Kabanata 39
Kabanata 39
Effort
Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos sabihin sa akin ni Hunk ang parusang binigay niya. Hindi ko na rin muna kinausap si Gym dahil gusto kong magtiwala kay Hunky kahit na hindi naman talaga big deal ang opinyon ko.
Dalawang araw na rin akong naiinis sa pang asar na ginagawa niya sa akin. Minsan ay dadaanan niya lang ako at kapag nakita niyang naiinis ako ay ngingisi pa siya. Hindi ko alam kung anong trip ng baklang ito.
Katulad nalang ngayon, nasa loob ako ng CR para magtoothbrush nang bigla nalang siyang pumasok din sa loob. Sandali niya akong tinignan at bumuntong hininga siya habang nakangiti na akala mo ay tuwang tuwa sa nakikita niyang resulta ng pang asar niya kaya inirapan ko siya.
"Tabi nga." Marahas niya akong tinulak, para siya ang makaharap sa salamin.
"Ano ba!" Kahit na punong puno ng bula ang bunganga ko ay wala akong pakielam.
Sandali lang niya akong nilingon at hindi pinansin. Kinuha niya ang toothbrush niya sa lagayan at nilagyan ng toothpaste. Tumingin siya sa repleksyon niya sa salamin habang nagsisilpilyo.
Sa inis ko ay hindi ko nalang din siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagtoothbrush. Pero ang baklitang ito ay hindi talaga natatahimik hangga't hindi ko nasasabunutan ang kanyang buhok.
Tinulak pa niya ako gamit ang tagiliran niya hanggang sa angkinin niya na ang buong sink. Hindi na ako nakapagtimpi at marahas ko rin siyang tinulak, ngunit kahit na pusong babae siya ay mas malakas pa rin siya kaysa sa akin.
"Hindi ka na nakakatuwa!" Sigaw ko.
"That's why no one's laughing." Sarkastiko niyang sabi.
"Ano bang trip mo sa buhay? Ang asarin ako? At ano naman ang napapala mo?!"
Tinapos niya ang pagsisilpilyo ay hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko kaya akala ko ay hindi na niya sasagutin iyon. Ngunit nang maayos niya ang toothbrush niya sa lagayan ay agad niya akong nilingon.
"Trip ko sa buhay? Ikaw. Ang asarin ka? Medyo." Inabot niya ang towel sa gilid at nagpunas ng baba. "At anong napapala ko?" Bumaba ang mukha niya sa akin, diretso sa tainga ko ang bibig niya. "Sikretong malupit..." bulong niya na halos dumikit pa ang labi niya sa gilid ng tainga ko.
At pagkatapos niyon ay bigla nalang siyang lumabas ng CR.
Naiwan akong laglag ang panga at hindi makapaniwala sa narinig. Hindi naman siguro ako bingi, hindi ba? Sinabi niya talagang ako ang trip niya sa buhay? 'Di ba? 'Di ba?
"Hunky, ang chusa mo!" Sigaw ko.
Sinabi niya iyon para lalo akong asarin. Alam niyang iisipin ko iyong sinabi niya at kapag tinanong ko siya ay hindi rin niya sasagutin ng maayos iyon.
Nakakainis! Ganito pala ang kapalit ng paghingi ko ng tawad sa kanya. Sana ay hindi ko nalang pala binaba ang sarili ko na humingi ng tawad sa sinabi ko!
Paglabas ko ng CR ay nagulat ako nang makita kong may bulaklak sa kama. Kuminang ang mata ko dahil sa ganda ng mga ito. Siguro ay binigay kay Hunky ito. Ang swerte talaga ng bakla!
Babae nga ako, wala namang lalaki na nagbibigay sa akin ng bulaklak.
"Sinong nagbigay sa iyo? Wow." Sabi ko at hinawakan at inamoy amoy iyon.
"Iyong tindera..." aniya habang nasa closet, naghahanap ng susuoting pantulog.
"H-huh? Pati tindera nakuha mo ang loob? Ibang klase. Ibang level na iyang kagandahan mo, bakla!"
Tinignan ko siya nang hindi siya sumagot sa sinabi ko. Bago ito, a? Dati ay tuwang tuwa siya sa mga puri ko. Pero ngayon, namumula ang buong mukha niya at umiiwas ang tingin niya sa akin.
Kumunot ang noo ko.
"Namumula ka ba? May lagnat ka?" Tanong ko.
"Wala." Tinalikuran niya ako para isuot ang puting sando na nakuha niya.
Kulay grey ang suot niyang boxer short at naka apple hair ang style ng buhok niya. Pinanuod ko ang bawat galaw niya, hanggang sa umupo siya sa harapan ng tukador. Kinuha niya ang lotion sa gilid at nagsimula na siyang mag apply niyon sa katawan niya.
Binalingan kong muli ang mga bulaklak na hawak ko. Mabango siya! Iyong naamoy ko dati noong college ako ay wala namang amoy. Siguro iba iyon. At saka, mukhang mamahalin ang isang ito. Bigatin siguro ang bagong lalaki ni Hunky, o baka naman ay si Gym ang nagbigay nito. Sabagay, galante naman ang isang iyonㅡ
"Sa iyo iyan..." bigla siyang umubo, kaya hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.
"H-huh? Anong sabi mo?"
"Sa iyo..." nag iwas siya ng tingin nang tignan ko ang repleksyon niya sa salamin.
Alin ang akin? Hindi ko maintindihan.
Pero mukhang alam ko na. Ayaw ko lang pangunahan dahil ayaw kong masaktan. Nanginig bigla ang kamay ko at parang may kuryenteng sira sa katawan ko na nagpapatay-sindi na nagdadagdag ng kakaibang pakiramdam sa buong sistema ko.
"I bought that for you. Sa iyo iyan. Sa Dangwa ako dinala ng waze kanina, kaya naisipan kong bilhan ka..." hindi pa rin niya ako tinitignan.
"Waze? Alam mo naman ang daan pauwi, a? Bakit nagㅡ" hindi ko na tinapos ang sinasabi ko at piniling tumahimik nalang.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang malawak na ngising gustong sumilay roon. Ang mga bulate sa t'yan ko ay parang nadagdagan dahil sa sobra-sobrang dami ng nagwawala roon ngayon, kumpara sa dati.
Pasimple kong inamoy iyon. Baka kapag nagpatuloy ako sa pagsinghot dito ay baka maubos ko na ang amoy niyon, kaya tinigil ko na. Naguumapaw ang pakiramdam ko ngayon at para na akong sasabog sa saya.
"Salamat, bah."
Kaya kinabukasan ay naisipan kong agahan ang paggising para lutuan siya. Pakiramdam ko ay sapat na ang tinuro sa akin ni Mommy noong pununta kami roon, kaya baka naman p'wede ko ng lutuan si Hunk ng kahit breakfast lang.
"Ano ho bang gusto ninyong lutuin?" Tanong ni Manang Maria.
"Prito lang naman po, Manang. At saka..." nag-isip pa ako ng kakaibang breakfast. "Toasted bread!"
"Ay, sige ho, Ma'am Eager, ihahanda ko na ho ang oven." Akmang aalis na si Manang Maria para ihanda ang oven nang pigilan ko siya.
"Manang, mas may effort siguro kung ipriprito ko nalang din ho ang tinapay."
Naguluhan pa siya sa sinabi ko, pero wala siyang nagawa sa gusto kong gawin. Habang wala akong ginagawa ay nililipat ko ang bulaklak na binigay sa akin ni Hunk sa flower base. Kumakanta-kanta pa ako. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon!
Katulad ng dati ay marami akong paso, pagkatapos kong maprito ang breakfast ni Hunk. Ang ibang tinapay ay nasunog dahil hindi ko mabantayan ng maigi. Pero overall, okay na ngayon ang luto ko kumpara sa dati.
"Good morning, bah!" Masigla kong bati nang pumasok siya sa kusina.
"Wala ka sa tabi ko noong nagising ako..." namamaos ang boses na sabi niya.
"Dali, kumain ka na! Luto kong lahat ito."
"Hindi ba't sinabi ko ng h'wag ka nang maglutoㅡ"
"Kainis ka!"
Ngumisi lang siya at biglang kinuha ang toasted bread na sunog sa gilid. Iyon pa ang inuna niyang kainin, kaysa sa mga maayos naman na pagkakaluto sa gilid.
"Anong lasa? Okay naman?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Bitter..."
Tinaas ko ang kamao ko at inambaan siya ng suntok, kaya pinagkrus niya ang dalawang kamay niya sa kanyang harapan at tumawa. Ibababa ko na sana ang kamay ko nang marahas niya iyong hinablot.
Ang kaninang tumatawa niyang itsura ay naging seryoso nang makita ang paso ko. Lumukot ang noo niya at masasabi kong masesermunan nanaman ako nito.
"Gustong gusto mo talagang sinasaktan ang sarili mo, ano?" Inis na sambit niya.
"Napaso lang ito dahil sa pagprito ko ng toasted breadㅡ"
"May oven naman, Eager!"
"Naisip ko kasi... walang effort pag gumamit ako ng oven."
Nagulat siya sa sinabi ko. Napansin ko ang paglaki-laki ng butas ng ilong niya at ang paggalaw ng labi niya na parang may pinipigilan siya sa sarili niya. Umubo siya at biglang inayos ang kanyang mukha.
"Nageffort ka? Para sa akin?" Hindi ko maipaliwanag ang tono ng boses niya nang tanungin niya iyon.
Tumango ako. "Oo, kaya hayaan mo na iyan. Worth it naman dahil medyo natututo na ako..."
Binitawan niya ang kamay ko at hindi na nagsalita. Tahimik lang siya habang sunod sunod ang pagsubo niya sa niluto ko. Halos maubos na niya lahat ng iyon at kahit ang pinakamaitim na naprito ko kanina ay kinain niya pa rin.
Napangiti ako. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kanya. Paminsan minsan ay sumusubo rin ako sa pagkaing nasa harapan ko, ngunit ang makitang gustong gusto niya ang luto ko ay sapat na sa akin. Busog na ako.
"Pero, hindi pa rin effort na matatawag ang nakuha mong paso dahil sa pagluluto. Ang effort para sa akin ay ang alagaan ang sarili mo at hindi ka nasasaktan."
***
Hi! May BaekYeon story nga pala akes. "Circus" ang title. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top