Kabanata 26
Kabanata 26
Blind Date
Paglabas ko ng CR ay naabutan kong nakahiga patagilid si Hunky sa kama, habang nakapatong ang isa niyang kamay sa tagiliran niya. Tinignan ko siya saglit at dumiretso ako sa harap ng tukador.
Akala ko ay rito pa matutulog sina Eyerin, pero agad ding umuwi nang mag-alok si Gym na ihatid ang mga ito. Mabuti naman iyon, para hindi magmukhang bahay ampunan ng mga siraulo ang bahay namin.
Humarap ako sa salamin. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa repleka ni Hunky na nasa likod ko. Nakatingin din siya sa akin habang naglalaro ang ngisi sa kanyang labi. Umirap ako. Bakit niya sinabi kay Gym ang pinag-usapan namin at iyon pang nakakahiya ang sinabi niya. Hindi ko pa naman nakakalimutang boyfriend niya ito at may karapatan ding malaman ang kung anong gustong sabihin sa kanya ni Hunk, pero nakakahiya pa rin!
"Dalian mo riyan, bah." Aniya habang nakangisi pa rin.
"Ano nanaman?" Inis na tanong ko.
"Basta, dalian mo."
Hindi na ako sumagot. Kinuha ko ang lotion niya sa gilid at nilagyan ko halos lahat ng katawan ko. Pinakita ko talaga sa kanya iyon para mainis siyang marami akong kinuha sa lotion, pero parang epekto dahil hindi siya nagsasalita.
Pumayag ako sa gusto ni Gym. Lalabas kami bukas. Magdedate kami. Wala namang malisya roon dahil bakla siya at may boyfriend niya. Iyon ang gusto ni Hunky, e 'di iyon ang gagawin ko. Nakakainis talaga siya!
Nang matapos ako ay tumayo na ako, ngunit hindi pa ako nakakalapit sa kama ay hinigit niya ang kamay ko at hinila pahiga. Hindi ako makakilos dahil sa gulat. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Ano kaya ang trip ng isang ito?
"Hunky!"
"Ang bango naman ng bah ko. Ginamit nanaman ang gamit ko," tumatawang sabi niya.
Umirap ako. "Kung hihingi ka ng sorry, humingi ka na."
"Chusa!" Tili niya. "Sinong nagsabing hihingi ako ng sorry? Naglalambing lang ako, girl!"
Kahit anong gawin kong inis ay natutunaw pa rin iyon dahil sa hindi malamang dahilan ay kumportable ako sa yakap niya. Kumportable ako sa tabi niya at ayaw ko ring kumawala sa hawak niya. Pumikit ako at ninamnam ang mainit niyang yakap.
"Nakakainis ka," sambit ko.
Totoong nakakainis siya dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bawal akong mainlove sa kanya dahil kapag nasaktan ako ay wala akong habol sa kanya. Alam kong lalaki ang gusto niya at hindi niya ako niloloko. Kaya hangga't maaari ay dapat hindi ako mahulog sa kanya, dahil ako rin ang talo.
"Why again, bah?" Namamaos ang boses na tanong niya.
Hindi ako umimik. Hindi ko p'wedeng sabihin sa kanya. Baka sampalin lang ako nito at isampal din sa akin ang katotohanang hindi siya magkakagusto sa akin at hindi kami para sa isa't isa. Ang tanging tanong ko nalang sa sarili ko ay hanggang kailan? Hanggang kailan kami magiging ganito?
"Hindi ko pala natanong kung bakit naghahanap ka ng babaeng pakakasalan noon, pero p'wede ka naman sanang umamin nalang na binabae ka para hindi pilitin ng mga magulang mo sa gusto nila?" Tanong ko.
Tumawa siya. "Masama man ako sa paningin mo at maniwala ka man sa hindi, ayaw kong madisappoint sila sa akin."
"Bakit naman sila madidisappoint? Kung ano ka, dapat proud sila."
"You don't understand..." ngumiti siya ng tipid. Umayos na siya ng higa kaya nakaunan na ako sa braso niya, habang nakatingin siya sa kisame. "Nakita mo ba iyong ngiti nila noong kinasal tayo? Priceless!"
Dapat ba akong maguilty na kahit minsan ay hindi sumagi sa utak ko na sundin ang gusto ng mga magulang ko para sumaya sila? Sinusuway ko pa sila para lang masunod ang gusto ko.
Tinignan ko siya. Inaamin kong hindi ko talaga gusto ang ugali ni Hunky noong una kahit na crush ko siya? Ang gaspang gaspang kasi at ang arte-arte niya pa. Akala ko wala siyang puso at puro gusto lang niya ang dapat masunod, pero mali ako. Kabaliktaran pala ang ugali ng totoong Hunky.
"Bait naman this boy," tumatawang sabi ko.
"Chusa! Anong boy? Girl dapat."
"Pero seriously, Hunky, bilib talaga ako sa iyo. Kaya mong isakripisyo ang kalayan mo para lang sumaya ang iba?" Pumalakpak ako. "Sa iyo na ang korona!" Binigay ko sa kanya ang imaginary crown na kunyare ay nasa ulo ko.
Sabay kaming natawa. Hawak hawak ko ang dibdib ko kung saan mabilis na tumitibok iyon. Unti-unting napawi ang ngiti ko at napalitan ng kaba. Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil baka marinig niya kung gaano kalakas ang tibok niyon.
"Kaya wala akong pinagsisihan sa mga desisyon ko, kahit na mahirap..." mahina niyang sabi.
"Nakakainlove ka naman, bah. H'wag ganyan!" Birong sabi ko.
"Chusa ka! Hindi bagay ang babae at babae," aniya.
Hindi bagay ang babae at babae pero ang lalaki at lalaki, p'wede? Ibang klase. Wala talaga akong mapapala sa kanya dahil malinaw na malinaw ang pagiging binabae niya. Hindi mababago ng kahit na sino iyon.
Pumikit nalang ako para kumalma ang sarili ko. Ayaw kong kainin lahat ng sinabi ko na hindi magkakagusto sa kanya. Kaya hangga't p'wede pang pigilan, pipigilan ko.
"Lalabas kayo ni Gym bukas?" Tanong niya.
Tumango ako. "Sinabi mo kasi, e. Nakakahiya kaya! Malay mo ay napipilitan pala si Gym,"
"Sinabi ko lang naman na gusto mo ng boyfriend. Siya ang nagprisentang siya nalang."
"Pumayag ka naman?"
"Bakit hindi? Atleast, alam kong hindi ka maaagaw sa akin."
Mali yata ang pagkakarinig ko. Sinong hindi maaagaw sa kanya? Ako, o si Gym? Gusto kong tanungin ulit sa kanya pero ayaw ko rin, dahil baka mapahiya lang ako. Baka makarinig ako ng sagot na ayaw kong marinig.
Hindi ako umimik. Kahit na ganito lang katahimik ang pagitan namin ni Hunky ay hindi boring. Nang makaramdam ako ng antok ay siniksik ko ang katawan ko sa kanya at niyakap ng mahigpit ang baiwang niya.
"Good night, bah."
"Sweet dreams, bah." Narinig ko ang buntong hininga niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.
Kahit na anong pilit kong matulog ay ayaw talaga. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Dapat na ba akong matakot? Matatakot na ba ako sa mangyayari sa susunod? Hindi pa naman, hindi ba? Kaya ko pa.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kanina. Ang alam ko lang ay mag-uumaga na iyon. Kaya naman nang gisingin ako ni Hunky ay halos hindi ko pa mamulat ang mata ko.
"May date pa kayo ni Gym, bah. Bangon na!" Hinila niya ang isa kong kamay.
Inis na bumangon ako at tinignan siya. Nakabihis na siya at ready na siyang pumasok sa trabaho. Habang ako ay nakapajama pa rin at gulo gulo ang buhok. Humikab ako at parang robot na inabot ang towel ko sa gilid at saka dumiretso sa CR.
Hindi na ako gumamit ng bathtub dahil baka makatulog lang ako habang nakababad doon, kaya shower nalang ang ginamit ko. Sandali lang din akong naligo. Dahil sa malamig na tubig ay nagising ang sarili ko. Inayos ko na lahat bago bumaba. Naabutan kong nasa kusina si Gym at Hunky.
"Babe, mag-iingat kayo mamaya, ha? Ikaw na bahala sa bah ko. Ingatan mo. Shungaers pa naman iyon," sabi ni Hunky at saka tumawa.
"Para sa babe ko. Opo! Iingatan ko ang bah mo."
Umirap ako sa narinig. Pumasok ako sa kusina, kaya napatingin silang dalawa sa akin. Nginisian ako ni Hunky habang humihigop sa kape niya. Umupo ako sa tabi niya at binigyan naman ako ni Gym ng plato.
"Shungaers pala, a?" Hindi napigilang sabi ko.
"Totoo naman! 'Tsaka ayaw mo ba iyon? Concern ako sa frienship ko."
Kanina may pa bah-bah pa siya, tapos ngayong nakaharap ako biglang friendship?! May sapak na ba sa ulo ang baklang ito?
"Oh, tama na. Ang ganda ganda ng umaga, nag-aaway agad kayo," ani Gym.
Tumayo si Hunky at inabot ang bag niya sa gilid. Nagpaalam na siya na papasok na siya sa trabaho kaya naiwan kaming dalawa ni Gym. Tahimik kong nginunguya ang bacon sa pinggan ko nang bigla siyang magsalita.
"Nandoon na raw siya. Dalian mo na r'yan!" Sigaw niya at hinila na ang kamay ko kahit na hindi ko na nakakagat ang bacon.
"H-huh? Anong pinagsasabi mo, jokla?!" Gulat at inis na tanong ko.
"Basta." Tumawa siya na akala mo ay nanalo ng lotto. "Matutuwa ka kapag nakilala mo siya!"
Wala na akong nagawa kung 'di ang sumunod sa kanya. Dinala ko nalang iyong sandwich dahil nagugutom na ako. Mabuti nalang nakapag-ayos na ako ng sarili kanina bago bumaba. Mukhang balak yata akong hilahin ni Gym kahit na hindi pa ako naliligo.
Gamit namin ang sasakyan niya. Tuwang tuwa siya. Nagpapatugtog pa siya ng kung ano ano kaya iritang irita na ako. Sa inis ko ay pinatay ko ang tugtog kaya nagulat siya.
"Ang ingay!"
"Ang sungit mo naman, girl. Meron ka ba?" Tanong niya. "Pero h'wag mo ng sagutin dahil maiinggit lang ako na dinudugo ka, samantalang ako ay hindi." Huminga siya ng malalim.
"Basta, ang ingay. 'Tsaka h'wag ka ngang kumanta, naiirita ako."
"Nako, sasampalin kita kapag buntis ka at ang boyfie ko ang ama, ha! Sasabunutan kita, girl talaga."
"Gaga, hindi."
Natahimik ako. Hindi na ako muling nagsalita pa, kaya nang binuksan muli ni Gym ang tugtog ay hindi na ako umalma. Hinayaan ko nalang siya kahit na sinasabayan niya pa si Ariana Grande kumanta.
"Right now,
I'm in a state of mind
I wanna be in like all the time
Ain't got no tears left to cry
So I'm pickin' it up, I'm pickin' it up
I'm lovin', I'm livin', I'm pickin' it up"
Pagdating namin sa mall ay siya pa ang excited. Kinakalikot niya ang cellphone niya at the same time ay parang may hinahanap siya. Hawak hawak niya ang kamay ko. Wala naman ako sa mood kaya sumusunod nalang ako sa trip niya.
"Ano ba talaga, Gym? Akala ko ba date ito?"
"Oh yes, my dear. It's a blind date!" Aniya at inayos pa ang buhok ko medyo magulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top