Kabanata 21
Kabanata 21
Team Building
Nang araw ding iyon ang sinasabi ni Gym na date naming tatlo. Hindi ko alam, pero hindi talaga matanggal-tanggal ang hiya ko kay Hunky kahit na hindi naman iyon ang first namin para mag-react ako ng ganito.
Humarap ako sa tukador habang naririnig ko ang tunog ng shower sa CR. Naroon si Hunk at nag-aayos naman ako ngayon ng sarili. Ginamit ko ang mga make-up na ginamit namin kagabi, habang nag-aayos ako ay hindi ko mapigilang hindi kausapin ang sarili ko sa salamin.
"Ang arte mo!" Umirap pa ako sa sarili at nagpatuloy na sa pagbbrush ng mukha ko.
Ngumiti ako ng bongga nang lagyan ko ng blush-on ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay kailangang maganda ako ngayon. Kahit ba bakla iyong kasama ko ay parehas silang g'wapo. Magmumukha akong alalay nila kung hindi ako mag-aayos.
"Ang landi mo kagabi tapos ngayon ay mahihiya ka? Kapalan mo mukha mo, 'te! Walang madadala iyang kaartehan mo." Patuloy kong sinisermunan ang sarili ko habang hinahanap ang p'wedeng shade ng lipstick na gagamitin ko.
"Bakit kasi itong si Hunky, magtatanong pa? Nautal-utal pa ako kanina tapos tatawanan lang niya ako? Fuckㅡ" itataas ko pa sana ang middle finger ko habang nakatingin sa salamin nang biglang lumabas si Hunky sa CR.
Napaayos ako ng sarili. Kunyare ay may inaayos pa ako sa buhok ko kahit na okay naman na ako. Lumunok ako at umubo dahil sa daming nakabara sa lalamunan ko.
"Sinong kausap mo?" Tanong niya habang kinukuskos ang maliit na towel sa basa niyang buhok.
Nakatingin ako sa kanya sa salamin at hindi ko mapigilang hindi mapanganga nang makita ang kabuoan niya. Nakatapis lang ng manipis na towel ang baba niya at ang ilang tubig ay malayang tumutulo sa katawan niya.
Hinawakan ko ang baba ko dahil baka may laway na ako roon. Nagpapasalamat akong mas matino pa ang laway ko kaysa sa akin dahil hindi siya tumulo. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at ngumiti sa kanya.
"Wala. Labas na ako?" Hindi ko kaya dites, baklush!
"Umiiwas ka ba sa akin?" Halakhak niya.
"Bakit naman sana ako iiwas? G'wapo ka ba? Hot ka ba? Lalaki ka ba?" Inosente kong sabi na akala mo ay wala akong sinabi na hindi maganda.
Kumunot ang noo niya. Nanatili siyang nakatingin sa akin at nakamaywang, pero hindi naman siya nagsasalita. Hindi ko siya mabiro dahil seryoso ang tingin niya sa akin. Kinakabahan nanaman ako kaya namawis ang kamay ko.
Nasabi ko na ba noon na mukha talaga siyang lalaki tuwing seryoso? Well, kung oo, sasabihin ko ulit. Ang g'wapo niya kapag seryoso siya. May garter pa naman ang panty ko kaya safe pa ako ngayon! Nagkakasala nanaman ako, kakatapos nga lang namin kagabi.
Walang imik siyang tumalikod para kumuha ng damit sa closet niya. Gusto kong umalis, ngunit pakiramdam ko ay hindi niya ako binibigyan ng permiso para umalis kaya nanatili akong nakatayo sa tabi ng pintuan.
"Hindi ba ako magaling kagabi?" Tanong niya habang nagsusuot ng gray v neck t-shirt.
Hindi niya ako sinusulyapan ng tingin. Tinanggal niya ang towel sa kanyang baba at nakita ko ang black niyang calvin klein na boxer 'tsaka niya sinuot ang pants niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya at medyo basa pa iyon.
Napanganga ako sa tanong niya at hindi ko magawang sumagot. Anong isasagot ko? Para sa akin ay okay naman iyong kagabi. Nag-iinit ang pisngi ko tuwing naaalala ko iyon, pero hindi ko talaga kayang kalimutan. Kung dati ay nag-aamok ako na nakalimutan ko iyong first namin, ngayon sana ay ganoon nalang din.
"H-huh?" Hindi ako makakapa nang dapat kong sabihin.
"Hindi mo ba nagustuhan? You're aware na jokla ako at first time ko makipag-sex, hindi ba?" Tanong niya at lumapit siya bigla sa tukador, kung nasaan ako. "Gagalingan ko sa susunod."
Lalo akong naspeechless sa sinabi niya. Wala naman akong sinasabihing hindi ko nagustuhan iyong kagabi. At lalong nakakahiya na sasabihin niyang may next time pa! Ano ba, Eager, nasaan ang tapang at kapal ng mukha mo? Bakit tiklop ka ngayon?
Sabay kaming lumabas at bumaba. Naabutan namin si Gym na naghihintay na sa sala. Masaya akong lumapit sa kanya at sinabit ko ang kamay ko sa braso niya. Ganoon din ang ginawa ko kay Hunk, kaya nasa gitna nila akong dalawa.
Hanggang sa makarating kami sa mall ay ganoon ang lagay namin. Hanggang balikat lang nila akong dalawa tapos ay nasa gitna pa nila ako. Ano kayang itsura namin ngayon? Ang ibang tao na ang umiiwas kapag nakikita kami dahil alam nilang wala kaming balak maghiwalay na tatlo.
"Ang g'wapo naman ng dalawang lalaki. Swerte niyong babae!" Samu't saring puri para kay Hunk at Gym ang naririnig ko.
Napangiti nalang ako at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa kanila. Since, magtatanghali na ay dumiretso na agad kami sa restaurant para kumain. Nagtalo pa ang dalawa kung saan kami kakain. At dahil wala naman akong alam sa mga ganoon ay hinayaan ko nalang silang magtalo.
"Yes, finally!" Bulalas ko nang sa wakas ay makapili na sila.
Sa huli ay nanalo pa rin si Hunky. Hindi ko rin alam kung anong mayroon sa kanya at parang lagi yata niyang napapasunod lahat ng tao sa paligid niya. Kung ano ang gusto niya, iyon kaagad ang nasusunod. Hindi ko alam. Bahala siya sa buhay niya.
"CR lang ako," ani Hunk nang matapos kaming mag-order.
Naiwan kaming dalawa ni Gym. Kinuha ko ang kutsara sa lamesa namin at nilagay sa ilong ko ang scoop, pero agad din iyong nahulog dahil wala akong ilong. Pango ako, okay?
Pango na ngayon ang magaganda!
"Hindi kasi ganyan," natatawang sabi ni Gym at kinuha niya rin ang isang kutsara at nilagay sa ilong niya na nagstay ng three seconds doon.
Napanuod ko kasi itong noong nanuod ako ng season 2 ng 13 Reasons Why, akala ko ay madali lang, pero mahirap pala lalo na kapag hindi matangos ang ilong. Tawa kami nang tawa ni Gym sa table namin na halos pagtinginan na kami ng mga tao.
"E, 'di ikaw na may ilong!" Sabi ko dahil pinagyayabang niya na mas magaling daw siya kaysa sa akin.
"Wala naman sa ilong iyan. Nasa kung paano mo didiskartehan!" Kinuha niya ang kutsara niyang nahulog at siya na ang naglagay sa ilong ko.
"Nahuhulog talaga!"
"H'wag ka kasing tumawa. Tawa ka nang tawa, talagang mahuhulog." Pabiro niya pang sinabunutan ang buhok ko.
"O, game, seryoso." Sabi ko pero kakasabi ko palang ay humagalpak na kaagad ako sa tawa.
Hanggang sa dumating si Hunky ay tawa pa rin kami nang tawa. Nawala ang gutom ko at parang nabusog yata ako sa hangin. Nagtataka pa ang mukha ni Hunk nang maupo siya sa pwesto niya.
"Am I missing something here?" Kunot niyang tanong.
Magsasalita palang sana ako para ipaliwanag sa kanya ang ginagawa namin nang biglang dumating ang order namin. Nang makita ko ang mga pagkain ay biglang bumalik ang gutom ko. Sinong nagsabing madaling tanggihan ang pagkain?
"So, Eager, don't get me wrong pero ayaw mo ba talaga mag boyfriend?" Tanong ni Gym. "Yeah, I know na asawa mo na si Hunk, pero malay ko ba kung gusto mo pala ng iba."
Naisip ko na rin iyon. Dapat nga bang mag boyfriend ako? Para kahit papaano naman ang maranasan kong maging masaya at mainlove ulit. Pero magmumukha lang akong malandi pag ganoon dahil committed na ako.
"Hindi ko alam." Nagkibit balikat ako.
"Hindi p'wede," si Hunk ang sumagot at uminom ng juice niya. "Masasaktan lang siya sa lalaki."
"Why not? Hindi ba't kasama naman sa pagmamahal ang masaktan?" Sabi ko.
"Basta hindi p'wede."
Kanina ko pa napapansin na ang seryoso niya. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali, o talagang bad mood lang siya. At heto nanaman siya sa pagdedecide ng buhay ng isang tao. Siya nanaman ang nasusunod.
"Bakit hindi, babe? Ikaw nga ay boyfriend mo ako." Mahinang sabi ni Gym.
"E, 'di ikaw nalang din ang boyfriend niya." Matabang na sabi ni ni Hunk. "Basta, hindi p'wede."
Natapos ang lakad namin na hindi na nabalik ang maganda kong mood. Hindi ko rin naman gustong magboyfriend dahil may asawa na ako. Ang akin lang, ayaw kong si Hunk ang nagdedecide sa akin samantalang ako ay walang karapatang magdecide para sa akinㅡsa kanyaㅡsa amin.
Tinaas ko nalang ang paa ko sa center table habang pinapanuod ang palabas sa TV, kahit na sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nanunuod. Na nakatitig lang ako sa monitor ng flatscreen TV na nasa harapan ko.
"Eager, mamamasko po!" Narinig kong sigaw mula sa labas ng bahay namin.
"Patawad!" Sigaw ko pabalik. "May palang, hindi december. Bilhan ko nalang kayo ng kalendaryo para alam ninyo." Hindi ko na kailangang isigaw pa iyong huli kong sinabi dahil nakapasok na silang lahat.
Binagsak kaagad ni Pure ang sarili niya sa couch at inagaw ang kinakain kong chips. Kinuha ni Whale ang remote at siya nanaman ulit ang naghanap ng p'wede naming panuorin. Habang si Chain, Eyerin, Sacker at Germ ay tahimik na umupo sa gilid.
"Ano nanaman? Nawalan nanaman ba ng supply sa bahay ninyo at makikiburaot nanaman kayo sa amin?" Sarkastiko kong sabi.
"At kailan kami naging buraot?!" Ani Eyerin at lumingon sa kusina. "Anong ulam ninyo?"
"Wala. Sa labas kami kumain ni Hunk."
"Sa labas?" Naguguluhang tanong ni Sacker. "You mean sa garden ninyo?" At tinuro niya pa talaga ang labas.
"Gusto mo ibalik kita ng elementary, Sack?" Tumatawang sabi ni Chain.
"E, kung ikaw kaya ang ibalik ko sa katangahan mo roon sa asawa mo?" Balik na sabi naman ni Sacker.
Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na nagdub at sinabing. "Bars!"
"Chusa kayo!" Inis na sabi ni Chain at sumimangot.
"Grabe kayo sa pinsan ko. Alam ninyo na ngang tanga, ipapamukha ninyo pa." Tumatawang sabi ni Pure habang nakataas na rin ang paa niya sa center table.
"Nabighani ng bakla!" Asar ni Whale.
"Anong problema mo sa bakla, Whale? Baka gusto mong hindi makauwi ng buhay?" Pabirong sabi ni Germ na kanina pa nananahimik.
"Natamaan!" Kantyaw nila Eyerin.
Ang kaninang tahimik kong mundo ay umingay. Pero kahit na ganoon ay mas gusto ko iyong ganito. Para kahit papaano ay alam kong hindi ako nag-iisa. Kahit na ako lang ang matino sa amin at hinding hindi ako mahahawa sa kaabnormal-an nila ay masaya pa rin akong nandito sila.
"Bah?" Rining ko ang boses ni Hunk.
"Bah." Sigaw ko rin para marinig niya.
"Bah," gaya naman ni Pure kaya nilingon ko siya. "Wala lang. Para cute." Nagpeace sign pa siya kaya inirapan ko lang siya.
"Hindi ko mahanap iyongㅡ" natigil siya sa pagsasalita habang bumababa ng hagdan dahil nakita niya ang mga kaibigan ko. "ㅡboxer kong kulay grey? Hi." Bati niya sa mga ito.
"Hello, Hunk! Ang yummy mo talaga!" Nanggigil pa na sabi ni Eyerin.
Ngumiti lang si Hunk at binaling na muli ang tingin sa akin para hintayin ang sagot ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at umakyat sa kwarto namin. Sumunod naman siya sa akin habang hawak niya ang kulay puti niyang boxer.
"Nandyan pala sila," aniya.
"Hindi ko rin alam, e. Bigla nalang silang pumasok." Hinanap ko na kaagad sa paglagyanan niya ang hinahanap niyang boxer.
Minsan kasi ay kahit na naroon iyon ay hindi niya nakikita. Kaya dinodouble check ko kapag naghahanap siya ng mga gamit.
"Papapuntahin ko pa sana si Gym dito bukas. Sila nalang kaya?" Aniya.
"Bakit? Para saan?"
"May team building kami sa office, one night lang naman akong mawawala."
Nakita ko na ang grey niyang boxer. Sabi na nga ba at hindi niya minsan nakikita ang mga gamit niya kahit na nandoon naman sa paglagyanan.
"Ow? Biglaan?" Tanong ko at inabot sa kanya ang hinahanap na boxer.
"Biglaan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top