Kabanata 38
Kabanata 38
No Kissing
Umiling ako. Hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi. Kitang kita ng dalawang mata ko iyong mga tingin niya roon sa lalaki. At pakiramdam ko ay tama rin ang sinasabi sa akin ni Gym. Kaya hindi totoo ang sinasabi ni Hunk.
"I can't believe this," umiiling na sabi ko. "It's insane."
"So, don't believe it. Believe me." sabi niya.
Nakakunot ang kanyang noo na para bang nahihirapan na siya kung paano niya ipapaintindi sa akin ang punto niya na hindi ko maintindihan. Actually, naiintindihan ko naman. Hindi lang ako naniniwala.
Umaapaw ang nararamdaman ko ngayon, kaya hindi na ako nagulat nang maramdaman ko nanaman ang mainit na likidong lumandas sa pisngi ko. Ganito ako tuwing hindi ko alam kung paano ko ilalabas lahat ng nararamdaman ko. Umiiyak ako hanggang sa mamanhid ako at parang patay na wala nang nararamdaman.
"Bah..." malambing na tawag niya sa akin.
"Sinira mo ang tiwalangㅡ"
"Seriously, Eager? Wala ka pang binibigay na tiwala sa akin. Kaya paano ko iyon masisira?" Ginulo niya ang buhok niya at napansin kong namumula na rin ang mata niya. "Damn it! Kahit anong paliwanag naman ang sabihin ko sa iyo ngayon ay alam kong hindi ka maniniwala sa akin."
Niluwagan niya ang neck tie niya at marahas iyon na hinubad. Binato niya iyon sa kama na halos mapatalon pa ako sa gulat. Rinig na rinig ko ang malakas at marahas niyang buntong hininga, habang nilagpasan ako para pumasok sa CR.
Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa pag iyak. Lalo lang ako naguluhan. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Si Hunk ba na nakita ko talagang may kasamang lalaki pero sinasabing wala naman, o si Gym?
Matagal bago lumabas sa CR si Hunk. Nakahiga na ako ngayon sa kama habang nakatalikod sa pwesto niya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa comforter na nakabalot sa akin habang nararamdaman ko ang pag-aayos niya sa kanyang sarili.
Malakas na kumabog ang dibdib ko nang maramdaman kong lumapit na siya sa kama. Pinikit ko ng mariin ang mata ko at kinagat ng madiin ang pang-ibabang labi. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon, pagkatapos ng sagutan namin kanina.
Akala ko ay hihiga na siya, ngunit biglang bumukas ang pinto kaya nilingon ko iyon.
Dala dala ang dalawang unan ay ang palabas ng kwarto na si Hunk. Nilingon niya muna ako bago tuluyang umalis, kaya naabutan niya akong nakatingin sa kanya. Hindi ko na nagawang mag-iwas ng tingin dahil nahuli na rin naman niya ako. Gamit ang mata kong nakatingin sa mata niyang walang emosyon ay nagtatanong kung saan siya pupunta at anong gagawin niya sa dalawang unan na dala.
"Sa guest room na ako matutulog. Baka ayaw mo ng katabi," aniya.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Anong ayaw ko siyang katabi? Balak ko na nga sanang humingi ng tawad sa mga sinabi ko kanina dahil wala naman akong karapatang magalit sa personal niyang buhay, dahil hindi naman kami totoong kasal.
Binuka ko pa ang labi ko, para sana pigilan siya ngunit mabilis na niyang naisarado ang pintuan at nakaalis na siya.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa ceiling. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Well, hindi pakiramdam. Kasalanan ko talaga! Dapat ay inintindi ko nalang siya. Kung gusto niya ng ibang lalaki, dapat hinayaan ko siya dahil hindi ko naman hawak ang buhay niya!
Kinatok ko ang noo ko sa inis. Agad din akong nasaktan, kaya hinimas ko iyon at sumimangot nalang.
"Ang tanga naman kasi. Ang dami kong arte! E, paki ko ba sana? Mahal ka ba, ha, Eager? Hindi naman, a! Chusa ka talaga kahit kailan!"
Nagpagulong gulong ako sa kama. Hindi ko alam kung anong gagawin. Dapat ko ba siyang sundan at sabihin na rito nalang siya matulog, dahil gusto ko siyang katabi?
Bakit kasi ang arte ko! Paiyak-iyak pa ako kanina. Ano? Kinareer mo na pagiging asawa, Eager?!
Kahit na anong pikit ang gawin ko sa aking mata at kahit ilang tupa na ang nabilang ko ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Dilat na dilat pa rin ang mata ko at parang uminom ako ng isang galon na kape dahil sa tibay ng mata ko.
Bumangon ako sa inis. Napatingin ako sa salamin sa gilid at sandali pang nagulat dahil akala ko ay may multo, iyon pala ang ako lang.
Inayos ko ang gulo gulo kong buhok at tumayo na. Hihingi nalang ako ng tawad sa kanya. Kahit na nakakababa ng pride, kaysa naman ganito na hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang bigla akong may naalala.
"Pero, hindi ka ba nahihiya sa paiyak-iyak at linyahan mo kanina?" Biglang sabi ko sa sarili ko kaya napaatras nanaman akong muli.
Kahit nakakahiya, kasalanan ko pa rin. Kaya kailangan pa rin akong humingi ng tawad! Hindi ko naman siguro hihintayin na siya pa ang humingi ng tawad, ano? Dahil unang una sa lahat, wala naman siyang kasalanan. Ako lang itong pabebe.
Matapang kong binuksan ang pintuan at tumitig sa pintuan ng kwartong nasa harapan koㅡang guest room.
Sumayad ang mahaba kong pajama sa lapag, habang kinakain na rin ng sleeves ko ang kamay ko. Ganoon kahaba ang suot kong pantulog. Si Hunk ang bumili nito, kulay pink pa nga, e.
Tinaas ko ang kamay ko para katukin sana ang pinto ngunit agad ko ring binawi dahil naisip ko na hindi ko kaya. Nahihiya talaga ako! Baka nahalata ni Hunky na may gusto ako sa kanya, dahil sa inakto ko!
"Bahala na nga."
Kumatok ako ng isang beses. Sa sobrang hina ng katok ko ay parang ipis lang ang kumakatok. Huminga ako ng malalim at lumunok, dahil sa barang nasa lalamunan ko.
"H-hunky?" Kinagat ko ang labi ko dahil nabulol pa ako sa pagbigka ng pangalan niya.
Nababaliw na yata ako!
"B-bah?" Kumatok akong muli, pero walang sumasagot.
Baka naman naririnig niya ako at sinasadya niyang hindi ako pakinggan, dahil naiinis siya sa akin? Ganti nalang niya ito dahil sa mga sinabi ko sa kanya?!
Aba, Eager, h'wag ka ngang mainis d'yan! Dapat lang na gumanti siya, ano. Dahil sobra na iyang bunganga mo!
"Papasok na ako..." dahan dahan kong pinihit ang door knob.
Ngunit bago ko pa mabuksan ng tuluyan iyon ay kusa na iyong bumukas. Nagulat ako roon, kaya napaatras ako, ngunit dahil sa mahaba kong pajama ay napatid ako. Napatili ako at hindi ko alam kung saan ako hahawak para hindi ako tuluyang mawalan ng balanse.
"Ay, kabayong ni-rape ng manok!" Tili ko sa gulat.
Bigla kong naramdaman ang magaspang na kamay sa baiwang ko, kaya agad din akong napahawak sa matigas na balikat ni Hunk. Napisil ko pa iyon dahil sa gulat.
Grabe namang baklang ito, parang may nagwawala sa braso niya sa tigas!
"What are you doing here? Bakit hindi ka pa natutulog?" Bulong niya sa leeg ko at nakiliti pa ako sa mainit niyang hininga roon.
Nang bumalik na ang katinuan ko ay umayos na ako ng pagkakatayo at binitawan ko na rin siya. I cleared my throat. Inayos ko na rin ang buhok ko. Pero ang panginginig ng kamay at binto ko ay hindi ko maayos.
"A-ano..." hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.
"Ano?" Sumandal siya sa bukana ng pintuan habang nakatingin sa akin, pinapanuod ako.
His
"S-sorry. Sorry sa inasta ko. Ang arte ko!" Tumawa ako ng pilit. "Hindi dapat ganoon, hindi ba? We shouldn't make this a big deal. Kasi hindi naman talaga tayo totoong kasal, so why the heck should I care. Hindi mo ako niloloko, dahil personal iyon kaya hindi dapat ako ganoon umasta." Kinagat ko ang labi ko.
"Really?" May panunuya sa kanyang boses.
"Really." Inangat ko ang tingin ko sa kanya at saktong kuminang ang diamon earring sa kanyang tainga. "Sorry, Hunky, ha?" Hindi pa rin ako makangiti ng maayos, kaya pinilit ko ulit iyon.
Imbes na sagutin ang sinasabi ko ay biglang bumaba ang mukha niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at umatras ng kaunti, ngunit nasalo niya ang baiwang ko. Sa sobrang lapit ng mukha niya ngayon ay halos maramdaman ko na ang ilong niya sa pisngi ko.
Gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan niya ang baba ko at marahang pinaharap sa kanya. Halos maduling naman ako sa lapit niya sa akin. Bumaba ang tingin ko mula sa mata niyang nakatingin sa labi ko, hanggang sa labi niyang nakaawang.
His touch made me a little dizzy.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang halik niya sa noo ko. Sa ilong ko. At hinihintay kong lumanding iyon sa labi ko. Umawang na rin ang labi ko dahil sa paghihintay, ngunit nabigo ako.
"Naalala mo iyong sinabi ko sa iyong parusa?" Napapaos ang boses na sabi niya.
"H-huh?" Pakiramdam ko ang nabuhol na ang utak ko dahil sa ginawa niya.
Nang hindi na makayanan ang nararamdaman ay tumingkayad ako para maabot ko ang labi niya. Mahigpit kong sinabit ang kamay ko sa balikat niya, ngunit bago ko pa siya mahalikan sa labi ay bigla niyang iniwas ang kanyang mukha.
"What the hell?!" Malutong na sabi ko dahil sa ginawa niya.
What's wrong with this gay?!
Tumaas ang isang sulok ng labi niya na parang tuwang tuwa siya sa nangyayari. Nanatiling nakasabit ang braso ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang hawak niya sa baiwang ko at gusto kong magwala ngayon dahil sa bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buo kong sistema.
"Ito ang parusa. No kissing."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top