Kabanata 35
Kabanata 35
Alamin
Tahimik lang ako habang kumakain. Tanging si Hunky lang ang nakikipag-usap sa magulang niya. Mostly, about business lang pinag-uusapan nila ni Daddy. Heto na ang sinasabi ni Mommy kanina na puro ganito ang usapan ng mag-ama.
"Wala pa rin ba?" Biglang tanong ni Daddy.
Nasamid ako ng sabaw na hinihigop ko, kaya mabilis na inabutan ako ni Hunky ng tubig. Naramdaman ko rin ang marahan niyang paghagod sa likod ko. Sana ay nasasanay na ako sa ganitong tanong dahil may asawa na ako, pero bakit nagugulat pa rin ako?
Sino ba naman kasi ang kasal na hindi pa ginagawa ang mga bagay na iniisip nila? Siguro kung talagang hindi nila keri, katulad ng nangyari sa amin ni Hunky noong una. Pero hindi mo talaga maiiwasang hindi gawin, e.
"Parang kakatanong mo lang iyan kanina, Dad, a?" Sabi ni Hunk. "Wala pa po."
"Malay mo kanina meron na?" Tumawa pa siya habang sinasabi iyon.
"Pasensya ka na, Eager, ha? Alam mong sabik na talaga kami sa apo. Iyong apo namin sa ate ni Hunk, nasa ibang bansa naman kaya hindi namin naaalagaan." Ani Mommy.
Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya tumango nalang ako at pilit na ngumiti. Uminom akong muli ng tubig dahil pakiramdam ko ay maraming nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Nakakapressure naman itong ganito.
"Sana maabutan ko pa ang apo ko kay Hunk," biglang sabi ni Mommy.
"Ano ba iyang sinasabi mo, Mommy? S'yempre, aabutin ninyo. Baka pati panglabing dalawang anak namin ni Eager ay maabutan ninyo pa." Sabi ni Hunk.
Uminom nanaman ako ng tubig dahil sa kabang binibigay nila sa akin. Namumuo ang pawis ko sa noo. At anong labing dalawang anak ang sinasabi ng baklitang ito? Siya kaya riyan ang manganak! Nalosyang na ako noon.
Naging maayos na ang kwentuhan namin pagkatapos niyon. Naiintindihan ko na si Hunky kung bakit ayaw niyang madisappoint ang pamilya niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito dahil hindi talaga nila deserve ang masaktan.
Kinabukasan ay umuwi na rin kami ng bahay. Ayaw pa akong pakawalan ni Mommy dahil gusto niya raw na roon nalang kami sa bahay nila para may kasama siya kahit papaano, pero ayaw ni Hunky. S'yempre, hindi siya malayang magiging bakla, kaya ayaw niya. Pero kung ako lang ang tatanungin ay p'wede rin na roon muna kami sa bahay nila. Pakiramdam ko ay marami akong matutunan doon, kaysa nasa bahay lang ako at puro kasambahay lang ang kasama.
"Bye, bah!" Paalam ni Hunky.
Kumaway rin ako. Dumiretso agad siya sa pagpasok sa trabaho dahil may paguusapan pa raw sila ni Daddy roon. Kaya naman, heto, naiwan nanaman akong mag-isa sa bahay, kaharap ang TV at walang sawang nanunuod ng series.
Pero kahit na anong focus ang gawin ko sa panunuod ay hindi ko maiwasang hindi maisip iyong nangyari kahapon at kagabi. Lagi kong nakikita si Hunky na babae kung kumilos, nasanay na ako roon. Kaya naninibago ako sa kanya kahapon at hindi ko alam kung bakit kinikilig ako ngayon kapag iniisip ko iyon!
"Eager?" Naputol ang kalandian ko ng bigla kong marinig ang boses ni Gym sa labas.
Kumunot ang noo ko. Nilapag ko ang chips na kinakain ko at lumabas ng bahay. Nasa pintuan palang ako ay tanaw ko na siya sa labas ng gate. Bigla kong nakalimutan ang lahat at parang okay na ulit kami.
Sinuot ko ang tsinelas ko at lumabas para pagbuksan siya ng gate. Ang tingin niya sa akin ay nag-iba na. Kung dati, natutuwa siyang nakikita ako. Ngayon naman ay halos hindi na niya ako matitigan sa mata dahil sa nangyari sa akin.
"Come in," aya ko at ngumiti sa kanya.
Pumasok kaming sabay sa bahay. Ginawa ko ang lahat para hindi maramdaman ni Gym na may galit ako. Wala naman talaga. Siguro noon lang, noong wala ako sa sarili. Pero ang totoo talaga niyan ay wala siyang kasalanan. Kung hindi lang ako naestatwa noong time na iyon ay napagtanggol ko sana ang sarili ko.
"Ang stiff mo naman! Okay na, Gym!" Ngumiti pa ako lalo.
"Anong okay na? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari sa iyo?"
"Ang OA mo! Hindi nga ako nagalit sa iyo, tapos ikaw magagalit sa sarili mo?" Tumawa ako. "Kalimutan nalang natin iyon at isiping walang balls si Creek."
Sabay kaming natawa kaya nawala ang awkwardness na nararamdaman ni Gym. Huminga siya ng malalim at niyakap ako. Kaya gusto ko ng baklang kaibigan, e. Mas sweet kaysa sa babaeng kaibigan.
Naalala ko bigla ang Ghastly Girls, kamusta na kaya ang mga panget na iyon? Kahapon ay tinatawagan ako ni Eyerin, pero hindi ko nasasagot. Ano kayang kailangan ng isang iyon?
"Anyways, pumunta ako rito para huminga ulit ng tawad at dahil na rin sa may sasabihin ako..."
"Ano iyon?"
"Don't freak out, okay?"
Dahil sa sinabi niyang iyon ay mas lalo akong kinabahan sa sasabihin niya. Binasa ko ang labi ko dahil nanunuyo iyon. Nanatili ang tingin ni Gym sa akin, pero ako ay hindi na makatingin ng maayos sa kanya. Naghihintay ako ng susunod niyang sasabihin, pero mukhang hinahanda niya muna ako bago sabihin.
"Okay," sagot ko.
Tumango si Gym. "So, nasa labas na ako kanina pa bago kayo dumating, dahil ang balak ko ay aaminin ko kay Hunky ang lahat at hihingi na rin ako ng tawad. Pero noong nakita kong umalis si Hunky ay hindi ko napigilan ang sarili kong sumunod sa kanya..."
Unti-unti nanaman akong iniiwan ng katinuan ko. Wala pa sa mismong kwento si Gym, pero parang alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Hindi ko alam kung tama ba ako o hindi, pero umaakto ako ngayon na parang alam ko na kahit na sa totoo ay blanko ang isip ko.
"Are you really sure na okay lang?" Tanong niya ulit.
"It's okay, Gym. I am okay." Lumunok ako.
"Sinundan ko siya. Akala ko ay sa company siya didiretso, pero sa mall ang tungo niya. I know, dapat hindi muna ako magassume ng kahit na ano, kasi may tiwala ako kay Hunky. Kaya sinundan ko siya sa mall..."
Please, sana hindi totoo. Sana hindi iyon...
"Sa parehas na restaurant kung saan tayo pumunta ay roon din siya. May kasamang lalaki. Hindi ko alam, pero malakas ang kutob kong... baka... boyfriend niya iyon. Hindi ako sigurado, Eager."
Napanganga ako. Paano kung hindi totoo ang hinala ni Gym? Dapat hindi ako maniwala sa kahit na sino, kundi kay Hunk lang. Kay Hunky lang dapat ako may tiwala. Malaki nag tiwala niya sa akin, kaya kahapon ay hiningi niya rin ang tiwala ko. At binigay ko iyon sa kanya. Hindi ako p'wedeng sumang-ayon kay Gym.
"Kung masakit para sa iyo ito, Eager ay gusto kong sabihin sa iyo na masakit din sa akin. Ilang araw na akong hindi kinakausap ni Hunky, ilang araw na niya akong hindi nilalambing. Kaya naisip ko na baka iyon ang dahilan?"
"Gym, I'm sorry, pero hindi ako naniniwala. Malaki tiwala ko kay Hunky kaya kung gusto mong paniwalaan iyang iniisip mo, gora lang! Basta ako, alam kong hindi magagawa sa atin ni Hunky iyon."
Tumango siya. "Hindi ko sinabi sa iyo ito para paghinalaan mo rin siya. Sinabi ko sa iyo ito dahil may karapatan kang malaman. Kung hindi ka naniniwala sa hinala ko, naiintindihan ko, Eager."
Gusto kong isipin na baka sinisira lang ni Gym ang relasyon namin ni Hunky kaya sinasabi niya ito. Pero bigla ko ring naisip na hindi ganoong tao si Gym. Nakita ko na siya ng ilang beses na nasaktan dahil kay Hunky, pero wala siyang ginawa.
"Aalis na ako, Eager. Patawad ulit doon kay Creek, okay?" Ngumiti siya at tumayo.
Nanatili akong nakatingin sa kanya habang naglalakad siya paalis. Nagkanda-buhol buhol na ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang susundin kong payo sa mga iyon. Kung ano ang dapat kong gawin.
"Gym, wait!" Parang may sariling buhay ang bibig ko para pigilan siya.
Huminto siya. "Bakit?"
"S-sa tingin mo magkasama pa sila? P'wede bang... p'wede bang alamin natin kung ano talaga ni Hunky iyong nakita mo?"
At sa pagkakataong tumango si Gym sa akin ay agad kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ito, pero alam kong ito ang makakapagpatahimik ng loob ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top