Kabanata 44

Kabanata 44

Past

"What are you afraid of?" Biglang tanong niya habang nakaunan ako sa braso niya at siya naman ay iniikot-ikot ang daliri sa aking buhok. "Like... what scares you?"

Masyadong binibigay sa akin ni Hunk ang buong atensyon niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot niyang iwanan ko siya, o dahil gusto niya lang mawala sa isip niya ang masamang panaginip na kinakaharap namin ngayon?

Tumutulong sina Eyerin kina Mama para magserve sa mga bisita. Ang nakakahiya pa roon ay nagsi-leave pa sila sa mga trabaho nila para lang tumulong sa amin. Hindi ko na talaga alam kung paano ko sila pasasalamatan at hihingi ng tawad dahil mukhang hindi naappreciate ni Hunk ang effort nila.

"Daga?" Tanong na sagot ko, kaya humagalpak siya sa tawa.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "What else? Iyong mga seryosong bagay."

Inisip ko naman kung saan ako takot. Hindi ako takot sa multo, sa dugo. Hindi ko talaga alam kung saan ako takot, o hindi ko lang maisip kung ano ang kinatatakutan ko.

"Wala ako maisip. Ikaw ba?" Tanong ko.

"Me? Hmm, ang maiwan." Tinignan niya ako. "Takot akong iwanan ng taong mahalaga sa akim."

"Okay, hindi naman ako mahalaga sa iyo. Soㅡ"

"Mahalaga ka sa akin!" Mabilis niyang sabi. "Kaya nga natatakot akong iwan mo ako. Dahil mahalaga ka sa akin, Eager."

Kinagat ko ang labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng kilig ngayon, gayong ang mga taong nasa labasㅡmaging kami ni Hunkㅡay nagluluksa.

"Wala naman kasi akong dahilan para iwan ka."

"Baka magsawa ka sa akin." He looked away. Para siyang nahihiya, pero nakangisi naman ang labi niya.

"Alam mo, Hunk, sa tingin ko kailangan mo ng makausap si Gym. Mahalaga siya sa iyo, hindi ba? Noong isang araw ka pa niya nais makausap." Sabi ko na bigla ko ring pinagsisihan dahil kumunot bigla ang noo niya.

"Ayaw ko muna ng kumplikadong buhay, bah."

"Anong ibig mong sabihin?" Nilingon ko siya at hinihintay ko ang sagot mula sa kanya, ngunit wala akong natanggap.

Ilang minuto kaming natahimik. Walang kahit na anong tumatakbo sa isip ko. Pakiramdam ko ay wala ako sa sarili, kaya hindi ko na alam kung ilang minuto kaming hindi nag-uusap. Madalas ko itong nararamdaman ngayon, ang mawala sa katinuan.

Tanging tunog mula sa nakabukas na aircondition sa kwarto ang maririnig. Nakabukas ang bintana ng terrace sa kwarto ni Hunk, ngunit nakasarado ang kurtana, kaya tuwing umiihip ang malakas na hangin ay sumasasayaw iyon.

"Hunk?" Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" Namamos ang boses niya.

"Alam mo, sa tingin ko proud sa iyo ngayon si Mommy." Sabi ko.

He laughed. "Kahit na sa ngayon ay alam na niyang bakla ako?"

"Bakit? Hindi naman kasalanan ang maging bakla, a? Tunay na lalaki ka nga, masama ka namang tao. Useless."

Tumawa lang ulit siya at umiling.

"Kwentuhan mo ako..." namamaos ang boses na sabi niya.

"Anong kwento?" Natatawang tanong ko.

"Tungkol sa past mo. Kung ano ka noong bata ka. Kahit anong gusto mo."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla akong natawa. Bakit ba kasi ang random niya? Kung ano ano ang tinatanong. Hindi naman kami ganito mag-usap noon, a? Dati, sinisigaw-sigawan niya lang ako, ngayon, biglang ang lambing niya.

"Bakit mo naman nanaisin malaman iyong past ko?" Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.

"Just because," ngumisi na rin siya nang lingunin ako. "Para kunyare, kasama mo ako sa buong buhay mo."

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway nang dahil sa sinabi niya. Kahit na umuubo ako ay hindi pa rin napo-proseso ng isip ko ang sinabi niya. Para bang may joke siyang sinabi na hindi ko inaasahan.

Pero kahit malalagutan na ako ng hininga sa pag-ubo ay parang wala lang sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na akala mo ay ako naman ang nagbibiro.

"Gago ka!" Malutong na mura ko sa kanya at pinalo ko ang braso niya.

Tumayo ako at inabot ang tubig sa table na nasa gilid ng kama. Nang maayos ko ang sarili ko ay inis na nilingon ko siya. Nakaupo na siya sa kama, habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

"I thought you were just joking."

"Mamamatay na ako't lahat lahat, akala mo pa rin ay joke?" Inis na sabi ko.

"Sorry na, bah. Are you okay?"

"Mukha ba akong okay, ha? Chusa ka!" Inirapan ko siya.

Imbes na natutuwa na ako sa kanya, bigla tuloy tumaas ang dugo ko sa aking ulo dahil sa nangyari.

Kahit na alam niyang hindi biro ang pagkasamid ko ay hindi pa rin niya ako timutulungan. Kagat niya ang lower lip niya habang nakangisi sa akin na parang pinipigilan niya ang tawang gustong kumawala.

"Anong tinatawa tawa mo r'yan?" Inis na tanong ko.

"Ang cute mo kasi." Kagat labi niyang sabi.

Naiinis pa ako, Hunk, bakit pinapakilig mo kaagad ako? Masyado kang pahirap sa buhay, e 'no? Kanina lang, iniinis mo ako tapos ngayon ay pakikiligin mo ako? Aba'y ga!

"Dali, kwento mo na."

"E, bakit ba kasi? Next question, please?" Ngiting sabi ko.

Tumawa siya. "E, bakit ayaw mong sabihin?"

"E, bakit namimilit ka?"

"E, bakit iniiwasan mo?" Taas kilay niyang tanong.

"E, bakit iniisip mong may tinatago ako?"

"E, bakit meron nga ba?"

Hindi na ako nakasagot. Matigas nga pala ang ulo nitoㅡbaba at taasㅡkaya hindi ako mananalo rito kahit na mag-away pa kami magdamag. Ako lang din ang mapapagod at maiinis.

Huminga ako ng malalim. Tinignan ko siya na nakatingin na rin sa akin habang hinihintay ang kwento ko na gusto niyang marinig. Nagtanong pa ako sa kanya gamit ang mata, pero tumango lang siya.

"Perfectionist ako," simula ko. Tumango siyang muli sa akin para sabihin na magpatuloy ako. "Kaya nga sinasaktan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat kung bakit hindi perpekto lahat ng desisyong ginagawa ko."

"Past relationships, wala?" Tanong niya.

"Meron..." nag-iwas ako ng tingin. "Pero wala na iyon, hayaan mo na. Mas mahalaga ang present kaysa past." Pinilit kong tumawa, ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"I wanna know." Magkasalubong ang kilay na sabi niya.

Bumuntong hininga ako, habang bumabalik sa isipan ko ang nangyari dati. Hindi ko alam na isang araw, kailangan ko palang ikwento ang bagay na ito sa isang lalakiㅡgay.

Ang sabi nila ay ang unang pag-ibig daw ang pinaka-memorable at pinaka-pure na pag-ibig sa lahat. Lahat ay bago, katulad ng mga pakiramdam na hindi mo pa nararamdaman. Pero para sa akin ay hindi.

Dahil ang unang pag-ibig ko ang sumira sa akin. Binasag niya ang walls na tinayo ko para sa sarili ko at pagkatapos niyon ay iniwan niya akong puro bubog ang nasa paligid. Iniwan niya akong naliligo sa sarili kong dugo at iniwan niya akong hindi tumitibok ang puso ko.

Umigting ang panga ni Hunk. "Ano nararamdaman mo ngayon? Nasasaktan ka pa rin?"

"S'yempre. Lalo na kapag naalala ko," mahinang sabi ko.

"Fuck," malutong na mura niya. "Fuck! Fuck it!"

"Hoy, bah?" Takang tanong ko, dahil sa sunod sunod niyang pagmura.

"Ibig sabihin, mahal mo pa siya."

"Hindi na..." lumunok ako para matanggal ang barang nakabara sa lalamunan ko.

"Hindi ka masasaktan kung hindi mo na mahal, bah."

Hindi ako nagsalita. Hindi ko pa natatanong ang sarili ko kung wala na nga ba talaga? Pinakiramdaman ko ang sarili ko at ramdam na ramdam ko ang sugat sa puso ko na akala mo ay sariwa pa at nararamdaman ko pa ang pagtulo ng dugo mula roon.

Mahal ko pa nga ba siya?

"Hindi na nga." Sagot ko.

Hindi siya nagsalita. Tumayo siya at may inabot sa gilid ng kama. Pumunta siya sa balkonahe. Maya maya lang din ay may usok ng lumabas sa bibig niya.

He smokes?!

"Naninibago ako sa iyo," biglang sabi ko.

"What?" Kunot noong tanong niya.

Nilingon niya ako at ngayon, mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang sigarilyong nakaipit sa gitna ng dalawang daliri niya habang umuusok iyon. Umihip ang malakas na hangin at dinala niyon ang usok na mula roon. Napatakip ako ng ilong ko.

"Somehow, namimiss ko iyong dati. Iyong dating Hunk na maarte."

"Bakit? Ayaw mo ba na ganito ako?" Tanong niya.

Tinignan ko siya. Hindi ganyan ang Hunk na kilala ko. Naiintindihan ko naman dahil nasasaktan pa siya ngayon dahil sa nangyari kay Mommy. Kahit hindi niya sabihin ay pinipilit lang niyang maging matatag sa harapan ko.

Umiling ako. "Mas gusto ko iyong totoong ikaw. Kung sino ka talaga, Hunk. Dahil iyon ang nagustuhan ko sa iyo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top