtuturo sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin.
"Hindi po, sige. Okay lang po ako."
"Hindi mo maiintindihan ito, Miss, kung wala rito ang isip mo. Okay lang naman sa akin, e." Ngumiti siya.
Tumataba na talaga ang puso ko sa bait ng mga tao rito. Totoo nga yata ang hula ni Gym na mukhang tatagal ako rito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.
Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi kay Hunk kung saan ako nagtatrabaho. Kanina sanang umaga, kaso hindi ko na nagawa dahil nawala sa isip ko. Kahit nga ngayon ay wala ang isip ko sa sarili ko. Hindi ako makapag isip ng maayos, e.
Nang makapag-out na ako ay tinext ko si Gym kung puwedeng sabay nalang kami sa pag-uwi. Tutal, mukhang hindi naman ako susunduin ni Hunk dahil sa nangyari kaninang umaga, kaso ang sabi ni Gym ay hindi raw niya ako masasabayan dahil over-time siya sa dami ng ginagawa niya.
Napagpasyahan ko na maghintay nalang ng taxi sa labas. Magkakatabi lang ang mga office at matataas na buildings dito sa kumpanya, kaya hindi mahirap makahagilap ng masasakyan.
Habang naghihintay ako ay may sasakyang huminto sa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang sasakyan na ito at kung ako ba talaga ang sadya nito. Umiwas nalang ako ng tingin at hindi pinansin iyon.
Narinig kong bumaba ang bintana niya, pero hindi pa rin ako nag angat ng tingin sa kanya. Nanatiling nasa cellphone ko ang tingin ko kahit na wala naman talaga akong katext. Napilitan nalang akong itext si Gym at sinabing may sasakyang huminto sa harapan ko na hindi ko alam, para kung sakaling makidnap ako ngayon ay alam niya.
"Hey, Blind date." Malalim na boses ang umalingawngaw kaya napilitan akong mag angat ng tingin.
Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko nang makita ang lalaking nasa sasakyan. Tumaas ang isang sulok ng labi niya at kung malinis ang mukha niya noong una ko siyang makita ay mas malinis ang mukha niya ngayon na may diamond earring sa kanang tainga niya.
"You're a sight for sore eyes." At saka siya kumindat sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top