Kabanata 37

Kabanata 37

Always

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. Tanging ang malalalim na hininga lang namin ang naririnig, habang ang sinag na nagmumula sa buwan na pumapasok sa bukas naming bintana ang nagbibigay ng liwanag para makita namin ang isa't isa.

Only Hunk, could look cool in pajama bottoms and an old grey v neck t-shirt.

Fat lot of use you are.

"Hunk, I'm sorry, okay?" Bago pa ako mawala sa katinuan ko ay ako na ang mismong umiwas sa kanya. "Pagod ako ngayon at inaantok na. So, kung hindi mo mamasamain ay magsho-shower na ako at matutulog."

Tinalikuran ko siya at inabot ang towel sa gilid para ilagay iyon sa bagsak kong balikat. Hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito ngayon. Hindi ito tama. Walang tama pagdating sa unrequited loveㅡwait, Love?

Masyadong malalim ang salitang iyan. Hindi ko kailanman p'wedeng sabihin iyan sa isang tao kapag hindi pa ako sigurado. Naguguluhan pa ako sa ngayon, kaya wala akong karapatang gamitin ang salitang "love" pagdating kay Hunk.

"Umiiwas ka nanaman..." he whispered, pero sapat lamang sa pandinig ko.

Hawak ko na nang mahigpit ang door knob ng CR at akmang bubuksan ito nang mapatigil ako sa sinabi niya. Para siyang nalilito. Para bang may hindi siya mapangalanan sa lahat ng nangyayari. Alam kong matagal na niyang inaamin sa akin na nalilito na siya sa kanyang sarili. At ganoon din ako.

"Binabaliw mo ako, Eager. Ginugulo mo ang isip ko at kahit ako ay kinukwestiyon na kung ano na ba talaga ang kasarian ko."

I frozed. Nanlaki ang mata ko at malakas na kumabog ang puso ko. Iyon ang mga salitang gusto kong marinig mula sa kanya, pero bakit ngayong sinasabi na niya sa akin ito ay hindi ko naman kayang sagutin? Dahil kahit ako ay hindi sigurado.

"Bakla pa rin ba ako, Eager?" Naramdaman ko ang magaspang niyang kamay sa braso ko. "Bakla pa rin ba ako, bah?" Malambing na bulong niya.

Biglang nagflash sa isip ko iyong nakita namin ni Gym kanina. Ang dahilan kung bakit umuwi akong late ngayon at medyo lasing. Gusto kong itanong sa kanya kung ano iyong nakita ko. Gusto kong humingi ng eksplenasyon mula sa kanya, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Natatakot ako na baka magalit siya kapag tinanong ko iyon. Natatakot ako.

"Maliligo na ako..." pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso.

Agad akong pumasok sa CR nang pakawalan niya ako. Napasandal ako sa likod ng pintuan habang hawak ang dibdib ko at habol ko ang hininga ko na parang ilang milya ang tinakbo ko dahil sa pagod.

Ilang oras nalang ay lalabas na ang araw, wala na akong matinong tulog dahil alam kong hindi ako makakatulog neto mamaya. Ganoon din siya. May pasok pa siya sa trabaho at hindi siya makakapagtrabaho nang maayos kung wala siyang tulog.

Bakit ba kasi pinapahirapan pa namin ang sarili namin! Bakit ba nililito pa namin ang isa't isa?!

Kinabukasan ay late na akong bumangon sa higaan. Tama nga ako, dahil alas siyete y media na ako ng umaga nakatulog. Mabuti nga at dinalaw na ako ng antok kanina, kung hindi ay hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

Tanghali na nang bumangon ako at may nakahanda nang pagkain sa hapag. Hindi ko na rin naabutan si Hunk na mukhang alas otso y media naman yata umalis ng bahay. Not sure, dahil tulog na ako ng umalis siya.

Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang cellphone ko, kaya sinilip ko iyon. Kumunot ang noo ko nang makita kung kanino galing ang mensaheng natanggap ko.

Gym Espejo:

Friendship, sinundan ko sila. Magkasama nanaman sila.

Hindi ko na siya nireplyan. Nginuya ko nalang ng mabuti ang ulam kong hotdog. Pero kahit naman hindi ko isipin ang sinabi ni Gym ay iyon pa rin talaga ang tumatakbo sa isip ko.

Dapat ba tinanong ko na si Hunk tungkol doon sa lalaking iyon? Kung sino ba talaga siya kay Hunky at kung ano ba talaga sila? Dahil kung hindi ay baka panghawakan ko ang mga salitang binibitaw sa akin ni Hunk, kahit na ang totoo pala ay wala namang kasiguraduhan ang lahat.

"Problem?" Seryosong tanong sa akin ni Germ nang makarating ako sa bahay nila.

Wala na akong magawa sa bahay, kaya pumunta nalang ako rito. Hindi ko alam kung bakit sa kina Germ pa. Pakiramdam ko lang na parehas kami ng problema at matutungan niya ako.

"Grabe naman iyan, ni-hi o hello, wala manlang?" Birong sabi ko.

"Hoy, Eager! Ilang taon na tayong magkaibigan, hindi na uso sa atin ang ganyan-ganyan. Kaya diretsuhin mo na ako. Anong problema mo?"

Umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang din dito sa condo niya, katulad sa bahay. Mas tahimik nga lang siguro rito kung wala ako, dahil wala ring kasama si Germ dito at tanging TV lang ang nagsasalita.

Kinwento ko sa kanya ang lahat, pwera lang s'yempre anh fact na bakla si Hunk. Hindi pa ako handang malaman nila na ganoon siya. Hindi naman sa kinakahiya ko, pakiramdam ko lang ay hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman ng lahat.

"Then, maniwala ka sa kanya. Trust your husband. Sino ba itong friend niya na friend mo rin na nagsabi sa iyo? Bakit mukhang mas concern pa sa pinaggagagawa ni El Greco?"

Si Gym. Mas concern nga talaga iyon, dahil boyfriend niya si Hunk. Malamang ay mas nasasaktan iyon kaysa sa akin.

"Basta!" Umirap ako. "Kailangan ko ba talagang magtiwala sa kanya? Paano kung masaktan nanaman akoㅡ"

"Hindi ka masasaktan, Eager."

"Bakit ikaw? Noong nalaman mong bakla si Hawk, nasaktan ka pa rin?" Hindi mapigilang tanong ko, kaya sumama ang tingin niya sa akin.

"Nasaktan niya ako dahil hindi ako nagtiwala sa kanya! Matagal na niyang inoopen sa akin ang topic na iyon, pero hindi ko pinapansin. Kaya kung ako sa iyo, pansinin mo lahat ng topic na inoopen ng asawa mo sa iyo!"

"Chillax, magjudge ka muna." Hinagod ko ang likod niya pero winaksi lang niya ito.

Madilim na nang mapagpasyahan kong umuwi. Nakakamiss din pala ang mga bruha, kahit na panira sila madalas sa buhay ko. Sila pa rin talaga ang aasahan mo sa mga ganitong bagay.

Ako:

Gym, okay na ako. Naniniwala ako kay Hunk. Alam kong hindi niya magagawang mangaliwa sa ating dalawa. Siguro, kailangan mo rin siyang pagkatiwalaan. :)

Magaan na ang pakiramdam ko. Tama nga na pumunta ako kay Germ. Ayaw ko mang aminin ay malaki ang natulong niya sa akin at marami akong natutunan sa sinabi niya. Hindi ko alam na nagiging malalim pala mag-isip ang isang tao kapag nasaktan na ito?

Gym Espejo:

Gusto ko sana, Eager. Pero... nakita ko silang naghalikan ngayon ngayon lang. :(

Nanlamig ako sa nabasa ko. Ang kaninang kasiyahan na naramdaman ko ay parang biglang bumagsak sa paanan ko. Hindi ako makagalaw habang nakatitig sa monitor ng cellphone ko at paulit-ulit na binasa ang sinabi ni Gym.

Kahit paulit-ulit at halos memoryado ko na ang sinabi niya ganoon pa rin ang kirot na nanunuot sa bawat pagkatao ko. Hindi ko maramdaman ang pamamanhid ng katawan ko at pakiramdam ko ay hindi na babalik pang muli ang katinuan sa katawan ko.

"Fuck." Malutong na mura ko. "Fuck!"

Naramdaman ko ang mainit na likidong bumagsak sa mata ko. Nag-iinit ang buong mukha ko. Hindi ko alam. Dapat ay hindi ganito ang reaksyon ko dahil hindi naman malalim ang pagtingin ko kay Hunk. Hindi dapat ganito.

Pero bakit hindi ko mapigilan?!

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga ngayon sa harap ng tukador. Hindi ko maramdaman ang sarili ko, at parang nasanay na ako sa kirot ng dibdib ko.

"Hey..." hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ang dahilan ng lahat ng ito.

"Hunk, bakit?!" Agad na tanong ko.

"H-huh?"

"Bakit mo ako pinaglalaruan! Bakit mo kami pinaglalaruan ni Gym!"

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, bah. Kumalma ka muna." Hinawakan niya ang balikat ko pero marahas kong winaksi ang kamay niya.

"Dapat sinuntok mo nalang ako, Hunk. Dapat sinampal mo nalang ako. Hindi iyong sa ganitong paraan mo ako sasaktan. Umaasa ako, Hunk. Umaasa ako sa bawat salitang sinasabi mo sa akin!"

"E, 'di umasa ka. Dahil lahat ng iyon ay totoo, Eager. H'wag kang matakot sumugal. Susugal din ako. Para sa iyo, para sa atin..."

"Really? Naririnig mo ba kung ano ang sinasabi mo ngayon, ha?"

"Eagerㅡ"

"May lalaki ka, Hunk! Nakita ka ni Gym kanina na may kahalikang lalaki!"

Nanlaki ang mata niya na para bang nakakita siya ng multo. Hindi niya siguro inaasahan na malalaman ko iyon. Saan kaya siya humuhugot ng mga salitang sinasabi niya sa akin, gayong alam naman niya sa sarili niya ang totoo niyang ginagawa.

"Sinong nagsabi sa iyo? Wala akong ginagawang mali! Hindi totoo iyang sinasabi mo. Sino ang nagsabi?! Kakausapin ko at papatunayan ko na hindi totoo ang sinasabi niya!"

"Are you serious?" Kunot noong tanong ko.

Naniniwala ako kay Gym. Nakita ko rin mismo gamit ang dalawa kong mata ang pagtataksil na ginawa ni Hunk. At bakit naman sana magsisinungaling si Gym? Para saan? Wala akong makitang rason!

"When it comes to you? Always!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top