Kabanata 19
Kabanata 19
Kiss
Nanatili lang ako sa bahay nang araw na iyon. Umulan pa, kaya lalong nakakatamad lumabas-labas. Bababa lang ako tuwing kakain, pero most of the time ay nasa kwarto lang talaga ako. Nanunuod ng kung ano anong movies or series sa Netflix. Hindi ko alam na matutuwa akong manuod-nuod ng ganito.
Tinapon ko ang pang-limang platik ng chips sa gilid. Alas singco na nang hapon. Maaga pa naman at alam kong hindi na ako maaabutan ni Hunky na ganito mamaya. Kung 'di, baka kung ano nanaman masabi noon sa akin. Ayaw pa naman niya ng makalat.
"Nakakatamad!" Gumulong-gulong ako sa kama.
Kapag ganitong maulan talaga, nakakatamad kumilos. Ultimo pagligo nakakatamad din. Saglit lang akong naligo kanina at hindi nagbabad, hindi katulad ng nakagawian ko na halos abutin ako ng siyam siyam sa CR.
Sumilip ako sa bintana. Walang tigil pa rin ang buhos ng ulan mula sa kalangitan. Madilim na rin kahit na hindi pa naman gabi. Kung hindi mo alam ang oras ay aakalain mong gabing gabi na dahil sa dilim. Lumapit ako roon at hinawi sinilip nang mabuti ang bawat patak ng luha ng langit.
"Oh my gosh!" Napasigaw ako sa nakita.
Dali-dali kong hinablot ang mga plastik sa gilid ng kama at tinapon sa basurahan. Natataranta kong inayos ang mga ginulo ko kanina. Sa pagkataranta ko ay nadulas pa ako. Napahawak ako sa kama habang hinihimas ang pwetan ko.
"Ang tanga mo talaga, Eager Crown!" Kinatok ko pa ang ulo ko sa pagkainis.
Kahit na paika-ika ako ay inayos ko pa rin ang mga gamit. Bakit ba kasi ang aga niya? Usually, ang uwi niya lagi ay alas nueve or alas diez ng gabi. Alas singco palang, ah!
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makarinig ako ng sigaw. Ang ilang buhok ko ay nasa mukha ko na. Kahit na bukas ang aircon ay pinagpapawisan ako. Kinuha ko sa may table ang ipit ko at tinali ko pataas ang buhok ko.
"Saglit, Hunky!" Sigaw ko pabalik.
Nang makita kong maayos naman na ang kwarto ay binuksan ko na ang pinto. Pilit akong ngumingisi at inaayos ko ang buhok kong nagulo. Hinihingal pa ako kaya napataas ang isang kilay niya.
"Anong ginawa mo?" Maarte niyang tanong.
"Waㅡ" sasagot palang sana ako nang mahagip ng mata ko ang lalakingㅡbaklang nasa likod niya.
Napawi ang ngisi ko at hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Hindi manlang sinabi ni Hunky na idadala nanaman niya rito sa bahay namin ang boyfriend niya. Hindi ko alam kung masasaktan ako o maiinis, e.
Nagulat ako ng ngumiti si Gym sa akinㅡna hindi niya naman talaga ginagawa sa akin ever since. Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung ibabalik ko ang ngiti sa kanya o ano.
"Hi, Eager..." nilahad niya sa harap ko ang palad niya para makipagkamay.
Tinitigan ko lang iyon. Naramdaman ko ang kamay ni Hunk sa magkabilang balikat ko. Magulo na siguro masyado ang buhok ko kaya sinangkop ni Hunk lahat ng buhok ko, maging ang takas na buhok at tinali.
"Hi raw, mangangalay iyan..." bulong niya sa akin.
"Hi," pilit akong ngumiti at tinanggap ko ang kamay niya.
Nang maayos na ni Hunk ang pagkakatali ng buhok ko ay umalis na siya at kumuha ng damut sa closet. Pumasok naman si Gym sa loob ng kwarto at umupo sa kama. Wala sa sarili kong sinarado ang pinto at tumabi sa kanya.
"Mag-usap kayo, okay? Maliligo muna ako dahil kanina pa ako nangangati. Kalerkey!" Aniya at nagwave bago pumasok sa CR.
Naiwan kaming dalawa ni Gym doon na tahimik. Tanging tunog lang ng ulan na tumatama sa bubong ng bahay ang naririnig at sa shower na nanggagaling sa CR kung saan naliligo si Hunk.
"Uh..." gusto kong magsalita pero wala naman akong masabi.
"Sorry..." siya na ang unang nagsalita at hinarap ako. "Sorry for everything, Eager. I was jealous and... angry. Naiinis ako dahil kahit anong gawin koㅡnamin ni Hunky ay wala akong magawa para magkatuluyan kami. You know that feeling? Iyong ipaglalaban mo ang lahat pero kahit anong gawin mong laban ay talo ka pa rin? Fuck!" Mahina iyon pero madiin niyang sabi.
Nakita ko ang pagbabadya ng luha sa mata niya pero nakikita ko rin na ginagawa ni Gym ang lahat para pigilan iyong bumagsak. Imbes na siya ang umiyak ay mas nauna pang tumulo ang luha ko sa kanya. Hindi dahil sa inis sa kanya, kung 'di dahil alam ko ang sinasabi niya. Naiintindihan ko iyong lahat. Napagdaanan ko iyon at iyon ang naging dahilan kung bakit sinasaktan ko ang sarili ko.
"I know..." bulong ko. "I know, Gym."
Somehow, parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Nakwento ko sa kanya ang nangyari sa akin noon na hindi ko maikwento-kwento sa iba. Maging si Hunky ay hindi alam iyon. Siguro dahil na rin sa parehas kami ng nararamdaman kaya may lakas ako ng loob na kwento sa kanya.
Niyakap akong mahigpit ni Gym. Pakiramdam ko ay kaibigan ko siya nang matagal na. Nagkatitigan kami. Alam kong nararamdaman din niya ang kagaanan ng pakiramdam ngayon.
"From now on, friendship na tayo, okay?" Pinunasan niya gamit ang hinalalaki niya ang luha sa pisngi ko.
"Pero at the same time, karibal kita kay Hunky!" Pabiro kong sabi.
Sasagot palang sana siya ngunit biglang lumabas sa CR si Hunk na nakatapis lang sa baba. Nagkatinginan kami ni Gym at inirapan namin ang isa't isa pero agad ding natawa. Nagulat si Hunky at nagtaas ng isang kilay sa amin.
"Am I missing something here?" Maarte niyang tanong.
"We're okay..." si Gym ang nagsagot. "More than okay."
Inayos niya ang buhok niya nang pumipitik ang bawat galaw niya. Ang g'wapo talaga ng mga baklang ito. Sayang ang lahi! Pero kung sa ganitong paraan naman sila masaya, support nalang ako. Bilang asawa ni Hunky at bilang kaibigan ni Gym.
"By the way, sleepover ang boyfie ko rito. Susunod daw si Vamp!" Ani Hunk sa akin.
Tumango lang ako. Wala ng problema roon. Lalo na saturday pa bukas, wala silang mga pasok sa trabaho. Hindi ko lang alam kung ano talaga ang gagawin nila mamayang gabi. Kung normal silang mga lalaki ay alam ko nang mag-iinom sila. Pero sa mga bakla? Ano bang ginagawa nila kapag sleepover?
Saktong pagtapos naming kumain ay 'tsaka naman ang dating ni Vamp. Inirapan pa niya ako pero nang makitang magkahawak kami ng kamay ni Gym aya agad siyang nagfreak out.
"Don't tell me, okay na kayong dalawa?" Nanlalaki ang mata niya at ang malalim niyang boses ay pinipilit niyang iipit para lang magboses babae.
"We are," tumawa si Gym.
Nagkaayos na rin kami ni Vamp. Masarap talagang magkaroon ng mga baklang kaibigan dahil ang witty nila at nakakatawa talaga sila. Nanuod lang kaming apat ng series. Pagkatapos niyon ay pumunta silang tatlo sa tukador.
"Ayaw mong sumali, mamsh?" Tanong sa akin ni Vamp.
Umiling lang ako. Magme-make up daw sila dahil may bahong bili si Vamp na mga make up. Itatry raw nila ay may kaunting pictorial pa sila na ako raw ang kukuha. Pinagmasdan ko lang silang tatlo.
Mas babae pa sila sa akin. Pulbo at lipstick lang sa akin ay ayos na. Pero may mga time rin na ang arte ko at hindi ako nakakalabas ng bahay nang hindi nakaayos ng bongga.
"Simple lang ang gusto ko, bakla. Ayaw ko ng OA!" Patiling sabi ni Gym kay Vamp.
Nilingon ako ni Hunk at nilapitan. Inabot niya sa akin ang mga make ups at lumabi sa akin. Mukhang alam ko na kung ano ang gusto nitong ipagawa sa akin kaya umupo ako ng maayos at hinarap siya.
"Gusto ko iyang ayos mo, girl. Simple lang!" Aniya.
"Malamang kasi hindi naman ako nagme-make up nang sobra." Umirap ako sa kanya at sinimulan ko nang lagyan ng make up ang mukha niya.
"Kinis ng mukha mo! Anong ginagamit mo? Iyong mga sabon ko ba?" Tanong niya habang nakatitig sa akin.
"Pikit..." utos ko sa kanya. "Oo, ang gaganda ng mga iyon. Effective!"
"Bakit sa akin, hindi?" Nakasimangot niyang sabi.
Anong hindi?! Niloloko ba ako ng isang ito? Kung tutuosin nga ay mas makinis pa ang mukha niya sa akin. Mukha pa siyang malinis at mabango. Samantalang ako ay nagmumukha ng baluga!
"Pikit sabi," inis na sabi ko nang bigla siyang nagmulat ng mata.
Tumawa siya at kinagat ang kamay kong nakapatong sa pisngi niya habang naglalagay ako ng eyeliner niya. Sa gulat ko ay nagulo ang eyeliner.
"Ayan! Ayan tuloy! Ang sutil mo kasi, e!" Inis na sabi ko.
Wala naman siyang pakielam at natawa pa lalo. Nang lagyan ko na ng lipstick ang labi niya ay ngumunguso nguso pa siya kaya nasasampal ko. Mabuti nalang at nasa mood siya at hindi niya ako minumura.
"Kiss..." aniya at ngumuso ulit.
"Kiss mo mukha mo."
Sa sinabi kong iyon ay minulat niya ang mata niya. Akala ko ay nagalit siya, ngunit mabilis na umabante ang mukha niya sa akin at napapikit ako nang tumama ang labi niya sa labi ko.
Wala sa sarili kong nilingon si Gym na nanunuod na pala sa amin. Magsasalita sana ako ngunit bigla siyang ngumiti sa akin at nag-iwas ng tingin. Tinignan kong muli si Hunk na nakapikit na ulit sa harapan ko habang nakangiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top