Kabanata 43
Kabanata 43
Secret
Sumunod na araw ay hindi hinahayaan ni Hunk na mawala ako sa tabi niya at hindi ko rin siya iniiwan. Tanging ako at ang Daddy lang niya ang kinakausap niya. Hindi ko na siya tinanong kung bakit, ang mahalaga ay kinakausap na niya ako.
"Kain na muna tayo, bah." Bungad niya sa akin nang matapos akong maligo.
Namamaga pa rin ang mata niya at namumula ang pisngi niya, pero hindi na siya umiiyak. Kahit ganoo'y halata pa rin ang pagka walang buhay ng mata niya tuwing tinitignan ko. Alam kong hindi pa nawawala ang sakit na nararamdaman niya, kaya hahayaan ko muna siya.
"Ayaw mong kumain sa baba? Naroon silaㅡ"
"Dito nalang tayo. Maraming tao sa baba, hindi ka makakakain ng maayos."
"Bakit ako ang iniisip mo? Dapat sarili mo ang isipin mo." Sabi ko sa kanya, habang inaayos ang pagkain na kinuha niya sa terrace.
"Magiging okay lang ako kapag alam kong okay ka." Mahinang sabi niya na halos hindi ko pa narinig.
Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang kilig. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at bakit ganyan siya. Parang mas gusto ko nalang na umiyak siya maghapon, kaysa sa pinapakita niya sa aking matatag siya, kahit na sa totoo lang ay hindi naman.
"Hindi naman kita iiwan, Hunk, e. Hindi mo na kailangan pang alagaan ako."
Iyon ang naiisip kong dahilan. Baka kaya ganito siya sa akin ngayon ay dahil takot siyang maiwan ulit. What made him think na iiwan ko siya? Kung dati palang ay balak ko na iyon, sana noong inis na inis pa ako sa kanya. Ngayon, malabong malabo na mangyari iyon.
"Mukha ka kasing bata, kaya ang sarap mong alagaan. Shunga shunga pa. Paano nalang kung pinabayaan kita? Baka puro kashungaan nalang gawin mo?" Aniya habang nakataas ang isang sulok ng labi niya.
"Chusa ka!" Inis na sabi ko. "Akala ko naman kung ano na. Iyon pala, puro panlalait iyang nasa isip mo."
Tumawa siya. "S'yempre, joke lang iyon. Alam mo na ang dahilan kung bakit kita inaalagaan."
"Huh? Alam ko ba? Parang hindi yata?" Sarkastiko kong sabi.
Tinatago ko ang ngiting gustong sumilay. Ang lakas ng epekto niya sa akin. At natatakot ako, dahil palakas nang palakas iyon araw-araw. Kahit nakikita ko palang siya ay lalong nadadagdagan ang pagka hanga ko sa kanya.
"Basta, alam mo na iyon."
"Hindi ko nga alam." Ngising sabi ko.
Umirap siya. "Dahil gusto kita. Hindi ba't sinabi ko na sa iyo iyon?"
"Ay, oo nga pala. Sorry, nakalimutan ko bigla."
Tumawa na ako dahil hindi na maipinta ang mukha niya sa inis sa akin. Alam ko naman iyon. Binibiro ko lang siya.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko nga lang alam kung napagaan ko nga rin ba ang pakiramdam niya. Naiintindihan ko naman kung hindi, dahil sa bigat ng pinagdadaanan niya.
"Paano na ako ngayon, Eager?" Biglang tanong niya nang inaayos ko na ang pinagkainan namin.
"Hunk..."
"Paano na ako ngayong wala na si Mommy sa tabi ko?" Mahinang sabi niya.
"May isa ka pang Nanay, Hunk. You also have my Mama..." nakangiting sabi ko.
Tinalikuran ko siya dahil ayaw kong makita niya ang pagtulo ng luha ko. Inayos ko na ang pinagkainan namin. Lumabas ako ng kwarto, para ilagay ito sa kusina at pagkalabas ko palang ay agad nang tumulo ang luha ko sa mata ko.
Tuloy tuloy iyon na parang sirang gripo. Naninikip ang dibdib ko. Ang hirap magmukhang matatag sa harapan niya, kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang yakapin at mag iyakan kaming dalawa. Makikinig ako sa mga kwento niya tungkol kay Mommy at hihintayin ko siyang makatulog, bago ako matulog.
Pero hindi ganoon ang nangyayari. Pinipilit naming maging matatag para sa isa't isa.
"Eager, you okay?" Dinaluhan ako ni Vamp nang makita niya ang kalagayan ko.
"Ang sakit makita siyang nasasaktan, Vamp at wala akong magawa para gamutin siya." Umiiyak na sabi ko.
Dumating naman si Germ at kinuha ang plato sa kamay ko. Niyakap naman agad ako ni Vamp at umiyak ako sa dibdib niya. Hinagod niya ang likod ko, habang nakikinig siya sa sinasabi ko.
"Okay lang masaktan, Eager. Parte iyon ng buhay ng tao. Ang hindi okay ay ang itago iyon."
Sabay kaming bumaba nang maging maayos na ang kalagayan ko. Pumunta kami sa kusina kung saan naroon ang iba pa naming kaibigan. Nilapitan kaagad ako ni Gym at tinignan niya ako gamit ang nagtatanong niyang mga mata.
"Kamusta si Hunk?" Si Sacker ang nagtanong.
Umiling ako. "Hindi namin masyadong pinaguusapan ang bagay na ito."
"Mumsh, kailangan ninyong pagusapan. Hindi p'wedeng hayaan ninyo nalang na maghilom ang mga sakit. Dahil pagdating ng araw ay maiipon nang maiipon iyan." Si Eyerin.
"Lalim ng hugot, a?" Asar sa kanya ni Pure.
"Nagsasabi lang ng totoo." Nagkibit balikat siya at nagiwas ng tingin.
Tama nga si Eyerin. Dapat naming pagusapan ito. Kung iiyak man siya, hahayaan ko lang siya hanggang sa unti-unting mabawasan ang bigat ng dibdib niya. Alam kong kailangan din niya ng comfort at hindi niya iyon makukuha sa akin kung magpapatigasan kaming maging strong para sa isa't isa.
Paakyat na ako ng hagdan nang biglang higitin ni Gym ang braso ko. Lumingon muna siya sa paligid na puno ng tao, ngunit walang pakielam sa amin, bago nagsalita.
"P'wede ko na kaya siyang kausapin?" Tanong niya.
"Hindi ko alam, Gym. Kakausapin ko siya ngayon at itatanong ko iyan. Sasabihin ko kaagad sa iyo ang sagot niya." Ngumiti ako.
Tumango naman siya at ngumiti rin. Binitawan niya ang braso ko, kaya nagpatuloy na ako sa pag-akyat. Nasa tapat palang ako ng kwarto ay rinig na rinig ko na kaagad ang hikbi ni Hunk.
Naninikip na agad ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano ako eeksena ngayon. Huminga ako ng malalim at unti-unting binuksan ang pinto. Akala ko ay titigil siya sa pag-iyak, ngunit nagpatuloy lang siya na akala mo ay walang pumasok sa kwarto.
Umupo ako sa gilid niya at niyakap siya. Hindi ko na rin napigilan ang iyak na kanina ko pa pinipigilan. Nagulat ako nang bigla niyang pinadausdos sa baiwang ko ang dalawang kamay niya at mahigpit akong niyakap.
"Baba..." pumipiyok ang boses na sabi niya.
"Iiyak mo lang iyan, baba. Kahit wala man ngayon si Mommy sa tabi natin ay mananatili siya r'yan. Sa puso mo."
Ilang minuto siyang umiyak, hanggang sa tumigil na siya. Tulala siya sa kawalan. Akala ko ay hindi nanaman niya ako kakausapin, ngunit bigla niya akong nilingon at nginitian.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko, baba." Malambing na sabi niya.
"Sus, naiinlove ka na yata sa akin, a?" Biro ko sa kanya. "Ano, Hunk, mahal mo na yata ako, e. Umamin ka!" Kantyaw ko sa kanya at tumawa siya.
"I lost!" Tumingala siya at sinandal ang ulo niya sa headboard ng kama niya habang nakapikit ng mariin. "Natalo mo ako, Eager."
"Pinagsasabi mo r'yan?" Tumatawang sabi ko.
Nilingon niya ako at ngumiti nang malaman. He licked his lower lip, kaya namasa iyon at pumula. Ang mata niya ay namamaga pa rin at namumula, maging ang ilong niya. Ngunit kahit na ganoon ay hindi nabawasan ang dating niya dahil doon.
"Secret." Huminga siya ng malaman. "Balang araw, malalaman mo rin kung ano iyon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top