Kabanata 50

Kabanata 50

Magaling

Tinagal pa ako ng isang linggo dahil sa requirements at nang matapos na ako sa lahat ng iyon ay saktong walang pasok si Hunk, kaya napagpasyahan naming papuntahin nalang si Eyerin at Vamp dito sa bahay para mapag-usapan ang problema nila.

Noong una ay ayaw pa ni Eyerin. Hindi ko alam kung nasabi na ba niya kay Vamp ang kalagayan niya, o talagang ayaw niya na munang pag-usapan iyon. Hindi ko alam. Masyadong malihim si Eye pagdating sa kung anong meron sa kanila ni Vamp.

May mga kilala akong naging boyfriend niya noon, pero tanging si Vamp lang ang tinago niya at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin masabi-sabi sa iba pa naming kaibigan. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko namang sinabi lang din niya sa akin dahil kaibigan ni Vamp ang asawa ko, pero kung wala akong connection sa ama ng pinagbubuntis niya ay hindi niya rin sasabihin sa akin.

"Sa tingin mo, nakapag-usap na sila?" Tanong ko kay Hunk nang maupo siya sa tabi ko.

"Siguro?" Patanong niyang sabi.

"Bakit parang wala kang pakielam?" Kunot noong tanong ko.

"Bakit apektado ka?" Ngisi niya.

"Bakit hindi ko ba kaibigan si Eyerin? I can't believe you!" Irap ko.

Huminga siya ng malalim. "Malaki na ang mga iyon. Kaya na nila ang mga gan'yang problema. May sariling isip na sila, at hindi na nila kailangan ng opinyon ng ibang tao."

"Kung makapagsalita ka riyan, parang hindi ka rin humingi ng opinyon sa ibang tao." Bulong ko, pero sapat lang para marinig niya.

"Hindi naman talaga, a? Noong ginagayuma mo ako, hindi ko sinabi sa ibang tao. Wala akong pinagsabihanㅡ"

"Anong gayuma?! Ang kapal mo rin talagang bakla ka. Ikaw nga itongㅡ"

"Shhh!" Marahas niyang pinunta sa labi ko ang kanyang hintuturo para patigilin ako sa pagsasalita. "Manahimik ka na."

"Sinimulan mo, tapos patitigilin mo ako sa pagsasalita? Alam mo, nakakainis ka talaga. Ang bakla mo! Baklita. Bakit ba kita ginusto? Bakla ka na nga, panget ka pa!"

Naiinis talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya, gayong normal naman sa amin ang mag-asaran nang ganito. Naiinis lang talaga ako sa kanya dahil mukhang tuwang tuwa pa siya sa naging reaction ko.

"Dapat nga kiligin ka sa sinabi ko, e."

"Paano naman ako kikiligin, ha, Hunk?" Inis na tanong ko.

Nilingon niya ako ngumisi. Ngumuso siya para pigilan ang ngising gusto pang sumilay. Nang hindi na niya mapigilan ay kinagat niya ang labi ko.

"Dahil hindi ko kailangan ng opinyon ng ibang tao pagdating sa iyo. Dahil mas mahalaga iyong nararamdaman ko at kung paano ko iyon mapapadama sa iyo."

Natigilan ako. Ang lahat ng inis ko sa kanya ay parang biglang naglaho na parang bula. Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso na rin dahil sa pagpigil ng ngisi. Naramdaman ko ang pagsundot niya sa tagiliran ko kaya nasapak ko ang braso niya.

"Kinikilig ka nanaman." Asar niya habang patuloy pa rin siya sa pagkiliti sa akin.

"Ano ba?! Hindi kaya!" Umirap ako sa kanya habang pinipigilan ang kamay niya sa pagsundot sa tagiliran ko. "At saka, hindi kita ginayuma, ano?"

Tumawa siya. "Kung hindi mo ako ginayuma, bakit ganito ang nararamdaman ko? Higit pa kaysa sa pagmamahal ko sa ibang tao. Pakiramdam ko, ikaw lang ang mahalaga sa mundo. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko at mahal na maㅡ"

"Stop!" Madrama kong sabi.

"Huh?" Gulat na tanong niya sa pagpapatigil ko sa kanya. Magkasalubong na ngayon ang makapal niyang kilay.

"Hindi ko na kaya, Hunk." Umiiling na sabi ko. Nanatiling seryoso habang nakatingin sa kanya.

Ngumisi siya ngunit nang makitang nanatiling seryoso ang mukha ko ay napawi ulit iyon. Inspread niya ang isa niyang kamay sa back rest ng couch, parang nakaakbay siya sa akin.

"Hindi ko na kaya ang kilig!" Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa hiya sa biglaang pagbanat ko.

Ilang oras pa kaming nagkulitan ni Hunk sa sala. Hindi na namin binuksan ang TV dahil hindi rin naman namin kailangan iyon dahil kahit kami lang ang magkausap ay hindi naman boring.

Dumating si Eyerin nang bandang alas dos ng tanghali. Ilang minuto lang din ay dumating si Vamp. Naniniwala ako na magkasabay sila at baka pinauna lang ni Vamp si Eyerin para mukhang hindi sila magkasabay.

Siniko ko si Hunk. "Sabay siguro sila? Nauna lang si Eyeㅡ" natigilan ako sa pagsasalita nang mag angat ako ng tingin at nakitang magkasalubong ang kilay niya.

"Hayaan mo sila kung magkasabay sila. Wala na dapat tayong pakielam doon."

Kinagat ko ang labi ko. Nakakainis naman ang isang ito! Ang sarap kaya panuorin ang galaw niya, lalo na ngayon na may alam ako. Hindi ko mapigilang isipin ang mga bagay na hindi halata sa kanila.

Nang maupo kaming apat sa sala ay walang gustong magsalita. Magkatabi kami ni Eyerin na hinihimas ang kanyang t'yan at si Vamp at Hunk naman ay nasa kabilang gilid. Tinignan ko si Hunk para magpatulong na umpisahan na ang pag-uusap ngunit alam kong wala talaga siyang pakielam, kaya inirapan ko nalang siya.

"Anong balak ninyo?" Ako na ang nagtanong.

"Ewan?" Nagkibit balikat si Eye. "Hindi naman ako ang lalakiㅡI meanㅡbakla, sa amin."

"Sumusobra ka na, ha? Chusa. Sinabi ko namang pananagutan kita." Maarteng sabi ni Vamp.

Napansin kong napangiwi si Eyerin. Hindi siguro siya sanay na napapakita na ni Vamp ang totoong siya. I wonder kung anong Vamp ang humaharap kay Eye noon, kaya ganito nalang ang reaction niya.

Napansin ko rin na parang napahiya at nasaktan si Eyerin sa nasabi ni Vamp. Lumunok siya at nag-iwas nalang ng tingin.

"Pakasalan mo nalang, Vamp." Walang ganang sabi ni Hunk.

"No way! Hindi ako magpapakasal sa babae, okay? At saka, paano na si Lake? Paano na ang boyfriend ko." Pinagkrus pa niya ang dalawa niyang binti na parang isang dalagang pilipina.

"Vamp, binuntis mo ang kaibigan ko tapos ganyan ka mag-isip? Magpaka lalaki ka naman kahit ngayon lang! May anak ka na. Ano nalang ang sasabihin sa iyo ng anak ninyo?" Hindi na ako nakapagpigil.

Maganda ang mood ko kanina ngunit bigla iyong nasira. Hindi ko alam na mas magagalit pa ako kay Vamp. Dati ay galit na ako sa kanya, noong hindi pa kami maayos ni Hunk. Pero mas nagagalit ako sa kanya ngayon.

"Sinabi ko namang pananagutan ko, hindi ba? Ako ang gagastos ng lahat, hanggang sa lumaki ang bata. Hindi pa ba sapat iyon?" Irap niya, sabay ayos ng kanyang buhok.

"Hindi ko kailangan ng pera mo!" Sigaw ni Eye. Walang luhang tumutulo sa mata niya ngunit ramdam ko ang emosyong nasa loob niya ngayon. "Napaka sama mo. Alam ko nang masama ka, noon pa. Pero hindi ko inakala na demonyo ka pala!"

"Hindi ba't binalaan na kita noon? Ang sabi ko sa iyo, tigilan mo na ako. Dahil ganito nga akoㅡbakla. Pero hindi ka nakinig sa akin. Hinila mo ako, hanggang sa malaglag ako at ngayong nakagawa tayo ng kamalianㅡ"

"Hindi pagkakamali ito, Vampire! Hindi ko kailanman pinagsisihan na nagkaroon ng bata na anak ko at anak mo, rito sa loob ng t'yan ko. Kung pagkakamali lang ang lahat ng ito, e 'di tumigil na tayo." Huminga ng malalim si Eye. "Hindi mo na ito anak!"

Tama ba ang ginawa kong ito? Siguro, oo. Posible ring hindi. Oo, dahil mapaguusapan nila ang problema nila dahil balita ko ay binabaliwala lang nilang dalawa ito na akala mo ay walang batang involve sa problema nila.

Hindi, dahil baka sa sobrang sama ng loob ni Eye ay may mangyari sa kanyang hindi maganda.

"Eye, calm down..."

Hinila ni Hunk si Vamp sa kusina. Mag-uusap sila at mag-uusap din kami ni Eyerin. Inalo ko siya at hinagod ang likod niya habang malalim ang hininga.

"I am calm." Mahinahon niyang sabi. "Hindi ko naman talaga kailangan ang isang iyon, e. Kaya kong palakihin ang anak namin ng mag-isa."

"Sinabi mo na ba kay Tita, o sa mga magulang ni Vamp?"

"Sinabi ko na kay Mama. Gusto niyang makilala si Vamp, pero paano ko siya ipapakilala, ha, Eager? Bakla siya. Bakla ang ama ng anak ko! Paano?!"

"Maiintindihan nila iyon. At saka, kahit bakla ang isang iyon, mabait naman siya. Nabigla lang siguro siya sa nangyayari."

Hindi siya nagsalita, kaya lalo akong kinabahan. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan niya.

"Aalis ako, Eager. Sa ibang bansa ako magbubuntis at manganganak nang hindi nalalaman ni Vamp. Ayaw ko na. Sapat na iyong mga ginawa ko noonㅡ"

"Ang chusa mo. Gaga ka rin e, 'no? Anak niya iyan. Problema ninyong dalawa ito. Kawawa ang anak mo kapag lumaking walang Tatay. Umayos ka ng pag-iisip, ha?

Kahit na sinabi ko iyon at kinumbinsi ko si Eyerin na h'wag niyang gagawin iyon ay alam kong hindi niya ako pakikinggan. Iba ang pagiisip ng babaeng iyon kaya delikado.

Umalis sila nang maggagabi na. Nagkaayos naman sila lalo na nang bumalik si Vamp at Hunk sa sala.

"Anong sinabi mo kay Vamp?" Tanong ko kay Hunk nang mahiga kami sa kama.

"Wala naman."

"Anong wala naman?" Kunot noong tanong ko.

"Tinanong ko lang kung paano naging MVP si KD, baka sakaling kaya ring gawin ni Curry." Tumawa siya.

Pinalo ko siya sa braso kaya tumawa siya. Hindi talaga nagseseryoso ang taong ito. Kita na ngang nag aalala ako sa dalawa, e. Parang wala lang talaga sa kanya.

"Kahit naman hindi MVP si Curry, magaling naman siya sa three points!" Sabi ko, nakisakay na sa trip niya.

Nakangisi niya akong nilingon. May kung anong kababalaghan sa ngisi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumaas ang dalawa niyang kilay sa akin at saka dahan dahang lumapit sa mukha ko.

"Ibig sabihin, magaling ako?" Ngising tanong niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top