Kabanata 24

Kabanata 24

Lasing

Kagat kagat ko ang labi ko at hindi ko na kayang ubusin itong sopas ni Gym dahil sa kaba. Ang akala ko, pagkaalis ni Hunky ay bibigyan ako ng support ng mga taong nasa paligid ko, pero wala. Nanatili silang kumakain.

Napabuntong hininga ako at binitawan ko na ang kutsara ko. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko o kung may kasalanan ba ako. Iyon ang problema ko ngayon. Sa hindi malamang dahilan ay natatakot talaga ako sa pag-uusap naming ito ni Hunky.

Naramdaman ko ang magaspang na kamay ni Gym sa balikat ko kaya nilingon ko siya. Nakangisi lang siya at patuloy niyang tinatap ang balikat ko.

"Baka natawagan ko rin siya, Gym." Hindi siguradong sabi ko.

"Hindi mo ba chineck phone mo?" Tanong niya.

Iyon ang inaalala ko kanina habang naliligo ako, pero iyon pa ang nakalimutan ko. Umiling ako sa kanya. Wala talaga akong ideya sa pag-uusapan namin. Mabuti sana kung nakangiti siya kanina, e, hindi naman.

Huminga ako ng malalim. Kahit na anong gawin ko, ganoon pa rin naman. Kaya mas mabuting ngayon na ako pumunta roon para kausapin siya. Agad akong tumayo na nakaagaw ng atensyon nilang lahat, kaya ang mata nila ay nasa akin na.

"Lagot ka!" Pananakot pa ni Sacker.

"Mukha pa namang kakain ng buhay iyong asawa mo kanina," sabi pa nitong si Pure.

"Wow, ha? Salamat sa support ninyo. Naappreciate ko ng bongga!" Inis na sabi ko at umirap. "Umalis na nga kayong lahat sa bahay ko!"

Tumawa naman si Gym sa gilid ko. Ang kaninang lakas ng loob na inipon ko ay biglang nawala. Parang yelo na biglang natunaw, kaya bumalik nanaman ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko nga, sa mga oras na ito ay naririnig nila ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko.

"Halikan mo nalang, bakla. Hindi na makakapalag iyon," ani Germ habang kumakain.

"Wala ng sabi-sabi. Halik agad!" Tumawa si Chain.

Nilingon ko si Gym nang bigla siyang umalis sa gilid ko. Kinuha niya ang gamit na pinggan at pumunta sa sink para hugasan. Nagui-guilty nanaman ako sa nangyayari. Patuloy pa rin sa paggatong ang mga girls para sa gagawin ko mamaya.

Mahal ni Gym at Hunk ang isa't isa, pero hindi iyon naging sapat parang maging mas masaya sila. Para maging maligaya sila. Dahil kahit na hindi ako ang mahal ni Hunk ay malaya kami sa relasyon namin.

"Sasapakin lang iyan ni Hunk, hindi nakakatulong iyang mga sinasabi ninyo." Walang ganang sabi ni Vamp.

Alam kong kahit anong mangyari ay kampi pa rin siya sa relasyon ni Gym at Hunk. Ako rin naman, e. Dahil alam ko namang hindi na magiging lalaki kailan man si Hunky, at ang makakapagsaya lang sa kanya ay si Gym, hindi ako.

"Bakit naman siya sasapakin? Duh? Sinong lalaki ang aayaw sa halik?" Maarteng sabi ni Eyerin.

Duh? Mabuti nga sana kung totoong lalaki si Hunky. E, hindi.

"Hindi lahat ng lalaki, gusto ang halik. Kapag may kasalanan kang ginawa, humingi ka ng tawad. Hindi iyong ganyan." Sagot ni Vamp.

"Sus, kahit anong sabihin mo. Alam ko na ang kahinaan ng mga lalaki." Umiiling na sabi ni Eyerin.

"Well, opinyon mo iyan."

Paano nga kasi sila mahihilig sa halik ng babae, e, bakla sila. Imbes na kiligin sila ay baka masuka lang sila. Katulad noong first attempt  namin ni Hunky noon, diring diri si bakla. Akala mo ay isa akong baluga na hindi naliligo.

"Goodluck nalang, Eager." Ani Whale na hindi ko alam kung sincere ba o ano.

Tumayo ako at tumabi kay Gym na busy pa rin sa paghuhugas ng pinggan. Hinila ko ang suot niyang kulay pink na apron. Nagulat naman siya, pero sumunod din siya sa paghila ko sa kanya.

"Ano nanaman?" Tanong niya nang nasa tapat na kami ng hagdan.

"Samahan mo ako." Lumabi ako sa kanya para pumayag siya.

"No way!" Nanlaki ang singkit niya mata at pilit na tinatanggal ang mahigpit kong hawak sa apron niya.

"Sige na!" Pilit ko pa. "Kahit doon ka lang muna sa labas, tapos kapag sinapak na ako ng boyfie mo, umextra ka na. Baka mapatay ako noon, e."

"Gaga!" Tumawa siya at inayos ang buhok niya. "Hindi iyan. Keri mo na iyan, friendship!"

Kahit anong hila ko sa kanya ay hindi na talaga siya nagpapahila, kaya no choice ako at ako na ang umakyat at pumasok sa kwarto namin. Kabado ako, kaya huminga ulit ako ng malalim para mawala ang mga bara sa lalamunan ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Hangin mula sa aircon na nakabukas ang agad na bumungad sa akin. Pumasok ako sa loob, pero ni anino ni Hunky ay wala akong nakita. Kahit hininga niya, hindi ko marinig.

"Hunky?" Tanong ko.

Walang sumagot. Ang buhos ng shower mula sa CR ang sumagot sa akin. Umupo nalang ako sa gilid ng kama. Siguro ay pagod na pagod si Hunky ngayon dahil dati na akong nakapagtrabaho at sumama ng team building, alam kong nakakapagod talaga iyon.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago bumukas ang pinto. Tanging baba lang ang nakatapis at basa pa ang buhok niya. May maliit siyang tuwalya na hawak at iyon ang kinukuskos niya sa basa niyang buhok.

Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon dahil hindi ko magawang itikom ang bibig ko.

Ano ba, Eager! Patay gutom lang? Kakakain mo lang pero mukhang hindi nakakain ng ilang buwan. Ibang klase.

"Pst," tawag ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin. "Magbihis ka muna bago tayo mag-usap, ha?"

"Bakit?" Kunot noo niyang tanong.

"Ang yummy moㅡeste, basta! Magbihis ka na. Maghihintay ako rito."

Kinurot ko ang likod ng kamay ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Nginuso ko ang labi ko at pinaglaruan ko ang paa ko habang hinihintay siya. Bakit ganoon? Ang bango niya. Ginagamit ko naman lahat ng kaartehan niya sa katawan, pero bakit pakiramdam ko ay iba pa rin ang amoy niya.

Ano kaya ang itatanong niya sa akin? Nilingon ko siya at nang makita kong busy siya sa pagsusuot ng damit ay agad kong hinablot ang cellphone ko sa may table. Binuksan ko ang message ko at nakitang marami akong naitext doon na nagreply, pero hindi ko na nareplyan. Kinatok ko ang ulo ko.

Bwisit ka talaga! Bakit ba ganito ka kapag nalalasing? Anong sakit ba ang meron ka, ha, Eager? Abnormal ka rin yata katulad ng mga kaibigan mo, e.

"So..." narinig ko ang boses ni Hunky sa gilid ko kaya hindi ko na nabuksan ang message niya.

Tinago ko sa likod ko ang cellphone at hinarap siya. Umupo siya sa gilid ko. Hindi ko naman makita ang galit niyang mukha na nakita ko kanina. Ang napansin ko ay ang mata niyang malalim at namumula. Halatang pagod siya.

Pero bigla kong naalala iyong sinabi ng mga girls kanina kaya habang nakatingin pa ng ganoon si Hunky ay agad na akong lumapit para halikan siya sa labi. Nanlaki ang mata niya at kunot noong nakatingin sa akin nang lumayo na ako.

"May kasalanan ka ba?" Tanong niya.

"May alam ka bang kasalanan ko?" Tanong ko rin pabalik.

Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sagot mula sa kanya. Pero imbes na sagot ang makuha ko ay agad niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at madiin na hinalikan sa labi. Nauntog pa ako sa headboard ng kama namin, pero hindi iyon naging dahilan para tigilan ang ginagawa.

Naramdaman ko ang hawak niya sa kung saan saang parte ng katawan ko. Nagpaubaya ako. Sa hindi malamang dahilan ay parang nasasabik din ako sa bawat halik at hawak niya. Minulat ko ang mata ko kahit na hilong hilo na ako sa ginagawa niya. Nakita ko ang matalim niyang tingin sa akin habang nakaawang ang labi niya.

"Hunky..." napapikit akong muli. "I-iyong pag-uusapan n-natin..."

Dahil sa sinabi ko ay agad siyang tumigil. Napaayos ako ng sarili ko at naghihintay ng sasabihin niya. Nakahanda na rin ang paghingi ko ng tawad sa kanya kung may kasalanan nga ba akong ginawa.

"Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko at ang mga reply ko sa sinabi mo?" Tanong niya.

Naguluhan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, pero sigurado akong may kinalaman iyon sa kalasingan ko kagabi. Nang mahalata niya nagtataka ako ay hinablot niya ang cellphone niya sa gilid niya at may hinanap doon.

Nanatili akong hindi nagsasalita. Baka iba pala ang sinasabi niya at madulas lang ako sa mga hindi naman pala niya alam, e 'di mas lalong lagot ako noon.

"Hi, bah. Miss na agad kita. Sana nandito ka para yakapin ako, kung hindi ay papayakap ako sa ibang lalaki." Biglang sabi ni Hunky habang nakatingin sa screen ng phone niya.

Noong una ay nagtaka ako sa sinasabi niya. Akala ko ay siya ang nagsabi niyon, pero noong hinarap niya sa akin ang cellphone niya ay nakita kong galing sa akin ang mensaheng iyon

"Shit?!" Gulat na mura ko.

"You don't know?" Tanong niya. Hahawakan ko sana ang cellphone niya para mabasa ko kaso bigla niyang nilayo iyon, "Tell me..."

"H-huh?"

"Lasing ka ba kagabi?" Magkasalubong ang kilay niyang tanong sa akin.

***

Kanina pa sana 'tong update, kaso nabura 'yong una kong gawa kaya nagtype ulit ako ng panibago.

Anyways, kamusta ang first day of school? Regalo ko pala 'tong update na 'to dahil alam kong pagod kayo, kaso mukhang masyado ng gabi at wala ng gising. Haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top