Kabanata 25

Kabanata 25

Boyfriend

"Sorry?" Ngumiti ako ng pilit at nagpa-cute pa ako sa harapan niya.

Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa akin. Minsan madali siyang basahin, madalas naman ay hindi. Kung dati ay magaling akong magkilatis ng taoㅡmadalas pa nga kung ano ano ang iniisip ko sa kanila, ngayon ay parang ako na itong napaka-transparent at ang mga taong nasa paligid ko naman ang hindi ko mabasa.

"P'wede paki-explain nalang sa akin kung bakit narito si Vamp at si boyfie?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.

"Sinundo nila kami sa barㅡ"

"Kasi lasing na lasing na kayo. Ganoon ba?" Kunot noo niyang tanong.

Kinagat ko ang labi ko. Kahit naman magsinungaling ako ngayon ay alam kong hindi niya paniniwalaan, kaya dahan dahan akong tumango. Pumikit ako ng mariin. Mas natatakot pa ako sa kanya kaysa sa mga magulang na dati ko ring sinusuway ang utos.

Parang may kakaiba kasi kay Hunk. Kahit na sabihin nating hindi naman talaga tunay itong kasal namin, minsan parang totoo. Minsan hindi ko na rin narerealize na hindi nga pala ito totoo at ang totoo ay binabayaran niya lang ako.

"Gosh! What did you say to me when I left you the other day?"

"Lahat ng ginagawa ko, sasabihin ko sa iyo. Kahit pagbawas ko ng sama ng loob," mahinang sabi ko.

"What do you think? Nasunod mo ba o hindi?"

"Hindi."

"So, may karapatan akong bigyan ka ng parusa, right? Kasi hindi mo sinunod ang sinabi mo sa akin."

Kahit wala akong magawa ay tumango pa rin ako. Sa totoo lang, natatakot ako sa parusa na sinasabi niya. Mamaya bigla niya akong utusan nang kung ano anong makakasira ng reputasyon ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakataas ang isang sulok ng labi niya at hindi ko talaga gusto ang aura niya ngayon. Para siyang may iniisip na hindi maganda. Sumimangot ako sa kanya at nagpaawa kahit na alam kong matigas ang puso ng baklitang ito.

"H'wag mo naman akong maghubarin sa harap ng maraming tao!" Biglang sabi ko dahil iyon ang iniisip kong posible niyang ipagawa sa akin.

"What?" Tumawa siya. "Hindi iyon ang gusto kong ipagawa sa iyo at kung tungkol man sa paghuhubad mo ang ipapagawa ko, gusto kong sa harap ko at hindi sa harap ng maraming tao."

"Ayie, may mga bulate sa t'yan ko, Hunky! Kinikilig ako." Sinundot ko pa ang tagiliran niya at halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti.

"Chusa! Ayaw ko lang laitin nila iyang katawan mo. Mas okay nang ako ang lalait. Concern ako sa iyo, you know?" Pang-asar na sabi niya at humalakhak siya.

Agad namang napawi ang ngiti ko. Pinanuod ko lang siya na halos hindi na makahinga sa kakatawa. Sa inis ko ay hinablot ko ang unan at sinubsob ko sa mukha niya, kaya inis niyang hinarap ako.

"Nakakainis ka naman, e!" Sabi ko at saka iniirapan siya.

"Ikaw kamo ang mas nakakainis," sabi niya. "Nagagawa mong maging masaya kahit wala ako..." halos hindi ko na marinig iyong huling sinabi niya kaya hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko.

"Nafa-fall ka na ba sa akin, Hunky?" Malawak ang ngising tanong ko.

"Chusa! Kaya ka nasasaktan dahil ang assumera mo." Tumayo siya at akmang aalis na nang hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya.

Bumagsak ang katawan niya sa akin. Mahigpit ko siyang niyakap at naamoy ko ang mabago niyang amoy. Nagiging pamilyar na iyon sa akin at kahit na iyon lang ang maaamoy ko ay alam ko agad na siya na iyon. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko at ang malambot niyang labi roon.

"Na-miss kita, bakla!" Sabi ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap.

"Ouch! I can't breathe! Chusa ka, akala ko inagaw mo na sa akin ang boyfie ko."

"Anong masama roon? Hindi ba't sinabi mo na p'wede ko rin namang maging boyfriend si Gym?" Asar na sabi ko.

"Sinabi ko lang iyon kasi ayaw kong magkaboyfriend ka."

"Why not?" Tanong ko. "Bakit ayaw mo, Hunky?"

Binitawan ko siya para mas makita ko ang mukha niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at maarte niyang inayos ang nagulo niyang buhok. Hinuhuli ko ang mata niya ngunit pilit iyong umiiwas.

"Why, bah?"

"Bakit hindi?"

"I hate it when you answer a question with another question..." seryosong sabi ko pero umiiwas pa rin siya.

"No, you don't. You think it's charming."

Imbes na mainis ay wala talaga akong maramdaman na kahit ano, kaya hinayaan ko nalang siya. Umirap ako at inaya ko nalang siya na bumaba na kami. Magdidilim na at baka umuwi na iyong mga bisita namin.

Magkahawak ang kamay namin ni Hunky habang pababa. Ang mga makakapal ang mukha ay nasa sala na ngayon at nanunuod ng TV. Kinikilig pa sina Whale sa gilid, habang ang tatlong bakla ay tahimik.

"Nandyan na ang bagong kasal!" Biglang sigaw ni Sacker.

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo dalawa na..." huminto pa sa pagsasalita si Pure bago ituloy ang gusto niyang sabihin. "Walang forever."

Tumawa nalang ako. Binitawan ko si Hunk at pumunta sa mga Ghastly Girls, habang si Hunk naman ay sumama sa mga kauri niya. Umupo ako sa tabi ng tahimik na si Chain.

Tuwing naalala ko ang problema niya, hindi ko maiwasang masaktan para sa kanya. Iyong tipong akala ko ay ako na ang pinaka malaki ang problema sa aming lahat, bigla kong naalala iyong kanya. Parehas lang naman kami kaso ang problema ay alam ko na talagang bakla si Hunky una palang.

"Naiinlove ka na ba sa akin, Eager?" Biglang sabi niya kaya umirap ako.

"Duh?!"

Napatingin ako sa pinapanuod nila. The Kissing Booth iyon kaya naiintindihan ko na kung bakit kilig na kilig sila. Napanuod ko na ito noon at hindi ko maitatanggi na nakakakilig talaga siya. Ang yummy pa noong lalaki!

Napatingin ako sa side nila Hunk. Tahimik at seryoso silang nag-uusap. Kahit na gusto kong malaman kung ano ang pinaguusapan nila ay wala akong magawa kung hindi ang respetuhin nalang iyon at hayaang silang dalawa nalang ang makaalam ng pinaguusapan nila.

"Timpla ka nga ng juice, Crown!" Utos sa akin ni Whale.

"Ano ka, siniswerte?! Kumuha ka ng sarili mong juice!" Inis na sabi ko.

Hindi pa ba uuwi ang mga ito? Ilang araw ng tambay sa bahay namin. Lalo na itong si Chain. Hindi ba siya hinahanap ni Seal? Kahit naman bakla iyon ay alam kong concern pa rin siya sa asawa niya. Si Hunky nga, eㅡteka, bakit ko ba sila kinukumpara?

"Oo nga, Eager. Timpla ka!" Gatong pa ni Germ.

"Nauuhaw na rin ako." Sabi naman ni Eyerin.

Umirap nalang ako at tumayo na. Ang kakapal talaga ng mukha nila, hindi pa nahiya at may parequest-request pa silang alam d'yan. Lagyan ko kaya ng lason mga inumin nila!

Kinuha ko ang malamig na tubig sa ref at habang tinitimpla ang juice sa baso ay nakaramdam ako ng presensya ng isang tao. Hindi ko na nilingon iyon dahil naamoy ko ang pabango niya.

"Hi, Gym!" Bati ko.

"How did you know?" Tumawa siya.

Ngumiti lang ako at nagpatuloy na sa pagtitimpla. Sinandal niya ang katawan niya sa pader habang pinapanuod ako. Tinikman ko ang juice kung okay lang ba ang lasa at nang okay na ay inayos ko na ang mga nagamit kong kutsara pantimpla at ang baso.

"You free tomorrow?"

"Bakit, aayain mo ako ng date?" Kunot noong tanong ko.

"Hmmm," napahawak siya sa batok niya. "Sort of."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya at tumawa nang tumawa dahil unexpected talaga na aayain niya ako ng date. Para saan? Walang malisya iyon dahil alam ko naman ang pagkatao niya.

"Bakit?" Tanong ko. "Bakit bigla kang nag-aya ng date, Gym?"

"Nabanggit kasi ni Hunk iyong sinabi mo sa kanya kanina..."

"Alin doon? Marami akong sinabi," tumatawang tanong ko.

Bakit ang tao kapag tinanong, dami pang paligoy ng sagot. Hindi nalang iyong direct to the point. Mahirap din kayang manghula. Kaya nasasabihan ng assumera ang iba dahil sa kakahula nila sa gustong sabihin sa kanila, mali-mali na pala.

"Iyong gusto mo ng boyfriend."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top