Kabanata 34

Kabanata 34

Addicted

Umalingawngaw ang halakhak ni Hunk sa kwarto. Parehas kaming hinihingal ngayon at kahit malakas ang aircondition ay tagatak ang pawis namin. Ngumisi ako at pumikit habang nakaunan sa matigas na braso niya.

"Kailangan na yata kitang batiin tuwing Father's Day." Birong sabi ko sa kanya.

"Bakit? Mala-Stephen Curry na ba ang shoot ko kanina?" Tumatawang tanong niya.

"Sira, hindi!" Pinalo ko ang braso niya.

"E, ano pala?"

"Babatiin kita, kasi ako ang baby mo." Nagtago ako sa kili-kili niya, pagkatapos kong sabihin iyon dahil sa hiya.

Tumawa siya at hinayaan ako roon. Bumibigat na ang tulikap ng mata ko dahil sa pagod. Hindi na muling nagsalita si Hunky at naramdaman ko nalang ang mahigpit niyang yakap sa akin bago ko napagpasyahang matulog nalang.

Kahit ganito kasimpleng araw lang ay hindi naging boring sa akin, lalo na kapag kasama ko si Hunk. Pakiramdam ko ay tumatalon ang puso ko tuwing nararamdaman ko ang presensya niya. Paano na ito kapag iniwan na niya ako? Makakayanan ko kaya?

Nagising ako nang maramdaman ko ang mabababaw na halik sa balikat ko. Tumataas-baba iyon sa leeg ko at balikat. Parang ginigising talaga ako gamit ang halik na iyon, kaya kahit antok na antok pa ay minulat ko na ang mata ko.

Nakasalubong ko ang nakangising mukha ni Hunky habang nakatitig sa akin. Kitang kita ko kung paano magbuka ang bibig niya at magsasarado kapag nasa balat ko na iyon. Mukha siyang baliw, pero nag-iinit ang pakiramdam ko. Parang may nagigising sa loob ng sarili ko dahil sa ginagawa niyang iyon.

"Yehey!" Parang bata niyang sabi.

Nang makitang tuluyan na akong nagising ay hinawakan niya ang kamay ko at pinaghiwalay. Pinahiga niya ako ng maayos at saka siya pumatong sa akin. Kahit ganoon ay hindi ko naramdaman ang buong kabigatan niya. Ngumisi siya at bumaba ang mukha niya sa leeg ko.

"Hindi ka ba nagsawa kanina?" Tanong ko sa kanya.

Nakakatawang isipin na ang Hunky na dating diring diri kapag ginagawa namin ito ay siya na mismo ang gumagawa ng paraan para gawin namin ang bagay na ito. Totoo nga ang sinabi ni Eyerin noon sa akin na kapag nasubukan na raw gawin iyon ay parang hahanap-hanapin ng katawan mo.

"Hinding hindi ako magsasawa sa iyo."

Kahit na iba ang ibig niyang sabihin doon ay napatigil pa rin ako. Parang nakakataba ng puso marinig iyon mula sa kanyaㅡkahit na ang ibig niyang sabihin ay hindi siya magsasawang gawin namin iyon.

Pinapaasa ko ang sarili ko sa isang bagay na simula't sapol palang ay alam ko na ang katapusan. Ayaw kong sisihin ang sarili ko. Ayaw kong pagsisihan ang mga ito. Ayaw kong magsisi na ako ang naging asawa ni Hunky.

Ayaw kong magsisi na iba na ang tingin ko sa kanya.

Dahil sa totoo lang ay ngayon lang ako nakaramdam ng totoong kaligayahan. Masaya ako, lalo na ngayon at medyo maayos ang pagsasama namin. Hindi ko lang maiwasang isipin si Gym. Paano na siya?

Paano na kaming dalawa?

"Ah!" Napasigaw ako nang maramdaman ko siya.

Ang lasing niyang mata ay tumingin sa akin. Tinaas niya ang kamay niya sa akin para takpan ang bibig ko. Tumawa siyang muli habang may ginagawang kung ano sa ibaba ko. Napakapit ako sa unan ko at hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko.

Habol ko na ang hininga ko. Para akong nalulunod na kapag hindi nakaahon ay mamamatay na ng tuluyan. Naramdaman ko ang mapanuyong dila niya roon. Minulat ko ang mata ko para tignan siya sa ginagawa, ngunit mas lalo lang uminit ang pakiramdam ko nang makita siya.

Nakatingala siya sa akin na parang nage-enjoy makita ang reaksyon ko sa ginagawa niya sa akin. Umangat ang isang sulok ng labi niya at kitang kita ko kung paano niya ako binababaliw sa bawat galaw niya.

"H-hunky, kumakalam na ang sikmura ko..." sabi ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng t'yan ko.

Humalakhak siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Nagpatuloy siya, hanggang sa hindi ko na kaya at narating ko na ang dapat kong marating. Hinihingal ako at pakiramdam ko ay wala na akong energy. Nanlulupaypay ako at nanginginig ang binti ko. Kahit na ganoon ay hindi ko masasabing, hindi ako nagenjoy sa ginawa niya.

"Fucking scream for me, bah..." matigas ngunit malambing na sabi niya.

Umayos siya ng pagkakadagan sa akin. I could feel the rapid beat of his heart, kasabay ng pagtibok ng akin. Tinitigan niyang mabuti ang mata ko, pinapabasa sa akin ang kanyang nararamdaman pero dahil sa marami rin akong iniisip ay hindi ko mapangalanan kung ano ang gusto niyang iparating sa akin.

Sabay kaming napapikit nang pumasok siya. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko nanaman ang mabigat at mainit niyang hininga roon. Nanatili kami sa ayos na ganoon, hanggang sa magsimula na siyang gumalaw.

"Bah?" Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" He moaned.

Hindi ko tuloy alam kung para saan ba ang ungol niyang iyon. Sa pagsagot ba sa tawag ko sa kanya, o dala ng ginagawa namin?

Napakapit ako sa braso niya. Kahit bakla siya ay hindi ko masasabing hindi maganda ang katawan niya. Kahit noon pa man ay maganda na ang pangangatawan niya, kaya rin nagmumukha talaga siyang lalaking lalaki.

"Saan ka natuto noon?" Tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" Pahingal na tanong niya.

Tumulo sa pisngi ko ang pawis na mula sa noo niya kaya tumawa siya at pinunasan iyon gamit ang kamay niya. Parehas nakaawang ang labi namin at tumataas lang ang isang sulok, tuwing tumatawa o may magandang nararamdaman.

"I-iyong ginawa mo s-sa akin... down there," halos hindi ko na masabi dahil sa naguumapaw kong nararamdaman.

He laughed. "Lahat ng lalaki alam gawin iyon kahit na bakla sila."

"B-bakla ka pa rin ba?"

Ang tanga ng tanong ko, oo. Pero hindi ko alam kung anong nagudyok sa akin para tanungin iyon. Pakiramdam ko sa grabe-grabeng pinadama sa akin ni Hunky ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob sa kanya.

Parang may karapatan na ako sa kanya.

"Pinanganak akong bakla, Eager."

Message received. Loud and clear.

Ngumiti ako sa kanya. Ayos lang sa akin iyon, atleast totoo siya at alam ko ang totoong siya. Hindi niya kailangan magpanggap na lalaki para lang mapanatag ang loob ko, dahil panatag na ang loob ko kahit na bakla siya.

Pagkatapos namin ay hindi ko alam kung paano ako haharap sa hapag ngayon nang namumula ang leeg ko, pababa sa dibdib ko. Nakatitig lang ako sa tukador at halos ubusin ko na ang concealer ni Hunky, pero hindi pa rin siya natatakpan.

Tumawa si Hunk sa likod ko habang nagsusuot siya ng gray na t-shirt. Tinignan ko siya sa salamin at nakita ko ang tuwang tuwa niyang mukha na para bang proud pa siya sa ginawa niya sa akin, samantalanag ako ay namomroblema na rito.

"Ang daya mo naman, e. Bakit ngayon? Alam mo namang magdidinner na!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Mas maganda ka nga kapag ganyan ang kulay ng leeg at dibdib mo. Lalo na kapag ako ang gumawa," ngising sabi niya.

"So, proud ka pa?" Sarkastiko kong sabi.

"S'yempre naman! Para alam nila Daddy na naglaro tayo ng NBA."

Ngayon ko lang naintindihan ang sinabi nila Mommy at Daddy kanina. Kaya naman pala tawa siya nang tawa noong tinanong ko kung ano ang ibig sabihin ng magulang niya sa NBA.

"I think I am already addicted to you." Hunk said. It almost a whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top