Kabanata 30
Kabanata 30
Dapat Lang
Nagising ako kinabukasan sa mahinang tapik sa pisngi ko. Galit na pinalo ko ang kamay na iyon at pilit na tinatanggal sa pisngi ko. Napuyat ako kagabi dahil sa kanta ni Hunk. Hindi ko alam na ganoon kaganda ang boses niya at kinanta pa niya ang paborito kong kanta.
Narinig ko naman na siyang kumanta noon at alam kong maganda talaga ang boses niya, pero iyong kagabi ay parang kakaiba. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa pag-amin ko sa sarili ko na gusto ko na siya, o talagang kakaiba lang ang awra niya kagabi. Ay, ewan!
"Ano ba! Natutulog pa ang tao!" Inis na sigaw ko at nag-iba ako ng p'westo para hindi na niya ako magulo.
Mahigpit kong niyakap ang unan ko at nagpatuloy na sa pagtulog. Hindi ko pa nakukuha ng tuluyan ang tulo ko nang bigla ko nanaman maramdaman ang mahinang tapik na iyon sa pisngi ko.
Sa inis ko ay hinila ko iyon at malakas na kinagat. Narinig ko ang malakas at maarteng sigaw ni Hunk na umalingawngaw sa buong kwarto namin. Ngumiti naman ako at bumalik na muli sa pagtulog. Ngunit wala pang isang minuto ay narealize ko bigla kung kanino ang kamay na kinagat ko.
Kamay ni Hunk!
Anong ginagawa niya rito? Usually, kapag late na ako nagising ay hindi na niya ako hinihintay at pumapasok na siya sa trabaho. Anong oras na ba at bakit nandito pa siya at nangungulit?!
"Kalerkey! Ang sakit ng daliri ko. Bagong linis pa naman ito!" Inis na sambit niya.
Bumangon ako sa kama kahit na alam kong mukha akong zombie ngayon. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding namin at nakitang alas otso na ng umaga. Hindi na ito maaga, pero bakit nandito pa rin siya?
Nilingon ko siya at nakitang nakapambahay lang siya. Hindi ba siya papasok sa trabaho? Kung sinabi niya sana sa akin kagabi ay sana lumabas nalang kami ng maaga ngayon! Namimiss ko siya tuwing wala siya sa bahay, e. At kapag nasa bahay naman siya, hindi namin magawa ang lahat ng gusto namin dahil kulang na kulang sa oras.
"Anong ginagawa mo rito, bah? Wala kang pasok? Hindi ka papasok o may plano ka?" Sunod sunod na tanong ko.
"Hindi ako pumasok," ngisi niya at tumayo na mula sa pagkakasalampak sa lapag at umupo sa kamaㅡsa tabi ko. "Pinapapunta tayo ni Mommy sa bahay, e."
Ay, oo nga pala. Nagpapadala si Hunk ng pera sa magulang koㅡbayad niya iyon sa akin. Pero hindi pa kami ulit bumibisita sa kanila. Tumatawag naman lagi sa akin si Mama at pinapapunta kami ni Hunk sa bahay pero wala talaga kaming oras.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi? E, 'di sana nakapagluto ako ng pasalubong sa kanila!" Natatarantang sabi ko.
Bumangon ako sa kama at tinali ang buhok ko pataas. Nilagay ko sa balikat ko ang towel at papasok na sana ako sa CR nang biglang magsalita si Hunk.
"Alam mo, bah, mas mabuti kung hindi na matikma ni Mommy ang luto mo." Umiirap na sabi niya.
At bigla kong naalala na hindi nga pala ako marunong magluto.
Pumasok na ako CR at naligo. Hindi na ako nagbabad dahil gusto ko ay roon nalang kami kumain ng lunch. Napatingin ako sa pulsuan ko nang humapdi iyon nang matamaan ng tubig. Sariwa pa roon ang sugat na mula sa pagkakakurot ko kagabi.
Pagkatapos kong maligo ay nagtapis na ako. Kinuha ko ang band aid sa first aid kit na nasa CR namin at nilagyan iyon. Baka kasi makita ni Hunk at patay kami ni Gym kapag nagkataon. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa repleka ko sa salamin. Inayos ko ang takas na buhok at nilagay iyon sa likod ng tainga ko.
"Hay nako, umayos ka, Eager Crown. Smile..." ngumiti pa ako ngunit nagmukha lang akong tanga dahil pinipilit kong i-strech ang bibig ko.
Paglabas ko ay nakaligo na rin si Hunky. Baka sa baba na siya naligo. Aba, bago ito, a? Kapag naliligo ako at gusto na rin niyang maligo ay nagsasabay kami. Walang malisya roon, dahil minsan talaga babaeng babae siya at ayaw iyong gawin.
"Dadaan nalang muna tayo sa palengke para bumili ng prutas." Aniya habang naglalagay ng BB cream sa kanyang mukha.
"Tss, kapag ikaw nahalata riyan na naka-make up ka, ewan ko nalang."
"Hindi ba p'wedeng maglagay ng BB cream ang mga lalaki, ha, Eager? Chusa ka!"
"Hindi. Ang bakla mo!" Inis na sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.
Bakit at paano ba kasi naging bakla ang isang ito? Sayang talaga siya. Kapag lalaki siya ay baka nahulog na ang loob ko sa kanya at hindi ako mahihiyang umamin na may gusto ako sa kanya.
Kaso ngayon? Hindi ko alam kung masasabi kong gusto ko siya, dahil baka sampalin lang niya at sabihing h'wag na akong mangarap dahil binabae talaga siya at hindi kami bagay. Hindi kami talo.
Alas onse na ng magbyahe kami papunta sa bahay nila. Hindi naman kalayuan iyon sa bahay namin. Mga nasa trenta'y minutos ang oras ng pagitan namin. Dumaan na rin kami sa palengke para bumili ng pasalubong.
"Kwentuhan mo naman ako ng nangyari sa date ninyo ni Gym. Mukhang pagod ka kagabi kaya hindi na kita pinilit na magkwento." Aniya habang nililiko niya ang sasakyan.
Labas na labas ang ugat sa braso niya dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak sa manibela. Sumisipol sipol pa siya at sinasabayan ang kanta na pinapatugtog niya. Tumingin ako sa binata. Tinitignan ko kung paano mabilis na naglalaho ang dinadaanan namin at napapalitan iyon ng ibang lugar.
"Okay naman. Masaya palang kasama si Gym, e..." kunot noong sabi ko.
"Hindi ka ba niya pinabayaan, bah? Ilang beses kong pinaalala sa kanya na tanga-tanga ka kaya baka nakalimutan niya at pinabayaan ka niya."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya dahil mukhang concern siya sa akin, o maiinis dahil iniisip talaga niyang tanga-tanga ako. Umirap ako sa kawalan.
"Hindi nga."
"Ano bang ginawa ninyo?" Inabot niya ang isang apple at kinagat habang ang isang kamay niya ang nagkokontrol sa manibela. "Kumain ng lunch, tapos?"
Tapos binastos ako sa blind date na plano niya sa akin at napaaway sila ni sungit doon. Natrauma ako sa nangyari at hindi ko alam kung hanggang kailan ako matatakot sa nangyaring iyon.
Gusto kong sabihin, pero ang barang nasa lalamunan ko ang dahilan kung bakit hindi ko masabi. Lumunok ako at kinagat ko ang labi ko habang nag-iisip ng idadahilan sa kanya.
"Tapos... naglibot lang."
"Iyon lang?" Kunot noong tanong niya habang ngumunguya.
"Iyon lang." Tumango ako.
"Iyon lang pala, tapos inabot ka ng gabi kagabi?" Nilingon niya ako. "May pinuntahan ka pa bang iba bago umuwi?"
"Eyes on the road, bah. Nagdadrive ka!" Saway ko sa kanya kaya binalik niya ang tingin niya sa harapan ngunit magkasalubong pa rin ang kilay niya.
"Iniiba mo usapan," inis na sabi niya.
"Anong iniisip mo? May lalaki ako?"
"Meron nga ba?" Nilingon niya akong muli gamit ang galit niyang mata.
"Wala!" Mabilis na sagot ko.
Anong meron sa baklang ito? Wala pa kami sa bahay nila kaya p'wede pa naman kahit na hindi siya umacting na parang lalaki. Ilabas niya na muna ang pagiging bakla niya, dahil panigurado mamaya sa bahay nila ay masasakal siya.
"Dapat lang." Umiwas siya ng tingin. "Dapat lang na wala."
"Bakit naman dapat lang?" Wala sa sariling tanong ko.
Hindi siya umimik. Hindi na rin ako nagtanong dahil alam kong kapag ayaw niyang sagutin ay ayaw talaga niya. Binalik ko nalang ang tingin ko sa binata habang nakasimangot.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan, okay kami. Minsan naman ay hindi. Minsan, naiintindihan ko siya, madalas ay hindi. Nakakainis siya. Bahala nga siya riyan sa buhay niya kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko!
"Ewan ko, Eager. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko. Naguguluhan na rin ako, bah."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top