Kabanata 36

Kabanata 36

Blood and Bones

"Aray naman, Gym. Wala akong makita!" Madiin na bulong ko.

Nakaupo kami ni Gym habang nakaakbay siya sa akin at nakaharang sa mukha namin ang menu ng restaurant kung saan nasa hindi kalayuan sa amin si Hunk, kasama ang lalaking hindi namin kilala.

Imbes na masaktan ako sa nakikita ko ay mas lumalamang ang pagkainis ko kay Gym, dahil kanina pa niya ako iniipit. Wala na akong nakikita at tanging siya nalang ang nakasilip. Gigil na gigil siya habang pinapanuod namin ang asawa ko at boyfriend niya na nakikipagtawan doon sa kaharap niyang g'wapong lalaki.

"Ako naman. Ako boyfriend."

"Ako asawa, kaya ako muna ang sisilip!"

Nagtulakan kaming dalawa. Hindi kami p'wedeng basta basta nalang nakaupo rito, kaya ginawa na rin naming harap sa mukha namin itong menu. Hindi ko nga lang alam kung nahahalata na kami ng mga waiter dito na hindi naman kami umuorder.

"Since when? Kailan pa kaya tayo niloloko ng Hunky na iyan?" Inis na bulong ni Gym.

"Aba, malay ko? Hindi ko nga napapansin, e. Okay naman kasi siya sa akin."

"Chusa! Okay siya sa iyo dahil d'yan sa sakit mo. Ayaw niyang saktan mo nanaman ang sarili mo. Assuming ka naman!"

Dapat talaga ay naiinis na ako sa baklitang ito. Wala akong magawa kundi ang samaan nalang siya ng tingin dahil masisira ang plano naming pagmamanman. Nagpatuloy kami sa panunuod. Nagorder na rin si Gym ng juice naming dalawa, para hindi kami palayasin dito sa restaurant.

Agad naming tinaas ang menu sa mukha naming dalawa nang tumayo si Hunk at ang kabit niya. Sinilip ko ng kaunti ang gilid ko at nakitang umalis na sila sa kainan. Sabay ulit naming binaba ang menu at kinagat ang straw ng inumin na nasa harap namin.

"Susundan pa ba natin?" Tanong ko kay Gym.

"Ikaw? Gusto mo bang sundan?" Tanong niya pabalik.

Gusto kong malaman ang totoo. Kung totoo ba ang bintang namin ni Gym, o hindi. Sa tingin ni Hunky kanina ay akala mo isa itong babae na kinikilig sa date niya. Ang kapal ng mukha ng isang iyon. Pinakilig lang niya ako kahapon, tapos may iba naman palang tinatago.

"H'wag na. Baka masaktan ka."

Sa totoo lang, kung may masasaktan man ng sobra sa aming dalawa ay siya iyon. Kasal nga kami ni Hunk, pero hindi naman namin gusto ang isa't isa. Well, yeah, gusto ko siya. Pero gusto ba niya ako? One-sided lamang iyon. Samantalang sa kanila ni Gym ay mahal nila ang isa't isa.

Magkaiba ang gusto sa mahal. Mas malalim at ibang usapan na ang mahal at kapag nasira ang dalawang iyon, mas masisira at masasaktan iyon, kumpara sa matatamong sugat niyong gusto.

"Iyong inyo nga, nakaya ko. Ito pa kayang kabit lang?" Aniya habang nakataas ang kilay sa akin. Sumimsim siya sa juice na nasa harapan niya at bumagsak ang balikat niya. "Pero, ayaw ko namang mas lalong saktan pa ang sarili ko. Sapat na iyong nakita natin kanina..."

Parang may kutsilyong tumutusok sa puso ko. Ayaw ko lang sabihin dahil hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa p'wedeng mangyari. Baka ako lang din ang maglalagay sa sarili kong kapahamakan.

"Inom tayo?" Aya ko sa kanya.

"Seriously? Tanghaling tapat!"

"So? May oras na ba ngayon kung anong oras lang p'wedeng uminom?" Tumayo na ako at sinabit ko ang sling bag ko sa aking balikat.

"Kapag may alak... may?" Tumawa siya.

"Kapag may alak, may pusong nawasak." Tuloy ko sa tanong niya at humalakhak. "Boom!"

Patawa tawa lang iyon si Gym, pero halata namang nasasaktan na siya. Ako? Hindi nga ba ako nasasaktan? Siguro, iyong pride ko nalang na pagiging asawa ni Hunky ang nararamdaman kong nasaktan.

Dinala niya ako sa condo niya. Hindi pa ako nakakapunta rito, kaya nang makarating kami roon ang manghang mangha ako. Nakikita ko sa bawat sulok ng bahay ang picture nila ni Hunky, minsan ay kasama si Vamp, pero karamihan talaga ay silang dalawa lang.

Hinawakan ko ang isang picture nilang dalawa, kung saan parehas malawak ang kanilang ngisi. Kayang kayang itago ng litratong iyon ang problemang tinatago nila.

"Alam ba ng magulang mong bakla ka?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi. Chusa ka! Takot ko nalang, ano?"

"Bakit naman? Hindi naman kasalanan ang pagiging bakla, a? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tinatago ninyo pa? Hindi naman siya nakakahiya. Nakakaproud nga, hindi ba?"

"Hindi mo naiintindihan kasi hindi ka naman bakla," aniya at inabot sa akin ang isang beer.

Nilapag kong muli ang picture nilang dalawa at inabot ang beer na inaabot niya. Sabay naming binagsak ang sarili sa couch at lumagok doon. Tahimik lang kaming dalawa, pero parang parehas yata ang pag-function ng utak namin.

Bakit kailangan pang maging sweet sa akin ni Hunky kahapon? P'wede naman niya sabihin sa akin na may iba siyang boyfriend, bukod kay Gym. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatago niya pa. Ang sabi niya ay binigay niya sa akin ang buong tiwala niya, pero anong nangyari? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Gym ay hindi ko pa malalaman.

Masakit pala, ano? Masakit maniwala sa sinabi niyang hindi naman pala totoo. Pinaglalaruan niya ba ako?

"Tahimik mo. Dapat masaya tayo ngayon!" Pilit na ngumiti siya sa akin.

"Tahimik mo rin, e. Nakakahawa ka lang." Asar ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Ano bang nagawa kong kasalanan para maramdaman ang sakit na ganito? Nagmahal lang naman ako." He laughed with no humor.

"Ayan na siya, nagdrama na!" Asar ko pa sa kanya kahit na sa totoo lang ay naramdaman ko ang sinabi niya.

Ginawa namin ang lahata para sumaya habang umiinom. Nang hindi kami nakuntento ay lumipat na kami sa bar nang gumabi na. Iniwan ko ang cellphone ko sa sasakyan ni Gym dahil ayaw kong tawagan ako ni Hunky habang nagsasaya ako.

Agad na sinalubong ako ng madilim ngunit may iba't ibang kulay na loob ng bar. Noong una ay nairita ako sa lakas ng tugtog dito, ngunit nang masanay na ako ay naging maayos na sa akin iyon. Umupo kami ni Gym sa counter at doon umorder ng inumin.

"Iyong hard!" Bulong ko sa tainga ni Gym.

"Ikaw lang maghard. Magddrive ako mamaya pauwi."

"No fun!" Sabi ko, pero hinayaan nalang din siya.

Nagpaikot ikot ako sa high chair na inuupuan ko habang sumisimsim sa inumin ko. Mapait iyon at hindi maganda ang lasa, pero nagiging masarap siya habang tumatagal. O baka tinatamaan na ako. Hindi ko alam.

Ilang sandali kong nakalimutan si Hunk at ang nakita namin ni Gym kanina. Mukhang ganoon din siya, dahil nakakangiti na siya ngayon kumpara kanina na parang pasan niya ang mundo sa kanyang balikat.

"Cheers! Sa panlolokong ginawa sa atin ni Humk!" Sabi ko.

Hindi ko na masyadong matandaan kung ano ang ginagawa ko. Basta naabutan ko nalang ang sarili ko na nagsasayaw sa dance floor, kasama si Gym. Hindi niya ako iniwan at kaming dalawa ang nagsayaw.

Nasa likuran ko siya habang sumasayaw kaming dalawa. Naramdaman ko ang hawak niya sa baiwang ko kaya mas inigihan ko pa ang pagsayaw. Nakalagay sa isang side ng balikat ko ang lahat ng buhok ko, kaya nakaharap sa kay Gym ang balikat ko.

"Baklita!" Sigaw ko dahil sa excitement.

"Tama na nga. Pagod na ako." Sabi niya at hinila niya ako paalis doon.

Hinihingal at tumatawa kami nang makarating sa sasakyan ni Gym nang mapagpasyahan naming umuwi na. Nanatili kami sa tahimik niyang sasakyan habang tumatawa pa rin.

Naparami ang inom ko, pero hindi manlang ako nakaramdam ng pagkahilo. Natatandaan ko pa ang lahat ng nangyari at nakokontrol ko pa kahit papaano ang sarili ko. Sa pagkatahimik na iyon ay bigla kong naalala ang ginawa ni Hunk. Ang mata niya, kung paano siya tumingin doon sa lalaking kausap niya.

"T-totoo ba talaga? T-totoo ba kayang niloko tayo ni Hunky?" Nahihirapang sabi ko.

Pinanghawakan ko lahat ng nangyari sa bahay nila noong nakaraan. Hindi ko alam na iyon pala ang magkululong sa akin sa pagiging tanga. Naniwala talaga ako. Ganito para ang pakiramdam ng mga tanga. Kung alam ko lang noon pa ay sana hindi ko na tinawanan si Germ at Chain na parehas na tanga.

Kasabay ng pagiyak ko ang paghikbi rin ni Gym sa tabi ko. Nilingon ko siya at nakitang nakaubob ang ulo niya sa manibela, habang walang tigil siya sa paghibki. Niyakap ko siya at inubob ko rin ang mukha ko sa likod niya.

Sabay kaming umiyak dahil sa iisang dahilan.

Tahimik at wala ng ilaw ang buong bahay nang makauwi ako. Simula noong iniwan ko ang cellphone ko sa sasakyan ni Gym, mula ngayon ay hindi ko pa ito muling nabubuksan. Bitbit ko na ang bag ko at dumiretso na sa kwarto namin.

Pagkarating ko roon ay hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagulat sa nakita. Bukas ang ilaw at nakatayo roon si Hunk na parang alam na niya na papasok ako. Siguro ay sinilip niya ako mula sa baba.

"Saan ka galing? May relo ka naman, bakit hindi mo tinignan kung anong oras na. At saka, kanina pa ako tumatawag at nagtetext sa iyo, wala ka manlang reply."

"Inaantok na ako, Hunky."

"Really? Really, Eager Crown?" Inis na sabi niya.

Nilingon ko siya. Magkasalubong ang makapal niyang kilay at halatang galit na galit siya. Kuminang ang diamond earring sa kanyang taimga nang matamaan iyon ng ilaw. Medyo basa pa ang buhok niya at naaamoy kong bagong ligo lang din siya.

"Ano bang paki mo, El Greco?" Inis na tanong ko.

"Last name basis, huh, Mrs. El Greco?" I could tell he was pissed just by the sound of his voice.

"Ano bang gusto mo? Gusto mo ba ng away ng ganitong oras?" Nilingon ko ang wall clock sa gilid. "Alas kwarto y media?"

"Wow. Alam mo pala tumingin ng oras?" Sarkastiko niyang sabi. "Kung sana nagsabi ka sa akin, e 'di walang problema! Kasama mo pala si Gym, huh? Isa rin iyon na tinatawagan ko kanina pero parehas kayong hindi sumasagot. Ano? Nakipag-blind date nanaman ba kayo at sa oras na ito ay maayos na ang nakuha ninyo lalaki?"

"I'm just gonna pretend I didn't hear you." Ngumiwi ako at pupunta na sana sa CR para makapagshower, ngunit hinawakan niya ang braso ko.

"That's the problem! You're not listening!"

Nagsukatan kaming dalawa ng tingin. Walang gustong magpatalo, ngunit sa huli ay bumuntong hininga niya siya at pinakalma niya ang kanyang sarili. Lumambot ang tingin niya sa akin, maging ang pagkakahawak niya sa braso ko ay lumuwag na rin.

"I am gay, Mrs. El Greco. It's in my blood and bones. Boyfriend at mahal ko si Gym. But all I could think about is you..."

"That's not true." I whispered.

Hindi, Eager. H'wag kang makinig ka sa kanya. Binibilog lang niya ang ulo mo at sa oras na maniwala ka ay magmumukha ka lang tanga. Lolokohin ka lang niya ulit, dahil wala naman talaga siyang nararamdaman para sa iyo. H'wag kang maniniwala, Eager.

"Yes, it is." Lumapit siya sa akin. We were close enough to kiss. And still he held me tightly, pero hindi iyon masakit. "Mrs. El Greco," he said. "What's happening to me?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top